Share

78

Author: Xyrielle
last update Last Updated: 2024-05-06 15:49:13
Nang maihatid namin ang anak ko sa school huminto ang van sa may entrance maraming estudyanteng naglalakad papasok doon na napapa-tingin sa amin. Alam nila na anak ng artista ang anak ko kaya hindi ko kailangan itago ang mukha ko.

"I-text mo ako kapag may hindi magandang nangyari sa'yo o tumawag ka sa akin at sa Mama mo." bilin ko sa anak ko bukas ang pintuan ng van nasa labas na ang anak ko na bitbit ang bag niya.

Niyakap na lang ako nang mahigpit ng anak ko at tumango sa mga kasama ko sa loob ng van. Sinundan ko na lang nang tingin ang papalayong pigura ng anak ko may lumapit sa kanya na lalaki at babae nakita ko na may concern sila dahil sa narinig ko.

"Hindi kami katulad ng mga kaklase natin at schoolmate na ang kitid ng pag-iisip akala nila ginusto mo ang nangyari? Hindi ka malandi, Gen at lalong hindi ka p****k na babae hindi nila iniintindi ang feelings mo sa nangyari sa'yo." pahayag ng isa sa kasama ng anak ko hindi ito nagsalita at sumabay na lang sa paglalakad.

"Tanungin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I am his... Stranged Wife   Final Chapter

    Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap

  • I am his... Stranged Wife   108

    Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang

  • I am his... Stranged Wife   107

    Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar

  • I am his... Stranged Wife   106

    After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil

  • I am his... Stranged Wife   105

    Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m

  • I am his... Stranged Wife   104

    Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status