NAG-SUGGEST ako kay Josh na sa mismong reception venue na lang ganapin ang kasal para makatipid. Private wedding lang naman kaya kahit maliit na espasyo ay puwede na sa amin. Pumayag naman siya.''Ano sa tingin mo? Okay na ba ito sa 'yo?''Pinagala ko ang tingin. Ikalimang lugar na iyon na napuntahan namin. ''Malaki pa rin.''''Gusto mo ba 'yong nagbabanggaan na parang sardinas ang mga guest natin?''''Isa lang ang invited ko. Ikaw, ilan ang plano mong dalhin? Sinabi ko na sa 'yo na as much as possible ay walang makakaalam ng kasal natin.''''Kung gusto mo sa bahay na lang at dalhin na lang natin doon ang pari.''''Good idea.''''So, how will I benefit from the wedding? Matutupad ang pangarap mo na mamalagi sa Magnefico. Pero ako?''''You can stay also at the company. But of course, we have to keep our marriage hidden to everyone. Well, except to Chairman Myeharez and Jonas.''''Nakalimutan mo na ang rason kung bakit ako magpapakasal sa 'yo? To take my revenge to my ex!''Napipilan ak
''SO, he's a certified pervert.''''Tama. At ayon pa sa mga nakalap ng mga tauhan ko, he only targets married women.''''Married women?'' pag-uulit ni Josh sa sinabi ni Kino na kausap niya sa cellphone. Tinawagan agad siya nito nang makakuha ng mga impormasyon tungkol kay Cristo Arguales. ''Interesting.''''Interesting nga talaga.''''Does he have a wife? I mean, a legal one''''He was married five times.''''Wow!'' bulalas ni Josh. ''Napasandal siya sa backrest ng kanyang kinauupuan na swivel chair. ''Malaki talaga ang nagagawa ng pera. Kahit walang divorce rito, an annulment can make it happen.''''But marrying five times is a bit off.''''Suspicious, indeed. At nasisiguro ko na nasa kanya ang problema. Bukod sa pagiging pervert, baka hindi rin siya naging loyal sa kanyang mga nakarelasyon. Right. LOYAL.'' Nilagyan niya ng diin ang huling salita. ''Pero ano ang koneksiyon niyon sa naka-leave na manager?''''Maybe he has a mental illness.''Napaisip si Josh. ''If he has mental illnes
HABANG nakasunod ako sa tumatawa pa rin na si Chairman Emilio, hindi ko talaga maiwasan na magtaka. Iba kasi ang inaasahan ko na tugon mula sa kanya. Dapat ay magalit siya dahil inabuso ni Josh ang pribilehiyong ibinigay niya rito para lang makapagtrabaho sa Magnefico. At magkaroon ito nang maayos na posisyon kahit baguhan pa lang ito.''Come here, come here.''Nahihiya na lang akong tumango sa magiliw na imbitasyon ni Chairman Emilio nang makarating kami sa kanyang opisina. Pinaiwan na niya sa labas si Jonas.''Have a sit. I need to hear the details of what happened at your department. And let's talk about it over a cup of coffee.''May bigla akong naalala. ''Chairman?''''Yes?''''Puwede niyo po ba akong turuan kung paano magtimpla nang masarap na kape?''''Huh?''''Last time po kasi na nagkape rito si Josh, nagustuhan niya ang lasa ng itinimpla niyo.''''Talaga?''''Opo.''''Hindi ba siya natutuwa sa gawa mo?''''Hindi ko po alam. Pero napaka-picky niya sa lasa ng kape. Hindi naman
"MISS De Silva."Napahinto ako sa paghakbang. Tila wala ako sa sarili ko habang naglalakad dahil hindi ko napansin sina Chairman Emilio at Jonas. Nalagpasan ko na naman sila tulad no'ng nakaraan."Sir." Yumukod ako tanda ng paggalang. "Pasensiya na po kung hindi ko po kayo napansin."Kagagaling ko lang canteen. Breaktime namin. Hindi ko na inaya si Josh. Baka iba pa ang isipin nang makakakita sa amin. At saka hindi rin naman ako nakakain nang maayos dahil sa pag-iisip. To be precise, pag-aalala. Hindi kasi ako sigurado kung madadamay ba ako kung sakali man na tanggalin siya sa trabaho.Wala sa kondisyon ng chairman na mapapaalis ako sa Magnefico kung i-dismiss siya ng nakasagutan niyang director. Ang usapan namin ni Chairman Emilio ay hanggang kasal kami at nagsasama.''Bakit ang layo-layo yata ng iniisip mo?''''Ho?''''Sumasakit ba ang ulo mo sa nilipatan mong departamento?''Inabayan ko sa paglalakad si Chairman Emilio. ''Sir, puwede po ba akong magtanong?''''Go ahead.''''Hindi n
"GET out!"Napapitlag ako maging ang ilan sa mga nasa malapit sa silid nang sumigaw ang director. Nahagip ng tingin ko na hinawi nito ang vase na nasa ibabaw ng office table. Lumikha ng ingay ang pagkabasag niyon sa sahig."Umalis ka sa harapan ko!""Calm down, Mr. Arguales. Kagagaling mo lang sa golf. Pagod ka at mainit sa labas. Baka may pumutok sa ugat mo, mangisay ka riyan."Hahakbang na sana ako patungo sa loob nang makita ko na marahas na hinablot ng director ang pinahawak na golf club nito kay Josh. Pero pinigil ako sa braso ng assistant manager."Saan ka pupunta?""Baka magsuntukan sila," tukoy ko sa dalawang lalaki na magkaharap sa isa't isa."Wala ka sa posisyon na gawin iyon. At saka sinabihan ko na siya, pero hindi siya nakinig. He has to face the consequences of breaking the rules.""Tama ka. Matigas nga talaga ang ulo niya," sang-ayon ko sa sinabi ni Aliya. ''Pero hindi siya ang uri ng tao na madaling matakot'''How do you know him?'''Halos sabay kaming pumasok dito sa
''I THINK hindi updated ang computer mo.''Napatingin ako sa kalapit kong lalaking co-worker na iniusad palapit sa akin ang kanyang upuan. Ngumiti ako sa kanya. ''Ni-reformat yata ng umukupa rito bago umalis.''''Ah. Siguro nga.''''Anyway, bakit nga pala siya umalis? I mean, dream ng maraming job hunters ang ganitong klaseng kompanya. Especially, Magnefico.''Hindi ako natinag sa posisyon ko nang ilapit pa ng kausap ko ang kanyang sarili. Napansin ko na luminga muna siya sa paligid. At hininaan din niya ang boses nang muling siyang magsalita.''Type siya ng director namin.''''Ha?''''Sshhh! Hindi iyon pinag-uusapan dito. Nag-AWOL siya. Hindi na nagparamdam at nagpakita pa kahit kailan. Balita namin, kahit 'yong severance pay niya ay hindi na kinuha.''''Talaga? Nakakalungkot naman.''Halos nagbubulungan lang kami. Ang sabi naman ng isa ko pang katabi, hindi bawal ibuka ang bibig namin basta huwag lang magpapahuli sa mga superior namin lalo na sa supervisor at assistant manager na pa