Share

Chapter 29

Naiwan si Damon at Bert sa patrol kasama ang isang pulis, ang ibang apat na pulis ay kumilos na upang halughugin ang paligid dahil may malapit na kakahuyan sa lugar.

Habang naghihintay sina Damon ay napag-uusapan nilang tatlo ang mga posibilidad na mangyari at kung ano ang dahilan ng mga masasamang tao para habulin sila.

“Walang ransom na hiningi nang kami ay dukiting dalawa ni Farrah,” wika ni Damon.

Pakirandam naman ni Damon ay pauli-ulit na lang din ang kaniyang paliwanag sa mga nagaganap kaya nagpasya manahimik na lang at hayaan ang dalawang kasama na sila na lang ang mag-usap.

Hindi na niya matanaw ang apat na pulis na naghahanap sa mga kriminal, marahil nagpatuloy ang mga ito sa paghahanap sa kalayuan. Silang tatlo naman ay nakaupo sa mga pahabang upuan ng patrol, magkatabi si Bert at ang pulis habang siya ay mag-isa sa kabilang upuan.

“Dapa!!!” hiyaw ni Bert na kaagad naman hinila si Damon upang protektahan. Nagsumiks

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
buj gqab
chapters should not be auto unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status