Share

CHAPTER 1

"I am Eyon" pagpapakilala ko sa harapan ng mga classmate namin. Sunod naman ay yung kakambal ko na si Eyan. Pagkatapos nun umupo na kami sa area kung saan naka upo ang kabarkada namin na si Vanch at Krye. 

Actually, nagstart na ang classes last  month pero ngayon lang kami naka attend dahil napasarap ang bakasyon namin sa New Zealand kasama sila Mom. Nag bonding lang kami doon. Wala naman silang time maka uwi dito sa pinas kasi busy sa work nila. So, kami na ang nag adjust.

Buti na lang rin sila Krye ang nag enroll para sa amin kaya hindi na kami nahirapan pa. Tsaka atleast complete kaming squad ngayon unlike last school year.

Specialized subject nga pala ang subject namin para sa period na to. Mukhang madami talaga kaming hahabulin na lessons ngayon. 

And yun nga, talagang magpapa oral pa talaga ang teacher ngayon noh. Binigyan lang kami ng 30 minutes para daw maka scan ng notes. At dahil wala pa kaming notes,  naki share na lang muna kami sa kabarkada namin.  

Habang nag aaral kami may group of boys naman na biglang umingay kaya sinita muna to ng Teacher namin. Napalingon naman ako sa side nila. 

Si Eujin pala at mga kabarkada niya. Paanong hindi sila sisitahin, e everytime magkasama yang apat na yan parang palaging may fiesta. Puno ng mga kalokohan. Pasimuno palagi diyan si Ryevann Monteventura e.

L

Dumating na ang recess time kaya dumiretso na din kami sa cafeteria at pumwesto na sa usual spot namin pagkabili namin ng snacks na gusto. 

"Oy! Nandito na pala ang Kambal. Musta ang New Zealand ha." Dating ni Marco at Jian at umupo na sa bakanteng upuan. Tropa namin yan. 

"New Zealand pa rin" Sagot ng kakambal ko at kumagat ng sandwhich. 

"Ayos mo talaga kausap. Nagbakasyon nga lang sa ibang bansa nag bago na agad." Pang aasar ni Marco kay Eyan.

Di rin naman nagtagal dumating na din si Nate na nakipagfistbump at handshake sa bestfriend niyang si Krye. Kasama na din si Earlnix na pinsan naman ni Vanch. 

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng napansin ko naman na parang may nakatitig sa akin sa kabilang area. 

Ako ba tinititigan ni Monteventura? Or assuming lang ako? Di naman to umiwas ng tingin kaya ako na lang ang umiwas. Trip non? Bumalik na lang din ang attention ko sa kanila Nate.

"Madami na ba kayong mga tasks sa ABM?" Tanong ni Nate. Tahimik lang kami ng kakambal ko kasi di pa naman namin alam ang mga ganap sa room namin. 

"Wala pa. Pero tambak na ang oral at mga quizzes. Kaya kayo Eyan at Eyon habol kayo. Pinaka chill natin na subject ngayon is yung accounting kasi wala pang teacher na naaasign sa section natin." -Vanch

"Buti nga kayo ganon lang. Sa STEM puro reporting individually tapos pag pangit ang presentation papa upuin ka na lang." -Jian

"First month pa lang pero feel ko na ang stress. Graduating na nga talaga tayo" -Krye

"Ang tanong, makaka graduate ka ba?" Pangbabasag ni Nate kaya napatawa kami. Binatukan naman agad ni Krye ang bestfriend niya.

Next period na namin at tama nga si Vanch walang teacher para sa accounting subject na ito. Okay na rin naman yun. Nilabas ko na lang muna ang cellphone ko at nagcheck ng mga notifs sa social media ko.

"Hi Eyon" Napalingon ako kung sino yun. Si Ryevann pala tapos umupo na sa tabi ko. Vacant kasi yun. Tumango na lang din ako sa kanya at ngumiti ng maliit. Binalik ko na lang din ang tingin ko sa phone ko.Di naman kami close kaya wala akong makwekwento sa kanya. Ngayon ko lang kaya yan naging classmate. 

"Ryevann, bakit dito ka umupo ngayon?" Tanong ni Vanch

"May Crush yan dito na area. Kaya lumipat. Di ko na lang sasabihin na si Eyon" Hagalpak ni Krye.

"Sira ulo ka Krye. Ako na naman nakita mo ha" Sabi ko dito. Troll kasi talaga yang babae na yan. Kawawa nga ako palagi kasi ako yung pinagtritripan ng tatlo.  Pero gaya nga ng sabi ng iba boring ang barkadahan kung walang asaran. 

