“I know what you're thinking, Iha. The way you look at the restaurant and at yourself, I know you're thinking you can't go inside dressed like that, Am I right?..Iha, our restaurant is open to everyone. Okay? Come on. Join me. Don't be shy ok?”
Woah! ang galing naman ni Lolo, na-gets niya agad ang kinababahala ko. Pero, siya sige na nga. Papayag na ako sa alok ni lolo. Nagugutom na talaga ako. Mahirap tanggihan ang grasya ng pagkain.
“Sige po, lolo.”
“Great! Follow me, Iha.”
Tumango naman ako bago siya sinundan. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Grabe! ang bango bango ng loob! Halatang pang-mayayaman!
Manghang mangha ako habang nililibot ang tingin sa paligid. Iba pala kapag nandito ka sa loob.Tumigil kami sa isang table. Naunang na-upo si Lolo tapos ay nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin.
“Sit down, Iha.” Sumunod naman agad ako at na-upo sa katapat na silya.
“Ito ang menu, bilang pambawi ko sa ‘yo, pumili ka ng pag-kain na gusto mo. okay?”Nahihiyang tinanggap ko iyon at tumingin ng pagkain. Bahagyang namilog ang mga mata ko at muntikan pa akong masamid ng makita ang presyo ng pagkain! Tatlong pirasong garlic bread palang 350 pesos na! Kaloka! Iniisip ko tuloy kung gaano kalaki ang tinapay na ‘yon. Kung worth it ba sa 350?
Parang ayaw ko ng umorder. Ang mamahal!
“Have you done chosen, what to eat?” Biglang tanong ni lolo. Habang nakatingin sa kanyang menu.
“A-ah, actually lolo, hindi pa. Hindi ko po alam ang oorderin ko.” Nahihiya kong sagot.
“I see, sige. Ako na ang oorder ng pagkain mo.”
Binaba ng matanda ang hawak na menu bago tinawag ang isang waiter para sabihin ang kanyang order. Pangalan palang ng binabanggit nito ay halatang mga mahal na!
Matapos sabihin ni lolo ang kanyang mga order, Nakangiti siyang bumaling sa akin.
“We've been talking for a while now but I haven't introduced myself to you and I don't know your name yet. I am Don Juanito Silvestre. Just call me Lolo. I prefer it. How about you? what is your name?”
Napangiti naman ako, halata naman na mayaman si Lolo. Mas lalo ko pa iyong napatunayan dahil sa sinabi nitong pangalan. Nakakatuwa dahil hindi ito maarte kahit mayaman.
“Sige po, Lolo. Ako nga po pala si Natasha Marie Garcia.” Nilahad ko ang aking kamay para makipag-shake hands. Tinanggap naman iyon ng Don.
“Napaka-gandang pangalan. Bagay na bagay sa iyo, Iha.”
“Salamat po.”“So, saan pala ang punta mo? Bakit nasa labas ka kanina ng restaurant?”
“Napadaan lang po talaga ako kanina, Nag-hahanap po kasi ako ng trabaho. Ang kaso ay lahat po ng ina-aapplyan ko hindi ako tinatanggap dahil hindi ako tapos ng kolehiyo.”
Nahihiyang sabi ko. Napakunot noo naman si Don Juanito. “Sorry to hear that Iha, Ang ibang kompanya talaga ngayon ay mahihigpit at matataas ang standard. Pwede ko bang malaman kung ano ang ina-applyan mong trabaho?”“Kahit ano lang po, Lolo. Kung ano po ang available o kung saan hiring nag-papasa po ako ng resume. Importante po sa akin ang magkaroon ng trabaho, ako lang po kasi ang inaasahan ni mama at ng kapatid ko.”
Tumango-tango naman si Lolo.“I see. Kung g—”
Hindi na natuloy ni Lolo ang sinasabi ng saktong dumating na ang mga pagkain namin. Halos malula ako sa dami pala ng inorder ni Lolo at kaming dalawa lang naman ang kakain.
“Lo, bakit ang dami niyo naman pong inorder? Dalawa lang naman po tayong kakain.”
Tanong ko habang pinag-mamasdan ang pagkain sa lamesa. Itsura palang ay masasabi ko ng masasarap. Kumulo bigla ang tiyan ko, napangiwi naman ako dahil doon.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Lolo. Nakakahiya! Kanina pa talaga nag-aalburoto ang aking tiyan.
“Let‘s eat. Sakto lang pala na niyaya kitang kumain dahil gutom kana. Marami talaga ang inorder ko para matikman mo lahat. Kung hindi naman natin maubos ay walang problema. Pwede natin ipabalot ang mga matitira at hindi magagalaw na pagkain tapos i-uwi po sa nanay at kapatid mo.”
Lumiwanag naman ang aking mukha.
“T-talaga po? Pwede ko pong i-uwi ang iba na hindi natin mauubos lolo?” Nakangiti naman itong tumango-tango.
