Share

I belong to you
I belong to you
Author: ken ken

I belong with you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

-----

[PROLOGUE]

Mahirap i-let go ang isang taong mahal na mahal mo, lalo pa kung ito na ang taong pinapangarap mong makasama hanggang sa pagtanda, subalit kahit gaano pa kahirap minsan ay kailangan natin itong gawin para sa ikabubuti nang lahat… para rin sa kanyang ikaliligaya.

Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon kong palayain ang aking ex-girlfriend na si Keera dahil ramdam ko namang hindi ako ang totoong mahal niya kundi ang nakababatang kapatid kong si Dylan.

Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang maghiwalay kami, subalit wala namang nabago sa aming samahan. Ang totoo nga niya’y mas lalo pa kaming naging close lalo pa ngayong sister-in-law ko na siya. Last year lang ay kinasal sila ni Dylan at ako pa ang naging best man. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Nakikita ko naman kung paano s’yang alagaan ng kapatid ko kaya panatag ang kalooban kong nasa mabuting kamay siya.

Inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat ng isang convenience store para bumili sana ng maiinom. Uhaw na uhaw na kasi ako. Galing ako sa isang mahabang biyahe. Akmang papasok ako sa loob nang makita ko ang notice na nakadikit sa pintuan ng store na temporary close ito for renovation.

“Kapag mamalasin ka nga naman.” Bulong ko sa sarili, pero agad din akong napangiti nang mapansin ko ang isang vendo machine sa gilid ng naturang store. Kinuha ko ang wallet ko para maghanap ng smaller bill mula rito, subalit wala kaya bumalik ako ng kotse ko para maghagilap ng coins, pero wala rin akong nakuha. 500 peso bill ang hawak ko, ang alam ko’y 50 pesos lamang ang pinakamataas na bill na tinatanggap ng vendo machine.

Nabuhayan ako ng loob nang makita kong may tao nang nakatayo paharap sa vendo machine. Sa tingin ko’y babae siya, nakalugay ang kanyang mahabang buhok habang nakasuot siya ng itim na baseball cap. Kasalukuyan s’yang umiinom mula sa bottled water na nanggaling sa naturang machine.

“Excuse me, Miss?” Kinuha ko ang atensiyon niya. Dahan-dahan s’yang pumihit paharap sa akin. Nginitian ko siya. “Baka may papalit ka para rito?” Tanong kong ipinakita sa kanya ang 500 peso bill na hawak ko.

“Halatang mayaman, ah.” Nakangiting biro niya. Napansin ko ang malalim n’yang dimple sa kaliwang pisngi at ang mapuputi at pantay-pantay n’yang mga ngipin.

“Hindi naman. Nagkataon lang.” Nakangiting tugon ko. Kilala ko siya sa mukha dahil isa siya sa pinakamalapit na kaibigan ni Keera ngunit hindi ko maalala kung ano ang pangalan niya. Dumukot siya nang barya mula sa bulsa ng leather jacket n’yang suot.

“Wala rin akong barya para riyan eh, pero ito, may extra coins pa ako.” Turan n’yang iniabot ang mga barya sa akin.

“Take this.” Ibinibigay ko sa kanya ‘yong 500 peso bill, pero ayaw n’yang tanggapin.

“Huwag na. Okay na ‘yan.”

“You sure?” Paninigurado ko. Nakangiti s’yang tumango. “Thank you.”

“No problem.”

Humakbang ako palapit sa vendo machine at naghulog ako ng coins dito. I pressed the button for soda, subalit walang lumabas sa dispenser. Bahagya akong napakamot-ulo.

“Better luck next time, Levi.” Bulong ko sa aking sarili.

“Walang lumabas?” Tanong niya buhat sa likuran ko.

“Wala, eh.” Tugon kong nilingon siya. “Sira yata.”

“Let me handle that one.” Turan n’yang lumapit sa vendo machine. “May technique ‘to, eh.” Kinindatan niya ako nang tumingin siya sa akin bago niya bahagyang sinipa ‘yong naturang machine. Napangiti ako nang biglang na-dispense ‘yong soda.

“Wow! That’s great.” Natatawang turan ko nang kunin ko ito. “Thank you so much.”

“You’re welcome, Levi.” Nakangiting sabi niya. Mabuti pa siya’y alam ang pangalan ko, samantalang ako’y hindi ko talaga maalala ang pangalan niya kaya hindi ko siya tuloy ma-address ng maayos. Nahihiya naman akong tanungin siya. “So, mauna na ako ha.”

“Okay. Thank you ulit. Babawi ako next time.”

“Hindi na kailangan.” Nakangiting sabi niya nang muli niya akong lingunin bago siya lumakad patungo sa isang pickup truck. Sinundan ko siya ng tingin at namangha ako nang makita kong inihagis niya paitaas ang hawak n’yang empty bottle bago niya ito sinipa patungo sa trash can, ilang dipa ang layo nito sa kanya. Shoot ito sa naturang basurahan.

“Uh-oh.” Namamanghang reaksiyon ko. Only a soccer player can do it perfectly. Naiiling kong turan sa isip habang nakangiti ako.

Ilang metro na rin siguro ang natatakbo ng sasakyan ko magmula sa hinintuan kong convenience store nang maramdaman kong biglang pumutok ang aking gulong sa unahan. Napabuntong-hininga na lang ako bago ako bumaba ng sasakyan upang i-check kung ano ang nangyari. Flat tire.

