TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

last updateLast Updated : 2025-09-27
By:  NanamiOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
63Chapters
494views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Naglalakad na mag-isa habang tinatahak ni Dahlia ang daan ng kanilang magulo at maruming kalye upang pumunta sa kaniyang ama. Sanay na ito sa may pagkamahaba-habang lakaran dahil wala naman itong pamasahe papunta roon.

Nakangiti at maayos ang pananamit ni Dahlia dahil sa iniregalo ng kaniyang amang si Gregorio sa kaniya noon. Gusto niyang makita siya nitong maayos kahit na nakatira lamang siya sa iskwater area.

Ilan pa'ng minuto ang lumipas nang matapat na siya sa isang malaki at magarang gate. Dahil kilala siya ng bawat nakabantay na guard doon, kusa siya nitong pinapapasok. Palagi niyang nararamdaman ang excite sa tuwing pupunta siya sa mansyon ng ama dahil makikita niya na naman ito.

"Dahlia, hija. Mabuti't nakarating ka nang maayos," sabi ng ama ni Dahlia na si Gregorio nang salubungin siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Teka, anong sinakyan mo?" tanong pa nito. Hindi nakaimik si Dahlia at tanging isang ngiti ang ibinato sa kaniyang ama. "Hmm... Naglakad ka na naman?"

Unti-unting tumango si Dahlia bilang pagtugon sa kaniyang ama. "Ikaw naman. Sinabi ko sa 'yo na mag-commute ka at ako na ang bahalang magbayad e. O sige, halika rito sa loob. Kumain ka muna at may mga pinahanda ako para sa 'yo. Mamaya, iuwi mo lahat ng grocery na ipinabili ko," sabi pa ni Gregorio at saka sinamahan ang anak upang makarating sa kusina.

Si Dahlia ay anak sa labas ni Gregorio. Nabuntis nito si Felina noong naglasing siya sa club dahil sa problema sa kaniyang asawa na si Abella. Pinanagutan ni Gregorio ang anak kahit na ayaw ni Felina na tumira ito sa mansyon niya.

Habang hinahainan ni Gregorio si Dahlia, dahan-dahan namang bumaba sa hagdan sina Sonia at ang nakababata nitong kapatid na lalaki na si Semir. Nagtinginan ang magkapatid dahil sa inis kay Dahlia. Inggit ang dalawa dahil hindi malapit ang kanilang ama sa kaniya.

"Itay, kumain na rin po kayo. Sabayan niyo na po ako," sabi ni Dahlia sa kaniyang ama habang hinihila ito upang umupo sa isang upuan.

"Para sa 'yo 'yan, Dahlia. Kainin mo lahat 'yan. Dapat busog ka," sabi naman ni Gregorio. Nagtatawanan ang mag-ama at bakas ang sabik nila sa isa't isa habang ang dalawa ay palihim pa ring nakatitig sa kanila.

Sa iilan pang oras na pananatili ni Dahlia sa piling ng kaniyang ama, ibinuhos ni Gregorio ang oras para dito. Kasalukuyang nagpapahinga silang dalawa habang si Dahlia ay nakangiti. Napayakap na lang siya sa kaniyang ama dahil sa ibinibigay sa kaniya na buong pagmamahal nito.

Napatingin na lang si Dahlia sa kung saan nang marinig niya ang boses ng asawa ng kaniyang ama na si Abella. Ayaw na ayaw pa naman nitong nakikita si Dahlia dahil anak lamang ito sa labas.

"Greg? Greg? Gr--" nahinto na lang bigla si Abella nang makita niya si Dahlia na katabi ang kaniyang mister. "At anong ginagawa mo ritong hampaslupa ka?" tanong nito kay Dahlia at mabilis nitong hinablot ang kamay ng bata. Dahil sa daing ni Dahlia dahilan kaya't nagising si Gregorio at nakita ang ginagawa ng kaniyang asawa.

"Abella! Abella," tawag ni Gregorio sa asawa sabay kuha sa kaniyang anak. "Bakit mo naman sinasaktan si Dahlia? Wala namang ginagawang masama ang bata ah?" tanong pa nito.

"Greg, anak mo sa labas 'yang batang 'yan. Hindi siya nararapat na makatapak sa mansyon natin. Mayaman tayo at mahirap lang 'yang lintek na batang 'yan. Ibalik mo na 'yang hampaslupa na 'yan sa nanay niyang malandi!" sabi ni Abella. Dahil sa bigla ay nasampal ni Gregorio ang asawa. Nabigla si Abella sa kaniyang naranasan.

"Oo, anak ko sa labas si Dahlia. Pero anak ko pa rin siya. At wala kang karapatan na husgasan ang kung sinong tao, Abella, dahil wala kang karapatan," depensa naman ni Gregorio. Natawa na lang si Abella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit mo ba ipinagtatanggol yung babaeng 'yon, ha? Bakit? Sino ba siya sa 'yo?" tanong ni Abella. Dahil sa ingay ng mag-asawa, bumaba na lang bigla ang kanilang dalawang anak na si Sonia at Semir saka niyakap ang kanilang ina. "Tignan mo ang mga anak natin, Greg, hindi mo sila nabibigyan ng oras. Mas inaalagaan at mas pinahahalagahan mo pa 'yang anak mo sa labas."

"Husto na, Abella! Husto na!" sigaw ni Greg at saka napatingin sa kaniyang mga anak. "Ako na lang ang saktan mo, h'wag lang si Dahlia. Sa oras na hawakan at pagbuhatan mo ng kamay ang anak ko, ako mismo ang makakalaban mo," pagbabanta pa ni Gregorio bago sila umalis ni Dahlia. Naiwan si Abella na humihinga nang malalim sa inis habang ang dalawa nilang anak ay napapaiyak na lang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
63 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status