"Masaya ako nakita mo na ang magmamahal sa'yo nang totoo, Light," wika ni Gun nang magpaalam sa akin si Ice para kausapin ang dati niyang kaklase sa unibersidad namin.
"Kayo rin naman ni Dino, Gun wedding bells na lang ang kulang sa inyo." pagbibiro ko sa kanya inakbayan ko siya pagkatapos."Hindi pa niya ako inaalok," aniya sa akin alam kong hinihintay lang niya na alukin siya ni Dino at magiging masayang-masaya na siya."Gusto mo ba na biruin ko siyang alukin ka niya ng kasal?" natatawa kong sambit sa kanya.Bumaling ang tingin niya sa akin at umiling kaagad at tinuro ang puso niya."Kung aalukin niya ako sa bukal sa puso niya at hindi mula sa pang-aasar nyo o nang mga kaibigan niya." sambit na lang niya sa akin.Umupo ako sa couch nabaling ang tingin ko sa jowa niya kausap ang may-ari nang nightclub."Ikaw ba, kailan mo aalukin si Ice ng kasal?" balik natanong niya sa akin napa-isip din ako, kailan ba ako handang alukin siya?"Katulad ka rin ni Dino, Light na hindi pa bukal sa puso nyo ang pagpapakasal mabuti na lang matitino kami ni Ice—naiinip na rin siyang lumagay sa tahimik ang relasyon nyo." nasambit ni Gun sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya."Gun!!" narinig naming tawag ni Dino sa kanya natingin kaming dalawa."Huwag kang magsalita na parang kaya mo nang lumagay sa tahimik, Light hindi natin hawak ang tadhana natin," aniya at tinapik niya ang balikat ko.Lumapit sa amin si Dino na may pagtataka sa mukha palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gun."Nagtalo ba kayong dalawa?" pagtatanong ni Dino sa aming dalawa at kaagad akong umiling sa kanya."Eh, ano?" pagtatanong pa rin ni Dino sa amin."Wala nga, Dino nalulungkot 'yan dahil hindi na niya makakasama si Ice sa gig may iba nang trabaho aasikasuhin eh," wika ni Gun sa boyfriend niya at tinanong kung ano ang sinabi ng may-ari nang club."Binigay ni boss ang kita natin sa club natin may sobra pa, bi nagtanong si boss kung sa next week daw pwede pa daw tayo? Ang sabi ko titignan namin anhmg schedule natin busy tayo sa home network natin as solo artist na nabubuo lang tayo kapag kailangan tayo ng network." sambit ni Dino nilingon niya rin ako bigla."Tanungin ko ang manager ko—nginuso si Gun," natatawa kong sambit at nakita namin na sinamaan niya ako nang tingin."Titignan ko ang notes ko kung libre ang schedule namin ni Light lalo na nagtuturo siya sa dating unibersidad natin," sambit ni Gun sa boyfriend niya nang balingan niya ito nang tingin."Okay," wika ni Dino alam nito ang schedule namin, kaya alam namin kung niya 'yon sinabi sa may-ari ng club.Uminom ako ng alak na nakapatong sa harap namin pagkatapos ng gig pinayagan kami ng may-ari nang club na mag-enjoy pa rin sa club.Hinihintay kong bumalik si Ice sa amin pwesto at nang makita ko siya kinawayan ko na lang ito. Lumapit kaagad siya at kinausap si Gun hinila ko naman siya para tumabi sa akin.Siya ang gusto kong makasama habangnuhay pero, hindi pa ako handang lumagay sa tahimik ang relasyon namin.Tama si Gun katulad lang ako ni Dino na hindi pa bukal sa amin ang lumagay sa tahimik ang relasyon."Babe!" tawag niya sa akin napalingon ako sa kanya."Oh?" sambit ko sa kanya nakita ko wala na ang mag-jowa sa harap namin."Tulog ang diwa mo pero, ang mata mo dilat? Hanep naman..kanina pa sila wala," aniya sa akin at hinila niya ako patayo sa upuan."Ewan.." amin ko napa-iwas ako ng tingin sa kanya."'Nangyari sa'yo? Inaantok ka pa ba?" puna niya sa akin hinawakan niya ang pisngi ko."Hindi, ewan ko.." sambit ko na lang sa kanya.Lumabas na kami ng night club nagtaka ako ng kunin niya ang susi ng motor ko sa gilid ng pantalon ko."Oh?" pagtataka kong sambit sa kanya binigay niya sa akin ang guitar case niya."Ako na ang magmamaneho baka mabangga pa tayo sa kalsada kapag ikaw ang nagmaneho," aniya at hinagis niya sa akin ang helmet.Hindi na lang ako nagsalita at umupo ako sa likod niya pagkatapos nya umupo sa unahan