LOGINDahil sa matinding pangangailangan at sa inang nakaratay sa ICU, napilitan si Kaia na isuko ang sarili kapalit ng malaking halaga-isang desisyong kailanman ay hindi niya inakalang gagawin niya. Sa loob ng isang gabi, nakasama niya ang isang misteryosong lalaking nagpakilalang "Mr. C." Nakapiring ang kaniyang mga mata kaya't ni anino ng mukha nito ay hindi niya nasilayan. Tanging malamig na tinig, marahang haplos, at pangakong babalikan siya ang naiwan sa kaniya. Ngunit imbes na galit ang maramdaman, unti-unting nahulog ang loob ni Kaia sa lalaking hindi niya nakita. Isang kahibangan man para sa iba, pinanghawakan pa rin niya ang pangakong muli silang magkikita-lalo na nang malaman niyang nagbunga ang gabing iyon. Makalipas ang ilang taon, napadpad si Kaia sa isla ng El Nido kasama ang kaniyang anak na si Kairo. Doon niya nakilala ang magkapatid na sina Cassian at Caelum Delacroix-mga kilalang negosyante at tagapagmana ng isang marangyang resort empire. Naging malapit ang magkapatid sa kaniya, lalo na kay Kairo na agad nilang kinagiliwan. Ngunit habang tumatagal, lalong nagugulo ang isip ni Kaia. Parehong may mga bagay na nagpapaalala sa kaniya tungkol kay "Mr. C." Ang malamig ngunit mapang-akit na titig ni Cassian... at ang pamilyar na boses at pag-aalaga ni Caelum. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang hinihintay? Ang lalaking minahal niya kahit hindi niya kailanman nakita? O panahon na para buksan ni Kaia ang puso niya para sa panibagong pag-ibig?
View MorePUNO ng takot at pangamba ang dibdib ni Kaia, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang trabahong inialok sa kaniya ni Selena— ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.
Labag man iyon sa kaniyang kalooban, desperado na siya. Kailangan niya ng pera para sa agarang operasyon ng kaniyang ina na kasalukuyang nasa Critical Care Unit ng St. Valencia Medical Center sa Maynila. Isang malubhang tumor sa utak ang natuklasan dito at kinakailangan agad operahan bago pa lumala ang kondisyon nito. Wala na ring ibang maaasahan si Kaia. Maaga siyang naulila sa ama at nag-iisang anak lamang siya. Kaya naman hindi niya kayang isipin ang mangyayari sa kanya kung mawawala rin ang kaniyang ina. Kung mangyayari iyon, tuluyan na siyang magiging mag-isa... Mariing ipinikit ni Kaia ang kaniyang mga mata kahit nababalutan iyon ng makapal na telang nakapiring sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang mahigpit na nakakapit sa puting kumot ng kama. Tanging manipis na robe lamang ang nakatakip sa kaniyang katawan ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong klaseng lalaki ang makakasama niya ngayong gabi. Hindi niya alam kung mabuti ba ito o halimaw. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang pag-click ng doorknob, kasunod ang marahang paglangitngit ng pintong unti-unting bumukas. Kasabay niyon ay ang mabibigat ngunit kontroladong yabag na palapit sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kaia. Dahil sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, puro dilim lamang ang nakikita niya kaya’t pinili na lang niyang hintayin kung ano ang susunod na mangyayari. “There you are, woman...” Napasinghap si Kaia nang marinig ang malalim na tinig ng lalaki mula sa kaniyang harapan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kakaiba ang epekto niyon sa kaniya. Bahagyang paos ang boses nito, mababa at tila pagod na pagod. Ngunit higit sa lahat, ramdam niya ang lungkot na nakapaloob doon. Hindi ba dapat masaya ito? Dahil narito siya ngayon—isang babaeng binayaran para samahan ito ngayong gabi. Bukod sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, wala na siyang ibang harang sa katawan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang lumubog ang kama sa kaniyang tabi. Kasunod niyon ay ang mainit at malambot na palad na marahang dumampi sa kaniyang pisngi. “What’s your name, woman?” tanong nito sa parehong mabigat na tinig. Bahagyang natigilan si Kaia bago sumagot. “A-Anna...” Hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Sinadya niyang magsinungaling. Ayaw niyang malaman ng estrangherong ito kung sino talaga siya. Mahirap na at baka isang araw ay makilala siya nito sa labas. “Anna...” marahan nitong ulit habang tila ninanamnam ang pangalan niya. Pagkatapos ay ilang segundo itong natahimik. “How would you feel if the person you loved more than your own life betrayed you?” Napatigil si Kaia. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumurot sa kaniyang puso nang marinig ang tanong nito. Iyon marahil ang pinakamalungkot na tinig na narinig niya sa buong buhay niya. Unti-unting naglaho ang takot at kaba na kanina’y bumabalot sa kaniya. Sa halip, awa at pag-aalala ang pumalit doon. Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng lalaking hindi niya nakikita. Hindi niya maintindihan kung bakit tila dama rin niya ang sakit nito. Nang hindi siya sumagot, marahan itong napabuntong-hininga. Kasunod niyon ay ang mahinang pagsinghot. At pagkatapos... ay paghikbi. Nanlaki ang mga mata ni Kaia sa ilalim ng piring. Umiiyak ba ito? Hindi maintindihan ni Kaia kung bakit, ngunit tila kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay. Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang basang pisngi nito. At doon niya napatunayan na totoo ang haka-haka niya. Umiiyak ito. At nang marahang haplusin ni Kaia ang mukha nito, bigla na lamang siyang niyakap ng lalaki nang mahigpit at parang desperado. Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat ng katawan nito habang nakasubsob ito sa kaniyang dibdib. Kasunod niyon ay ang pigil na paghagulhol nito. Parang pinipiga ang puso ni Kaia sa bawat hikbi ng estranghero. Hindi niya alam kung anong klaseng sakit ang pinagdaraanan nito para umiyak nang ganoon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto niya itong damayan. Kaya hinayaan lang niya ito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito habang tahimik na nakikinig sa bawat paghinga at hikbi ng lalaki. Hindi niya maunawaan kung bakit lubos siyang naaapektuhan dito. Pakiramdam niya, may kung anong bahagi sa kaniyang puso ang biglang nabuhay. Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para pagaanin ang sakit ng lalaking ito. “Is it possible to fall in love with someone you only met for one night?” tahimik na tanong ni Kaia sa kaniyang sarili. Posible nga kayang mahulog ang loob niya sa isang lalaking boses lamang ang alam niya? Sa isang lalaking hindi niya kailanman nakita? Posible kaya iyon? Ilang sandali pa ay unti-unting tumigil sa pag-iyak ang lalaki. Matapos niyon ay marahan nitong hinaplos ang kaniyang pisngi. “Thank you, Anna...” bulong nito sa masuyo ngunit pagod na tinig. Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. “Now... can you be mine tonight?” May pagsusumamo sa boses nito habang marahang pinipisil ang kaniyang baba. Hindi namalayan ni Kaia ang sarili na tumatango bilang tugon. At matapos niyon, marahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga bago tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal, maingat, at parang natatakot itong masaktan siya. Ngunit habang tumatagal, lalong nagiging mapusok ang bawat haplos at halik nito sa kaniyang balat. Napahigpit ang kapit ni Kaia sa balikat ng lalaki habang dinadala siya nito sa init ng gabing iyon. “Anyway... I’m Mr. C,” paos nitong bulong malapit sa kaniyang tainga. Saglit itong huminto bago marahang hinaplos ang telang nakatakip sa kaniyang mga mata. “And I’m sorry for the blindfold. It’s for your own good, woman...”LUMIPAS ang halos tatlumpung minuto matapos ang coffee break nina Maggie, Kaia, at Tristan.Nagbalik na rin ang bawat isa sa kani-kanilang responsibilidad.Tahimik na muling nilibot ni Maggie ang lobby ng Paradise Cove. Bilang Guest Experience Manager, ugali na niyang mag-inspection bago sumapit ang dinner service. Sinisiguro niyang maayos ang reception, malinis ang lounge, at kumpleto ang lahat ng request ng mga bisita."Good afternoon, Ma'am Maggie," bati ng isa sa mga receptionist."Good afternoon. Kumusta ang arrivals?""Smooth naman po. May isa lang pong VIP guest na nag-request ng sunset yacht reservation.""I-coordinate n'yo agad sa concierge.""Yes, Ma'am."Tumango siya bago muling naglakad.Hindi pa man siya nakakalayo ay napahinto siya nang may marinig na pamilyar na boses."Excuse me."Lumingon siya.Isang matangkad na foreigner na nasa kalagitnaan ng thirties ang nakangiting nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng beige linen polo at shorts, habang nakasabit sa balikat ang ma
HAPON na nang tuluyang humupa ang dagsa ng mga guest sa lobby ng Paradise Cove.Isa-isang nagsibalikan sa kani-kanilang departamento ang mga empleyado matapos ang sunod-sunod na check-in at check-out. Sa wakas ay nakahinga rin nang maluwag si Maggie matapos ang halos buong araw na pagtayo, paglalakad, at pakikipag-usap sa iba't ibang bisita."Nakakaloka..." mahina niyang bulong habang inuunat ang likod."Ma'am, okay na po lahat ng VIP requests," ulat ng isa sa supervisors."Good. Thank you. Pwede na kayong mag-break.""Thank you, Ma'am."Ngumiti si Maggie bago isinara ang tablet na hawak niya.Hindi pa man siya nakakahakbang palayo ay may dalawang kamay na biglang tumakip sa kanyang mga mata."Guess who?"Napabuntong-hininga siya."Tristan.""Ay, ang daya!" reklamo ng lalaki habang inaalis ang mga kamay. "Hindi ka man lang kinilig."Lumingon si Maggie at napailing nang makitang nakasimangot ang kaibigan.Nakapamaywang pa ito habang nakasuot ng navy blue manager's uniform ng Food and B
MAAGANG naging abala ang buong Paradise Cove sa El Nido.Kasagsagan ng check-out ng mga guests habang sunod-sunod namang dumarating ang mga bagong booking para sa weekend. Sa lobby, halos hindi magkamayaw ang mga receptionist sa pagsagot ng tawag at pag-aasikaso ng mga bisita."Ma'am Maggie, na-confirm na po ang VIP arrival mamayang alas-dos.""Okay. Paki-double check ang presidential villa. Siguraduhin ninyong kumpleto ang amenities. Ayokong may marinig na reklamo.""Yes, Ma'am."Tumango si Maggie bago muling tumingin sa tablet na hawak niya. Isa-isa niyang chine-check ang housekeeping reports habang naglalakad sa lobby.Hindi maikakailang malaki ang ipinagbago niya simula nang ma-promote bilang Guest Experience Manager.Siya na ngayon ang nangangasiwa sa buong guest relations department—mula sa VIP arrivals, customer satisfaction, complaints, hanggang sa overall guest experience ng resort.Marami ang nagsasabing sinuwerte lang siya dahil kaibigan niya si Kaia.Pero ang mga empleyado
MAKALIPAS ang ilang minuto ay tuluyan nang tumayo si Knox."Sige na nga. Marami ka pang meeting."Tumango si Ryx. "Ikaw rin.""At ikaw..." Bigla itong napangisi. "Huwag kang masyadong ma-fall sa ka-chat mo."Napairap siya. "Ulol.""Anong ulol?""Napapangiti ka na habang nakatingin sa cellphone.""Wala.""Weh?"Napailing si Ryx habang inaayos ang mga dokumento sa mesa. "Trip ko lang siyang asarin.""Sabi ng lahat ng unang na-fall.""Hindi ako.""Sure?""One hundred percent.""Screenshot ko 'yan.""Tanga."Humalakhak si Knox bago tuluyang lumabas ng opisina.Pagkasara ng pinto ay muli na namang bumalik ang katahimikan. Napasandal si Ryx sa executive chair. Unti-unti niyang dinampot ang cellphone. Automatic na napunta ang hinlalaki niya sa Twinkle app.Napangiti siya. "Wala lang,” mahina niyang bulong. "Titignan ko lang kung online."Pagkabukas niya ng app ay bumungad agad ang profile ni Maggielicious.Last Active: 3 minutes ago.Napataas ang kilay niya. "Online ka pala." Hindi niya nama
NANATILING nakaupo si Kaia sa sofa kahit matagal nang nagdilim ang screen ng kanyang cellphone. Tahimik ang buong apartment. Tanging mahinang ugong lamang ng electric fan at ang regular na paghinga ni Kairo mula sa kanilang silid ang maririnig.Ngunit sa loob niya, parang may bagyong muling nagisin
MAAGANG nagising si Kaia kinabukasan sa tunog ng alarm na itinakda niyang alas-singko ng umaga. Mabigat pa ang kanyang mga talukap ngunit agad din siyang bumangon. Katabi niya si Kairo na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap sa paborito nitong stuffed dinosaur. Ilang segundo niya munang pi
MAAGANG nagising si Kaia kinabukasan dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification mula sa kanyang cellphone. Bahagya pa siyang napapikit habang inaabot ang telepono sa ibabaw ng maliit na bedside table. Alas-singko pa lamang ng umaga kaya madilim pa ang paligid. Mahimbing pa ring natutulog si Kai
SAMANTALANG sa kabilang bahagi ng siyudad, sa gitna ng nagtataasang gusali ng business district sa Makati, tahimik na nakatayo ang pinakamalaking headquarters ng C&C Group of Companies. Isang dambuhalang glass tower na tila sumasayad sa ulap.At sa pinaka-itaas na palapag ng gusaling iyon...Naroon






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews