Share

Chapter 8

Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.

“Good morning,” bati niya na may ngiti.

“Good morning too,” ganti ni Damon.

“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.

Umiling lamang si Farrah.

“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.

“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.

Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.

“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.

“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.

Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa mga nagdaraan araw at naalala ang bago hired na kasama sa flower shop dahil pumayag magsimula kahit araw ng linggo.

“Oo nga pala, ano nga pag-uusapan natin ngayon?” tanong niya.

“Napansin ko nagiging malapit si Heaven sa ‘yo at nagiging masigla, alam mo naman ang kalagayan ng anak ko tungkol sa kaniyang kalusugan,” sambit ni Damon.

“May maitutulong ba ako?” tanong niya.

“Malaki,” tipid na sagot ni Damon.

Bigla siya nagtaka kung paano makakatulong kay Heaven kaya nakinig ng mabuti sa mga sasabihin ni Damon.

“Nasabi ng doctor na makakabuti sa bata ang palagi may nakakausap na tao maaari maging malapit sa kaniya, may yaya siya ngunit iba bagay naman ‘yon. Mas makakabuti ang pagkakaroon ng isang kaibigan na masasabihan ng mga sikreto at makapalagayan ng loob. Gusto ko lubusan gumaling si Heaven at naisip ko ikaw ang makakatulong sa ‘kin,” mahaba paliwanag ni Damon.

Nagtataka naman si Farrah dahil masyado siya matanda para sa bata upang maging kaibigan nito na baka isang ina ang kailangan at ‘di lang basta kaibigan.

“Baka nanay ang kailangan niya,” bulong nito na ‘di nakaligtas sa pandinig ni Damon.

“You are right, she need a mother,” ani Damon.

Bigla siya nahiya sa tinuran ng lalaki na dapat ay kinontrol ang sarili bibig na may masabi. Mukha sinsero si Damon na nakatitig ng diretso sa kaniya at nakakarandam na siya ng pag-iinit sa puwetan na sana ay lamunin na siya ng lupa.

Bago pa man siya may masabi ulit ay dumating ang katulong upang tawagin sila para sa almusal.

“Tell Nana Tinay to take Heaven in the dining for breakfast,” utos pa ni Damon sa katulong na kaagad naman tumalima.

Sumunod si Farrah kay Damon sa dining room at pinaghila siya nito ng upuan na kaniyang kinamangha.

“Salamat,” sambit niya at naupo na rin si Damon.

Napapaisip siya kung ano ang nakain ng lalaki at nagiging gentleman ito ngayon samantalang hindi nga siya maipagbukas ng pinto ng kotse.

Nagsimula ang katahimikan sa pagitan nila matapos siya paunahin kumain ni Damon ngunit tumanggi siya.

“Hindi pa masyado malinaw sa ‘kin ang pinag-uusapan natin kanina,” basag nito sa katahimikan.

“Just think of it as a favor in exchange of the help you getting from me,” sambit ni Damon.

“Makikipagkaibigan ako kay Heaven or maging ina-inahan ako?” tanong ni Farrah.

“Better to pretend as her mother,” sagot ni Damon.

Nanlaki ang mga mata ni Farrah na ‘di lubos maisip kung paano gagawin maging ina-inahan ni Heaven.

“Tita Farrah!” tawag sa kaniya ng isang maliit na boses at napalingon sa pinanggalingan nito, si Heaven kasama si Nana Tinay.

Tumakbo ang bata palapit sa kaniya.

“Careful baby,” ani Farrah.

“You are here, are you going with us?” tanong ng bata.

“Saan?” balik niya tanong kay Heaven.

“To the Ocean Park!” masaya sagot ng bata.

Napatingin naman siya kay Damon na gusto niya ito pagpaliwanagin.

“She told me yesterday that she is bored and we decided to go today to the Ocean Park,” sambit ni Damon.

“You can come with us,” dagdag pa ni Damon.

“Yes Tita Farrah, come with us. Please…” pagmamakaawa pa ni Heaven.

Bumuntong-hininga na lamang si Farrah at tumango na kinasaya ni Heaven na napalundag sa tuwa.

“But with one condition,” wika ni Farrah.

“What?” tanong ni Heaven.

“You need to eat more nutritious foods para lumakas ka kaagad,” sambit nito.

Nag-promise naman si Heaven na kakainin lahat ng masustansya pagkain mula ngayon.

Matapos nila mag-almusal ay binihisan ni Nana Tinay si Heaven habang nag-uusap sina Damon at Farrah.

“So, paano ang set up?” tanong ni Farrah.

“Just stay with us every weekend for couple of months,” sagot ni Damon.

Parang mahirap ang set up na gusto ni Damon dahil maaring tumawag si Jeff nang ano man oras ngunit baka masolusyunan. Gusto rin naman niya makasama si Heaven dahil napapalapit na ang loob nito sa bata kahit noong una ay balak niya iwasan.

“Sige, pero huwag overnight,” pagsang-ayon niya.

Ngunit kinontra siya ni Damon dahil may pagkakataon na nagyayaya si Heaven ng out of town vacation dahil mahilig din ito sa dagat.

Wala naman nagawa pa si Farrah kaya pumayag na rin sa set up nila every weekend na makasama siya ng mag-ama at every weekdays ay kailangan niya tawagan ng madalas si Heaven sa phone.

Sinabi rin ni Damon na payag na siya gawin ang mga gusto ni Farrah na makakatulong sa annulment except being impotent dahil ‘di ito magiging kapani-paniwala sapagkat mayroon siya anak na si Heaven na 3 years old pa lang.

Nasiyahan naman si Farrah sa mga sinabi ni Damon at kahit papaano ay may maganda dulot sa kaniya ang kanilang set up.

Dumating sila Heaven at Nana Tinay na handa ng umalis. Pinagbuksan si Farrah ng pintuan ng sasakyan sa tabi ng driver seat.

Nakakarandam ng kakaiba kilig si Farrah sa pinapakitang pagka-gentleman ni Damon ngunit kailangan niya labanan dahil ayaw bumigay ng puso at baka masaktan niya si Jeff.

Sa kanila likuran naman naupo sila Heaven at Nana Tinay.

Habang nasa kalsada ay nagpatugtog ng love song si Damon na sinasabayan ni Heaven na kinamangha naman ni Farrah dahil sa maganda boses nito kahit 3 years old pa lang at kaya rin mag-memorize ng song.

“Ang ganda pala ng boses mo baby,” puri niya sa bata.

“Thank you po,” nakangiti pasalamat ni Heaven.

“Nakuha niya ang maganda boses ng mommy niya,” sambit ni Damon.

Tumango-tango na lamang siya sa tinuran ni Damon, nakakarandam siya ng kaunti selos sa kung paano purihin nito ang namatay na mommy ni Heaven. Marahil ay mahal na mahal niya ang namatay na babae at kaya hangga ngayon ay wala ito karelasyon dahil ‘di pa rin siya nakaka-move on.

Narating nila ang Ocean Park at kaagad bumili ng ticket si Damon upang makapasok sila. Tuwang-tuwa si Heaven habang pinagmamasdan ang iba’t ibang uri ng isda.

“Mabuti pa sir kuhanan ko kayo tatlo ng picture,” sambit ni Nana Tinay.

Pumayag naman si Damon at kinarga si Heaven samantalang naiilang si Farrah na lumalayo ng kaunti pagitan sa mag-ama.

“Closer,” ani Nana Tinay.

Bigla inakbayan ni Damon si Farrah palapit sa kaniyang matipuno dibdib na kinagulat nito.

“Ang ganda, para kayo one happy family,” natutuwa sabi ni Nana Tinay.

Masayang-masaya naman si Heaven kinuha ang camera upang tignan ang picture at ibinaba siya ng ama.

“Ang ganda mo rito Tita Farrah.” Turo ni Heaven sa picture kay Farrah.

“Bagay na bagay kayo ni daddy,” dagdag pa nito.

Narandaman ni Farrah nag-init ang kaniyang mukha sa tinuran ng bata na napansin naman ni Damon.

“Let’s go guys, para makita natin lahat ng isda rito,” anyaya ni Damon.

Sumunod naman sila kung saan man dalhin ni Damon.

Matapos malibot ang lahat ng isda ay nagyaya kumain si Heaven sa isang restaurant at nagpasya rin manood ng sine.

Gabi nang matapos sila sa pamamasyal at nakatulog na rin si Heaven kaya naman nagpasya si Damon na ihatid muna si Farrah sa bahay nito.

Nagpasalamat si Farrah dahil nag-enjoy siya kasama ang mag-ama sa pamamasyal bago magpaalam.

Nagkasundo rin sila ni Damon na magkikita muli kinabukasan.

Tulad ng nakagawian kapag nakauwi siya ay inaalam lahat ni Sandra ang nangyari at dahil matalik sila magkaibigan ay binahagi niya ang mga naganap hangga sa pareho makatulog.

Kinabukasan ay sinabihan ni Farrah si Damon na sunduin na lamang siya sa flower shop dahil ‘di maganda tignan na lagi nakikita ang sasakyan nito sa kanilang harap bahay lalo na hatid sundo siya madalas.

Matapos na matulungan sila Sandra ay dumating si Damon upang sunduin siya at nagtungo sa isang restaurant upang magkausap.

“May naisip ka na ba puwede grounds?” tanong ni Damon matapos maka-order ng pagkain.

“Yes,” mabilis na sagot ni Farrah.

“What kind?” tanong ulit ni Damon.

“Psychological Incapacity,” sagot ni Farrah.

Nakarandam ng pananakit ng ulo si Damon kaya napahimas na lamang sa kaniya noo.

Napansin naman ni Farrah ang reaksyon ng kausap.

“Huwag ka mag-alala, ‘di ikaw ang magpapanggap na baliw kun’di ako,” sambit niya.

“Kahit naman ‘di ka magpanggap na baliw ay dati ka na baliw,” pang-aasar ni Damon.

“Grabe ka sa ‘kin, kahit kailan never ako naging baliw,” depensa ni Farrah sa sarili.

Natawa ng nakakaloko si Damon na para ba may naalala sa pagtitig nito kay Farrah.

“Hangga ngayon ganiyan ka,” sambit ni Farrah.

“Sorry, may naalala lang,” paumanhin ni Damon.

“Ano?” tanong ni Farrah.

Bigla dumating ang order nila pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status