Napa iling na lang si Ryevann at nakipag kwentuhan sa kanila. 

Dismissal na ngayon kaya inaayos na namin yung mga gamit namin. Puro quiz lang ang ginawa namin. Kaya ayun blangko ang papel namin ni Eyan. Pero sige lang babawi ako sa susunod. Balak ko sanang maka graduate with honors ngayon. Kung papalarin. 

"Sabay na ako sa inyo ha." Sabi ni Ryevann sa akin.

"Ah okay?" Sagot ko dito at tumango. Nakisabay na din naman to sa akin lumabas.

Pumunta na kami sa sakayan ng jeep at sumakay na doon. Commute lang kami kasi wala pa naman kaming kotse tulad ng iba. Mas masaya rin kaya yung mag commute lang kasama friends mo.   

Medyo maingay pa nga kami ngayon dito sa jeep kasi walang ibang nakasakay kundi kami lang. 

Tawanan lang sila nang tawanan pano ba naman kasi may sinabing joke si Ryevann edi yun, humagalpak sila ng tawa. 

"Eyon" tawag ng katabi kong si Ryevann dito sa jeep 

"Oh?" 

"May crush ako dito?" Sabi pa niya. 

"Share mo lang?" Pagbabasag ko sa kanya. Kanina pa kasi siya crush ng crush. Kung may gusto siya sa mga kabarkada ko diretsohin niya kasi. 

"Tanungin mo kasi sino" 

"Oh. Sino?" Pustahan si Vanch to. Di na ko magtataka. Sa aming magbabarkada siya ang pinaka mabenta. Yun rin siguro ang dahilan kung bakit siya sumama sa amin ngayon. Yung mga kasama ko naman nakatingin lang sa amin at nakikinig lang. Parang mga baliw. 

"Ikaw" Ngumiti ito tapos umingay naman sila Krye. Tumayo na rin siya para makababa na.  "Manong dito na ho para. Bye Eyon" 

Huh? Bakit ako? At pano naman naging ako? 

Ang kukulit ng mga tao dito ngayon, lalo na yung asungot na Ryevann. Simula kasi nung sinabi niyang crush niya daw ako  parang buntot na siya kung makasunod. 

Napaka peaceful ng pagkain namin ng recess dito sa usual spot namin tas biglang susulpot. Idagdag mo pa tong sila Vanch na bigla na lang mangangantyaw dahil kay Ryevann. Pati sila Jian nakikisali na din.

Ang sarap mambato ng shuttlecock sa mga mukha nila. 

Natapos na kaming kumain ng recess kaya babalik na kami sa classrooms namin. Time na rin kasi. Sabay-sabay kaming naglalakad nang may bigla naman akong nakasalubong. Shet, si Daivher. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Clubmates kami nito. Varsity player rin sa badminton edi meant to be haha. 

"Hi Daivher" 

"Hey. Kala ko sa New zealand na kayo magstestay? Nakita ko post mo sa i*******m e."

"Nagbakasyon lang kami. Extended lang ng one month. Pero dito pa rin kami mag aaral." 

"I see. Iba talaga pag Rich Kid. Ge, see you around Eyon" Sabi nito at kumaway pa at umalis na. Sinundan ko naman siya ng tingin. Ang gwapo niya talaga. 

"Kilig ka niyan?" Pambabasag naman ni Eyan. 

"Wag ka na dun, kay Ryevann ka na lang" Asar ulit nila. Naman oh. Kelan ba sila titigil? 

Tumawa lang naman yung asungot at tumango tango pa. Jeez. 

Pumasok na nga kami sa classroom at as usual wala pa ring teacher para sa accounting subject.

Matutulog na sana ako dito sa desk ko kaya lang may kumalabit sa akin. Paglingon ko naman, si Ryevann pala nakangiti sa akin at kumakaway tapos umupo sa upuan na katabi ko. Di ko na lang pinansin at humiga na lang dito sa desk ko. 

Ginagawa kong unan ang bag ko. Di rin naman nagtagal, may nangalabit na naman sa akin and alam ko na kung sino yun. Yan na naman siya tss. Bagay talaga sa kanya yung ginawa kong nickname na Asungot. 

Ipipikit ko na dapat yung mata ko para makatulog ng bigla naman akong kinausap ni Krye. Naman, patulugin niyo ako. 

"Eyon, may powerbank ka? Pahiram please" 

Kinuha ko naman yung powerbank dito sa bag ko at binigay na sa kanya na  may nilalaro ulit sa cellphone niya. 

Matutulog na dapat ako ulit sa desk ko kaya lang yung asungot na bwisit inaalog alog yung upuan ko. 

"Problema mo?" 

"Wag ka matulog diyan" 

Napataas naman ang kilay ko. Ano naman kalokohan nito? 

"Tss. Saan ba dapat?"

"Dito" Sabi nito at tinapik ang balikat niya. Napa irap naman ako. 

Sinipa ko naman yung upuan niya at yumuko na lang ulit para makatulog. 

Nakalipas ang ilang minuto, may umaalog na naman ng upuan ko. What the fck naman. 

"Ano na naman ba yun asungot?" 

"Asungot? Palagi ko yan naririnig sayo ah. Endearment mo ba yan sa akin?" Putcha. Makakapagmura ako ng maraming beses pag nakakausap ko to. 

"Tumigil ka na nga. Nakakairita ka na" 

"Galit ka na? Wag naman Crush oh." Crush mo mukha mo bwisit. 

"Kung icrash ko kaya mukha mo para tumigil ka na" 

"Pwede rin, para maging crush mo na rin ako." Sabi nito at humagalpak ng tawa. Tangna!  Ba't ang kulit nito? 

Inirapan ko na lang ulit ito. Wala akong panahon para sa kanya. 

"Gusto mo ba malaman kung pano ako nagka gusto sayo?" Hindi pa nga ako nakasagot, pinagpatuloy niya na agad ang pagkwekwento. 

Ah. So, Grade 11. Nung natapunan ko siya ng shake. Tapos yung binigyan ko ng panyo. I remember, nagmamadali kasi ako nun kasi late na ako para sa tryouts ng badminton. Siya pala yun. 

"Dahil dun nagandahan na ako sayo tapos palagi na kitang pinagmamasdan. Di ko naman napansin na nahulog na pala ako. boom. Saluhin mo naman ako oh"

"Argh. Ang daldal mo asungot" Di na ako makakatulog. Panira naman kasi ang isa. 

Bumangon na ako mula sa desk ko at kinuha ang cellphone ko at nagcheck na lang ng messages sa messenger. 

"Eyon" Aish. 

"Oh? Ano na naman ba yun Ryevann? Kanina ka pa ha" 

"Hihingiin ko sana number mo. Okay lang?" Binigay niya naman sa akin yung phone niya. "Itype mo na"

Tinanggap ko na lang ang cellphone nito at nag type na. Agad namang lumaki ang ngiti niya. Kala mo naman totoong number ang binigay ko. No way. 

Binalik ko naman agad yung cellphone niya at sinabing Yes! 

*

Inaayos ko na ang mga gamit ko at palabas na kami ng classroom namin. Habang palabas kami ng pinto, napansin ko yung asungot na nakaupo at nakatambay sa may corridor. Tss, uwi na sira. 

"Tara na girls? Sasabay na ako sa inyo" Palagi na talaga siyang sumasabay kahit saan kami magpunta. Ba't di na lang siya makisabay sa mga kabarkada niya. 

"As usual" Sabi ni Vanch at tumawa tawa pa. 

Nagyaya naman sila na kumain daw muna kami. Pumayag naman ako 

"Sa shop na lang tayo nila Krye" Suggest ko. Masarap naman kasi yung mga luto nila dun. And yeah, anak ng may ari ng resto cafe shop tong kaibigan namin. 

"Okay sige ba" -Krye 

"Then, libre mo na rin Krye nandun na rin naman tayo" -Eyan

"Kapal niyo ha. Business is a business men" Natatawang sabi ni Krye. 

"Wow Krye. Epekto ba yan ng subject natin na Business Finance?" Natatawang sambit ni Vanch. 

"Ako na ang maglilibre guys. Kahit ano iorder niyo sagot ko. Lalo na kung ano yung order ni Eyon syempre"-Asungot 

Yan na naman siya sa libre libre niya. May pera kami, kala  niya di namin afford? 

"Yun oh. Kaya boto kami sayo para kay Eyon"-Vanch

Tss. Anong boto boto. Wala namang eleksyon. 

"May pera ako. Ako magbabayad ng kakainin ko" 

"Nahiya pa si Eyon. Basta sagot ko lahat" sabi pa nito at kumindat. Putek, kala mo naman ikinagwapo niya. Hindi naman mukha siyang adik. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status