Share

I belong with you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

A/N: Must read the Prologue first before this chapter. Thanks.

-----

[CHAPTER 1]

[Athena’s POV]

‘Guys, bakit absent si Athena?’ Nabasa kong message ng isa sa mga kaibigan kong si Myka sa group chat naming magkakaibigan no’ng nagdaang gabi.

‘Ayiee, miss niya si Athena.’ May himig panunukso sa message ng isa ko pang kaibigang si Aria.

‘Nami-miss ko talaga siya kasi walang kumokontra sa mga sinasabi ko, eh.’ Reply ni Myka with a laughing face emoticon.

Napangiti ako. Boyish akong kumilos kaya nama’y madalas akong tuksuhin ng mga kaibigan ko na babae rin daw ang gusto ko. At si Myka na madalas kong kaaway simula pa no’ng high school kami’y madalas nilang itukso sa akin. Sanay na ako sa kanila kaya tinatawanan ko na lang sila at sinasakyan ang mga pangti-trip nila, pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ako lesbian. Pero, wala rin akong interes sa mga lalaki kasi pakiramdam ko’y pare-parehas lamang silang manloloko. Siguro’y masaya na ako sa pagiging single. Twenty seven years old na ako, pero never pa akong nagka-boyfriend. NBSB ‘ika nga nila. Never din kasi akong nag-entertain ng manliligaw. Siguro’y tanggap ko na sa sarili kong tatanda akong dalaga, at least, walang problema. Walang responsibilidad.

‘Good morning, guys.’ Bati ko sa kanila sa chat.

‘Uy, babae, saan ka nanggaling kagabi? Bakit wala ka?’ Tanong sa akin ni Melchor, kaibigan kong bading.

Nakasanayan na naming magkakaibigan na mag-usap at mag-kuwentuhan through chat t’wing gabi. High school pa lamang kami ay ginagawa na namin iyon. Sumbungan dito, sumbungan doon. Tsismisan dito, tsismisan doon hanggang sa abutin na kami ng madaling araw at makatulog na lang.

‘Sorry, guys, nakatulog ako agad. Pagod na pagod kasi ako sa biyahe, eh.’ I replied.

‘At saan ka nanggaling?’ Pagkuwa’y pagtataray ni Myka with an angry face emoticon.

‘Ayan, nagseselos na si Myka. Baka raw humaharot ka na kung kani-kaninong babae.’ Singit ni Aria with a laughing face emoticon. Nangingiti akong nag-reply.

‘Galing akong Batangas, guys. May project kami roon.’

‘Huwag ako, Athena.’ Pagkuwa’y galit na message ni Myka kaya natawa ako. Alam naman naming parehas na biru-biruan lamang ‘yong ‘selos thing’ sa pagitan naming dalawa. May boyfriend si Myka at alam naman niya na wala naman akong special na damdamin para sa kanya at gano’n din siya sa akin. Purong kaibigan lang talaga.

Saglit akong nag-out sa group chat namin para i-check ang mga notifications ko and friend requests.

Napakunot-noo ako nang makita kong nag-friend request sa akin si Levi Sabino D. Alejandro - Anak mayaman at sa edad na thirty years old ay presidente na siya ng sarili nilang kumpanya. Actually, schoolmate ko siya no’ng high school ako. Kilala siya bilang isang matalino, suplado… heartthrob dahil sa angking kaguwapuhan.

Halos lahat nga ng kaibigan at kaklase kong babae o mapa-bading no’ng high school ay halos mamatay na sa kilig sa t’wing nakikita siya, tanging ako lang yata ang walang interes sa kanya. Siguro’y gusto ko lang siya noon bilang isang magaling na manlalaro ng soccer, idol ko siya sa larangang iyon.

Actually, grade six ako at second year high school siya nang una ko s’yang makitang naglaro ng soccer. Noon pa lang ay naging idol ko na siya, siya ang dahilan kung bakit na-inspire din akong maglaro ng soccer, pero nang tumuntong siya sa kolehiyo’y huminto siya sa paglalaro dahilan upang mawalan na rin ako ng gana sa naturang laro. Naalala ko pa nga noon na pina-pirmahan ko pa sa kanya ang isa sa mga soccer ball ko.

