LOGIN"Ano? Wala kang mahanap tungkol sa pagkatao ng babaeng yun?” Ulit na tanong ni Westley kay Arwin.
“Sorry boss, pero sa isang linggo na pag-iimbestiga ko. Wala kahit kaunting impormasyon akong nakuha. Kahit doon sa babaeng nagnakaw ng brep niyo.” Kamot ulo niyang sagot. Napabuntong hininga si Westley at tumayo mula sa kanyang swivel chair at humarap sa salamin na wall ng opisina niya. “Arwin, gusto kitang tanungin. Sa tingin mo? Ano kaya ang dahilan kaya hindi mo mahanap ang pagkakakilanlan ng taong pinapahanap ko sa’yo? Sa lahat ng inutos ko sa'yo. Ngayon ka lang sumablay hindi kaya?” Lumingon siya kay Arwin at mariin niya itong tinignan. Napa-angat ng tingin si Arwin sa kanya. “Boss, kung iniisip niyo na hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko. Kahit magtanong kayo kay Brayan. Halos napupuyat na nga kami sa pag-iisip at pagkalap ng impormasyon tungkol sa babaeng nagnakaw ng brep niyo–” “Can you please, huwag mo nang ulit-ulitin?” “Alin po? Yung magnanakaw or Yung brep niyo?” “Both!” nauubusang pasensya na sagot niya. “Sorry boss, kahit doon sa Axanthe Velasquez wala rin kaming makalap. Yung CCTV ng building wala rin akong makuha na kopya.” katwiran niya. Malalim na napaisip si Westley, alam niyang magaling si Arwin sa paghahanap ng tao. Kaya hindi niya pinagdududahan ang kakayahan nito. Ngunit kung wala itong makalap na impormasyon. Mabuti pang ipatigil na lang muna niya ang paghahanap. At mag-focus muna siya kay Eliazar. “Okay, sa ngayon huminto ka muna sa paghahanap sa dalawang yun. For sure naman kung talagang interesado sila sa akin. Hindi sila titigil at gagawa sila ng paraan upang malapitan ulit ako. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Ipapatawag ko na lang kayo ni Brayan kapag nagparamdam na ulit sila.” Ani ni Westley sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito. Paglabas ni Arwin ay nasalubong nito si Brandon ang isa rin sa kaibigan ni Westley “Anong nangyari sayo? Bakit ang daming basura sa desk mo?” Nagtatakang tanong ni Brandon at akmang dadampot ng isang lukot na papel ngunit mabilis na iniwas ito ni Westley. “This is mine!” “Ha? Hindi ko naman inaangkin kung maka-agaw ka parang may mababasa akong love letter diyan ah?” Patay malisya na binaba ni Westley ang trash bin sa ilalim ng mesa. “Nahihiwagaan na talaga ako sayo Westley. Okay ka pa ba? Simula noong ninakawan ka ng brep–” “Okay lang ako!” Nauubusan na pasensya niyang sabi kay Brandon. “Relax, ang bilis mo naman mainis. Alam mo bang nakakatakot ka kapag nagagalit?” Kinalma ni Westley ang sarili. Hindi niya talaga mapigilan ang mainis dahil hindi niya mahanap ang dalawang babaeng gumugulo sa kanyang isip. “Huwag na natin pag-usapan yun. Ano ba ang sadya mo?” “May pool party sa bahay nila Angel mamaya, gusto mong sumama? Maraming chicks doon.” Ani ni Brandon. “Okay, kailangan ko din mag-unwind at stress na ako.” pagpayag niya. “Yun! Mabuti naman. Antayin ka namin mamaya. Pero bago ako umalis. Pasilip muna ng tinatago mo diyan.” nakangising sabi nito. “Therese, magpapasok ka ng security.” utos ni Westley sa voice receiver na nasa ibabaw ng kanyang table. “Aalis na nga! You're really scary.” reklamo ni Brandon pagkatapos ay kumaway pa ito bago umalis. Napabuntong hininga siya at naupo sa swivel chair. Kumuha siya ng isang lukot na papel at isa-isa na naman niyang binasa ang nakasulat dito. Hangang sa natagpuan na lamang niya ang sariling tumatawa. “Therese, okay lang ba si sir?” nagtatakang tanong ng kanyang staff na papasok sana sa opisina nito ngunit narinig niya itong tumatawa. “Actually isang linggo na siyang ganyan. Nasanay na lang ako. Minsan nga sinasabayan ko na siya para may kasamang tumawa.” naiiling na sabi ni Therese. “Nakakatakot naman baka sinasapian na si Sir. Magpatawas kaya tayo?” “Anong meron? sinong magpapatawas?” Nanlaki ang mata ng dalawa nang marinig nila si Westley. “Y-yung kapitbahay namin sir! Para kasing sinasapian!” katwiran ni Fatima. “Naniniwala naman kayo sa ganun? Ipatingin niyo sa totoong doctor.” Seryosong sabi nito at pagkatapos ay pumasok na ulit sa loob ng opisina. “Nagawan ko na nang paraan para hindi ka mahanap ni Westley. Kaya dumito ka muna. Hindi ka niya matutunton kung nasa puder kita.” Ani ni Ms. Fushia. Sinabi kasi ni Xanthe na titigil na siyang magsulat ng love letter dahil muntikan na siyang mahuli nito kaya kinailangan din niyang maghanap ng bagong matutuluyan at naging maagap naman si Ms. Fushia na ipasundo siya. “Malaki naman ang bahay ko kaya puwedeng-puwede ka dito. Mas mabuti na rin yun para mabasa ko ang gawa mong love letters. Siguro napaka-sweet ng pagkakasulat mo kaya pinahanap ka na niya agad.” Nakangiting sabi ni Ms. Fushia. Sa ilang linggo ay nakikita na niya ang unti-unting pagbabago ng pangangatawan at itsura nito. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Pero para sa kanya, mas mabuti na rin talaga na dumito siya nang sa ganun ay hindi na siya mangamba na baka mapuntahan siya ulit ng lalaking yun. “Gagawa ba ulit ako ng love letter?” usisa ni Xanthe sa kanya. “Sa ngayon huwag muna, samahan mo muna akong pumarty.” “Miss, Fushia. Hindi ako sanay pumarty. Dito na lamang ako–” “Pinsan ko ang pupuntahan natin, ipapakilala din kita sa kanya. Tamang-tama marami akong two piece na bagong bili. Baka magkasya sayo. At isa pa, may ipapanakaw ako sa’yo.” Nakangiti nitong sabi na ikinakunot ng noo niya. “Pinsan niyo? Pagnanakawan natin?” nagtatakang tanong niya. “Si Angel ay may gusto din Kay Westley noon pang highschool sila. Nauna din silang nagkakilala at gaya ko. Hinahabol pa rin niya ito. Gusto kong kunin mo ang basketball jersey shirt na niregalo ni Westley sa kanya.” paliwanag ni Miss Fushia. “Paano ko naman malalaman kung anong itsura ng jersey na pinapakuha niyo?” “Madali lang, nakasabit yun sa wall at nakalagay sa picture frame gaya ng mga collections ko.” Napasinghap si Xanthe. Hindi na pagkagusto sa isang lalaki ang tingin niyang nararamdaman ni Ms. Fushia kundi obsessi0n na at hindi maganda ito para sa isang tao. “Madam, puwede bang sexy short na lang suotin ko? Kaunting kibot ko lang dine parang sisilip na ang tahong ko eh.” reklamo ni Xanthe nang ibigay nito ang two piece bikini na kulay red wine. “Hindi yan, ang sexy mo nga kapag sinuot mo yan. Saka pool party ang pupuntahan natin. Natural lang na yan ang suotin mo. Kung naiilang ka puwede kang magtapis nito.” Inabot sa kanya ang see through na pangtapis ng beywang. Napabuntong hininga si Xanthe. “Madam, para naman akong lalaban nito sa calendar girl. Rushguard na lang kaya?” “Okay na yan! Sige na suotin mo na at patungan mo na lang ng t-shirt at short. Huwag ka nang maarte!” Litanya nito. Wala siyang nagawa kundi bitbitin ang bikini na binigay nito. Pagkatapos ay sinuot na rin niya ito. Upang patungan ng short at t-shirt. Nang mahanda na niya ang sarili ay tinawag na siya ni Ms. Fushia dahil aalis na sila. Wala pang twenty minutes ay narating na nila ang bahay ni Angel. Gaya ni Miss Fushia ay super yaman din nito. Malawak ang parking space at dinig na dinig niya ang malakas na music na nagaganap sa party. “Siguradong magugulat si Angel kapag nakita niyang pumapayat na ako. Ilang session pa, diet at exercise magiging sexy na ako!” Bulalas ni Ms. Fushia kay Xanthe. Maganda naman ito parang mestiza kaya hindi malabong