Walang naka-sagot at lalong walang naka-kilos. Lahat ay palipat-lipat ang tingin sa bawat isa. Maya-maya pa ay napalingon ang dalawang lalake sa dalawang salamin na nagpapakita pa rin ng dalawang mundo. Philip: So, I am comatose?Eckiever: You're saying, that man on the bed, is my another self?Philip: And that man wearing an ancient warrior outfit is also me?" "Doesn't he ugly?" Magkasabay na wika ng dalawa. Napa-flinch naman sina Jessa at Estacie at tsaka iniiwas ang tingin sa dalawang lalake. Ang nilalang na naghihintay ng sagot ay natahimik. Nung mga oras na nagpapaliwanag ang matandang lalake kina Jessa at Estacie ay siya namang pagdating ng dalawang lalake. Syempre, wala ding saplot ang dalawa. Subalit ang kanilang kaselanan ay literal na hindi makikita. Kumbaga, para silang manikin na walang kasarian. Maliban na lang sa kanilang tindig at buhok kaya malalaman mo kung sino ang babae at sino ang lalake. Hindi na nagtanong pa si Eckiever kung sino si Estacie dahil narinig na
"Nandito ako para sunduin ang taong nabuhay sa katawan ng babaeng nasa loob ng silid ng kumbento. Base sa narinig ko kanina, ang sabi mo ay si.. Jessa ang taong yun?" Ramdam ni Jessa ang titig ng lalake sa kanya subalit nanatiling naka-tingin siya sa salamin. Aminin man niya o hindi, isa si Eckiever sa nagpahirap sa kanya. Hndi man physically, pero mentally and emotionally. Kung alam lang ng binata na ilang beses siyang umiyak sa tuwing magkakahiwalay na sila ng landas pagkatapos ng panlalait nito sa kanya. Mabuti na lang, naalala niya ang sinabi ng ina noon. Ang Luha ay hindi dapat basta-basta ipinapakita. Dahil ito ang simbolo ng kahinaan ng isang tao. Ang luha ay dapat lang na ipapakita sa mga taong karapat-dapat na makakita nun. "Yes, si Jessa nga ang pansamantalang nabuhay sa katawan ko. Siya ang nakarinig at nakaramdam ng mga bagay na ibinabato para sa akin ng ibang tao." Sagot ni Estacie. Hindi na umimik si Eckiever. Nakatitig lang ito kay Jessa na kasalukuyang naka-tingi
Itiniklop ni Estacie ang dyaryo at seryoso ang mukha na humarap kay Elena. "Bukas? Gusto kong manood Elena." "Alam ko. Kaya nga pinaghanda ko na rin ang mga sundalong iniwan sa iyo ng iyong Lolo at Lola. Sila ang makakasama mo bukas." Ramdam ni Estacie ang matinding galit sa mag-ama. Bagamat may mga bagay na talagang hindi niya maintindihan. Tulad na lang ng kung paano nalaman ng lahat na mag-ama ang dalawa, paanong natuklasan ng lahat ang ginawang pandurukot sa kanya ng Scorpion. Paanong nalaman ng lahat na ang prinsipe at si Lucy ang may pakana nun. Ang daming tanong sa isipan niya na naghahanap ng kasagutan. "Paumanhin my Lady, Princess Sylvia and Duke Arkhil arrived." Sabay pang napalingon sina Elena at Estacie sa katulong na sumulpot sa hardin. Tumayo si Elena at mabilis na mag-paalam para diumano asikasuhin ang kanilang kakainin mamaya. Sa pag-alis ni Elena, siya namang pag-pasok ng dalawang bisita. Isang bagay pa na ikinalilito ni Estacie, ay kung paanong naging malapit si
Umakting ang dalawa na walang naririnig nang mag-simulang manermon si Sylvia. Nang dumating ang tanghalian, masaya silang nag-salo-salo kasama si Vista. Si Clewin naman ay ilang ulit na tinatanong ang kaibigang si Eckiever kung bakit parang ayaw nitong dumistansya sa pamangkin na si Estacie. Nagtambay pa nga ang Princesa at ang Duke pagkatapos ng pananghalian. Pinanood nila Estacie at Sylvia ang friendly Sparring ng dalawang lalaki. Samantala, sa kulungan sa loob ng Palasyo. Umiiyak ang dalagang hindi makapag-salita at hindi rin makatayo. Ang galit sa kanyang puso ay abot-langit. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganito ang buhay na ibinigay sa kanya ng Panginoon. Sa Isla ng Kololo, nabuhay sila Lucy at Juvilina na sagad sa hirap. Ang kanyang inang si Juvilina ay namamasukan sa bahay aliwan upang may maisuporta lang sa kanilang magkapatid. Oo, may kapatid si Lucy. Pero ang kapatid niyang iyon ay umalis at sumama sa isang barko ng kalakal. Tanda niya ay sampung taon palamang
