I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS

I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS

last updateLast Updated : 2025-09-26
By:  EL Nopre Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
117Chapters
8.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Her life is like a roller-coaster ride mula nang iwan siya ng kanyang ina at mag-asawa uli ang ama niya. She became the breadwinner of her ungrateful big second-hand family. Tiniis ni Denise ang lahat nang hirap, pero ramdam na niya ang pagsuko. The only way to leave her family is to get married. Iyon kasi ang naging kondisyon ng kanyang ama. Dahil alam na alam nito na takot siyang pumasok sa isang relasyon. But then, Josh came along. He was a loner who wanted to end his life because of a heartbreak. Papasok sa kasunduan ang dalawa upang baguhin ang guhit ng kanilang tadhana. But little did Denise know that she unintentionally married a CEO. And what is much worse, he is her new boss.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"YOU'RE FIRED!"

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon mula sa manager ko. Under six months probation pa lang ako bilang sekretarya, pero hindi man lang niya ako pinatapos. Dalawang linggo na lang sana bago ang probation period.

Maliit na bagay lang naman ang dahilan kaya siya nagalit. Hindi ko nasundo ang anak niya sa eskuwelahan nito. Kahit na hindi na iyon sakop ng trabaho ko, hindi ako nagrereklamo. Mas mahalaga kasi sa akin ang sasahurin ko. Kahit pa maliit na sentimo ay malaki na ang maitutulong niyon sa tulad kong kapos sa pinansiyal.

Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko sasabihin sa pamilya ko na natanggal na ako. Ako pa naman ang breadwinner. At wala kaming ibang kabuhayan. Wala ring pinagkakakitaan ang mga tamad kong kapatid na puro lalaki sana, pero lahat naging pabigat sa akin.

Sandali akong napahinto nang tumapat ako sa bahay namin. Naglalaro sa harap ang apat kong pamangkin. At ang ina ng mga ito ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga kapit-bahay.

Sumasakit ang ulo ko tuwing umuuwi. Nararamdaman ko lahat nang pasan ko na mabigat sa balikat ko mula nang umalis si Mama. Masama ang loob ko sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa akin.

Hindi ko alam kung nasaan na si Mama ngayon. Pero gusto ko pa rin siyang makita. Marami akong gustong itanong sa kanya. At gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko kasalanan na iluwal dito sa mundo.

Kung maaari lang sanang pumili ng pamilya, hindi ko pipiliin ang meron ako ngayon.

"Tita!"

Napukaw ang diwa ko sa malalim na pag-iisip nang tumatakbong lumapit ang mga pamangkin ko na yumakap pa sa may paanan ko. Maliliit pa ang mga ito. Limang taon ang pinakamatanda at magdadalawang taon ang pinakabata.

Kahit malaki ang inis ko sa mga hipag ko na puro rin palamunin at asa sa lahat, wala pa ring kasalanan ang mga bata.

"Tita, may pasalubong ka po?"

Inilabas ko ang ilang pakete ng maliliit na biscuits sa bag ko na nakuha ko kanina sa free taste sa nadaanan kong food stand. "Hati-hatiin niyo," bilin ko sa mga bata nang iabot ko iyon. Natuwa naman ang mga ito. "Huwag kayong mag-aaway, ha?"

Mabilis nang umalis ang mga pamangkin ko na tumungo at naupo sa gilid ng gate ng bahay namin at inabala na ang mga sarili sa kakarampot na pagkain na para sa mga ito ay malaking biyaya na. Sana lang lahat sa pamilya ko ay marunong ding mag-appreciate tulad nang mga ito.

"Sana dinamihan mo na..."

Nabaling ang tingin ko kay Neri. Asawa ito ng panganay ng ama ko sa pangalawa nitong asawa. At dito talaga kumukulo ang dugo ko.

"Wala akong pera pambili nang marami."