mas maganda ito kung payat. At di malabong magustuhan ito ni Westley kapag pumayat na ito ng husto pero buwan pa ang bibilangin at himala para mangyari yun. Ang kinatutuwa lang ni Xanthe. Kahit mataba ito ay confident parin itong magsuot ng two piece dahil may korte naman ito kahit paano at makinis din. “Angel!!!” Salubong niya sa kanyang pinsan. “Fushia? Ikaw na ba yan?!” Bulalas nito. Gaya ni Miss Fushia ay maganda din ang genes nitong si Angel. Hindi na nakakapagtaka kung maganda rin ito. “Yes, this is me! Nagbabagong buhay na ako dahil malapit na akong ikasal kaya kailangan ko nang magpaseksi!” Ani ni Ms. Fushia. “Ikasal? Kanino? Naka-move on ka na pala Kay Westley?” Ani ni Angel sa kanya. “Secret for now…ipapakilala ko pala sayo si Xan, bff ko. At ihahanap ko ng boyfriend dito okay lang ba?” “Ahhh siya yung kinukwento mong isasama mo? Ani ni Angel. “Oo.” Ngumiti si Xanthe sa kanya at ganun din si Angel at nagkamay pa silang dalawa. “By the way yung regalo ko nasa compartment ipapadala ko na lang sa driver ko.” “Okay lang, enjoy kayong dalawa. Punta na lang kayo sa guest room para makapagbihis na rin kayo.” nakangiting sabi ni Angel sa kanila at nagpaalam na rin sila para umakyat sa guest room. “Mabait din pala ang pinsan mo Miss Fushia.” Ani ni Xanthe habang pa-akyat sila sa room nila. “Oo naman, mabait naman kaming lahat. At kahit na iisang lalaki lang gusto namin. Hindi kami nag-aaway. We do it professionally. Still we know how to stand. But, sa akin naman talaga ang jersey na yun mapupunta kaya lang naagaw niya sa akin dahil nahiya akong makipag-agawan sa kanya that time dahil nakatingin si Westley nang ihagis niya sa amin ang Jersey na yun at ako ang unang nakahawak. Mataba rin ako noong time na yun at mababa ang self esteem ko.” Paliwanag ni Miss Fushia sa kanya. Pagkarating nila sa kuwarto ay nagbihis na silang dalawa at sumali sa party. “Oh my god! Westley?!” Irit ni Angel nang makita niyang parating si Westley at mga kaibigan nito. “Hi Angel, pasensya na kung ginabi na kami. Hinintay pa kasi namin si Westley.” Ani ni Brandon. “Okay lang, hanggang madaling araw pa naman ang party ko. Kakaunti na rin ang mga bisita ko kaya hindi na gaanong crowded. Halikayo sa loob!” Masayang aya ni Angel sa kanila at pinapasok niya ito sa loob ng bahay. “Napansin agad ng mga bisita ang presensiya nilang tatlo dahil sa lakas ng dating nila. Black pants at long sleeve polo dark royal blue na tiniklop sa siko ang suot ni Westley samantalang summer polo naman sa dalawa. “Ang daming sexy.” Bulong ni Brandon sa kanilang dalawa habang naglalakad. “Kalma ka lang Brandon, masyado kang halata.” saway ni Thirdy sa kanya. “Anong gusto niyong inumin? Puwede kayong magrequest sa bartender namin. Or gusto niyo bang magbihis at sumali sa bubble pool party? Masaya yun!” Ani ni Angel na sinang-ayunan ng mga kasama niyang babae. “Okay na ako dito.” Seryosong Sabi ni Westley at tumunga ng whisky. “Kami na lang doon! Maiwan ka na namin kay Angel.” Ani ni Brandon at nagmadaling umalis kasama si Thirdy pati ng ibang girls. “Single ka pa rin diba?” Nakangiting tanong ni Angel habang naka-upo sa mataas na upuan katabi niya. “Oo.” tipid na sagot ni Westley sa kanya. “Really? Mabuti naman, ako din. Hindi kaya tayo talaga ang para sa isa’t-isa?” Bumaling ng tingin sa kanya si Westley. Alam niyang matagal na itong may gusto sa kanya. Pero hindi naman ganito ang tipo niyang babae. Kung hindi lang sa pamimilit ng dalawa ay matutulog na lamang siya sa bahay niya. “Aloof ka pa rin hangang ngayon, hindi ka ba nalulungkot? Parang ang boring ng love life natin ano? Mataas kasi ang standard ko kaya ang hirap magkaroon ng