Share

Kabanata 37 (Part 1)

"ANO BA ANG naisip mo at sa bahay ka mananaghalian?" nakahalukipkip kong tanong kay Kevyn habang lulan kami ng kotse niya patungo sa palengke. Si Mama sana ang mamimili kaya lang nagprisinta si Kevyn na kami na lang daw dalawa ang mamimili. Nahihiya man si Mama pero mapilit talaga siya. Naiinis nga ako dahil imbis na nagpapahinga ako sa bahay, nagpresinta pa siya na akala mo nama'y marunong sa pamimili sa palengke. Eh, ang alam naman niyang bilihan sumpermarket sa mall.

"Gusto ko, e," aniya na hindi man lang lumilingon sa akin. Gusto niya? Bakit niya gusto? Anong klaseng sagot daw 'yon? Lumingon siya sa akin at ngumiti. "I want to try something new," pakli nito.

"Ewan sa'yo!" inis kong sagot at humarap sa bintana. Mas maigi pang pagmasdan ang paligid kaysa kausapin ang lalaking 'to. Nakakainis! Parang kanina lang habang pauwi kami sa bahay ang tahi-tahimik niya tapos ngayon bigla gusto niyang sumubok ng kakaiba. Magulo rin talaga 'tong si Kevyn.

Ilang saglit pa at narating namin ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status