ko."Babe, naalala ko bigla si Helga kamusta na kaya siya?" sambit ko bigla ng huminto siya sa 7-eleven store.Pinarada niya sa gilid ang sasakyan at bumaba kami para pumasok sa loob. Umupo ako sa may tabi ng salamin nilapag ko sa mahabang mesa na katapat ko ang guitar case namin."Bibili lang ako," aniya sa akin.Sinundan ko siya ng tingin pagkatapos niya ako iwan. Napapa-isip pa rin ako sa binulong ng kuya niya sa kanya noong 10th anniversary namin at ng tropa.Naging tahimik siya ng mabanggit ng mga kaibigan niya ang ULF, anong meron dun?"Light, ano ang sinasabi mo kanina?" bungad niya sa akin inabutan niya ako ng maiinom."Sabi ko, kamusta na kaya si Helga?" tanong ko sa kanya."Hindi ba model na siya ngayon?" sambit niya sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Talaga? Wala akong alam, paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya."Friend ko siya sa F******k ko," aniya sa akin.Tumango na lang ako bigla sa sinabi niya. Iilan lang ang friend ko sa f******k ko, ang babe ko ang mga kaibigan namin at ang pamilya lang namin."Ang dami mo kasing friends sa F******k mo," sambit ko."Schoolmates natin naging kaibigan ko ang mga member natin noon sa music club at ang tropa maliban pa sa pamilya natin," aniya sa akin humigop siya ng iniinom niya."Kahit malayo ang 7-eleven na 'to, gusto mo lagi magpunta dito marami nang nagbago sa harap nito na dating computer shop naging cafe shop na." sambit ko.Hindi siya umimik sa sinabi ko at nakita kong nakatingin siya sa kalsada."Win!" tawag ng isang boses napalingon kaming dalawa napansin kong nagulat ang reaksyon niya."Babe," tawag ko sa kanya.Kumunot ang noo ko sa facial expression ng mukha niya nang mapansin ko na gulat na gulat siya nang makita ang babae.Nagpunta ako sa dating tagpuan namin noon para magpa-hangin kaso nagtago ako ng may tao ako nakita bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang likuran ng taong nakatayo sa dalampasigan. Sumilip ako at nakita ko pa rin nakatayo si Win sumandal na lang ako sa may puno ng buko at nakatingin sa taong sobra kong mahal.Ayokong lumapit dahil baka guni-guni ko lang ang nakikita ko at hindi siya.Lalo na baka, siya nga pero...Iwasan naman niya ako huminga na lang ako ng malalim. Nalaman ko sa kapatid ko na hindi nagka-balikan sina Ging at Win dahil hindi ito gusto ng dalawang panig naging civil ang relasyon nila para sa kanilang anak na si Frey na ngayon graduation na sa high school.Nagtago ako ng lumingon siya ayoko magpakita sa kanya natatakot ako.Tama ang kapatid ko, kung kami talaga ang tinadhana nag-tatagpo ulit kami sa tamang panahon. Nang sumilip ako wala na siya kaya tumakbo ako para siguraduhin na hindi lang guni-guni ang nakita ko nakita ko ang footprints.And I miss youLike
Bernard/Light POVMula ng makipag-hiwalay ako kay Win nawalan ako ng gana magturo sa mga estudyante ko. Nag-leave of absence ako sa school at ang ginawa ko kumanta lang sa gig ng banda ko tuwing gabi."Kuya, hindi ka ba babalik sa pagtuturo?" bungad ng kapatid ko ng umaga na ako nakauwi sa bagong condo ko.Lumipat ako ng tirahan mula ng mag-hiwalay kaming dalawa dahil sa tuwing uuwi ako doon naalala ko ang masasayang alaala na meron ang condo na kasama si Win. "No, bro pagod na ako sa pagtuturo mag-reresign na ako sa susunod na linggo ayoko ma-stress at madamay ang pagtuturo ko." sambit ko sa kapatid ko ng umupo ako sa sofa inalis ko ang suot kong sapatos at medyas bago ko hinubad ang shirt ko may suot pa naman akong sando sa loob.Marami nabago sa akin mula ng magsama kami ni Win kaya nakasanayan ko nang gawin. Tumayo ako para buksan ang electric fan nasa harapan ng kapatid na umusog ng bahagya."Sigurado ka sa desisyon mo, kuya?" pagtatanong ng kapatid ko nakita ko ang pagka-gulat
Nang mag-hiwalay kaming dalawa ni Light para ako naputulan ng kalahating katawan madaling matanggap na wala naman mararating ang relasyon namin if one of us is in love with someone else, there is nothing, the reason for our separation is about my daughter and his insecurity in himself that I might leave him because of my daughter and ex-girlfriend.I can't blame him for the fear he feels in his heart and identity."Ahhh!!!" sigaw ko na lang sa loob ng condominium na nirentahan ko pagkatapos ko makuha sa kaibigan ko ang gamit ko umalis kaagad ako sa hotel kung saan ako natulog ng ilang araw.Nag-resign ako sa ULF ng sabihan ako ni tito Edwin na magiging regular employee na ako sa kanilang kumpanya tumanggi ako sa promotion dahil, para ko nang pinakita sa kanila na hawak nila ako sa leeg at hindi ko na magagawa ang gusto ko.Nagulat ang mga kapwa ko abogado sa naging desisyon kong umalis sa kumpanya at hindi na manatili. Kahit alam kong may anak ako kay Ging hindi ko naman gusto na may
Bago mag-graduation nakipag-kita ako kay Light wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. Naghihintay ako sa isang park na malapit sa school namin maraming dumadaang estudyante first year at second year college nag-text ako sa kanya. Umiinom ako ng milk tea na binili ko nauuhaw na kinakabahan ako ngayon.Wala dapat akong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan ko at kung magtatanong si Light sasabihin ko naman. Nakaupo ako sa swing at inuugoy ko lang ng mahina nakarinig ako ng yabag sa likuran ko. Hindi ako lumilingon dahil sa kinakabahan ako ng matindi."Akala ko, hindi ka pupunta dito kahit ikaw ang nag-aya makipagkita." narinig kong sambit ng taong hinihintay kong dumating.Uminom lang ako ng milk tea at hindi ako sumagot naiilang ako sa nararamdaman ko ngayon."Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman sasabihin? Ako kasi, meron." aniya huminga na lang ako ng malalim.Nag-kwento na siya tungkol sa buhay niya nakikinig lang ako sa kini-kwento niya. Nang maubos ko ang milk tea tumayo ako
Win/Ice POVMakalipas ng ilang buwan, naghahanda na kami ng mga kaibigan ko sa graduation namin. Nagkaroon ng relasyon si Drake sa kapatid ni Light na si Francis hindi kami makapaniwala noong una dahil wala sa itsura at kilos nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Wala na akong balita kay Light kahit madalas kasama namin ang kapatid nito."Nakabili ka na ng damit para sa granduation ball?" tanong ni Cute sa akin nabaling ang tingin namin sa kanya."Ay, shit wala pa akong maisusuot..." wika ni Mat nabatukan tuloy siya ng pinsan niya.Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Mat sa nakalipas na buwan maraming nagbago naging busy ako sa school works. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami ni Eumi sa mall accidentally sinabi niya sa akin na nabuwag ang bandang Winner Band mula ng humiwalay sa kanila si Light."Win, may maisusuot ka na ba sa grad ball?" tanong ni Mat sa akin nang balingan niya ako."Oo, meron na." sambit ko na lang sa kaibigan ko.Nasa canteen kaming lahat para mag-l
Nagpunta kami sa may claw machine doon namin nakita si Mike na kasama ang girlfriend nito. Nilapitan ni Chana ang kaibigan namin at nagpunta naman ang kapatid ko sa isa sa claw crane o claw machine sinundan ko na lang nang tingin ang kapatid at machine na kumuha ng atensyon ko.Lumapit ako at may nakita akong stuff toy na may pagkaka-hawig kay Win may barya ako at nag-hulog ako sinubukan kong makakuha nang isa napasimangot na lang ako dahil palaging sablay."Heartbroken kaya hindi mo 'yan makukuha," bungad ni Mike sa tabi ko inirapan ko na lang ang kaibigan ko at nag-hulog ako ng isa pang barya.Naka-ilang hulog ako at hindi pa rin ako nakaka-kuha ng isa."Sign na 'yan na tumigil ka na sa pag-habol sa kanya," sambit ni Chana at sumang-ayon ang kapatid ko sa sinabi nang kaibigan ko hindi nagsalita ang mga kasama namin na lumapit na sa amin.Huminga na lang ako nang wala ako nakuhang stuff toys at umalis na kami sa harap ng claw machine. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko at ngu