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at kapag inaabot ka nga naman ng kamalasan, empty battery ito. Hinagilap ko sa loob ng bag ko ‘yong power bank ko, pero hindi ko ito makita. Malamang na naiwan ko ito sa bahay or sa opisina. Luminga ako sa paligid, tila nasa kalagitnaan ako ng kawalan.

“Lord, send me an angel, please.” Bahagya pa akong tumingala sa kalangitan. Gawain ko ‘yon kahit noong bata pa ako. T’wing may mga kinakaharap akong problema na hindi ko kayang solusyunan ay lagi akong nananalangin na sana’y may dumating na anghel para tulungan akong lutasin ang problema ko.

“Need help?” I heard a woman’s voice behind me. Nilingon ko ito at agad akong napangiti, siya ulit ‘yong babaeng tumulong sa akin kanina sa vendo machine.

“Na-flat ‘yong gulong ko and I don’t know how to fix it.” Turan ko sa kanya. Bumaba siya nang kanyang sasakyan. “Can I borrow your phone, please?”

“Sure.” Turan n’yang iniabot sa akin ang phone n’yang Batman ang design ng cover. Sinubukan kong kontakin ang driver namin, subalit hindi ito sumasagot. Sinubukan ko ring kontakin ang ibang tao sa bahay, pero tila ba nananadya ang pagkakataon, dahil kundi busy ay unattended naman.

“Thank you.” Dismayadong ibinalik ko sa kanya ‘yong phone niya. “Akala ko’y nauna ka na kanina.”

“May dinaanan pa kasi ako.” Tugon niya. “I can help you if you want. Kahit papaano may alam ako sa pag-aayos ng sasakyan."

“You sure?”

“Uh-huh.” Tugon niya. “May mga gamit ka diyan? Jack and lug wrench?”

“Huh? Uhm…” Bahagyang napaawang ‘yong bibig ko. Kasi sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ‘yong itsura ng tinatanong niya. Usually kasi kapag nasisiraan ako ng sasakyan or flat tire ay tinatawagan ko lamang ‘yong driver namin pra makipagpalit ng sasakyan dito, ito na ang bahalang mag-ayos.

“Malamang na hindi mo ‘yon alam, ‘no?” Turan n’yang naiiling bago siya lumakad patungo sa kotse niya. May kinuha siya mula rito. “For your information, ito ‘yong wrench at ito ‘yong jack, so next time, alam mo na kapag may naghanap sa’yo ng ganitong gamit, okay?”

Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa kanya dahil kababae n’yang tao, pero mas may alam pa siya sa akin pag dating sa gano’ng usapan o hahanga ako sa kanya.

Hinubad niya ang suot n’yang jacket. Tumambad sa aking paningin ang maputi at makinis n’yang braso. Naka-sleeveless lamang siya ng itim na may logo ni Batman sa dibdib. Tinanggal niya ‘yong cap niya bago niya itinali paitaas ‘yong buhok niya. Napasulyap ako sa batok n’yang maputi. Pumuwesto siya sa tabi no’ng nasirang gulong.

“Would you mind if you hold this one?” Tanong niya kaya agad akong naupo sa tapat niya. Nagpantay ang aming mga paningin kaya saglit ko s’yang natitigan. Ang ganda ng mga mata niya, itim na itim na tila ba ang tapang ng dating, binagayan ito ng pilik-mata n’yang mahahaba. Matangos ang kanyang ilong at ‘yong labi niya ay natural ang pagka-pula. Wala s’yang make-up and lipstick, pero ang ganda niya. She cleared her throat to get my attention kaya bahagya akong napangiti.

“Sorry.” Turan kong inasikaso ‘yong pinahahawakan niya. Ilang minuto rin siguro ang lumipas. I was really amazed by her skill. Napalitan at naayos niya ‘yong gulong ng kotse ko. “Thank you so much.”

“You’re welcome.” Tugon niya habang pinupunasan niya ‘yong kamay niya.

“You know what, ang galing mo, I really don’t know what to say.” Natatawa kong sabi. I took my wallet out from my pocket, kumuha ako ng cash dito bago ko ito iniabot sa kanya. “You are amazing.”

“Para saan ‘yan?” Kunot-noong tanong niya.

“Sa ginawa mo.”

“Sira ka ba, Levi?” Natatawa n’yang sabi. “Hindi ako nagpapabayad.” Dinampot niya ‘yong jacket at cap niya at akmang pabalik na siya sa sasakyan niya kaya sinundan ko siya.

“Pero naabala kita.”

“Okay lang ‘yon. Wala namang problema at saka nasaan naman ‘yong kunsensiya ko kung pababayaan lang kita rito sa gitna ng kalsada habang nangangailangan ka ng tulong gayong kaya naman kitang tulungan.”

Tumayo na lang ako sa gilid nang tuluyan na s’yang makasakay sa sasakyan niya.

“Salamat talaga. Sana next time ay makabawi ako sa’yo.” Nakangiti kong sabi.

“Walang anuman.” Ngumiti rin siya. Muling lumabas ang dimple niya. “So, mauna na ako ha.”

“Okay. Mag-ingat ka.”

“Mag-ingat ka rin.” Turan niya bago niya pinaandar palayo ang sasakyan niya.

Hindi siya nawala sa isip ko habang nagmamaneho ako pauwi at nang makarating ako sa bahay ay agad kong in-open ang laptop ko. Nag-log in ako sa F******k account ko at hinanap ko siya sa friends list ni Keera para maalala ko ang pangalan niya. Napangiti ako nang makita ko siya. Agad kong tiningnan ang profile niya.

“A licensed architect and a Batman lover.” Nangingiting basa ko sa bio niya before I clicked an ‘add friend' button.

-----

To be continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status