boyfriend. Eh ikaw ba?” tanong ni Angel sa kanya. “Baog ako kaya ayokong mag-asawa–” “What–ahhh!!! Oh my god!” Nabitawan niya ang hawak niyang ladies drink at dumerecho sa suot niyang two piece dahil nagulat siya sa sinabi nito. “Sorry, mamaya na ulit tayo mag-usap. Magpapalit lang ako.” Ani ni Angel at pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan siya. Tangan ang isang baso ng whisky ay tumayo si Westley upang silipin sa terrace ang dalawa. Panigurado niyang kaliwa’t-kanan na naman ang babae ng dalawang yun. Naiiling niyang tinignan ang dalawa niyang kaibigan na aliw na aliw sa mga babaeng nakapaligid sa kanila. Akmang babalik na siya sa upuan nang mahagip ng tingin niya ang babaeng nakadi-kuwatro at nakaupo sa tabi ng pool. Naka-straight body at tahimik na sumisimsim ng alak habang nilalaro ng isang kamay niya ang bubbles mula sa pool. Napansin niya ang nakatali at itim na buhok nito. “Westley, kung ano-ano na lamang ang na-iimagine mo.” usal ni Westley sa sarili. Uminom ulit ang babae at inubos ang laman ng baso niya kaya napa-angat ito ng mukha at natigilan siya nang makita niya ang mukha nito. Tumayo ito at mabining lumakad palayo sa pool. Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley. “Nakita din kita.”WARNING: THIS SCENES MAY TRIGGERED YOUR SENSITIVITY. READING WITH RESTRICTION IS ADVICE. Gamit ang Kawasaki Ninja H2 Carbon big bike motorcycle ay sabay na sumakay si Westley at Xanthe upang puntahan ang lokasyon ng anak ni Marites. Ang babaeng nagtangka sa buhay ni Ms. Fushia. Sa isang lumang gusali sila dinala ng informer nila. Ternong all black with hodie jacket ang parehong suot ng dalawa at nagsuot din sila ng facemask upang hindi sila makilala.Sa abandonadong eskinita kung saan may mga bahay at nakahanda nang i-demolish ang itinuro ng kanyang mga tauhan ang lokasyon ng batang kailangan nilang iligtas. Nakatunog daw ata ang mga ito kaya binihag nang tuluyan ang mga bata. “Lord Spade kailangan niyo ba ng back up?” tanong ni Mason habang kausap niya ito sa bluetooth na connected sa phone niya.“No need kaya na namin ito.” Ani ni Westley at pagkatapos ay ini-off ang tawag. Itinigil nila ang motorcycle sa gitna ng kalsada. Nakakabinging katahimikan ang naririnig nila.“Xan—”“Ssh
Papalubog na ang araw nang makauwi si Xanthe. Nadatnan niya ang sasakyan ni Westley sa labas ng mansion kaya alam niyang nakabalik na ito.“Hon, diba sinabi ko na sayong huwag ka nang magpapakita sa babaeng yun?” giit niya na ikinaseryoso ng mukha ni Xanthe.“Umamin ka sa akin, may inutusan ka bang ipapatay si Ms. Fushia?” seryosong tanong niya.“What? At bakit ko naman gagawin yun?” may pagtatakang tanong nito.“Ipasok niyo siya!”Napunta sa mga tauhan niyang pumasok sa pinto at may dalang nakataling babae at panay ang piglas nito.“Who’s she?” ani ni Westley.“Sabi niya ikaw daw ang nag-utos sa kanyang tapusin si Ms. Fushia.”“What? At bakit ko naman gagawin yun?”Bumaling si Xanthe sa babaeng matalim ang tingin sa kanila.“Si Westley ba ang nag-utos sayo?” kalmadong tanong ni Xanthe. Ngunit hindi ito sumagot at nanatiling nakaluhod sa sahig habang nakatali ang dalawang kamay sa likod.“Mason!” tawag ni Westley sa kanyang tauhan.“Torture her para umamin,” utos ni Westley.Kinaladka
