Share

CHAPTER 3

Buti na lang weekend ngayon. Nakakastress na kasi ang pagiging Grade 12. Hassle talaga pag graduating. Pero atleast walang assignments ngayon. Movie marathon na lang siguro ako ngayon. Wala akong ganap e.

Kakatapos ko lang kumain ng breakfast na niluto nila Manang para sa amin. Sabay sabay na rin kaming kumain non. Siya ang tumatayong guardian namin dito.

Pinagkakatiwalaan na rin yan nila Dad tsaka syempre matagal na sila dito. 

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at inaayos ko na lang yung hinigaan ko nang bigla namang nagbeep ang phone ko. Which means may nagtext. Agad ko itong binasa. 

Asungot: 

Good morning Eyon. 

Tss. Ayan, nagtext na naman siya. Ang kulit niya talaga ha. Di ko nga dapat isesave number niya kaya lang tinadtad ba naman ako ng messages at tumawag pa sabi isave daw number niya, humihingi pa talaga ng screenshot at isend ko daw sa messenger. Kaya yan, sinave ko na para walang gulo. Kelan kaya yan titigil sa kakaganyan niya? Di kasi talaga ako sanay sa mga atensyon na ganito. 

Me:

Walang good sa morning. 

Agad naman itong nagreply 

Asungot: 

Sungit haha.

Di na lang ako nagreply at humiga na lang sa kama ko. Ito ang pangit pag weekend e. Ang boring na nakakatamad. 

Maya maya pumasok naman si Eyan dito sa kwarto ko. 

"Bakit?" 

"Labas ka dali. May bisita ka" sabi nito at lumabas na rin sa kwarto ko. 

Sino naman? 

Lumabas na ako agad sa kwarto ko kahit na naka pajama lang at magulo ang buhok ko. Nandito lang naman ako sa bahay. Edi okay lang. 

Pagkadating ko naman sa sala. Nakita ko na kung sinong bisita ang sinasabi ni Eyan sa akin. Okay, hindi siya bisita its BWISITa. Naka upo pa ito sa sofa. Nalaman niya rin pala tong bahay namin kasi nagpumilit siya na sumama sa amin last time. 

"Ba't nandito ka?" 

"Bawal ka bang bisitahin? Gusto lang kitang makita" Sabi nito 

See? Diyan siya magaling. Sa mga pabanat banat na ganyan. Wala namang effect 

"Okay, pwede ka nang umalis" 

"Kakadating ko lang e. Tsaka nga pala kahit na ganyan lang suot mo ang ganda mo pa rin" Ngumiti pa talaga siya

Agad naman akong nairita. Bakit ba kasi kailangan magsabi ng ganon? Di naman nakakatuwa 

Kumuha na lang ako ng unan mula sofa at binato ito sa kanya. 

Napatingin naman ako sa pormahan niya ngayon. Nakasuot lang ito ng simpleng tee at skinny jeans pero halatang pormado. San naman ang punta nito? 

"Mukhang may lakad ka ah, alis ka na" 

"Oo meron. Sama ka?" 

"Bakit naman ako sasama? Close tayo?" Sabi ko at umirap. Routine ko na ata talagang mapa irap kapag nandiyan siya.

"Wew, Sungit talaga. Pero sige lang magsungit ka pa sa akin mas lalo lang akong nagkakagusto sayo e" Pagbabanat nito.

Puta naman talaga oh. 

Lumapit naman ako at sinapak sapak yung asungot. Yan bagay sa kanya. Wala akong pake kung masaktan to. Tawa lang naman ng tawa yung loko 

"Uy, ang sweet nila" Sabi ng biglang dating na si Eyan

"Ang sweet namin noh? Amazona lang talaga kakambal mo" 

"Shut up asungot. San punta mo Eyan?" Tanong ko. Naka bihis kasi siya 

"Sa kanila Vanch. Magprapractice kami ng sayaw para sa audition ng dance troupe. Duo kami e. So, alis na muna ako ciao~" Sabi nito at umalis na.

