Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
Lihat lebih banyakChapter One
Third Person Point of View
Habang mag-isa si Zhai sa kanyang silid, malalim ang iniisip nito. Hindi niya maiwasang balikan ang isang bahagi ng kanyang nakaraan—isang alaala na kailanma’y hindi kumupas sa kanyang isipan.
Throwback
“Papa…” umiiyak na tawag ng limang taong gulang na si Jhai habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng shirt ng kanyang ama.
Nagmamadali si Lion noon—wala nang oras. Alam niyang anumang saglit ay matatagpuan na sila ng kanyang mga kaaway.
“Lion! Yuhoo! Lumabas ka na riyan sa pinagtataguan mo!” sigaw ng lalaking marahas na pumasok sa kanilang tahanan.
Takot na takot si Jhai. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lumuluhang napayakap siya sa kanyang ama habang nanginginig ang katawan.
“Anak… Jhai, makinig ka kay Papa,” mahinahong sabi ni Lion habang pinupunasan ang luha ng anak.
“Huwag kang lalabas dito, kahit anong mangyari.”“Papa, natatakot po ako…” nanginginig na sagot ni Jhai.
Ramdam ni Lion ang kaba at takot sa kanyang anak. Hinawakan niya ito sa balikat at tumitig sa mga mata nito.
“Anak, hangga’t buhay si Papa, hinding-hindi kita pababayaan. Ngunit kung sakali man… ito, ingatan mo.”
Iniabot niya ang dalawang katana.“Po? Ano po ito?” inosenteng tanong ni Jhai.
“Ito ang aking katana… at ang isa ay kay Lolo mo. Simula sa araw na ito, ipinagkakaloob ko sa iyo ang dalawang katana bilang bagong pinuno ng ating samahan. Tradisyon ito, anak. Sa oras ng panganib, kailangang may tagapagmana. Pag-ingatan mo ito. Huwag mong pababayaan.”
Hindi makasagot si Jhai. Tanging “Papa…” lamang ang naibulalas niya habang nanlalambot sa takot.
Pinipilit ni Lion na manatiling matatag. Ayaw niyang makita ng anak ang kanyang pangamba.
“Tandaan mo, anak… mahal na mahal ka ni Mama at Papa. Lumaki kang may dangal at prinsipyo. Magpakatatag ka kahit wala na kami. Alagaan mo ang ating nasasakupan. Magpakalakas ka para sa kanila.”
Hinaplos ni Lion ang pisngi ng anak, saka idinagdag, “Ipitin mo ang bibig mo. Huwag kang iiyak. Huwag kang lalabas, kahit anong marinig o makita mo.”
Dahan-dahan niyang isinilid si Jhai sa loob ng isang lihim na kabinet—espesyal na inihanda para sa ganitong pagkakataon. Saka niya kinandado ito.
Kinuha ni Lion ang kanyang katana at matapang na hinarap ang mga kalaban.
“Nandito ka lang pala! Pinahirapan mo pa akong maghanap!” galit na sigaw ng lalaking sumugod sa kanya.
“Gawin mo na ang gusto mo. Kahit mamatay ako, wala kang mahihita sa akin,” mariing sagot ni Lion.
Bigla siyang sinaktan ng marahas. Bugbog ang katawan, duguan. Kitang-kita ito ng batang Jhai mula sa siwang ng kabinet. Pigil man ang iyak, hindi niya kayang panoorin ang nangyayari.
Namumuo ang galit sa murang damdamin ng bata, at ramdam ito ni Lion.
“Hindi pa panahon!” sigaw ni Lion, isang senyas para sa anak na pigilan ang sariling damdamin.
“Papa…” bulong ni Jhai. Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi siya lumabas, kahit na gusto niyang tulungan ang ama.
Lumapit ang kalaban kay Lion, marahas na hinila ang buhok nito.
“Sumuko ka na. Pirmahan mo ang kasunduang ito. Ikakasal ang anak mo sa anak ko—kapalit, bubuhayin ko siya.”
Ngumisi si Lion.
“Ang nakatakda para sa anak ko ay hindi mo anak. At huli ka na. May bago nang pinuno ang samahan.”“Wala kang kwenta! Kahit patayin kita, ako pa rin ang magwawagi!”
“Hindi! Kahit kailan ay hindi mapapasakamay mo ang samahan. Naipasa ko na ang lahat sa tagapagmana—at siya ang magtatapos sa kasamaan mo!”
Sa tindi ng galit ng kalaban, pinaulanan siya ng bala. Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Jhai—ang bawat tama, ang bawat patak ng dugo.
Dalawang kamay na ni Jhai ang hawak sa katana. Nanginginig, ngunit pinipigilan ang sarili. Nangako siya sa kanyang ama—hindi siya lalabas.
