Share

Chapter 9

Author: Arkhate
last update Last Updated: 2022-03-10 12:00:07

Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.

‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.

“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.

Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.

“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.

“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.

Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”

Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.

Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara ang dalawa dahil magkaiba tao ang mga ito.

“Ano nga ba ‘yong naalala mo kanina?” tanong ni Farrah matapos maubos ang pagkain.

“Akala ko nakalimutan mo na ‘yon,” sagot ni Damon.

“Kumain lang ako, hindi ibig sabihin ay nakalimutan ko na ang pinag-uusapan kanina. Matindi kaya ang memories ko,” sambit ni Farrah.

Umayos naman si Damon sa pagkakaupo matapos uminom ng isang baso tubig.

“Naalala ko noong nag-aaral tayo lagi mo sinasabutahe ang date ko, papansin lang?” natatawa tanong nito.

“Papansin mo mukha mo, ano kinalaman naman sa kabaliwan?” balik na tanong ni Farrah.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nakikipag-break ang mga naging girlfriend ko noon. Ang dami mo kabaliwan ginawa tulad ng pagsampay sa underwear ko sa flag pole, alam ko ikaw ‘yon at hindi ko lang ni-report sa faculty niyo,” paliwanag ni Damon.

Halata guilty si Farrah dahil alam niya ang kalokohan ginawa nang panahon ‘yon dahil sa sobra asar kay Damon.

“A-ano kasi i-iyon,” nauutal nito sambit sabay inom ng tubig sa baso.

Nakatingin lamang ng diretso si Damon sa kaniya at hinihintay ang paliwanag nito.

“Ganito ‘yon, kasalanan mo kaya isinampay ang underwear mo sa flag pole,” hirit pa niya.

“Paano naging kasalanan ko?” seryoso tanong ni Damon.

“Sinabi mo sa manliligaw ko na amoy anghit ako!” gigil na sagot nito.

Tumawa ng malakas si Damon na nakaagaw pansin sa ibang kumakain naroro’n.

Tumahimik siya sa pagtawa upang hindi makaagaw muli ng pansin at bumulong kay Farrah, “Para ‘yon lang gumanti ka ng below the belt.”

“Hindi mo naintindihan na matagal ko ng crush si Jay, sasagutin ko na siya dapat ngunit bigla umiiwas na sa ‘kin,” inis na sabi ni Farrah.

“Wala kuwenta ang Jay na ‘yon, nagkainuman lang kami at biniro may anghit ang nililigawan ay bigla sineryoso,” ‘di mapigilan matawa ni Damon sa sinabi.

“At saka may anghit ka nga ba talaga?” tanong pa ni Damon.

Napatayo bigla si Farrah at patakbo iniwan si Damon sa mesa.

Nahabol naman siya ni Damon bago makalabas ng pintuan at hinatak ang braso pabalik sa kanilang mesa.

“Hey! Maupo ka nga muna at masyado ka pikon,” sambit ni Damon.

Padabog na naupo si Farrah.

“Umaalis ka kaagad hindi mo pa nga nababayaran ang kinain mo,” wika pa ni Damon.

“Ano?!” nabigla tanong ni Farrah na hindi akalain na siya pala ang magbabayad ng mga pagkain in-order nila na siya rin umubos.

“Nagbibiro lang ako,” sagot ni Damon at tinawag ang waiter upang magbayad.

Ipinaliwanag ni Damon ang mga naganap sa pakikipag-inuman sa dati manliligaw ni Farrah na talaga nagkaasaran lamang at wala naman personalan naganap. Sadya pikon din si Jay kahit siya ang una nang-asar sa kaniya.

Sa umpisa ay ayaw maniwala ni Farrah ngunit binanggit muli ni Damon ang underwear na isinampay sa flag pole na talaga naman nakakahiya. Kung tutuusin ay nagpatuloy pa ang paghihiganti ni Farrah kay Damon dahil gumawa ito ng paraan upang masira ang lalaki sa mga naging karelasyon nang college.

