Share

Kabanata 37 (Part 2)

"WHY? I'm just being kind to her. Bakit parang nagseselos ka?"

"A-ako nagseselos? A-ang kapal naman ng mukha mong! B-bakit naman ako magseselos?" depensa ko at agad nag-iwas nang tingin sa kaniya. Nakakainis! Nauutal na naman ako dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit ganiyan ang reaksiyon mo kung hindi ka nagseselos?"

Napapikit ako ng marahan. Bakit nga ba ganito ang reaksiyon ko? "Nakakainis ka kasi!" sabi ko na bahagya lang siyang hinarap at muling naglakad. Nagtungo ako sa tindahan ng mga gulay at tumingin doon ng sariwang mga gulay para hindi na rin umimik si Kevyn.

"Ate, repolyo po," pukaw ko sa babaeng busy sa isang costumer. Hinarap ako nito at ibinigay ko sa kaniya ang dalawang bilog na repolyo. Hindi na ako hihingi ng tawad at baka makasapak lang ako kapag hindi ako pinagbigayan 'tapos si Kevyn, pagbibigyan nila.

"K-kevyn!"

Napapitlag ako ng marinig ang sigaw na iyon. Lumingon ako sa babaeng pinagmulan ng tinig at nakita ko ang tindera na nakatingin kay Kevyn na nakat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status