Sa lumipas na anim na taon ay marami pa ring mga gamit si Mikaela na nananatili sa loob ng kaniyang bahay. Ilang gamit niya lang ang kinuha niya roon nang umuwi siya ng Pilipinas tulad na lang ng ilang damit, basic necessities at ilang mga babasahing libro.
Matapos ang kasal nila ni Benedict sa Amerika, hindi siya nagmintis sa pagbibigay ng pera buwan-buwan para sa share niya sa expenses para sa kanilang anak. Nahahati ang kinikita niya sa pagtatrabaho sa Pilipinas para sa sarili at para sa anak niyang si Lilia. Ang tanging ginagamit niya lang ay ang ipon niya sa card para sa kaniyang sarili at ni minsan ay hindi niya ginalaw ang ipon niyang pera sa card para sa kaniyang anak. Masyado niyang mahal at pinahahalagahan ang kaniyang anak nang sobra-sobra na kahit sinong ina ay ganoon ang mararamdaman. Hanggang kaya niyang ibigay ay ibibigay niya para dito manatili lang na masaya ito sa buhay at kuntento. Madalas ding binibilhan niya ito nang kung anu-anong gamit sa tuwing lalabas siya upang mgshopping. Bumibili siya ng mga damit, sapatos, at kung anu-ano pa na babagay rito. Para naman sa sarili niya, sakto lang ang binibili niya para sa pang-araw-araw niyang pangangailangan. Mas importante pa rin para sa kaniya na maibigay ang pangangailangan ng asawa at anak kaysa sa sariling pangangailangan. Gusto niya kasing maibigay ang lahat ng kaya niyang ibigay para sa mga ito. Maging ang ibinigay sa kaniya ni Benedict ay inilalaan niya lang din sa pagbili ng iba pang gamit para sa mga ito. Sa ngayon, kaunti na lang ang natitirang pera sa ipon niya. Mula nang manatili si Lilia sa poder ng kaniyang asawa sa Amerika ay doon lang siya naglaylo sa pagbili ng mga gamit ng anak lalo pa at alam niyang iba ang expenses doon kumpara sa Pilipinas. Kung ang dollar ay gagamitin doon sa Amerika tiyak niyang mabilis lang din itong mauubos ngunit kung dito sa Pilipinas ito gagamit ay nakatitiyak siyang marami na siyang mabibili. Thirty million pesos na lang ang natitira sa card niya bigay naman ni Benedict kaya kahit kailan ay hindi pag-iinteresang kunin ng asawa niya iyon. Para dito kasi maliit na halaga lang iyon ngunit para kay Mikaela hindi ito basta basta maliit na halaga lang. Dahil kay Benedict naman nanggaling ang perang iyon para sana sa kaniya ay walang pagdadalawang isip na ibinalik niya na ito sa kaniyang asawa. Kinuha niya na lang ang card niya at card ng kaniyang anak bago muling hinila ang kaniyang maleta nang wala ng lingon-likod. May bahay siyang ipinatayo sa Pilipinas hindi kalayuan sa pinagtatrabahuhan niya. Hindi man iyon kalakihan ngunit sapat na iyon para sa kaniya. Binili niya ang bahay na iyon apat na taon na ang nakararaan para sana pansamantalang matirhan ng kaniyang kaibigang naglayas noon. Ngayon, wala ng ibang nakatira doon. Noon, napapanatili ang kaayusan ng bahay may nakatira pa roon. Araw-araw itong nalilinisan at regular ding naaayos ang mga sirang parte ng bahay. Ngayon, naman ay makikitaan na ito ng mga alikabok at agiw dahil sa tagal na walang nakatira. Nagpasya siyang linisin ang buong bahay upang doon na tumira. Hindi naman ganoon kahirap ang naging paglilinis niya dahil hindi naman din ganoon kalakihan ang bahay. Matapos ang nakakapagod na maghapon ay hindi na namalayan ni Mikaela ang oras. Alas diyes na noon kung kaya nagpasya na siyang maligo at pagkatapos ay nagtungo sa kwarto upang magpahinga at matulog. Napamulat si Mikaela sa himbing ng kaniyang pagkakatulog nang marinig niyang tumunog ang alarm. Dahil sa biglang paggising ay tila nablangko naman ang utak ni Mikaela pansamantala. Ngunit nang makabalik din ang kaniyang ulirat at napansin niya ang oras na alas una pa lang doon ng gabi kumpara sa oras nina Benedict at Mikaela sa Amerika na tanghali na. Madalas ay ganoong oras sila nag-tatanghalian ng anak niyang si Lilia. Madalas niya ring tawagan ang anak sa ganoong oras simula nang manatili ang mga ito sa Amerika. Iyon nga lang, nakasanayan niya ng iset ang kaniyang alarm ng ganoong oras dahil ayaw niyang magmintis sa pagbibigay ng oras para sa anak. Kahit pa pagod siya galing sa trabaho ay tinitiyak niyang makakatawag pa rin siya rito para hindi maputol ang komunikasyon nilang mag-ina. Nooong unang magkalayo sila ng anak, ay panay ang pagtawag niya rito at paminsan siya pa ang tinatawagan nito dahil miss na miss siya nito. Ganoon din naman ang pananabik niya sa anak, pero hindi naglaon ay unti-unti nang nagbago ang ugali ng anak maging ang pakikitungo nito sa kaniya habang kausap niya ito sa cellphone. Ang dating pananabik nito sa kaniya ay mabilis na napalitan ng pagkainip at irritable katagalan. Sa totoo lang, alam ni Mikaela na wala ng dahilan para magset pa siya ng alarm sa ganooong oras. Napangiti na lang siya nang mapakla at saka tinitigan ang kaniyang cellphone. Nagdadalawang isip pa siya kung idedelete ang alarm na iyon ngunit sa huli ay ginawa niya pa rin at saka pinatay ang kaniyang cellphone. Sa kabilang banda naman, halos katatapos lang nina Benedict at Lilia na magtanghalian. Alam na ni Benedict na tiyak na tatawag si Mikaela kay Lilia makausap ang kanilang anak nang mga oras na iyon. Bagamat hindi sa lahat ng oras ay nasa bahay siya kaya hindi niya iyon masyadong pinagtutuunan ng pansin pero nang araw na iyon ay hindi siya nakatanggap ng tawag mula sa asawa. Napansin niya iyon ngunit kaagad niya rin namang binalewala. Kaagad siyang nagtungo sa silid at nagpalit ng kaniyang damit. Napansin naman ni Lilia na tila hindi na interesado ang mommy niya na makipagchat sa kaniya. Hindi na rin ito tumatawag sa kaniya gaya ng nakasanayan niya. Naisip niya na lang na marahil ay delayed lang ang magiging tawag nito kaya napairap na lang siya bago dinampot ang kaniyang school bag at nagtungo palabas ng pinto. Napansin naman kaagad iyon ng yaya nitong si Ester kaya mabilis nitong sinundan ang alaga, “Mam, maaga pa po, mamaya pa po ang pasok ninyo!” Hindi naman ito pinakinggan ni Lilia at masaya lang na tumakbo palabas. Alam niyang hindi nagmimintis sa oras ng pagtawag ang kaniyang ina kaya paniguradong mayroon lang itong ginawang importante kaya hindi nakatawag sa kaniya ng sakto sa oras. Alam din ni Lilia na kapag hindi siya lumabas kaagad tiyak na maya-maya lang ay tatawag na ito sa kaniya at kukulitin siya sa chat at ayaw niyang mangyari iyon. *** Matapos ang kasal ay nagpasya si Mikaela na mapabilang sa Sandoval Group. Nagpasya siyang mapabilang sa grupong iyon nang dahil lang kay Benedict. Ngayong nagpasya na siyang makipagdivorce sa asawa ay wala na siyang ibang dahilan pa para manatili pa sa grupong iyon. Kinabukasan ng umaga, nang makarating sa kompanya, kaagad na inabot ni Mikaela ang kaniyang resignation letter kay Jilian.Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin
Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang
Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit
Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti
Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel
Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw