Alas nuebe na ng gabi nang makauwi ng villa sina Benedict at anak na si Lilia. Kinuha ni Benedict ang mga pinamiling damit para kay Lilia mula sa sasakyan at saka bumaba ng sasakyan. Dahil alam ni Lilia na naroon ang kaniyang ina ay wala itong kagana-ganang umuwi. Ni ayaw na nga nitong umuwi kung tutuusin pero dahil sinabihan siya ni Aireen na umuwi ang kaniyang ina para lang makasama silang dalawa ng kaniyang daddy. Dagdag pa ni Aireen sa kaniya na malulungkot ang kaniyang ina sa oras na hindi siya umuwi. Sinabi rin ni Benedict na kapag hindi sila umuwi tiyak na yayayain sila ng kaniyang ina para magpunta sa beach kinabukasan. Wala siyang pagpipilian kaya mas pinili na lang niyang umuwi kaysa mangyari ang mga iyon. Pero kahit ganoon ay nag-aalala pa rin siya kaya tinanong niya na ang kaniyang ama, “Daddy, anong gagawin natin kapag pinilit pa rin tayo ni mommy na lumabas bukas?”
“I would say no,” tugon naman ni Benedict para mapanatag ang anak. “Okay na ba ‘yon, baby?” Sa ilang taong ng kanilang kasal, lagging gumagawa ng paraan si Mikaela para magkaroon sila ng oras bilang isang buong pamilya. Paminsan ay niyayaya niya ang kaniyang mag-ama na kumain sa labas o hindi naman kaya ay mamasyal sa mga amusement parks pero ni minsan ay hindi pumayag si Benedict sa mga gusto niyang mangyari. Naniniwala naman si Benedict na basta gusto ng kanilang anak, tiyak na susundin niya ito kahit na labag ito sa kalooban ng kaniyang asawa. Nakahinga ng maluwag si Lilia dahil sa naging tugon sa kaniya ng kaniyang ama. Dahil doon ay mabilis napalitan ang mood niya at kuminang ang mga mata, “okay, daddy. I love you.” “I love you too, baby,” tugon ni Benedict sa anak. Gusto niya ring maibigay sa anak ang kaligayahang nais nito at kung ang kagustuhan nito ay tuluyang lumayo kay Mikaela, ay walang pagdadalawang isip niyang pagbibigyan ang anak lalo pa at iyon din ang gusto niyang mangyari. Kaagad namang lumapit si Lilia sa yaya nitong si Ester at sinabing gusto niya nang maligo. “Okay, okay,” tugon naman ni Ester sa bata. Sakto namang lumapit ang mayordomang si Cora kay Benedict nang maalala ang bilin sa kaniya ni Mikaela. Kaagad niyang inabot kay Benedict ang isang brown envelope nang hindi sinisilip man lang ang laman nito. Alam din kasi ni Cora na kapag pribadong bagay ay dapat na manatiling pribado lalo na kung tungkol sa mag-asawa. “Sir, pinabibigay po ni Madam. Bilin niya po na iabot ko agad sa inyo sa oras na makauwi na kayo.” Inabot naman ito ni Benedict bago nagtanong, “nasaan siya?” “Umalis na po si Madam dala ang maleta niya kaninang after lunch po, hindi n’yo po ba alam?” nagtatakang tanong ni Cora. Napahinto sa pag-akyat si Benedict nang marinig iyon at mabilis na nilingon ang mayordoma, “bumalik na siya sa Pilipinas?” “Siguro po, Sir. Wala naman po siyang nasabi.” Mula nang bumalik si Mikaela sa Amerika ay hindi man lang binigyan ni Benedict ng pagkakaton ang asawa na makasama sila at makapagsalita man lang ng mga nais nitong sabihin sa kaniya. Pero kahit ganoon ay wala naman din siyang pakialam sa nararamdaman nito sa kaniya. Hindi niya dinidibdib ang ano mang nais nito at maging ang nararamdaman nito. Samantala, nalulungkot naman si Lilia nang malamang umalis na ang kaniyang ina. Kahit pa ganoon ang naging pagtrato niya sa ina ay gusto niya pa rin itong makatabi sa pagtulog sa kama sa gabing iyon. Hindi naging madali sa kaniya ang paggawa ng flower necklace at gusto niya sana na tulungan siya ng kaniyang ina sa paggawa noon. Matagal na hindi nagkita sina Benedict at Mikaela at nang makabalik si Mikaela sa Amerika ay hindi rin naman sila nagkitang dalawa. Alam niya na kaagad na nakabusangot ang mukha nito nang umalis. Sakto namang nagsalita si Cora sa kaniya. “Sir, bago umalis si Madam, napansin ko pong parang galit siya. Nag-away po ba kayo?” Hindi sa nangingialam si Cora sa mag-asawa. Nag-aalala lamang siya sa maaaring maging epekto nito kay Lilia. Noong una akala pa ni Cora, kaya bumalik si Mikaela sa Pilipinas ay dahil may importante itong gagawin doon ngunit nang malaman niyang walang alam si Benedict sa mga nangyayari ay nagtaka na siya. Batid niya kaagad na may mali at kakaiba. Nagtaka rin siya nang makita ang galit na ekspresyon sa mukha ni Mikaela lalo pa at alam niyang mahinahon at pasensyosa ito lalo na pagdating kay Benedict at sa anak nito. Hindi niya akalaing nakakaramdam din pala ito ng galit na sadyang bago sa kaniya. Napangiti na lang si Benedict sa kaniya at saka itinuloy ang pag-akyat sa taas. Nang tuluyang makapasok sa silid, akmang bubuksan niya na sana ang brown envelope na iniwan sa kaniya ni Mikaela nang biglang magring ang kaniyang cellphone at si Aireen ang tumatawag. Kaagad niya iyong sinagot at inihagis na lang ang brown envelope at nagsimulang lumabas ulit ng kwarto. Hindi niya alam na nalaglag ang brown envelope sa sahig sa tabi ng kaniyang kama. Hindi rin siya umuwi nang gabing iyon. Kinabukasan, pumasok si Cora sa loob ng silid ni Benedict para maglinis nang mapansin niya ang brown envelope na nakakalat sa sahig. Nakilala niya agad ito dahil nakatitiyak siyang ito ang ipinagbilin sa kaniya ng kaniyang madam na si Mikaela. Sa pag-aakalang nakita na ito ni Benedict ay kinuha niya ito at inilagay sa cabinet sa loob ng silid. *** Nang makabalik si Mikaela ng Pilipinas ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang bagahe at umuwi baon ang masakit na ala-ala sa America.Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin
Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang
Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit
Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti
Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel
Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw