Share

I belong with you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 2]

[Athena’s POV]

‘Hindi ba? Sorry, akala ko bakla ka.’

Bahagya akong yumuko para itago ‘yong napipinto kong pagtawa. Gusto kong matawa sa naging reply ko sa text ni Levi. Alam ko namang hindi siya bakla, pero tila ba gusto ko s’yang pag-tripan, tutal siya naman ang naunang nag-text sa akin.

‘What?! Paano mong nasabing bakla ako? Do I look like one?’ He texted.

‘To be honest, hindi ka naman mukhang bading, napi-feel ko lang.’ Pigil talaga ‘yong tawa ko habang nagta-type ako.

‘Dahil hindi ako marunong magpalit ng gulong? Iyon ba ang pinag-basehan mo?’

‘Hindi naman ‘yon. Basta, ramdam ko lang.’

“Hoy, Athena!” Kinuha ni Melchor ‘yong atensiyon ko kaya maang akong napatingin sa kanya. “Kilig na kilig lang ang peg?”

“Huh?”

“Tawa ka kaya ng tawang mag-isa diyan.” Turan ni Myka. Mga nakatingin pa rin pala sa akin ang mga kaibigan ko.

“Nakakatawa kasi si Lino, eh.” Pagkuwa’y turan ko.

“Sigurado ka bang bakla ‘yang Lino na ‘yan?” Natatawang sabi ni Aria. “Baka mamaya magka-in love-an kayo n’yan ha.”

“No way!” Maagap kong tugon.

‘Gusto mong patunayan ko sa’yong hindi ako bakla, Ms. Athena Faith?’ Muling text ni Levi with a winking face emoji.

‘How?’ Nangingiting reply ko sa kanya.

‘I’ll kiss you.’

‘Do it and I’ll kill you.’ I texted with an angry face emoji.

‘Natakot ang siga?’ He replied with a laughing face emoji.

‘Hindi ah. Wala yata akong kinatatakutan.’

‘Talaga? Well, let’s see.’ He replied with a winking face emoji.

Akmang magre-reply pa sana ako kay Levi nang marinig kong tumunog ang doorbell. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at binuksan ang pintuan.

“Hi, Athena.” Nakangiting bati sa akin ni Keera.

“Uh-oh.” Nakangiti ring reaksiyon ko. “Akala nami’y hindi ka na makakarating.”

“P’wede ba ‘yon?” Tugon n’yang pumasok sa loob ng bahay. “Never pa naman akong um-absent, ah.”

“Hala!” Nakangising turan ni Melchor nang makita nito si Keera. “Buti at nakalakad ka pa, girl?”

“Ano?” Kunot-noong tanong ni Keera. “Bakit naman ako hindi makakalakad?”

“Kasi akala nama’y nilumpo ka na ni Dylan, eh.” Si Myka ang sumagot bago ito humagalpak ng tawa pati si Aria.

“Mga baliw kayo.” Natatawang sita ni Keera sa mga ito. “Masyado kayong maka-mundong mag-isip. Huwag n’yo ngang lasunin ang isip ni Athena.”

“Ano ka? May Lino na ‘yan, ‘no?” Turan ni Melchor.

“Sinong Lino?” Tanong ni Keera nang maupo ito sa tabi ni Melchor.

“Bagong kapit-bahay daw niya na bading.” Si Aria ang sumagot.

“Talaga?” Nakangiting tumingin sa akin si Keera.

“Uh-huh.” Si Melchor. “At tingnan mo, may pa-bulaklak pa ‘yong new neighbor ni Athena.”

“Wow!” Nakangiting sabi ni Keera nang tumingin ito sa mga bulaklak na binigay ni Levi. “Ang ganda, ah. Ayiee! Dalaga na ang Athena namin.”

“Exactly.” Maharot na turan ni Melchor, bahagya pang kumumpas ang mga daliri nito sa hangin.

“Bading ‘yon, Keera.” Turan kong nakangiti.

“May mga bading naman na nagiging tunay na lalaki ah, kapag natatagpuan nila ang tunay na pag-ibig.” Tugon niya nang damputin niya ‘yong card. Binuksan niya ito at binasa. Saglit s’yang natigilan bago niya ako nilingon. Nagtama ‘yong mga paningin namin.

“Is something wrong?” I asked confusingly.

“Wala naman.” Nakangiti n’yang tugon. “Parang penmanship kasi ni Levi, eh.”

Napalunok ako at bigla akong kinabahan sa sinabi ni Keera. Patay! Baka mabuko ako ng wala sa oras. Malamang na nakabisado niya talaga ang penmanship ni Levi kasi matagal niya itong naging kasintahan.

“Pero kunsabagay, may mga magkakatulad naman ng penmanship.” Saka lamang ako nakahinga ng maluwang ng bitiwan niya ‘yong card at nakihalubilo siya kina Myka at Aria na abala sa paglalaro ng Jenga.

-----

“Athena, nagawa mo na ba ‘yong walk through para sa resort sa Batangas?” Tanong sa akin ng ka-trabaho kong si Vince.

“Yup.” Tugon ko.