“Naisipan ko asarin ka sa araw-araw na nagkakatagpo tayo dahil sa mga kalokohan ginawa mo at marahil nababaliw ka nang mga panahon ‘yon sapagkat may gusto ka sa ‘kin,” wika ni Damon na palagi ang pagtawa.

“Wow! Ang kapal ng face, paghihiganti lang lahat ng ‘yon at dahil inumpisahan mo kaya nakasanayan na,” buwelta ni Farrah.

“Tanong ko lang, paano mo nakuha ang underwear ko?” tanong ni Damon na kinapula ng mukha ni Farrah.

“Si Sandra ang nakaisip na kunin ang underwear mo at isampay sa flagpole. Nakuha niya ‘yon dahil may kaibigan ka patay na patay sa kaniya,” sagot ni Farrah.

“Sino?” tanong muli ni Damon.

“Secret lang ‘yon na ‘di puwede sabihin, nangako ako kay Sandra. Kung gusto mo, ikaw na magtanong sa kaniya kapag nagkita kayo,” sagot muli ni Farrah.

“Oh siya, para makabawi sa ‘yo. Ako na ang magpapanggap na baliw,” dagdag pa nito.

Nagkasundo na rin sila na kalimutan ang anu man hindi pagkakaunawaan sa nakaraan at makakabuti kung maging magkaibigan sila upang maging madali ang lahat sa kanila.

Nagpasya sila pumunta sa Mental Health Organization kung saan nagtatrabaho ang kakilala Psychiatrist ni Damon.

“Sure ka rito talaga?” pagdududa tanong ni Farrah.

“Oo, mainam rito sa kakilala ko at baka dalhin mo na naman ako sa isang Doctor Quack Quack,” pabiro sagot ni Damon.

Hinanap ni Damon ang opisina ni Dra. Saison at naghintay na harapin sila ng doktora.

“What a surprise, Damon. What can I do?” tanong ng doctor pagkakita sa kanila.

“We need your help,” sagot ni Damon.

Napansin naman ni Dra. Saison ang kasama nito.

“Who is she?” muli tanong.

“My wife Farrah,” pakilala niya na kinagulat ng doktora.

“Nag-asawa ka na pala, hindi ka man lang nag-imbita,” may tampo turan ni Dra. Saison at pinaupo sila.

Ipinagtapat ni Damon kay Dra. Saison ang sitwasyon nila ni Farrah na kinamangha nito, sinabi na rin niya ang kailangan tulong ngunit nagdadalawang-isip ang doktora.

“What do you think?” tanong ni Damon.

“Mahirap na alanganin ang gusto ninyo mangyari,” sagot ni Dra. Saison.

Ipinaliwanag ni doktora ang mga posibilidad na maari mangyari sakali pagbigyan niya ang mga ito. Puwede madamay ang kaniyang profession sakali magkaroon ng hindi inaasahan sitwasyon at sakali man na maging matagumpay ang paggamit ng mental health bilang ground sa annulment ay makakasama sa pagkatao ng isa sa kanila mag-asawa.

“Handa ka ba magkaroon ng hindi patas na pagtingin ang iba tao sa ‘yo Farrah?” tanong ni Dra. Saison.

Napaisip naman si Farrah sa tanong at hindi makasagot.

Pinayuhan sila ni Dra. Saison na pag-isipan mabuti ang magiging desisyon at isaalang-alang din ang mga tao nakapaligid sa kanila. Maari sila bumalik kapag nakapagdesisyon na at handa siya tulungan ang mga ito.

Nagpaalam na sila sa doktora. Nasa labas na sila ng pasilidad ngunit wala pa rin kibo si Farrah.

“Are you alright?” tanong ni Damon.

“Ang hirap pala, akala ko ay madali lang makakuha ng grounds gamit ang health problems,” sagot ni Farrah.

Dinala siya ni Damon sa isang pamilyar na park at binilhan ng milk tea, ngunit para ba wala pa rin ito sa sarili na nag-iisip ng kung anu-ano.

Samantala, busy si Damon makipag-usap sa kniya cellphone na lumayo ng kaunti kay Farrah.

Nakatanga si Farrah sa kaniya kinauupuan.

“Ang hirap mabuhay,” bulong pa sa sarili.