"Ikaw, di ka pa aalis?" 

"Mamaya na. Gusto mo na talaga akong paalisin ha. Teka, ano to?" Kinuha niya yung mga album na nandito sa sala namin. Argh. 

"Wag mo nga yan pakialaman hoy. Akin na"

"Album mo pala to. Patingin lang" binuklat na niya yung album. Bwisit. 

"Bata pa lang, ang ganda mo na talaga" 

Shit naman oh. 

"Oh, takaw mo dito haha. Tsaka ang chubby pa" 

Enjoy na enjoy ah. Tangna

Nagpatuloy na lang yung asungot sa pagtingin ng mga pictures. Hindi niya ba alam na invading of privacy yan? Bigla namang nagring ang phone niya kaya agad niya itong sinagot nilagay sa tenga niya 

[Boss]

[Oo nga po, on the way na] 

On the way daw, pero nandito pa rin. 

[Traffic po kasi. Bye] 

Nag end na ang tawag at nilagay na ang cellphone sa bulsa niya at tumayo na ito. Aalis na siya? Good. 

"Eyon, una na muna ako" 

Tumango na lang ako 

"Di mo ko ihahatid? Malawak pa naman tong bahay niyo baka maligaw ako" 

Over exaggerating naman nito. 

"Hindi na. Malaki ka na" 

"Okay, edi hindi ako aalis" 

"Ang arte mo asungot. Tara" ngumisi na lang siya at sabay na naglakad patungo sa labasan ng bahay namin 

"Nga pala, asan parents niyo?" 

"Stalker ka diba? Dapat alam mo" 

"Nasa New Zealand" 

"Oh, nagtanong ka pa?" 

"Wala lang. Miss mo sila?" 

"Ano sa tingin mo?" Singhal ko, naiirita na kasi ako. Ba't ko ba to ine entertain. 

Ngumiti siya. "Ahh, buti pa sila namimiss mo. Ako hindi" 

Banat niya ulit, di ko na lang pinansin.

"Lumayas ka na nga, wag ka nang bumalik" sabi ko ng nakadating na kami sa may gate at binuksan ito. 

"Teka lang, may ibibigay ako" sabi nito at agad agad binuksan ang bag niya tas may kinuhang paper bag at binigay sa akin. Ano to? 

"Ano naman to?" 

"Basta. Buksan mo na lang para malaman mo." 

Napataas naman ang kilay ko. 

"Ayoko." Sabi ko at binalik sa kanya. 

"Bakit naman?" 

"Walang reason. Di ba pwedeng  ayaw ko lang talaga maka tanggap ng kahit ano galing sayo" ang kulit e, ayaw ko na ngang tanggapin namimilit pa.

"Ang sakit naman nun. Pero sige lang tatanggapin mo rin lahat ng ibibigay ko sayo sa susunod promise." Sabi nito at tumitig sa akin. Naka tingin lang rin naman ako sa kanya ng masama. Talagang ako ang trip nito ha. 

Nag ring naman ang cellphone nito at agad niyang sinagot.

"Oo na papunta na. Bye" 

"Alis na ako Eyon. Chat na lang kita mamaya" Sabi nito at ginulo ang buhok ko.

Naisipan ko nalang na mag stay sa sala at nanood ng mga movie na nadownload ni Eyan sa flashdrive niya. 

Ayt, infairness ang boring ng araw na to ha. 

Nagprepare na si Manang ng lunch namin kaya sabay sabay na  ulit kaming kumain ng iba pa naming kasambahay dito. 

"Si Eyan, saan siya kakain? Titirahan ko na lang" Sabi ni Manang. 

"Kahit wag na. Makakakain pa rin yun sigurado. Nasa kanila Vanch siya Nang" 

"Saan yung Vanch dun sa kabarkada niyo? Yung medyo tomboy o yung madaldal?" Tanong ni Manang. 

Manang talaga. Kahit hanggang ngayon hindi pa rin kilala si Vanch at Krye. When aging comes nga naman. 

"Yung madaldal po" Sagot ko at nginuya ang pagkain. Ang sarap kaya ng pagkakaluto. 

Natapos na kaming kumain at tumulong na lang ako sa paglilinis at pagliligpit ng mga kasambahay. 

Nung natapos na pumasok ako sa kwarto at naligo. 

Nakapagbihis na ako at naisipan kong mag online na lang sa phone ko. Mga 3:00pm na rin pala. Ang bilis ng oras ha. 

Kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ang messenger para machat man lang si Mom or Dad. Ganyan ako pag bored. Nakakamiss na rin kasi sila. 

Dahil offline naman si Mom at Dad hihintayin ko na lang na magonline kahit isa sa kanila kaya binabasa ko na lang yung ibang messages na hindi ko nasiseen. Hindi naman mga importante puro lang Hi tsaka hello galing sa mga schoolmates ko. 

Pinaka huli kong binasa yung mga messages ng asungot sa akin. Kung hindi magtetext, magchachat. Ang kulit ng bwisit. Kung ano anong non sense lang naman ang pinagsasabi. Tapos pag naiirita na ako isiseen ko na lang. Active 30 minutes ago pa ang loko tas tinadtad pa ako ng messages. 

Nagbeep naman ulit ang phone ko at may bagong message galing kay Krye sa group chat ng barkada namin. 

Krye Ramez:

Guys, sinong free ngayon? 

Pasama ako sa mall. 

Bibili ako ng regalo para kay Kuya 

Sa susunod na araw na nga pala yung birthday ng Kuya ni Krye. Wala naman akong magawa, masamahan na nga tong si Krye. 

Me: 

Tara Krye. Samahan na kita 

Wala akong magawa ngayon

Krye Ramez: 

Yes! Kita na lang tayo sa Entrance ha. 

Agad naman akong nagbihis. Nagsuot na lang ako ng jumpshorts tsaka white na v-neck shirt at oldschool na rubbershoes. 

Wallet lang at cellphone dadalhin ko. 

"Nang, alis muna ako" Paalam ko kay manang. Pati na rin sa iba pa naming kasambahay na nagdidilig ng halaman. 

"Sige, ingat"

Sumakay na ako ng taxi at saktong pagdating ko nandoon na rin si Krye. 

Dumiretso naman kami sa isang shoe store. Yun daw ireregalo ni Krye sa kuya niya. Pero bumili na din siya ng para sa kanya kasi may nagustuhan siyang design. Labo ni Krye. 

Nagyaya na rin siya na pumasok sa isa pang shop at bumili pa ng iba pang pwede pang regalo. Mga polo at iba pa.

Lumabas na rin kami sa mall at sumakay ng taxi papunta sa isang themed resto. Basta talaga kainan ang galing ng radar ni Krye. Nakarating na kami sa themed resto at malapit pala siya sa school namin. Walking distance lang mula doon at malapit siya sa sakayan ng mga taxi at jeep.

Pumasok na kami at humanap ng bakanteng upuan. Medyo marami rin ang tao ngayon. 

"Ano sayo Eyon? Ililibre na kita. Pangsuhol ko sa pagsama mo sa akin" Sabi ni Krye nang naka upo na kami sa isang vacant na seat. Tiningnan ko naman yung menu na nasa table na. Ganito pala ang style nila dito. 

Di rin naman nagtagal may lumapit na waiter dito sa amin. Nag order lang kami ni Krye ng Fried ice cream, light bulb juice, nacho at meatball spaghetti. 

Habang naghihintay sa pagkain namin nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano. Sabi pa ni Krye invited daw kami sa birthday ni Kuya Leon. Yun daw gusto ni kuya. Well, kung sasama sila Vanch at Eyan sasama rin ako. Pero kung hindi, hindi na rin ako sasama. 

"Here's your order mam" sabi ng waiter na dala na yung order namin Mabilis ang service nila dito ha. 

"Uy, Ryevann! Nandito ka pala" Bati ni Krye sa kabilang waiter. Kaya napalingon naman ako.