Tumigil ang putukan. Muling nagtanong ang kalaban.
“Nasaan ang anak mo?”
Tahimik si Lion. Ilang ulit pa siyang pinahirapan hanggang mapansin ng kalaban ang kabinet.
Nakita ni Lion iyon. Alam niyang nasa panganib na si Jhai. Kahit sugatan, pinilit niyang pigilan ang kalaban.
Ngunit biglang…
“Wiw... wiw... wiw...” —tunog ng paparating na police mobile.
“Boss, paakyat na ang mga pulis!”
“Tsk. Pagsinuswerte ka nga naman, Lion. Babalikan ko ang anak mo.”
Dumating ang mga pulis kasama ang matalik na kaibigan ni Lion—si Rodger. Nahuli na sila. Patay na si Jhai’s mama. Agad niyang hinanap ang mag-ama.
“Pare! Sumagot ka!” sigaw ni Rodger.
Narinig siya ni Lion. Dahan-dahan siyang gumapang, pilit gumawa ng ingay.
Lumapit si Rodger.
“Pare! Sino ang may gawa nito?”
“Pa… pare… pakisuyo… ilayo mo… ang anak ko,” hingal at luha ang kapalit ng bawat salita.
“Saan mo siya itinago?”
“Cabinet… Rood… andoon siya…”
“Nangangako ako. Pero sino ang may gawa nito?”
“Si… si… Blu…” —iyon ang huling salitang lumabas sa kanyang bibig bago siya tuluyang nalagutan ng hininga.
“Hindi, pare! Huwag ka! Gumising ka!” iyak ni Rodger habang niyayanig ang katawan ng kaibigan.
Tinayo siya ng mga pulis. Binuksan niya ang kabinet… At naroon si Jhai—mahigpit na yakap ang katana, matalim ang titig, umaagos ang luha.
“Hiha…” mahinang tawag ni Rodger.
“Huwag kayong lalapit!” sigaw ng bata.
“Hiha… kaibigan ako ng Papa mo. Hindi kita sasaktan,” maamo niyang sabi.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakuha ni Rodger ang tiwala ng bata. Karga niya ito at dinala sa bahay ng lolo nito, kung saan apat na tauhan ni Lion ang naghihintay.
---
“Pinatay nila ang Papa ko! Pagbabayaran nila iyon!” matapang na pahayag ni Jhai.
“Hiha… darating ang panahon. Pero ayaw ng Papa mong makita kang puno ng galit. Dalhin mo sa puso ang kanyang mga pangaral.”
Lumingon si Rodger kay Senko.
“Senko, may iniwang sulat si Lion sa loob ng katana. Ikaw na ang bahala sa lahat.”
Tumango si Senko.
“Makakaasa ka, Boss Rodger. Aalagan namin siya. Paglilingkuran namin siya tulad ng ama niya. Handa kaming mamatay para sa kanya.”Napangiti si Rodger. Panatag na ang kanyang loob.
“Huwag ka na umiyak, Hiha. Ligtas ka na rito. Alam kong hindi ka nila pababayaan… at darating ang oras—muling magkikita tayo.”
Dahil sa matapang at matapat na mga salita ni Zhaine, tila natauhan ang ilang estudyante. Hinabol nila siya sa labas.“Ms. Tuazon, sandali lang! Saan ka pupunta?!” sigaw nila habang tinatakbo siya.Ngunit hindi na siya lumingon. Dahil sa kagustuhang mapigilan ang gulo, nagmamadali siyang nagtungo sa lugar na tinumbok nina Kenn.Nagpunta sina Kenn, Jerry, at Xian sa isang bakanteng lote—tambayan ng mga estudyanteng nambugbog kay Xian.“Tingnan mo nga naman, sumugod ang mga taga-kabilang school! Naawa ba kayo sa lampang ‘yan?” pang-aasar ng lider ng kabilang grupo.“Ah, lampa pala, ha?!” sigaw ni Kenn. At walang pasabing sinugod nila ang mga ito—basagan ng ulo, suntukan, at sipa.Ngunit nagulat sila. Marami palang kasama ang kabilang grupo—handa na ang mga ito.“Hindi maaari! Naisahan tayo, mga pare!” sambit ni Kenn habang bugbog sarado silang tatlo.“Ano sa akala niyo? Na lalaban kami ng patas? Tatlo lang kayo tapos sumugod kayo rito?” dagdag pa ng lider ng kabilang grupo, may halong
Third Person POVAkala ni Zhaine ay tapos na ang laban, ngunit isang estudyante pa ang naglakas-loob na kumuha ng kahoy upang ihampas sa kanya. Kahit nakatalikod siya, agad niya itong naramdaman at nasalo. Mabilis siyang lumingon at tiningnan ng malalim ang estudyanteng may hawak ng pamalo. Sa isang titig lang mula sa kanyang Lion eye, napaupo ito sa takot.Sa kanyang matalim na mga mata pa lang, talagang magdadalawang-isip ka nang lumapit.Nang magsitakbuhan na ang mga estudyanteng umatake sa kanya, inihagis niya pabalik ang pamalo sa isa sa mga ito—ngunit mas pinili nitong tumakbo sa takot.Pagkaalis nila, bigla namang nawalan ng malay si Xian. Dito na muling bumalik si Jhai sa pagiging Zhaine. Maingat niyang nilinis ang mga pasa at sugat nito habang hinihintay na magising.“Ms. Tuazon?!” gulat na tanong ni Xian nang magising.“Bakit di mo kasama mga barkada mo?” tanong ni Zhaine.“Nagkataon lang. Mga duwag kasi 'yung mga 'yon. Tyempuhan na ako lang ang naiwan,” sagot ni Xian.Nang
"Good morning, guys."Nakangiting bati ko sa kanilang lahat habang humarap sa klase ng Section 12-D.Pagpasok pa lang niya sa silid, napa-kunot noo siya. Magulo ang paligid, may mga sirang upuan, kalat sa sahig, at parang walang respeto sa eskwelahan ang mga estudyante."Kaya siguro walang tumatagal sa mga ‘to. Pero tignan lang natin kung gaano katapang ang mga ‘yan," bulong niya sa sarili habang nililibot ang buong classroom.Lahat ng estudyante ay napatingin sa kanya. Hindi sila makapaniwala na siya ang magiging adviser nila. Ang inaasahan nila ay yung bagong guro na sexy at moderno ang dating."Ay! Akala ko yung sexy na teacher kanina! Hahaha! Siguro wala na silang maipadala kaya itong weirdong old-fashioned na babae ang napunta sa atin," pang-iinsulto ni Joric, na sinabayan ng halakhakan ng buong klase.Nakaramdam ng kirot si Zhaine, pero pilit niyang kinalma ang sarili."Relax, Jhai… akala mo kung sinong mga gwapo. Mas maganda pa ako sa inaasahan nila."Biglang tumayo si Axl at l
Zhai POVTwenty Years Later..."Boss, may dumating na sulat galing sa isang academy," masayang balita ni Senko habang hawak ang liham.Kagigising pa lamang ni Jhai noon. Agad niyang kinuha ang sulat at binasa ito. Sa sobrang tuwa, hindi niya namalayang halos masakal na niya si Senko sa yakap."Boss... sandali lang..." ani Senko habang ngiwi."Oops! Sorry! Masaya lang talaga ako, Senko. Sa wakas, matutupad na ang pangarap kong maging isang teacher.""Masaya kami para sa inyo, Boss," nakangiting sagot ni Senko.Masaya ang apat na kasama niya. Kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan habang pinagmamasdan si Jhai na nagmamadaling mag-ayos. Ilang sandali pa, nagpaalam na siya."Aalis na ako!" masiglang wika ni Jhai."Mag-iingat po kayo, Boss!" sabay-sabay na sagot nina Senko, Whang, Luan, at Renko.Matapos ang personal interview sa school director ng academy, nagtungo siya sa activity hall. Umakyat siya sa gitna ng stage at buong loob na isinigaw:"Ako si Zhaine, ang magiging teacher ninyo
Chapter OneThird Person Point of ViewHabang mag-isa si Zhai sa kanyang silid, malalim ang iniisip nito. Hindi niya maiwasang balikan ang isang bahagi ng kanyang nakaraan—isang alaala na kailanma’y hindi kumupas sa kanyang isipan.Throwback“Papa…” umiiyak na tawag ng limang taong gulang na si Jhai habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng shirt ng kanyang ama.Nagmamadali si Lion noon—wala nang oras. Alam niyang anumang saglit ay matatagpuan na sila ng kanyang mga kaaway.“Lion! Yuhoo! Lumabas ka na riyan sa pinagtataguan mo!” sigaw ng lalaking marahas na pumasok sa kanilang tahanan.Takot na takot si Jhai. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lumuluhang napayakap siya sa kanyang ama habang nanginginig ang katawan.“Anak… Jhai, makinig ka kay Papa,” mahinahong sabi ni Lion habang pinupunasan ang luha ng anak.“Huwag kang lalabas dito, kahit anong mangyari.”“Papa, natatakot po ako…” nanginginig na sagot ni Jhai.Ramdam ni Lion ang kaba at takot sa kanyang anak. Hinawakan niya i
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen