Share

I like you lots (Barkada Series 1)
I like you lots (Barkada Series 1)
Author: HKunderratedWP

INTRO

Pauwi na ako kasama yung mga bago kong kabarkada. Tawanan at asaran lang kami. 

Habang tumatawa, may nakabunggo naman sa akin na may dala na badminton racquet at shake kaya natapunan ako ng shake na dala niya. The fck? 

"Shit! Sorry. Ito panyo ko oh. Punasan mo na lang, nagmamadali kasi ako e. Sorry talaga ha. Alis na ako" Sabi ng babae at binigyan ako ng panyo. Dali dali na din naman siyang umalis.

Woah. Sino yun? Ang ganda ha. Sinundan ko na lang ng tingin yung babae. Bago pa kasi ako dito sa school na pinapasukan ko kaya hindi ko pa kilala yung mga iba pa naming kabatch. 

Napatingin naman ako sa panyo na binigay niya at napangiti. Kung siya ba naman ang makakatapon ng shake sa akin edi ayos lang kahit palagi niya pa akong matapunan.

"Ano tol? Okay ka lang? Natulala ka na lang bigla diyan." 

"Yeah. Okay lang" Sabi ko at ginamit yung panyo na binigay ng babae para mapunas ang uniform ko. Hinubad ko na rin yung uniform ko, may undershirt naman ako na puti. 

"Nga pala, Anong pangalan ng babaeng nakatapon ng shake sa akin?" 

"Type mo?" Napatango na lang ako

"Sino nga yun?" 

"Eyon tol. Eyon Faye Rillosa" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status