Si Jilian ay isa sa mga personal na sekretarya ni Benedict. Nagulat siya nang makita ang resignation letter mula kay Mikaela. Isa siya sa iilang nakakaalam ng malalim na kaugnayan nina Mikaela at Benedict sa isa't isa. Sa lahat ng nakakakilala kay Benedict, alam nilang hindi si Mikaela ang itinitibok ng puso nito. Matapos ang kasal nila ay nag-iba na ang pakikitungo nito kay Mikaela at madalang na lang umuwi sa bahay. Sa kagustuhan ni Mikaela na mapalapit kay Benedict, nagpasya siyang magtrabaho sa Sandoval Group. Ang tanging goal na naiisip niya ay maging personal assistant nito ngunit hindi iyon nangyari dahil tinutulan iyon kaagad ni Benedict. Sa huli, wala na siyang choice kung hindi mapabilang na lang sa isa sa mga ordinaryong sekretarya ng asawa. Noong una, nag-aalala pa si Jilian na baka gumawa ng eksena si Mikaela after mapabilang sa secretariat. Ngunit nasorpresa siya na hindi ganoon ang nangyarii. Hindi niya inexpect na tatahimik lang ito at maghihintay lang ng tamang pagkakataon. Ni hindi ito gumawa ng kahit anong gulo at eksena roon. Kung tutuusin ay kayang kaya nitong gamitin ang posisyon niya para mas mapalapit kay Benedict pero hindi nito iyon ginawa. Bagkus, pinagbutihan nito ang trabaho at seryosong tinutukan ang pagtatrabaho kahit pa buntis ito, may anak at kung ano pa mang sitwasyon. Napanatili nito ang pagsunod sa rules and regulations ng company at ni minsan ay hindi nanghingi ng special treatment. After few years of hardwork, nakamit ni Mikaela ang pagiging team leader ng secretariat.
Sa totoo lang ay ganoon na lang ang paghanga ni Jilian sa pag-ibig na ibinibigay ni Mikaela para kay Benedict kaya nga hindi siya makapaniwala ngayon na magre-resign ito voluntarily. Ngayon na nag-resign na ito, tiyak niyang may matinding nangyari sa pagitan ni Mikaela at Benedict na hindi niya alam. Tingin niya pa ay inutusan ito ni Benedict para mag-resign.
Masipag at magaling sa trabaho, kahit naaawa siya para kay Mikaela, minabuti pa rin ni Jilian na maging professional sa harap nito at tinanggap ang resignation letter na inabot sa kaniya. "I received your resignation letter. We will look forward on someone to take over your job as soon as possible."
"Good," matipid na tugon lang ni Mikaela bago tumalikod.
Matapos magpakabusy, kaagad namang nagreport si Jilian ng kaniyang trabaho kay Benedict online. Halos patapos na ang kanilang pag-uusap nang maalala niya si Mikaela. "By the way, Mr. Benedict, about--"
Kahit pa sinabi niya kay Mikaela na maghahanap na siya ng taong papalit sa posisyon nito, gusto niya pa ring malaman ang magiging sagot ng kaniyang boss kung kailan paaalisin si Mikaela. Kung nais ni Benedict na umalis na si Mikaela kinabukasan, aayusin niya kaagad ang mga dapat ayusin sa araw ding iyon.
Ngunit nang akmang sasabihin na sana niya ang tungkol sa resignation ni Mikaela ay natigilan siya dahil naalala niya ang bilin ni Benedict noong unang araw pa lang na mapabilang ito sa kanilang company. Lahat ng bagay tungkol kay Mikaela ay hindi niya na kailangang ireport pa kay Benedict. Wala itong pakialam kay Mikaela. Sa ilang taong nananatili ito sa company, ni minsan ay hindi man lang nagtanong si Benedict ng kahit na ano tungkol sa kaniyang asawa. Sa tuwing nakakasalamuha niya ito ay para lang itong kung sinong hindi kilala.
Kung tutuusin ay nagpakita ng outsatnding performance si Mikaela in recent years. Two years ago, plano sana nilang ipromote si Mikaela kaya sinabi nila iyon kay Benedict kahit pa alam nilang ayaw na ayaw nito kay Mikaela. Para sa kaniya kung ayaw ni Benedict, hindi na nito pag-aaksayahan ng oras ang tungkol doon pero nakinig naman ito sa kanila. Iyon nga lang halatang hindi ito interesado sa bagay na iyon at ibinilin lang sa kanila na ayaw niyang makialam at hayaan na lang na sundin kung ano ang rules ng kompanya. Sinabi pa nitong huwag nang mag-aksaya ng oras na mag-report tungkol kay Mikaela.
Napansin naman ni Benedict na hindi na muling nagsalita si Jilian kaya nagtaka na ito, "is there any problem?"
Kaagad namang bumalik sa ulirat si Jilian at sumagot dito, "it's nothing."
Alam ni Jilian na batid na ni Benedict ang tungkol sa resignation ni Mikaela ngunit hindi na nito iyon binanggit sa kaniya, ibig lang sabihin ay wala talaga itong pakialam tungkol sa bagay na iyon. Wala talaga siyang pakialam kay Mikaela at kahit na anong ganap meron ito.
Kailangan na lang gawin ni Jilian ngayon ay ihandle ang sitwasyon according to the company regulations.
Nang maisip niya ang mga bagay-bagay na iyon, hindi na siya nagsalita pa hanggang sa narinig niya na lang na ibinaba ni Benedict ang video call.
***
"Ano bang nasa isip mo?"
At noon, tinapik ng katrabaho niya si Mikaela sa kaniyang balikat nang mapansin ang pananahimik nito.
"Nothing." Ngumiti lang si Mikaela at saka umiling.
"Hindi mo ba tatawagan ang anak mo ngayon?" muling tanong nito sa kaniya.
"Well, no thanks," matipid na tugon niya rito.
Lagi niyang tinatawagan ang anak niya twice a day at nakasanayan niya na rin iyon. Isa sa umaga at isa naman sa tanghali.
Lahat ng katrabaho niya sa opisina ay alam iyon. Ngunit wala silang ideya na ang tatay ng kaniyang anak ay ang big boss ng kanilang kompanya.
Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin
Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang
Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit
Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti
Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel
Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw