Share

CHAPTER 2

Natapos na kaming kumain ng lunch at dumiretso na sa Computer lab. Doon kasi ang next subject namin. Pagkapasok namin dun sakto namang nasa harapan na namin si Miss Amy. 

Dinistribute niya yung mga club forms sa amin. This coming friday rin daw ang first meeting sa club. Si Miss Amy nga rin pala ang Class Adviser namin. 

Nung natanggap ko yung form agad ko itong finillupan. Syempre badminton yung chineck ko. 

"Ano sasalihan mo?"

Di ko na siya sinagot at pinakita na lang yung form ko sa kanya. Para mabasa niya. Katamad siya kausap. 

"Volleyball club ayaw mo? Para magkasama tayo."

"Ayoko nga. Mukha mo lang maspaspike ko" 

"Sungit" 

Sila Eyan at Vanch pala nag dance troupe. Tas si Earlnix is basketball daw. Since absent si Krye, nilista na lang ni Miss Amy ang club na sasalihan niya. Kami pa nga ang pinagtanungan. Soccer naman panigurado ang sasalihan ng babaeng yun. 

Pagkatapos namin fillupan yung mga forms agad naman itong kinollect ni Miss. 

"Get 1 whole sheet of paper" Bigla na lang nitong sambit 

"Hala, bakit?" Tanong ng iba kong classmates.

"Nagstudy naman kayo diba? So yun, Surprise Quiz." 

Yeah. Surprise talaga.

"Nagstudy kayo?" Tanong ni Earlnix sa amin. Umiling lang kami

"Eyon, pengeng paper oh." -Eyan

"Wala na akong papel. Naubos na" Hihingi nga lang rin dapat ako sa kanya, yun pala wala rin siyang papel. 

Nilabas naman ni Ryevann yung isang pad niya na yellow paper at binigyan sila Eyan.

"Ako din pahingi"-Vanch 

"Pahingi ako" -Earlnix

"Monteventura kami rin"

Binigyan niya naman isa isa yung mga nanghihingi and Boom instant celebrity na siya. 

"Okay, let's start" sabi ni Miss. 

Sandali lang naman wala pa akong papel. Lumingon lingon pa ako sa mga kaklase ko baka may papel pa sila. Hindi ako hihingi sa asungot never. Baka lumaki ulo niyan tapos mang asar pa. Naah wag na. 

"Eyon oh " abot niya sa akin ng papel. Since no choice ako tatangappin ko na sana ng inilayo niya ito at sabay sabing: 

"Kiss muna" 

What the fak lang diba? Kaya ayoko dumikit sa kanya e. Naiirita na ako agad. Masyado talagang presko. 

"No thanks" sabi ko na lang dahil naiinis na ako. 

Humagikgik naman si Eyan at Vanch 

Di ko na lang sila pinansin baka madamay pa sila sa inis ko. 

Pagtingin ko sa table ko bigla namang inilapag ni Ryevann yung papel sa table ko. 

"Joke lang"  sabi nito at tumawa. 

Napairap na lang ako at sinulatan na ng name ko ang paper.

"Ay. Ba't mo binigay? Ikikiss ka pa ni Eyon diba?" -Eyan 

Pigilan niyo ako masasapak ko tong kakambal ko!

"Oo nga, sayang yung opportunity Ryevann. Pabor pa naman yun sayo" -Vanch 

Isa pa tong babaeng to! Bagay talaga ipagsama si Eyan at Vanch. Kung gusto mo mabwisit, go sama mo tong dalawa. 

"Sa sunod na. Nahihiya pa si Eyon sa akin e." sabi nung mokong na panget

Lumingon naman ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Ngumiti naman ito na parang nag aadvertise ng toothpaste. Bwisit, kala mo gwapo hindi naman. Kapal ng mukha sarap banatan. 

Kinuha ko yung notebook na nasa desk ko lang at pinalo ito sa kanya. 

"Ikaw, kanina ka pa ha! Kala mo nakakatuwa ka? Nakakabwisit kana ha" sabi ko habang malakas na pinagpapalo siya. 

"Aray Eyon." Tumatawang sabi niya habang sinasangga yung palo ko 

"Magkikiss na yan yieee" -Eyan 

"Go, Ryevann. Now's your chance na" -Vanch 

At nag apiran pa talaga ang dalawang baliw. Ako pinagtritripan nila ngayon. Ay nagtaka pa ako. Ako naman palagi ang trip nila.

Tumigil na ako sa pagpalo ng notebook kay Ryevann at lumingon sa dalawang nasa likod. 

"Di kayo titigil?" Iritadong sambit ko

"Di kami titigil, number one shipper kami ng Ryeyon. Woot woot!" Sabi nilang dalawa at nag apiran ulit

The eff? Sige, ipagpatuloy niyo yan. Lalo na si Eyan, humanda yan sa akin sa bahay mamaya. 

"Pagpatuloy niyo lang yan. Di ko na kayo papansinin. Naiinis na ako ha." 

"Sorry na, it's just that true friend mo ako and true twin sister mo naman tong isa" -Vanch

"Anong connect Vanch?" -Eyan

"Wifi?"

"HAHAHA!" -tawa nilang dalawa. Maubusan na sana kayo ng hangin dahil sa kakatawa niyo. 

"Vanch and Eyan, Write minus 10 on your paper. Kanina pa kayo nagdaldalan diyan"

"Miss naman" reklamo nilang dalawa

"May reklamo?" Umiling na lang yung dalawa. 

Buti nga sa inyo ako pa talaga pinagtripan niyo ha, ano kayo ngayon? 

"Loka loka kaibigan at kambal mo" bulong ng katabi ko

"Wag kang lumapit lapit sa akin ng ganyan di tayo close" sabi ko sabay irap 

"Ang sakit nun. Tagos dito" tinuro pa nito ang chest niya  

"whatever" 

"Sabi mo hindi tayo close"inusog niya ang chair at inilapit pa ito sa akin "Di pa ba tayo close nito?" 

The Fudge! Hindi ba siya napapagod sa pagpapacute niya? Kasi ako, rindi na. 

"Tae, lumayo ka nga" 

"Number 6 it is about a person who is capable of using computers" -Miss 

Putspa! Number 6 na pala? Hindi ko narinig yung mga naunang tanong. Kasalanan to nila Eyan. Ay isali mo pa pala yung asungot. 

Lumingon ako sa likod, nakita ko yung iba naming classmate na chill na chill sa pag sagot. Si  Eyan at Vanch naman pasimpleng nagpapasahan ng papel. 

Tinitigan ko naman yung papel ni Earlnix na busy sa pagsusulat. Pilit kong iniintindi yung sulat niya. Ang liit naman ng penmanship nito. 

"Ms. Eyon, eyes on your paper" nagulat ako nang ng sinita ako ni Miss kaya napalingon ulit ako sa harapan. 

Di ko alam yung sagot sa mga naunang tanong, san ako kukuha ng answers? Blanko na nga lang to. 

Nagpatuloy lang sa pagbibigay ng questions si Miss. Yung iba nasagutan ko naman pero madami pa rin akong kulang. 

Siniko naman ako ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Pinakita niya naman yung papel niya. 

Aanhin ko yan? Tinaasan ko siya ng kilay niyan. 

"Sulat mo na dali, baka madami ka pang kulang" 

"Sure ka diyan?" 

"Grabe, minamaliit mo ba yung answers ko?" 

Napairap na lang ako at sinulat yung pinakita niya sa akin. Bahala na kung mali o tama basta may sagot. 

"Exchange your paper to your seatmate. Or shall I say  CHEATmate" Lol. Iemphasize ba daw yung cheat. 

Binigay naman ni Ryevann yung papel niya sa akin para macheck ko. Ganon rin naman sa akin. 

Chineck na namin yung papel habang sinasabi ni miss ang correct answers. Ang daming check ng mokong ah. 

Pagkatapos bilangin ang mga tamang sagot pinabalik na ang mga papel sa mga real owner. Kaya lang yung nagchecheck pa ng papel ko hindi pa tapos. Gusto ko na malaman kung ano ang score ko. 

"Hoy asungot, papel mo oh. Ilan ako?" 

"Isa ka lang naman. Nag iisa para sa akin" sagot niya. Bwisit. Ibig kong sabihin dun ilan score ko. 

"Tumigil ka na nga. Di mo ko madadaan sa kakaganyan mo. And di siya nakakatuwa promise." Hinablot ko naman yung papel ko sa kanya at tiningnan ang score ko. Same lang pala kami ng score. Syempre sa kanya galing yung iba kong sagot. 

Pero kung nakapag open ako ng notes kanina masasagutan ko yun ng tama lahat. Ba't kasi hindi ako nag aral e. 

"Di nakakatuwa kasi nakakakilig?" 

Amputa. Lahat ng mura pwedeng ibato sa kanya. 

Sinamaan ko naman siya ng tingin. 

"Di ka nauubusan ng banat noh? Kung banatan kaya kitang asungot ka" 

"Okay lang, basta ikaw-" di talaga siya nauubusan nang sasabihin kaya pinutol ko na kung ano dapat ang sasabihin niya. 

"subukan mo ulit bumanat. Naiirita na talaga ako sayong ulol ka" 

"Kanina mo pa ako minumura as in ramdam ko pagmamahal mo" 

Inirapan ko na lang siya. Madadagdagan lang kabadtripan ko. 

"Wag ka nang magalit. Mas lalo lang akong nagkakagusto sayo." 

"Aish." Sabi ko na lang at sinipa yung upuan niya ng malakas. 

"Ang cute mo talaga pag naiinis" 

"Ms. Eyon and Mr. Ryevann, ano ang scores niyo? Kanina pa ako nagrerecord ng mga scores dito but it seems like the two of you are really busy" 

"Nagkakamabutihan na kasi sila" Sigaw ni Vanch 

"Yieeee" -Asar nang classmates namin. Umaapaw pa ang boses nila Vanch at Eyan. 

Pag ganyanan ang gagaling pero pag oral nganga. 

"Wooh. Ryevann, para paraan nga naman" sigaw nung kabarkada ni Asungot na si MJ 

"Kung ano man ang namamagitan sa inyo mamaya na yan. Nasa klase pa tayo" -Miss

"Wala pong namamagitan sa amin. Inaasar lang po nila ako" depensa ko sa sarili ko 

"Can you tell me your scores" Sabi ni miss at binalewala lang yung statement ko

Tumingin pa si Ryevann sa papel niya tapos sinabi yung score kay Miss. Sinulat niya naman ito sa record book niya tapos tumingin pa siya sa akin "37" sabi ko 

"Okay class, dismiss. Balik na kayo sa classroom walang magcu cutting ha" Sabi ni miss at isa isa na rin kaming lumabas ng computer lab. 

"Ryevann, pwede niyo ipagpatuloy yung heart to heart talk niyo kanina" Pang aasar pa ni miss. Pati ba naman class adviser namin nakikisali na.

Ayun, umingay ulit ang mga kaklase namin. 

Saan ba pwede makakuha ng duct tape at madikitan nga ang mga bunganga ng mga taong nandito. 

Nakabalik na kami sa classroom at nagpatuloy na sa next subject namin. 

Sa wakas! Uwian na rin. Pero nandito pa kami sa classroom, cleaners kasi yung mga girls ngayon. 

Dito ako sa corridor nagwawalis, ayoko naman doon sa loob magulo ang mga tao. May mga kumakanta at nagsisigawan. Palibhasa wala nang klase na madidistorbo ngayon. 

Sila Vanch at Eyan naman nililinis daw ang white board pero nagsusulat lang naman ng kung ano anong pangalan ng kinakaadikan nilang lalaki sa kdrama. Nagsasayang lang sila ng ink. 

Habang nagwawalis ako may humarang naman sa dinadaanan ko. Bwisit, sino ba to? Inangat ko naman ang tingin ko na agad ikina kunot ng noo ko ng makita ko kung sino yun. 

"Ano na naman?" Iritadong sabi ko kay sino pa ba? Edi sa asungot. Sa kanya lang naman ako naiirita ng ganito. 

"Wala lang. Nakita mo ba cellphone ko?" Tanong niya. Ba't sa akin niya naman yun hahanapin. Ano naman kinilaman ko kung nawawala cellphone niya. And wala akong pake.

"Hindi and wala akong pake" 

"Grabe ka talaga." Sabi pa nito at inayos pa ang buhok pataas. 

"Ba't mo ba sa akin yun hinahanap. Tanungin mo sa mga kabarkada mo baka tinago nila." 

"Uyy.. concern siya." 

Bwisit ako na nga ang nagsusuggest para maka alis na siya sa harapan ko agad. 

"Subukan mo sa basurahan. Nandun yun for sure." 

"Di ka naman mabiro crush oh. Pahiram na nga lang ng cellphone mo" 

"Bakit?" 

"Susubukan kong tawagin para magring. May load ka naman diba?" Tanong nito 

Binigay ko na lang ang cellphone ko at inunlock ko na rin para naman makaalis na agad ito. 

"Ang cute ng wallpaper" komento pa nito. Di ko na lang pinansin 

Dinial na nga niya ang cellphone number niya nang may bigla namang nagring sa bulsa niya. Naka simangot ko itong tiningnan. 

"Yes, thanks Eyon. Kinuha ko lang number mo. Mali kasi yung binigay mo last week. Bye" Sabi nito at kinurot ang ilong ko. Tapos umalis na at pumunta sa pinagtatambayan ng mga kabarkada niya. Nakipag apiran pa yung asungot sa kanila. 

Ako? Ayun, dumbfounded. Leche yun pala yun. Sana di ko na lang pinahiram yung cellphone ko sa kanya. Walang hiyang asungot, kelan ba yun makukuha ng mga alien. Kairita naman oh. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status