Licensed Architect ako at nagta-trabaho ako bilang isang Senior Architect sa isang private company na pag-aari ng kaibigan ng daddy ko. Bale, contractor kami. Hindi kalakihan ang kinabibilangan kong kumpanya, pero marami kaming proyekto. Ang totoo nga niyan ay isang maliit na building lamang ang opisina namin. Bale, dalawang kuwarto lang. Isa, para sa may-ari na nagsisilbi naming boss at ang ikalawa’y para sa aming mga empleyado. Sama-sama na kami sa isang silid. Sa Accounting, si Elvie at Alicia. Sa Engineering and Architecture ay si Paul, Vince, Kevin at ako. Anim lamang kaming empleyado, pero masaya naman kami. Sapat naman ang aming mga sinusuweldo. Wala namang nagrereklamo at isa pa’y napaka-bait din ng aming amo.

“P’wedeng patingin?” Tanong ni Vince na lumapit sa likuran ko.

“Sure.” Nakangiting tugon ko bago ko ipinakita sa kanya ‘yong ginawa kong walk through presentation para sa bagong project namin.

“Aysus. Style mo, Vince, bulok.” Biro ni Elvie.

“Kaya nga. Nagpapanggap ka lang para makalapit ka kay Athena, eh.” Singit ni Kevin, junior architect namin.

“Ayiee!” Tukso ni Alicia.

“Huwag nga kayong ganyan.” Nakangising saway ko sa kanila. “Nagba-blush si Vince, eh.”

Nagtawanan ang lahat maliban kay Vince. Pulang-pula ang pisngi n’yang maputi. Pamangkin siya ng amo namin. Mabait siya at cute. Medyo payat nga lang ang kanyang pangangatawan. Ang totoo’y nagtangka s’yang manligaw sa akin, subalit hindi pa man lang siya nakapagsisimula’y tinapat ko na siya na wala akong planong magpaligaw sa kahit sino. Tinanggap naman niya ito at sinabing masaya na raw siya kahit hanggang magkaibigan lang kami.

“Athena, may naghahanap sa’yo sa labas.” Turan ng engineer naming si Paul pagkapasok nito sa opisna. Galing ito sa labas, bumili ng pagkain.

“Sino raw?” Tanong ko.

“Hindi ko kilala.” Tugon nitong naupo sa p’westo nito.

“Hindi ba si Myka?” Malapit lang ang pinapasukan ni Myka sa opisina namin kaya may mga araw na dinadaanan ako nito t’wing lunch time para magpalibre.

“Hindi. Kilala ko si Myka, eh at saka lalaki ‘yong naghahanap sa’yo. Mukhang mayaman.”

“Eh, si Vince?” Nakangising tanong ni Kevin. “Mukhang ano si Vince?”

“Mukhang mayabang.” Nakangisi ring tugon ni Paul na ikinatawa ng lahat.

“Kapag ako yumaman, yari kayo sa akin.” Natatawa na lang na sabi ni Vince. Sana’y na ito sa mga pang-aasar ng mga katrabaho namin.

Pinatay ko ang PC ko bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Sumulyap ako sa relo sa kaliwa kong braso. Alas-dose na rin pala. Lunch time na.

“Ayiee! May date si Athena.” Nakangiting turan sa akin ni Alicia nang palabas na ako.

“Sira!” Natatawa kong sabi. “Baka kliyente ‘yon.”

“Mukha nga.” Pahabol ni Paul, pero hindi ko na ito pinansin. Tuluyan na akong lumabas ng opisina.

“Hey, Batman Lover.” Nagulat pa ako nang biglang may nagsalita buhat sa likuran ko. Patungo sana kasi ako sa kinapaparadahan ng kotse ko.

“Oh, hi.” Pagkuwa’y bati ko kay Levi nang lingunin ko siya. Saglit ko s’yang pinasadahan ng tingin. He’s wearing a usual corporate attire. Boyish ako, pero aminado naman ako na marunong akong um-appreciate ng mga lalaking guwapo. At si Levi, he’s one of them. Hindi lang siya guwapo kundi sobrang guwapo at ang linis-linis n’yang tingnan, ‘yong tipong parang ang bango-bango niya. I think he’s perfect from head to toe.

“Tititigan mo lang talaga ako?” He asked grinning kaya pakiramdam ko’y uminit ‘yong magkabila kong pisngi. Bwisit! Titig na ba ‘yong nagawa ko? Tanong ko sa isip.

“Well, kinikilatis ko lang kung ano talaga ‘yong kulay mo.” Pagkuwa’y bawi ko. Siyempre, hindi ko p’wedeng ipahalata na nagu-guwapuhan ako sa kanya kasi nakakahiya naman. He laughed softly.

“Pinaghihinalaan mo talaga ‘yong pagkatao ko?” Nakangiting tanong niya.

“Gano’n na nga.” Nakangiti ring tugon ko sa kanya.

“Well, mamaya ay patutunayan ko sa’yong mali ka.”

“Subukan mo lang na may gawing hindi ko magugustuhan, bubugbugin talaga kita.” Banta kong ipinakita sa kanya ‘yong kamao ko. Humagalpak siya ng tawa.

“Nakakatakot ka naman. Ang tapang mo.”

“Talaga.” Turan kong tinalikuran siya. Sinundan niya ako.

“Dapat pala ang pangalan mo ay Amazona Faith.” Biro niya. Huminto rin siya nang huminto ako sa tapat ng pintuan ng kotse ko.

“Hindi nakakatawa.”

“Well, hindi naman ako nagpapatawa.” Tiningnan ko siya ng masama. Napansin kong pigil ang ngiti niya.

“Ano bang ginagawa mo rito?”

“Aayain kitang mag-lunch.” Tugon niya. “Treat ko.”

“Ano bang palagay mo sa akin, walang pang-treat sa sarili ko?”

“Hindi naman.” Tumatawang tugon niya. “Gusto ko lang talagang makabawi sa ginawa mong pagtulong sa akin.”

“Hindi ka talaga maka-move on, ano?”

“Of course. Malaking bagay ‘yong nagawa mo para sa akin, ayaw mo namang magpabayad kaya naisip ko na baka sa ganitong paraan ay makabawi naman ako kahit papaano.”

“Kapag sumama ba akong mag-lunch sa’yo ngayon ay iko-consider mo na nakabawi ka na?”

“Gano’n na nga.” Nakangiting tugon niya.

“Sabi mo ‘yan ha.”

“Yes, Ms. Amazona… I mean Athena.” Natatawang turan niya.

“Hanggang mamaya’y masasapak kita, tingnan mo.” Seryosong banta ko sa kanya kaya tumawa siya. “So, saan tayo?”

“Kung saan mo gusto.”

“P’wedeng sa karinderya na lang?” Nakangiting tanong ko. Hindi siya umimik, tila ba nag-iisip siya ng isasagot. Alam kong hindi siya kumakain sa karinderya, malamang ay hindi niya pa nasubukan. “Sige na nga, Seafood Island na lang.”

“Mas mainam.” Ngumiti siya. “Hilig mo ang seafoods?”

“Yup. Kahinaan ko, actually.”

“Magkaibigan nga kayo ni Keera.” Actually, magkasundong-magkasundo talaga kami ni Keera kapag usapang seafoods.

“Miss mo siya?” May himig panunukso sa tinig ko.

“Hindi, ah. Matagal na akong naka-move on at saka masaya na ako para sa kanila ng kapatid ko.” Nakangiting tugon niya.

“That’s good. I’m happy for you. So, tara na.” Turan ko at akmang bubuksan ko na ‘yong pintuan ng kotse ko nang pigilan niya ako. “What?”

“Do’n tayo sa kotse ko sasakay.”

“Do’n ka sa kotse mo siyempre tapos ako rito sa kotse ko, malamang.” Paliwanag ko. “Mauna ka tapos susundan na lang kita.”

“What?” Kunot-noong tanong niya. “Hindi ba p’wedeng sa iisang kotse na lang tayo kasi iisang lugar lang naman ‘yong pupuntahan natin?”

“Ayaw ko. Gusto kong magsolo.”

“Pero, Athena…”

“Paano pag-uwi ko? Maglalakad ako, gano’n?” Pagtataray ko sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw kong sumakay sa kotse niya na kasama siya. Ewan ko kung bakit, basta ayaw ko lang… walang makakapilit sa akin dahil pabebe ako. Gusto kong matawa sa isiping iyon.

“Sinabi ko bang paglalakarin kita? Siyempre, ihahatid kita pabalik dito.”

“Ayaw ko. Pahihirapan mo pa ‘yong sarili mo, eh.”

“Maliit na bagay lang iyon, Athena.” Giit niya. “At saka, ako naman ang mahihirapan eh, hindi ikaw.”

“Ah, basta. Ayaw ko.”

“Kabawasan ba sa pagiging Amazona mo ‘yong pagsakay sa kotse ko---Aray!” Sigaw niya nang suntukin ko siya sa mukha. Napaawang ang bibig niya nang tumingin siya sa akin. Halatang nagulat siya.

“Isang tawag mo pa sa akin ng Amazona, hindi lang ‘yan ang matitikman mo.”

Hindi siya umimik. Saglit s’yang nag-isip bago siya luminga sa paligid at halos mapasigaw ako nang walang sabi-sabing binuhat niya ako.

“Levi, sh*t!” Asar kong sabi nang pilit niya akong ipinasok sa kotse niya. Iniupo niya ako sa passenger’s seat. Itinulak ko siya sa bwisit ko, pero dahil matigas ‘yong katawan niya kaya hindi siya natinag. Nanatili s’yang nakaharang sa pinto. “Aalis ka diyan o tatadyakan kita?”

“Mananatili ka diyan o hahalikan kita?” Seryosong banta niya.

Napalunok ako bago ko bahagyang kinagat ‘yong pang-ibaba kong labi para pakalmahin ‘yong sarili ko. Inis kong itininulak ‘yong kamay n’yang nakahawak sa akin. Hindi na ako nagpumilit pang lumabas ng kotse niya sa takot na baka makaranas ako ng halik sa unang pagkakataon.

-----

To be continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status