“Mahirap talaga ang mabuhay lalo na at nakikita mo mawawala pa sa ‘yo ang tao pinakamamahal mo, ngunit mas masakit na mawala ang tao lagi nasa ‘yo tabi at hindi pinag-aalayan ng pagmamahal,” seryoso wika ng isa ‘di kilala boses.

Nagulat na napalingon si Farrah sa pinanggalingan ng boses, ang tao grasa na nakaupo sa kaniya tabi na nakatagpo noong una siya magawi sa park at muli sila nagkatitigan nito.

Bigla na lamang ngumiti sa kaniya ang tao grasa na kita ang gilagid nito at maiitim na bungi ngipin.

“Penge pera,” wika pa nito na inilahad ang palad.

Binigyan niya ulit ito ng pera at masaya tumakbo papalayo ang tao grasa na siya naman paglapit ni Damon.

“May ginawa ba siya masama sa ‘yo?” nag-aalala nito tanong.

Umiling lamang si Farrah.

“Kilala ko siya at talaga gumagala ang tao ‘yon dito upang manlimos,” wika ni Farrah.

Nakampante naman ang kalooban ni Damon sa narinig at wala dapat ipag-alala.

“Tumawag ang secretary ko at nakumpirma niya babalik sa bansa si Mayor Morena sa susunod na linggo,” pagbabalita ni Damon.

Bigla umaliwalas ang mukha ni Farrah sa narinig at nayakap si Damon.

“Salamat naman at may maganda balita sa wakas,” sambit nito at napansin ang pagkakayakap kay Damon na kaniya kinahiya.

“Sorry,” paumanhin nito at inalis ang pagkakayakap sa lalaki.

“It’s alright,” ani Damon.

Pagkaraan ng isang linggo ay nagpasya sila bumalik sa San Pablo upang salubungin si Mayor Morena.

“Sure ka ngayong araw ang dating ni mayor?” masaya tanong ni Farrah habang ‘di mapakali sa passenger seat.

“Yes,” sagot ni Damon.

Halata excited si Farrah na makaharap muli ang dati alkalde at makuha ang kinakailangan dokumento upang mapawalang bisa ang kanila kasal.

Sa kaibuturan ng puso ni Damon ay nakakarandam siya ng lungkot dahil mapapabilis ang pagkawala ni Farrah sa buhay nila ng anak. Nanghihinayang siya na kulang pa ang nagagawa pagkilos upang mapaibig si Farrah.

Habang binabagtas ang daan na may kalayuan pa sa San Pablo ay napansin ni Damon ang mga nagkalat na mga tuyong kahoy sa daan, kaya naman itinigil ang sasakyan upang bumaba at alisin ang mga ito.

“Huwag ka bababa ng sasakyan,” utos nito kay Farrah.

Bago pa man siya makalapit sa mga nakaharang na kahoy ay bigla siya sinunggaban ng dalawa hindi kilala tao at narandaman niya may matigas na bagay na ipinukpok sa kaniya ulo dahilan upang mawalan ng malay.

Nagsisigaw si Farrah sa nakita, hindi niya namalayan bigla may marahas na lalaki nagbukas ng pinto at kinaladkad siya palabas. Tinatawag niya ang pangalan ni Damon ngunit hindi ito kumikilos na kaniya kinatakot na baka patay na ang kasama.

“Please, huwag niyo kami sasaktan. Sa inyo na ang lahat ng pera namin dala pati na ang sasakyan, pakawalan niyo lamang kami,” pagmamakaawa ni Farrah at ‘di napigilan ang umiyak.

Tawanan lamang ang mga lalaki na nasa lima ang bilang at mukha halang ang mga kaluluwa.

Piniringan ang kaniya mga mata at itinali ang mga kamay, kinaladkad siya muli papasok sa sasakyan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am Married?   Chapter 58 END

    Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M

  • I am Married?   Chapter 57

    Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb

  • I am Married?   Chapter 56

    After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw

  • I am Married?   Chapter 55

    Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-

  • I am Married?   Chapter 54

    Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may

  • I am Married?   Chapter 53

    “Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status