"Yup. Part time job. Ayos ba? Hi Eyon. Sinundan mo ko noh?" Sabi nito at umupo sa tabi kong upuan. 

"Hoy, asungot. Kapal mo ha. Hindi ko nga alam na nagpapart time job ka pala dito. Si Krye kaya nagyaya na dito kami kumain" 

Tumango tango pa ito. 

"Okay. Defensive mo" kumindat pa siya

"Nyeh! Umalis ka na nga dito asungot. Balik ka na sa trabaho mo" sabi ko at binato siya ng tissue na binilog bilog ko kanina. Tiningnan ko naman si Krye na kumakain na. 

"Sige Eyon, magtratrabaho na ako para sa future natin." Sabi nito at tumawa tas tumayo na. Lumakad na rin naman ito palayo sa table namin. Bwisit siya, anong future pinagsasabi niya? Bunutan ko kaya siya ng ngipin na wala anesthesia. Walang hiya. Umirap na lang ako 

"Eyon, kain na. Masyado kang nadidistract sa asungot mo" 

"Heh!" Sabi ko at kumain na rin. Naubos na ni Krye yung spaghetti niya kaya nachos naman ang kinakain niya ngayon. Uminom pa siya sa light bulb juice.

"Pag andito si Eyan, pipicturan niya talaga to tas ipopost sa i*******m niya"Biglang sabi ni Krye. Yung light bulb juice pa ang tinutukoy niya. I*******m addict yung kakambal ko na yun e. Kahit ano na lang pipicturan para lang mapaganda daw yung feed niya.

"Kaya nga. Edi bumalik na lang tayo dito pag kasama na natin sila" sabi ko 

"Ehem, gusto mo lang bumalik dito kasi nandito si Ryevann" 

"Yan ka na naman Krye. Last na lang ha" banta ko sa kanya. Pasalamat siya libre niya ngayon 

Tumawa pa siya at tinaas yung dalawang kamay. 

"Okay, hindi na. Pahingi na nga lang nitong meatball" Sabi niya at tinusok ng tinidor ang meatball ng spaghetti sa plato ko. Napa iling na lang ako 

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ni Krye. Maya't-maya may dumating naman na waiter dito at kinausap ako. 

"Miss, pinapa bigay ni Ryevann oh" Sabi ng waiter at binigay yung paper bag na binalik ko sa kanya kaninang umaga. Ano ba, ang kulit naman e. Sabing ayaw ko tumanggap ng galing sa kanya.

Umalis na din naman yung waiter.

"Ano yan? Galing kay Ryevann?" 

"Oo Krye. Kanina niya pa to binigay sa akin pero binalik ko. Ngayon naman, pinapa bigay niya ang ulit. Ang kulit lang."

"Anong laman?" 

"Malay ko. Wala naman akong balak buksan basta galing sa kanya" 

"Eyon naman oh. Akin na nga ako na magchecheck anong laman. Curious ako" Sabi ni Krye at kinuha yung paper bag. 

"May Chocolates oh. Tapos ito, ano to?" Sabi ni Krye at binigay sa akin ang maliit na box na galing sa paper bag. May note pa na 'buksan mo to' 

Ano bang trip nang asungot na to? 

Si Krye naman tanong pa rin ng tanong. Para na lang sa ikatatahimik ni Krye binuksan ko na lang yung box tapos ang laman nun is isang panyo. 

Pagkakuha ko non, may note na naman ulit. 

Baka nakalimutan mo na, pero ito yung panyo na pinahiram mo sa akin dati. Well, yan ang dahilan kung bakit nakuha mo ang attention ko. Simula nun palagi na kitang pinagmamasdan sa malayo. 

PS: I really like you a lot Eyon. Mukha man akong loko loko pero totoo tong nararamdaman ko para sayo. 

PS ulit: Kung nagawa mong buksan yung box, edi magagawa mo ring buksan yung puso mo para sa akin. Hehe😉

Napatingin naman ako sa pwesto ni Asungot at naka titig lang to sa akin at ngumiti. Bwisit na titig yan kaya agad akong napa iwas ng tingin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status