Kinaumagahan, halos mapuno ang buong market square upang mapanood ang pagpaparusa sa nag-iisang pinuno ng Scorpion. Naka-upo sa parang intablado na gawa sa tabla ang hari at prinsesa ng Prekonville. Habang ang Duke naman ay naka-upo sa ibaba ng intablado katabi si Estacie. Pinili ng dalawa na doon umupo upang hindi masyadong makaagaw pansin sa lahat ng nanonood. Well, yun talaga ang gusto nilang mangyari subalit mukhang hindi iyon ang gusto ng hari. Dahil inutusan nito ang personal knight upang utusan sila ni Eckiever na umupo sa itaas ng intablado. Dahil doon, wala silang choice kundi umakyat na din at umupo kahilera ng mga Royals. "Okay lang sa'yo na mapanood ang pag-putol sa ulo ng Scorpion?" Bahagyang lumapit kay Estacie ang Duke at bumulong. Napalingon naman dito si Estacie at tsaka tumango. "Pagkatapos dito, naka-handa na rin ang dalawang kabayo na sasakyan natin papunta sa lugar kung saan ka dinala ng grupo ng Scorpion. Sigurado ka ba na kaya mong mangabayo?" "Oo naman. Ba
Hindi agad nakasagot si Eckiever. Simula noong araw na magkita sila ni Estacie, alam niya na hindi na maganda ang trato niya sa dalaga. Lalo na noong binabaliktad pa ito ng kapatid na si Lucy. Hanggang sa na-rescue niya ang dalaga mula sa pagdukot ng grupo ng Scorpion. Natatandaan niya lahat yun, maliban na lang sa kung paano niya tinulungan ang dalaga na muling mabuhay pagkatapos itong sukuan ng mga Saints at pare sa kumbento. Ayun kasi sa pare at sa kaibigan niyang si Clewin, isinugal niya ang sariling kamalayan upang maagaw pa ang kaluluwa ni Estacie mula sa kamatayan. Ang problema lang niya ngayon, ayun sa pare, dapat ay alam niya ang mga nangyari sa kadiliman kung nasaan ang kaluluwa ni Estacie. Subalit talagang wala siyang maalala tulad ng isinalarawan ng Pare sa kanya. "Well, I tried to ask for your forgiveness, nakalimutan mo na ba?" Tanong niya sa dalagang nakatitig lang sa kanya. Umiling si Estacie. "No, hindi ko matandaan." Naikuyom ni Eckiever ang mga kamao. Wala siya
April, 2024. PILIPINAS. Sa mundong puno ng pag-asa ayun sa sinasabi ng iba, may isang taong naniniwala na darating ang panahon at makaka-ahon din siya sa kahirapan. Magiging isang Fashion Designer sa halip na taga-bili lang ng materyales. O hindi kaya ay isang Event organizer sa halip na taga-decorate lang ng stage. Paano kung pangarapin niya na maging isang CEO ng isang kumpanya sa halip na taga-linis lang sa isang malaking building? Yan ang mga ini-imagine ni Jessa Diryln bago matulog sa gabi pagkatapos ng kanyang mga part-tine-Jobs. Hindi naman masama ang mangarap ng gising, gumawa ng sariling kwento sa imahinasyon, at umarte na naayon sa pangarap kapag ikaw lang mag-isa. However, Bakit iba yata ang naging resulta ng kanyang mga imahinasyon? Bakit narito siya ngayon sa isang lugar kung saan napapa-libutan siya ng mga taong may hawak ng kamera? Naka-luhod sa lupa kaharap ang duguan at walang buhay na babaeng hindi naman niya kilala. "You wench! You killed my sister
Nagkagulo ang lahat ng makita ang nangyayari. Kung kanina ay nagkukunwaring walang nakikita at naririnig ang mga tao sa paligid, ngayon ay nakapalibot na ang mga eto at may hawak na cellphone habang binibidyohan ang nangyayari. "A-ate... Anong ginawa mo!?" Malakas na sigaw ni Lucy na nagpa-flinch kay Jessa. "Ano? Anong ginawa ko?" Kunot-noong tanong niya. Ang mga tao ay sa kanya napa-tuon kaya napa-tingin din si Jessa sa mga ito. Pagkatapos ay nanginginig na napa-yuko habang kalong ng kanyang mga hita ang ulo ng hindi na humihinga ng babae. Is she being framed-up? "Bakit mo siya tinulak?! Sinampal nya lang ako dahil hndi maganda ang nasabi ko sa pag-hingi ko ng pera sayo, pero bakit mo siya tinulak?! Bakit mo siya pinatay?!" Mas lumakas pa ang boses ni Lucy. "Anong sinasabi mo, hindi ako ang tumulak-" "I know you love me so much.. Gagawin mo ang lahat para makapag-tapos ako. Pero hindi ko sinabi sayo na pati ang pumatay ng tao ay gawin mo. Naiintindihan ko naman na nahihirap