Damon met his father with his minions at the old chapel of San Pablo.
“Dad,” salubong ni Damon sa ama na kabababa lang ng sasakyan.“What’s the matter, son?” tanong ni Mayor Buenavista. “Hindi maipinta ‘yang mukha mo.”“It’s Farrah, nawawala siya.”“Paanong nawawala? Hindi ba’t iniwan mo sa siya sa pinsan ni Mang Luis?”“Yes, pero pagbalik namin sa bahay ni Aling Norma kanina ay wala na siya. Do something dad.”“Magpapalagay ako ng checkpoint sa mga puwedeng daanan.”Iniutos nga ni Mayor Buenavista ang paglalagay ng mga checkpoint upang matunton si Farrah. Ngunit mag-uumaga na ay walang Farrah na natagpuan.“Makakabuti kung magpahinga ka muna,” wika ni mayor sa anak.Nasa Office of the Mayor sila sa mismong munisipyo.“No dad, I need to know first kung nasaan na si Farrah,” tugon ni Damon.“Tumawag ka na ba sa Manila? Baka nakauwi na si Farrah sa kanila.”“I alrea40 hours earlier. Kakagaling ni Farrah sa bahay ni Mayor Morena at ngayon ay hindi niya alam kung saan tutungo. ‘Di na siya puwede bumalik sa bahay ni Norma dahil siguradong magkikita sila ni Damon. Kung mananatili pa sa San Pablo kahit isang gabi ay baka mahanap siya ni Damon, lalo na ngayong magkaayos na sila ng ama nito.Naisipan niyang lumuwas na ng Manila kaya nagtungo kaagad ito sa terminal ng bus. Habang naghihintay sa bus ay naisipang magbanyo muna ngunit napansin niya ang lalaki nakatalikod at pamilyar sa kaniya. Laking gulat pa nito nang makita ang mukha ng lalaki, si Bert. Kinabahan siya dahil alam niyang nandito rin si Damon at siguradong hinahanap siya. Ano mang sandali ay maaari siyang matagpuan ng mga ito kaya minabuti niyang lumayo sa terminal.Minabuti niyang bumyahe patungo sa San Carlos. Nakisakay lamang siya sa mga nagdaraan sasakyan na nagtutungo sa mga karatig bayan dahil madalang ang mga pampubliko sasakyan. Halos gina
Present. Nasa kalagitnaang daan na sila Damon papunta San Roque ang bayan na nasa pagitan ng San Pablo at San Carlos. May kasukalan ang mga kalsada at kakahuyan ang nasa magkabilang gilid. Masikip at maraming baku-bako ang kanilang nadaanan.Wala pa rin tigil si Damon sa kakatawag kay Farrah kahit out of reach ang sumasagot sa kaniya.“Sir, baka naman mapudpod ang daliri niyo kakatawag,” pagbibiro ni Bert na nasa harapan at katabi ng driver seat.“Pagdating natin sa Manila ay malalaman natin ang rason ni Ma’m Farrah sa biglaang pag-alis,” sambit ni Mang Luis na siyang driver.Naiinis naman si Damon na inihagis sa tabing upuan ang cellphone. Habang ang sasakyan ay bumagal ang takbo.“May nakatumbang kahoy sa daan,” saad ni Mang Luis na inihinto ang sasakyan na may bahagyang kalayuan sa nakitang malaking kahoy na nakaharang.Binuksan ni Bert ang pintuan ng sasakyan upang bumaba. Ngunit pinigilan siya ni Damon dahil may naalal
“Makipagtulungan ka lang at gawin ang tama ay sisiguraduhin ko na maililigtas ang buhay ng kapatid mo,” paniniguro ni Damon.Napalunok si Ms. Santos bago magsalita, “Si Ms. Ledesma po sir, pinuntahan niya ako minsan sa opisina at kinausap. Umiiyak ito at sabi ay nakipag-break kayo sa kaniya.”“Nasisiraan ka ba? Kahit kailan ay hindi naging kami.”Nagulat si Ms. Santos sa tugon ni Damon at pakiramdam niya ay naisahan siya ng babae.“Napaniwala niya po ako kasi madalas ko siyang makita dumalaw sa inyo at ang sweet niyo. Kaya naman naawa ako sa kaniyang pakiusap na sabihin kung saan kayo nagtutungo at kung sino ang kasama niyo. Kapalit ng pagbibigay ko ng impormasyon ay pinautang niya ako ng malaking halaga upang maipagamot ang kapatid ko. Ngunit hindi ‘yon sapat at hangga ngayon ay nasa hospital si Irene at may sakit. Kaya naman tinuloy-tuloy ko ang pagbibigay ng impormasyon sa kaniya dahil sa pangako papautangin ako muli,” tuluyang napaiyak si M
