Share

17

Sinamahan ko sa SM ang ate ko mamimili daw kami na pang-groceries naubos na kasi ang pinamili namin nang anak ko.

"Sikat ka," banggit ni ate sa akin nang may magpa-picture sa akin.

"Kahit saan kilala ako, ate ngayon lang na may nagpa-picture makalipas ng ilang buwan." nasabi ko na lang nang may magpa-picture sa akin.

Kilala ako bilang model pero kakaunti lang ang nakakakilala sa akin na mga tao kasi mas tawag pansin ang mga celebrity kaysa sa amin.

Bilang model okay lang sa akin 'yon noon kaso, bakit ko tatanggihan ang isang alok ng management ng isang sikat na network kung ikaka-ganda ito ng career ko, hindi ba?

Lumakad na kami papasok sa loob ng supermarket at kumuha ako ng malaking cart at isang basket. Nang kumukuha ako nang biscuit at snacks may lumapit sa akin iniwan ako ng ate ko nasa kabilang side siya pumunta.

"Nikka." diing tawag ng isang boses kaya napalingon ako kumunot ang noo ko sa babaeng nakatayo sa tabi ko.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status