Pumasok na ako sa bakuran hanggang sa loob ng bahay, pero sinundan ako ni Neri.

"Ganyan namani ang sinasabi mo na lagi kang walang pera, pero nakakabili ka ng bagong damit at sapatos."

"Bumibili ako dahil kailangan ko sa trabaho."

"Kailangan din namin dito."

Hinarap ko si Neri. Inuubos talaga nito ang pasensiya ko. "Kung gan'on pala, bakit hindi kayo magtrabaho nang mabili niyo lahat nang gusto niyo?"

"Makakapagtrabaho ba ako na maliliit pa ang mga anak ko? Sinong magbabantay sa kanila?"

"At anong ginagawa ng batugan mong asawa? Bakit hindi mo sa kanya ipasa ang responsabilidad bilang isang magulang?"

"Hindi siya batugan! Wala lang siyang mahanap!"

"Dahil hindi naman talaga siya naghahanap!"

"Huh! Malakas lang ang loob mong magsalita nang ganyan dahil ikaw ang bumubuhay sa pamilyang ito!"

"Mabuti naman at alam mo? Kaya sana, kahit sa mga gawaing-bahay ay tumulong kayo. Ako pa ba ang inaasahan ninyong maglinis ng mga kalat niyo? Ako pa ba ang maghuhugas nang mga pinagkainan niyo?"

Hindi ko na kailangang suyurin pa ang paligid dahil iyon at iyon din lang naman ang nadadatnan ko araw-araw; marumi, makalat.

"Uy, sinisigawan mo ba ang asawa ko?"

Natuon ang tingin ko sa paglapit ni Ponce. Malaki ang pangangatawan nito, pero hindi marunong magbanat ng buto. Dalawang buwan lang ang agwat ng edad nito sa akin. Ibig sabihin, nagloloko na ang ama ko noong nasa sinapupunan pa lang ako ng mama ko.

"Babe, pinagsalitaan niya ako ng masasakit?" sumbong ni Neri na pinalukot pa ang mukha upang mas paniwalaan ng asawa.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo sa kanya!" sigaw ni Ponce.

"Alin sa mga sinabi ko ang babawiin ko? Ang sinabi kong batugan ka? Palaasa? Ang pagsabi ko sa kanya na matuto rin kayong magtrabaho para nabibili niyo lahat nang gusto niyo? Ang pagsabi ko na kahit sa mga gawaing-bahay ay marunong din sana kayong tumulong?"

Napipilan si Ponce.

"Bakit ba ang ingay-ingay niyo na naman?"

Napatiim-bagang ako nang makita kong pumasok si Papa na lasing. Kaabay nito ang madrasta ko na may hawak pang ilang piraso ng bingo cards.

"Nagrereklamo at nanunumbat na si Denise sa pagbuhay sa atin!" sumbong ni Ponce.

"Sinabi mo 'yon?"

"Pa -"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko mula sa aking ama. At nakita ko pa ang pagngisi ng madrasta ko.

"Anong karapatan mo? Ang pamilyang ito ang bumuhay at nagpalaki sa 'yo noong iwan ka ng walang kuwemta mong ina! At ito pa ang igaganti mo?"

Nang mga oras na iyon ay gusto ko na lamang maglaho. Sa kabila nang ginawa kong paghihirap at pagtitiis, wala pa rin akong halaga sa ama ko. Marami na akong isinakripisyo, pero hindi man lang nito nakita ang kontribusyon ko sa pamilya nito na sana ito ang tumataguyod.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
shy auli
sana meron pa pong nxt, at mga 5chapter sana HAHAHA nkaka biten na po promise huhuhu
2025-09-24 18:47:41
0
user avatar
Tifanny Claire
More stories to write ...️...️...️
2025-08-21 23:14:20
1
user avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
subaybayan ko nga to..
2025-08-09 23:22:02
1
user avatar
Jet Herrera
Best wishes
2025-08-09 16:28:03
1
117 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status