Hindi na nagpabukas pa si Damon at muling nagbiyahe patungo ng San Pablo. Gusto niyang matapos na ang lahat ng problema tungkol sa mga taong gustong gawan siya ng masama. Nais niyang sa susunod na paghaharap nila ni Farrah ay tangi problema sa pagitan na lamang nila ang aayusin.“Pahinga ka muna sir,” wika ni Bert na nasa driver seat at palagi ang tingin sa rear mirror upang makita si Damon. Isinama nila sa sasakyan ang isa sa mga pinahiram na bodyguard ni Mayor Buenavista, si Rylee. Upang may kapalitan si Bert sa pagmamaneho.“Huwag mo ako intindihin at maya-maya lang ay iidlip ako,” tugon ni Damon at nakaidlip nga ito.Mag-uumaga nang dumating sila sa San Pablo at pagkagising ni Damon ay sa hospital dumiretso upang bisitahin si Mang Luis.“Magaling na naman ako at bukas ay puwede ng pa-discharge. Makakabalik na rin ako sa trabaho,” wika ni Mang Luis na nakasandal sa head board ng kama.“Makakabuti kung magbakasyon muna kayo rito sa
May kalayuan na rin ang tinatakbo nila Damon at napansin niyang wala ng sumusunod sa kanila. Malapit na silang lumabas ng San Pablo at tatahakin ang kalsada patungo sa susunod na bayan, ang Santa Ana. Ngunit bigla tumigil ang sasakyan at umusok ang makina nito. Napapaligiran na ng punongkahoy ang magkabilang gilid ng kalsada at maraming nagsasabing dito madalas maglungga ang mga taong labas. “Damn it!” Natapik ni Damon ang manibela sa sobrang inis. Bumaba naman si Nilo kaya nahatak ang kamay ni Damon. Naghilahan silang dalawa dahil sa iisang posas na nagdudugtong sa kanila. “Ano ba Nilo?!” naiinis na sambit ni Damon. “Bumaba ka na rito. Alangan naman umakyat ulit ako sa sasakyan para lang makababa ka sa kabila!” Walang nagawa si Damon kaya sumunod kay Nilo mula sa binabaan nito at nagtataka pumasok sa kakahuyan. Nakakaladkad na siya ni Nilo dahil sa bilis nito maglakad. “Sandali nga!” reklamo ni Damon at tumigil sa paglalak
Hindi lumabas ng silid ang ginang dahil pakiramdam nito ay kailangan siya ng kaniyang anak. Kaya nilapitan niya si Farrah at naupo sa tabi nito.“Mommy, kung sesermunan niyo lang ako ay mabuting lumabas na lang kayo ng silid,” matamlay na sambit ni Farrah.“Alam mo Farrah, hindi kita pinalaking ganiyan. Napapansin ko nakakapagbitiw ka ng masakit na salita sa mga tao, lalo na kay Sandra.” Hinawakan ng ginang ang isang kamay ng anak at pinisil ito, “Matagal na kayong magkaibigan at magkakampi palagi sa anu mang bagay. Kailangan mo rin intindihin si Sandra dahil may pinagdadaanan siya ngayon.”“Ano naman pinagdadaanan niya mommy? Mukha naman siyang masaya palagi.”“Hay naku, batang ito talaga,” sambit ng ginang at inakbayan ang anak, “hindi lang nagsasabi si Sandra pero nahuli ko siyang umiiyak sa kusina isang gabi. Pinilit ko siyang magtapat at ang sabi sa akin ay nakabuntis ang nobyo niya.”Tumaas ang isang kilay ni Farrah, “Ang pangi
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap