Share

Kabanata 36

HABANG nasa loob ako ng silid, naalala ko ang nangyayari nang nagdaang araw bago ako umuwi at ang mga sinabi ni Kevyn tungkol kay Nicko.

[Flashback]

"Grabi, ang swerte mo talaga Mara!" bulalas ni Andrea habang nakatingin sa akin. Nandito kami ngayon sa sala at naglilinis doon. Tinutulungan ko kasi silang maglinis kapag tapos na ako ng gawain ko sa taas at sa pag-aasikaso ko kay Kevyn. Hindi hamak na malaki ang sala at mas mainam kung tutulungan ko siya para mabilis matapos sa gawain.

Lagi ko na lang iyon naririnig kay Andrea. Ang swerte-swerte ko raw kasi magkaibigan kami ni Nicko tapos mabait sa akin si Kevyn. Sa totoo lang, gusto kong tumawa sa sinabi niya dahil hindi naman totoo na swerte siya. Sobrang sakit kaya sa ulo ng dalawang iyon.

"Anong swerte do'n, Andrea? E, mabait din naman sa inyo si Sir Kevyn, ah," sabi ko habang nagpupunas ng mga furniture doon.

"Alam mo Andrea, iba kasi ang charisma niyang si Mara. Tingnan mo naman, kahit taga-probinsya may angking ganda," puna nama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status