Kakatapos lang maligo ni Xanthe nang tumunog ang phone niya. Inisip niyang baka si Westley na yun at nakarating na sa Hongkong kaya ito tumawag ngunit nang makita niya ang number ay nagdalawang isip na siyang sagutin ito. Binilinan kasi siya ni Westley na huwag na makikipagkita kay Ms. Fushia. Ngunit kung hindi niya gagawin yun ay lalo lamang itong magdududa at gagawa ng paraan para mahanap siya. Kaya dinampot niya ang phone at sinagot ang tawag nito.“Hi! Ms. Xhan!” bungad agad na bati nito sa kanya.“Ms. Fusha, napatawag ka?”“Gusto ko sanang magpasama sa’yo eh. Birthday ko na kasi sa isang araw. Kaya lang gusto kong Samahan mo akong bumili ng sapatos at dress. Magpapasalon din ako, kapag sumama ka ipagsa-shoping din kita at ipagpapasalon promise!” alok nito sa kanya.“Ah…kasi busy ako eh—”“Ah ganun ba? Nakakalungkot naman…pasensya ka na ha? Wala kasi akong ibang matatawagan bukod sayo. Alam mo naman wala akong ibang friends. Pero sige, kaya ko naman mag-isa. Sanay na ako…salamat
Napa-angat ng tingin sa hagdan si Westley pagkababa ni Xanthe. Napangiti siya nang makitang napakaganda nito at simple sa suot na dress na hangang tuhod ang haba.“Hon, saan ka pupunta?” usisa ni Westley nang makababa si Xanthe“Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko, at mamimili din ako ng mga gamit ng mga bata para sa pasukan.” Hinapit nito ang kanyang manipis na beywang at kinintalan ng halik sa noo.“Sasama ako.”“Ano? Bakit ka naman sasama?” kunot noo na tanong nito sa kanya. Hindi niya ito puwedeng isama dahil baka masabunutan siya ni Ms. Fushia kapag nalaman nito ang totoo.“Huwag ka nang sumama, sandali lang naman ako.”“Hmmmm…okay, basta magdala ka ng bodyguard.”Tinulak niya si Westley sa dibdib.“Bodyguard? Hon, hindi ko kailangan ng bodyguard.” Inis na sabi niya sa asawa.“Hon, I’m just prioritizing your safety, kapag hindi ka pumayag ako na lang ang sasama.”“Huwag na! Sige na, bodyguard na lang!” giit niya dahil baka lalo lamang silang magtalo kapag hindi siya pumayag s
Nang magising si Xanthe ay tirik na ang araw, nahuli niyang nakatitig sa kanya si Westley. Kaya kumunot ang noo niya. “Kanina ka pa gising?” inaantok pa niyang tanong sabay balik ng kumot sa kanyang mukha. “Twenty minutes ago.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Ibinaba niya ang kumot at sinalubong ang guwapong mukha ni Westley. “So, twenty minutes ka nang nakatitig sa akin? Bakit? Binibilang mo ba kung ilang chikinini ang nilagay mo sa katawan ko?”Hinapit nito ang kanyang beywang at ipinaunan siya sa braso nito.“Hindi lang yun, hindi lang ako makapaniwala na yakap-yakap kita ngayon at kasama sa iisang kama.” May ngiti sa labi na sabi ni westley sabay halik sa kanyang noo. Kahit paano ay napangiti siya sa sinabi nito.“Ako din, feeling ko hindi rin totoo. Hindi ako makapaniwalang malaya na ako sa Wang clan.” Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang guwapong mukha ni Westley.“Oh, bakit ikaw naman ang nakatitig sa akin?” tanong niya at hinawi ang buhok papunta sa likod ng tenga ni
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang sagupaan ng Wang Clan, Zion at ng kanyang mga tauhan at ni Lord Spade. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni Westley ang nangyari sa kanyang asawa. Hindi pa rin niya magawang makatulog dahil palagi niyang napapanagipan ang sandaling yun. At masakit pa rin para sa kanya na Wala man lang siyang nagawa para iligtas ito. Ngunit kailangan niyang magpakatatag kahit ang totoo sa tuwing nakikita niya itong nakaratay sa kama na wala pa ring malay. Kung wala ang kanyang mga kaibigan at kapatid baka hindi na niya kinaya pa. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Alam niyang hindi siya basta na lamang iiwan ni Xanthe. Alam niyang tumitibok pa rin ang puso nito para sa kanya at naghihintay lang na maghilom ang lahat ng sugat na dulot ng nangyaring laban.Binigyan ng maayos na libing ng mga natirang Wang Clan ang kanilang pinuno at ang Ilan pang napaslang na kamag-anak nila. Habang dinala naman ni Mr. Tang ang abo ni Deo pabalik ng China upang d