I accepted his friend request. Ilang minuto ang lumipas nang bigla s’yang nag-chat.

‘Hey, Batman Lover.’

‘Hey!’ Nangingiting reply ko sa kanya.

‘Thank you for accepting my request.’

‘You’re welcome.’

‘Are you free today?’ He asked. ‘Invite sana kitang mag-lunch.’

‘Sorry, pero hindi ako p’wede today. Papunta kasi rito sa bahay ang mga kaibigan ko ngayon.’

‘Okay. How about tomorrow?’ Muli n’yang tanong. ‘Gusto ko lang talagang makabawi sa ginawa mong pagtulong sa akin kahapon.’

Galing ako sa Batangas ng madaanan ko siya. Sa tingin ko’y nagkataong galing din siya sa naturang lugar. Na-flat ang gulong ng kotse niya kaya tinulungan ko s’yang ayusin ito at palitan.

‘Hindi mo naman kailangang bumawi. Ayos na ‘yon, ano ka ba.’ Tugon ko sa mensahe niya.

‘I insist. Kailan ka free?’

Anak ng tipaklong naman! Sa isip-isip ko. Ang kulit ng lahi ng lalaking ito, ah.

‘Ang kulit mo!’ Gusto kong ipahalata sa kanyang naiirita ako sa kakulitan niya.

‘Oopps, sorry.’ He replied.

“Athena!” Narinig kong tawag sa akin ni Myka buhat sa sala. Tiyak akong dumating na ang mga kaibigan ko. Sa tuwing nagkakasabay-sabay kasi kaming walang pasok ay nakaugalian na namin ang tumambay sa bahay ko para mag-bonding.

May sarili akong bahay, pinagawa ko ito three years ago. Nagmula kasi ako sa isang broken family. Elementary pa lang ako nang iwan kami ng mommy ko at sumama ito sa ibang lalaki, after that incident ay hindi na naging matino ang daddy ko. Halos every month yata ay kung sinu-sino ang mga babaeng iniuuwi niya sa bahay. Hindi ko matagalan ang gano’ng set-up. Tila ba wala akong peace of mind kaya ng masigurado kong kaya ko na ng sarili ko’y bumukod na ako ng tirahan. Mahal na mahal ko ang daddy ko, pero tila ba unti-unti akong nawalan ng respeto sa kanya. Hindi ko gusto kung paano n’yang i-trato ang mga babae, tila ba ginagawa niya lamang ang mga itong laruan, at isa ‘yon sa dahilan kung bakit takot akong magtiwala sa lalaki.

‘I have to go, Levi.’ Agad kong message kay Levi. ‘Bye.’

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dali-dali kong ni-log out ang account ko nang maramdaman kong may mga yabag na patungo sa kinaroroonan ko.

“What are you doing?” Tanong ni Myka nang sumilip ito sa nakabukas na pintuan ng kuwarto ko. Nagkunwari akong naglilinis ng drawer ko.

“Naglilinis.”

“Himala!” Nakangising sabi niya. “Sinapian ka ba ng kasipagan ngayon?”

Kilala ako ng mga kaibigan ko bilang isang burara. Makalat kasi ako sa gamit. Ultimo nga sarili kong kuwarto ay kinatatamaran kong linisin.

“Wala kasi akong magawa, eh.” Turan kong lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba patungo sa sala. Sumunod sa akin si Myka.

“Bakit kaya hindi mo subukang kumain ng apoy para naman may magawa ka.”

“Ikaw muna kaya ang sumubok bago ako.”

“Naku, maya-maya lang ay magkakapikunan na naman kayo niyan.” Natatawang turan sa amin ni Melchor nang ilapag nito ang dalawang malalaking box ng pizza sa center table.

“Wala si Keera?” Tanong ko. Kaibigan din namin si Keera, ex-girlfriend ito ni Levi.

“Susunod daw.” Si Aria ang sumagot. Inilapag niya ang bitbit n’yang supot na may lamang lechon manok sa tabi ng pizza.

“Maniwala ka ro’n, hindi na makakasunod ‘yon.” Turan ni Melchor na naupo sa sofa.

“Exactly. Lalo na ngayong wala ring pasok si Dylan.” Nakangising sagot ni Myka. Asawa ni Keera si Dylan, nakababatang kapatid ito ni Levi.

“Pakiramdam ko nga rin, eh.” Nakangisi rin si Aria. “Tiyak akong hindi na naman ‘yon makakalabas ng kuwarto.”

“Nanghihina na naman ‘yon paglabas ng kuwarto.” Turan ni Myka.

They burst out laughing. Naiiling na lang ako. Gano’n sila kapilya. Kung anu-anong kalokohan ang mga tumatakbo sa kaisipan nila.

“Guys, kakain ba kayo ng kanin?” Tanong ko sa kanila.

“Ako, ayaw ko. Ayos na sa akin itong pizza.” Tugon ni Melchor na nagsimula nang kumain ng pizza.

“Ayaw ko rin. Gusto kong mag-videoke.” Sabi ni Aria na lumapit sa TV para buksan ito. Maganda ang boses nito kaya mahilig itong kumanta.

“Ikaw, Myks?” Tanong ko kay Myka na abala sa pagte-text.

“Ayaw ko rin. Beer na lang, Athena.”

“Okay, I’ll get some.” Tugon ko bago ako tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nagi-stock na talaga ako ng inumin sa fridge ko kapag alam kong pupunta sila kasi kung hindi’y tiyak na palalabasin nila akong pilit para pabilihin.

Nang bumalik ako sa sala ay may dala na akong inumin. Inilapag ko ito sa mesa bago ako naupo sa tabi ni Melchor.

“Mel, tingnan mo ‘to, oh. Sh*t! Guwapo talaga ni Levi.” Narinig kong turan ni Myka. Nakaupo ito sa lapag. Bahagyang sinilip ni Melchor ang ipinapakita nitong litrato ni Levi sa phone nito. Modelo kasi ng isang kilalang branded jeans si Levi kaya nama’y may mga photos itong nagkalat sa internet.

“Abs pa lang ulam na.” Sabi ni Aria na nakitingin din.

“Kaya nga eh, ‘no? Paano pa kaya ‘yong baba?” Pilyang sabi ni Myka.

“G*ga! Ang bastos mo, girl.” Tumatawang sabi ni Melchor kay Myka. Bahagya pa nitong pinalo ang braso ng huli.

“Anong bastos do’n? Ibig kong sabihin ‘yong paa.” Depensa ni Myka habang tumatawa. “Barefooted kasi. Tingnan mo ‘yong paa niya, ang puti, ‘diba?”

Nagtawanan na naman sila kaya naiiling na lang akong kumuha ng pizza.

“Gusto mong tingnan, Athena?” Nakangising tanong sa akin ni Myka.

“No need. I’m not interested.” Tugon ko sa pagitan ng pagkain.

“Picture ni Page ang ipakita mo kay Athena. Tiyak na matutuwa siya roon.” Nakangising sabi ni Aria. Modelo rin si Page tulad ni Levi. Usually ay nakikita kong mag-partner ang mga ito sa mga pantalong iminomodelo. Magandang babae ito at sexy.

“Baliw.” Turan ko kay Aria bago ko ibinato sa kanya ‘yong throw pillow na nadampot ko.

Tawa siya ng tawa nang ibato niya rin ito sa akin. Akmang babatuhin ko s’yang muli nang marinig kong may nag-doorbell. Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago ako nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang kung sinumang tao sa labas.

“Yes?” Tanong ko sa lalaking nakatayo sa labas. May dala itong isang bouquet ng red roses.

“Kayo po ba si Ms. Athena Faith Buencamino?”

“Ako nga. Bakit?”

“May nagpapa-deliver po nitong bulaklak para sa inyo.”

“Huh? Kanino raw galing?” Kunot-noo kong tanong. Sa tanang buhay ko ay wala pang nagbigay sa akin ng bulaklak.

“Hindi ko po alam, Ma’am, eh. Basta pinabibigay lang ho sa inyo.”

“Ano ‘yan?” Usisa nang mga kaibigan kong sumilip din sa pintuan kaya halos maitulak na nila akong palabas.

“Gosh! Bulaklak para sa’yo, Athena?” Excited na tanong ni Aria.

“Oh-em-gee! Dalaga ka na, Athena.” Tila kinikilig pang sabi ni Melchor kaya natatawa na lang ‘yong lalaking nag-deliver kasi sila na ang tumanggap sa bulaklak na iniaabot nito sa akin.

“Paki-pirmahan na lang po rito, Ma’am.” Turan ng lalaki bago nito iniabot sa akin ang ballpen at delivery receipt. “Salamat po.”

Tinanguan ko lang ito bago ako bumalik sa loob ng bahay.

“Dali, Athena, basahin mo na kung kanino nanggaling.” Nakatawang iniabot sa akin ni Myka ang isang card.

“Sana kayo na lang din ang bumasa, ‘no?” Naiirita kong turan sa kanila bago ko tiningnan ‘yong card. Lahat sila’y nagtakbuhan sa likod ko para makibasa. Mga bwisit talaga.

‘Hi, Batman Lover. Thank you so much for helping me yesterday. Sana’y makilala pa kita nang lubusan.’ Tiyak akong galing ito kay Levi.

“Gosh! Sino ‘yan?” Tanong ni Myka. “Sh*t! Kinikilig ako.”

“Sino ‘yan, Athena?” Si Aria.

“Oo nga, sino ‘yan? Akala ko ba wala tayong lihiman.” Pagkuwa’y nagtatampong sabi ni Melchor.

“Wala naman akong inililihim, guys.” Tugon kong lumakad patungo sa sofa. Sinundan nila ako. “Galing ‘yan kay Le---Lino.”

“Sinong Lino?” Kunot-noong tanong ni Aria. Sa totoo lang ay wala akong kilalang Lino, sinabi ko lamang iyon para tantanan nila ako. Hindi ko rin naman p’wedeng sabihin na galing iyon kay Levi kasi tiyak na magtataka sila kung bakit ako binigyan ng bulaklak ni Levi lalo pa’t kilalang-kilala nila ito. Tiyak na umaatikabong tukso ang aabutin ko sa kanila.

“Bagong kapit-bahay ko.”

“Nililigawan ka?” Nakangiting tanong ni Myka.

“Hindi. Bakla ‘yon, eh. Tinulungan ko lang kasi siya kahapon kaya siguro sa sobrang katuwaan kaya iyon, pinadalhan ako ng bulaklak.” Paliwanag ko. Biglang nag-ring ‘yong phone ko kaya sinagot ko ito. Unknown caller. “Hello?”

“Hi, Batman Lover. Si Levi ‘to.” Turan ng nasa kabilang linya. Napakunot-noo ako. Paano nalaman ng lalaking ito ang address at phone number ko? Sa isip-isip ko.

“Oh, hi, Lino.” Pagkuwa’y sabi ko kasi nakikita ko sa dulo nang aking mga mata na nakamatyag sa akin ang mga kaibigan ko. Tiyak na pinakikinggan nila ang bawat sasabihin ko.

“Huh? Sinong Lino? Si Levi ‘to, Athena.” Turan ni Levi sa kabilang linya.

“Sample ba ‘yong bulaklak? Oo, maganda siya, p’wedeng-p’wede mo nang ibenta, bakla.”

“Ano? Hindi ako bakla, Athena.” Muling tugon ni Levi. Parang gusto ko nang humagalpak ng tawa kasi pakiramdam ko’y naguguluhan si Levi sa mga pinagsasasabi ko, pero nanatili pa rin akong seryoso para hindi makahalata ‘yong mga kaibigan ko.

“Okay na. Sige na, bye.” Turan kong tinapos na ‘yong tawag.

“Sample lang pala ‘yan?” Kunot-noong tanong ni Myka.

“Yup. Pinakita niya lang sa akin kasi magbebenta siya ng bulaklak, eh.” Pagsisinungaling ko.

“Sayang naman. Akala pa naman namin ay may manliligaw ka na.” Dismayadong sabi ni Aria.

Naramdaman kong nag-vibrate ‘yong phone ko. Tiningnan ko ito. One message received.

‘Hi, Athena, si Levi Alejandro ‘to. Hindi ako si Lino at lalong hindi ako bakla. Patutunayan ko ‘yan sa’yo.’

-----

To be continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status