“Ano ba, ang harot mo!” Sinubukan ni Farrah tumayo at kumawala sa bisig ni Damon ngunit hindi siya hinayaan nito. “Baka may makakita sa ‘tin, nakakahiya.”
“Hayaan mo sila, alam naman nila na mag-asawa tayo.”“Alam din nila na maghihiwalay na tayo.”“Gusto mo ba ang maghiwalay talaga tayo?”“Iyon naman ang tama di ba?”Napabuntonghininga si Damon at inilayo ng bahagya ang katawan ni Farrah. Tumayo na rin ito at tumitig sa kawalan upang maiwasan ang tingin ni Farrah.“Mali ba ang pasya ko?” tanong ni Farrah.“Hindi, tinatama mo lang ang sitwasyon,” tugon ni Damon at tumalikod na ito. “Tara na sa loob at lumalalim na ang gabi.”“Damon.” Pigil ni Farrah sa braso ni Damon. “Pag-isipan mo mabuti ang tungkol sa ama mo. Kung makikipag-ayos ka pa o hindi na, at saka natin muli pag-usapan ang tungkol sa ‘tin."Hindi kumibo si Damon at tuluyan nang naglakad papasok sa bahay na ‘di man lumingon kay Farrah.Pinagmamasdan ni Farrah ang mga biniling damit at sapatos na dinagdagan pa ni Norma ng dalawang designer bags. Ayaw niyang tanggapin sana ang mga ito ngunit mapilit din si Damon.“Ganito ba talaga ang maging asawa ni Punongbakal?” bulong niya sa sarili. “Masyadong maluho,” dagdag pa nito.Ngayon ay ‘di siya makapagpasya alin ang nababagay na suotin mamaya. Isang dinner date na kasama ang pamilyang Buenavista. Sa kakaisip pa lang sa pamilyang ito ay ‘di na mapakali si Farrah.“Choose the black dress,” biglang sambit ni Damon na nakasandal sa may pintuan.“Kanina ka pa d’yan?”“No, kadarating ko lang at mukha malalim ang iniisip mo. Can’t decide which dress to wear?”“Ah, oo. Ang mahal kasi, ngayon pa lang ako nagkaroon ng ganitong kamahal na damit. Nakakapanghinayang isuot ng isang tulad ko.”Lumapit si Damon kay Farrah at dinampot ang black v-neck ruffle dress. Isinukat niya ito kay Farrah.“Babagay sa ‘
“Ready ka na na?” tanong ni Damon.“Kanina pa,” tugon ni Farrah at halatang excited.Inalis kaagad ni Damon ang panyong nakapiring kay Farrah.“W-what?” hindi makapaniwala sambit ni Farrah habang nakikita ang picnic blanket na may basket. May wine and chips na rin kasama. “How?”“Tara.” Hinatak ni Damon si Farrah patungo sa picnic blanket at inalalayan niya itong maupo. “Pinaayos ko kay Bert kung sakaling umuwi kaagad tayo.”“Kaya pala bigla silang nawala ni Mang Luis kanina pagbaba natin sa sasakyan. Dito pala sila sa likod bahay pumunta para lang ayusin ito,” namamangha wika ni Farrah.“Look.” Turo ni Damon sa isang puno.Natuwa naman si Farrah dahil ang daming alitaptap sa isang sanga ng puno.“Ang ganda.”Nagsalin ng wine si Damon sa dalawang kopita at ibinigay ang isa kay Farrah.“Masaya ka ba?” tanong ni Damon.“Oo naman. Ang ganda talaga sa probinsya.”Hindi
Tinawag ni Mayor Morena ang kaniyang katiwala at pinakuha ang mga dokumento kailangan nila Damon at Farrah. “Natapos na ang mga dokumento, ngunit ngayong natagpuan na natin si Alfonso ay mapagtitibay pa lalo ang mga nakasulat d’yan,” wika ni Mayor Morena at iniabot ang mga dokumentong nasa envelope kay Farrah. Masayang-masaya si Farrah na tinanggap ang mga dokumento at napatingin ito sa mukha ni Damon na walang ekspresyon. “Nakakahiya naman sa inyo. Ang totoo niyan ay ako ang may kasalanan dahil trabaho ko ang pag-asikaso ng mga papeles para kay mayor noon. Kaya pasensya na kayo,” nahihiyang paumanhin ni Alfonso. “Ayos na po ‘yon Mang Alfonso, ngayon ay malalagay na sa tama ang lahat,” wika ni Farrah. Habang si Damon naman ay hindi pa rin kumikibo. “Kung ganoon ay dalhin niyo na ang mga dokumentong ‘yan at bukas naman, ipapasunod ko na lang ang statement ni Alfonso,” wika ni Mayor Morena. “Paano nga po pala ang pr
Tinanghali ulit ng gising si Farrah dahil mag-uumaga nang nagpasya silang matulog ni Damon. Nakahiga pa rin siya nakatingala sa kisame at hindi makapaniwala sa mga naganap kagabi. Hindi pa rin niya malimutang umamin si Damon ng kaniyang nararandaman at ayaw nito na magkahiwalay sila. Kinikilig na kinagat-kagat ang manipis na kumot na nakabalot sa kaniya. Nang bigla tumunog ang kaniyang cellphone at nakita sa screen ang pangalan ni Sandra. “Hello, beshy,” may halong kilig ang kaniyang tinig. “Beshy kumusta na? Kailan ang balik niyo ng Maynila?” tanong ni Sandra sa kabilang linya. “Baka this week, may kailangan lang ayusin si Damon at babalik din kami.” “May kakaiba sa ‘yo.” “Anong kakaiba naman?” nangingiting tanong ni Farrah at saka dumapa ng higa. “Parang may kumikiliti sa tainga mo. Kahapon na tumawag ka hindi ka gan’yan kasaya.” “Akala mo lang ‘yon,” pagkakaila ni Farrah dahil gusto niyan
Damon met his father with his minions at the old chapel of San Pablo. “Dad,” salubong ni Damon sa ama na kabababa lang ng sasakyan. “What’s the matter, son?” tanong ni Mayor Buenavista. “Hindi maipinta ‘yang mukha mo.” “It’s Farrah, nawawala siya.” “Paanong nawawala? Hindi ba’t iniwan mo sa siya sa pinsan ni Mang Luis?” “Yes, pero pagbalik namin sa bahay ni Aling Norma kanina ay wala na siya. Do something dad.” “Magpapalagay ako ng checkpoint sa mga puwedeng daanan.” Iniutos nga ni Mayor Buenavista ang paglalagay ng mga checkpoint upang matunton si Farrah. Ngunit mag-uumaga na ay walang Farrah na natagpuan. “Makakabuti kung magpahinga ka muna,” wika ni mayor sa anak. Nasa Office of the Mayor sila sa mismong munisipyo. “No dad, I need to know first kung nasaan na si Farrah,” tugon ni Damon. “Tumawag ka na ba sa Manila? Baka nakauwi na si Farrah sa kanila.” “I alrea
40 hours earlier. Kakagaling ni Farrah sa bahay ni Mayor Morena at ngayon ay hindi niya alam kung saan tutungo. ‘Di na siya puwede bumalik sa bahay ni Norma dahil siguradong magkikita sila ni Damon. Kung mananatili pa sa San Pablo kahit isang gabi ay baka mahanap siya ni Damon, lalo na ngayong magkaayos na sila ng ama nito.Naisipan niyang lumuwas na ng Manila kaya nagtungo kaagad ito sa terminal ng bus. Habang naghihintay sa bus ay naisipang magbanyo muna ngunit napansin niya ang lalaki nakatalikod at pamilyar sa kaniya. Laking gulat pa nito nang makita ang mukha ng lalaki, si Bert. Kinabahan siya dahil alam niyang nandito rin si Damon at siguradong hinahanap siya. Ano mang sandali ay maaari siyang matagpuan ng mga ito kaya minabuti niyang lumayo sa terminal.Minabuti niyang bumyahe patungo sa San Carlos. Nakisakay lamang siya sa mga nagdaraan sasakyan na nagtutungo sa mga karatig bayan dahil madalang ang mga pampubliko sasakyan. Halos gina
Present. Nasa kalagitnaang daan na sila Damon papunta San Roque ang bayan na nasa pagitan ng San Pablo at San Carlos. May kasukalan ang mga kalsada at kakahuyan ang nasa magkabilang gilid. Masikip at maraming baku-bako ang kanilang nadaanan.Wala pa rin tigil si Damon sa kakatawag kay Farrah kahit out of reach ang sumasagot sa kaniya.“Sir, baka naman mapudpod ang daliri niyo kakatawag,” pagbibiro ni Bert na nasa harapan at katabi ng driver seat.“Pagdating natin sa Manila ay malalaman natin ang rason ni Ma’m Farrah sa biglaang pag-alis,” sambit ni Mang Luis na siyang driver.Naiinis naman si Damon na inihagis sa tabing upuan ang cellphone. Habang ang sasakyan ay bumagal ang takbo.“May nakatumbang kahoy sa daan,” saad ni Mang Luis na inihinto ang sasakyan na may bahagyang kalayuan sa nakitang malaking kahoy na nakaharang.Binuksan ni Bert ang pintuan ng sasakyan upang bumaba. Ngunit pinigilan siya ni Damon dahil may naalal
“Makipagtulungan ka lang at gawin ang tama ay sisiguraduhin ko na maililigtas ang buhay ng kapatid mo,” paniniguro ni Damon.Napalunok si Ms. Santos bago magsalita, “Si Ms. Ledesma po sir, pinuntahan niya ako minsan sa opisina at kinausap. Umiiyak ito at sabi ay nakipag-break kayo sa kaniya.”“Nasisiraan ka ba? Kahit kailan ay hindi naging kami.”Nagulat si Ms. Santos sa tugon ni Damon at pakiramdam niya ay naisahan siya ng babae.“Napaniwala niya po ako kasi madalas ko siyang makita dumalaw sa inyo at ang sweet niyo. Kaya naman naawa ako sa kaniyang pakiusap na sabihin kung saan kayo nagtutungo at kung sino ang kasama niyo. Kapalit ng pagbibigay ko ng impormasyon ay pinautang niya ako ng malaking halaga upang maipagamot ang kapatid ko. Ngunit hindi ‘yon sapat at hangga ngayon ay nasa hospital si Irene at may sakit. Kaya naman tinuloy-tuloy ko ang pagbibigay ng impormasyon sa kaniya dahil sa pangako papautangin ako muli,” tuluyang napaiyak si M