“Of course, Iha. kung gusto mo ay oorder pa ako mamaya ng iba pa para i-uwi mo sa iyong pamilya."
Mabilis naman akong umiling iling.
“Nako, Lo! Ayos na po ang matitira natin at ang hindi magagalaw na pag-kain, sobrang dami po nito. Salamat po, Siguradong matutuwa ang kapatid ko kapag may pasalubong ako sa kanilang pag-kain.” Sobrang saya ng damdamin ko, isipin na may makakain mamaya ang aking pamilya ay isang kaginhawaan sa akin. Sa totoo lang inisip ko kanina na konti lang ang aking kainin tapos ang matitira ko ay ipapabalot ko para i-uwi kela mama.Hindi ko kasi maisip na, ako kumakain ng masarap habang ang aking ina at kapatid ay hindi ko alam kung nakakain na ba.
“Napakabuti mo talagang bata, ngayon pa lang kita nakita at nakilala ng personal pero masasabi ko talagang mabait ka at sobrang gaan ng loob ko sa ‘yo. O, siya kumain na tayo.”
Masaya naman akong tumango bago kumuha ng makakain. Bubusugin ko ang aking sarili para may lakas pa ako at makahabol sa mga pwede kong applyan. Saka para kahit hindi na ako kumain mamaya sa bahay ay busog na ako. Para ang i-uuwi kong pag-kain kay mama at Nicole na lang.
Magana akong kumain habang nakikipag kwentuhan kay lolo.
Grabe, ang dami pala niyang restaurant, Hindi lang iyon. Napag-alaman ko na may sariling kompanya ang matanda. Iba't ibang klaseng business. Tapos meron pa itong sariling eskwelahan. Isang private school. Sobrang yaman pala nito talaga!
Pagkatapos namin kumain ni Lolo ay agad niyang pina-balot ang mga hindi namin nagalaw na pag-kain at kokonti lang ang bawas. Galak na galak ako na makakain din sa wakas ng masarap na pagkain ang kapatid ko at si mama.
“Okay na ba sa ‘yo ang lahat ng iyan?”
Tanong ni lolo habang binababa ng waiter ang paper bag kung saan laman ang mga pinabalot niyang pagkain.
“Oo naman po, Lo! ang dami na nga po nito. Salamat po talaga.” Taos pusong pasasalamat ko.
“Don‘t mention it, Iha. Anyway nabanggit mo na nag-hahanap ka ng trabaho. Actually, naghahanap ako ng katulong. Umalis na kasi ang isa sa katulong sa mansion. Baka gusto mo?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Talaga po?! Nag-hahanap kayo ng katulong sa mansion niyo Lo?”
“Yes, Iha. Nag-aalangan pa nga akong sabihin sa ‘yo. Dahil baka ayaw mo o ma-offend ka.”
Umiling naman ako.
“Nako, hindi po ako ma-ooffend Lo! Malaking bagay po sa akin ang mag-karoon ng trabaho ngayon. Tinatanggap ko po ang trabahong iyan, Lo!”
Ngumiti naman ng malawak si Lolo.
“Great! atleast makikita pa kita ulit. Don‘t worry hindi mahirap ang magiging gawain mo sa mansion. Ikaw lang ang mag-aasikaso ng pagkain, ayos ng kwarto, mga damit ng apo ko. Iyon lang ang gagawin mo dahil ang ibang katulong sa mansion may sariling toka-toka. Dalawang beses ang restday sa isang buwan. Ang magiging sahod mo naman sa isang buong buwan ay 35k.”
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi ni Don Juanito.
“3-35k? Isang buwan na sahod po ng katulong niyo, Lolo?”
Nauutal kong tanong. Proud na tumango naman ang matanda.Oh my god! Ibig sabihin 17,500 ang isang kinsenas ko?! may dalawang beses na restday sa isang buwan hindi na masama ang restday, pero grabe nakakaloka ang sahuran ng katulong sa mansion nito! Kung tutuusin dinaig ko pa ang ibang nag-tatrabaho dahil sa laki ng sasahurin! Ang big time naman maging katulong kay Don Juanito!
Pwede ko ng alisin sa bahay ng tiya kong bruha sila mama at mangupahan na lang! Mapag-aaral ko na rin ang bunso kong kapatid!
“Lolo, tinatanggap ko po ang trabahong ina-alok niyo! Malaking bagay po ito para sa pamilya ko. Kailan po ako pwedeng mag-simula?”
Mangiyak-ngiyak kong tanong. “Sa Lunes, Iha. Lunes ang balik ng Apo ko galing sa korea. Doon ko na rin ipapaliwanag pa sa ‘yo ang mga dapat mong gawin.” May kinuha si Lolo sa kanyang bag at inabot sa akin. Agad ko naman iyong kinuha.“Iyan ang pangalan ng subdivision at address ng mansion, numero ko rin ang nakalagay sa card na iyan.”
“Thank you po talaga, Lo! Akala ko po uuwi ako ngayong bigo.”
“Wala iyon, Iha. Mabuti kang tao at lahat gagawin mo para sa pamilya mo.”
“Salamat po talaga, Tatawagan ko na lang po kayo sa lunes.”
“Hihintayin ko ang tawag mo. O, siya sige na. Umuwi ka na at para makapag-pahinga ka. Alam kong pagod ka rin sa pag-hahanap ng trabaho. At para madala mo na rin ang pasalubong mo sa iyong pamilya.”
Nakangiting tumango naman ako bago tumayo.
“Thank you so much po, Lolo! See you po sa monday.”
“See you, Iha. Mag-iingat ka.”
Kinuha ko na ang mga paper bag na nasa lamesa, bago umalis ay muli akong nag-pasalamat sa kay Lolo.
Nakangiti akong naglakad palabas. Atleast, nag-dilang anghel si Nanay kanina! Nang-yari na ang swerte na sinasabi niya. Nakakain ako ng masarap at may mauuwi pa ako sa pamilya ko tapos may trabaho na ako sa lunes!
Excited na akong makapag-trabaho para mabigay ko na ang pangangailangan nila mama at Nicole. Gustong gusto ko na rin sila mailipat ng matitirhan para hindi na sila ina-api api ng tiya kong bruha!
*******
THIRD PERSON POINT OF VIEW Nang makalabas ang dalagang si Natasha ay agad sinenyasan ni Don Juanito ang kanyang bodyguard para pasundan ang dalaga. Gusto nitong makauwi ang dalaga ng maayos at ligtas. “Mukhang nag-enjoy po kayong kasama ang dalagang iyon, Don Juanito.” Nakangiting sabi ng kanang kamay ng matanda ng makalapit ito. “Yeah, I like that, girl. I can see the goodness of her heart. She is perfect for my grandson. I know she can tolerate that man's behavior. Larry, finds out more about that girl's personality. Her background. Then send to me. Okay? My search for a woman for my grandson is over. Now, I am sure about Natasha. I will prepare everything..” Nakangiti sabi ng matanda habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang dalaga kanina. Ngayon lang ito naging masaya at magaan ang loob sa isang tao. Ang mga nang-yari kanina ay isang palabas lamang. Ang lalaking tumakbo at kumuha ng bag ay isa sa guards ng Don. Isang test lang nang-yari kaninang eksena. Ku
Matapos maka-paglinis, mag-hugas at maayos ang dapat ayusin ay umakyat na sa taas sila mama, habang ako naman pasimpleng kumuha ng dalawang kutsara at tinidor. Kumuha na rin ako ng malamig na tubig tapos ay dali-daling umakyat sa taas para makakain na sila mama. Nakangiti ako habang nakatingin kela mama. Masaya ako na nakakain na sila ng marami at masarap pa. “Itago niyo iyang tinapay at pizza, Nicole. Para bukas may makain kayo ni mama.” “Opo, ate." “Ikaw ba ay hindi kakain anak?” Mabilis akong umiling. “Busog pa po ako, Ma. Marami po akong nakain kanina. Kumain po kayo ng kumain para makabawi po kayo ng lakas.” “Sige, mag-titira na lang kami para kapag nagutom ka, may makain ka mamaya.” Tumango na lang ako tapos ay tumungo sa aking aparador na sira-sira para ayusin ang isusuot kong damit sa lunes. Kailangan presentable ang aking ayos lalo na at haharap ako sa apo ni Don Juanito. Sandali, hindi ko natanong kung ang Apo ba nito na pauwi galing kor
LUMAPIT ako sa gilid ng gate para mag-doorbell. Maya-maya bumukas ang maliit na pinto sa gilid ko. “Kayo po ba si Natasha Marie Garcia?” Magalang na tanong ng guard. Mabilis naman akong tumango. “Pasok po kayo. Hinihintay na kayo ni Don Juanito sa loob.” “Salamat po.” Pumasok na ako sa loob, namamanghang nilibot ko ang tingin sa paligid. Ang daming puno at bulaklak na halatang alagang-alaga. Tapos sa kaliwa ay may nakita pa akong maliit na bahay kubo kung saan may duyan, lamesa at upuan. Parang tambayan ang dating sa akin no‘n. Napapalibutan pa ng ibang-ibang klaseng halaman at bulaklak. Habang naglalakad nakita ko naman sa kanan ang mga nakaparadang kotse, mahigit sampo ata iyon! Grabe, ang gaganda at halatang mamahalin ang mga iyon! Nakakalula ang aking mga nakikita. Hindi pala talaga basta basta ang yaman ng mabuting Don. Sa gitna naman ay may fountain na nag-lalabas ng tubig sa pinaka-tuktok nito. Ang laki ng Mansion nila Don Juanito! Nang makarating
Nanlaki ang aking mga mata ng makilala ang lalaking nasa aming harapan! Siya iyong nasa malaking picture! Iyong naka suit at seryoso ang mukha tapos kakaiba kung tumingin. Napalunok ako ng pasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Naka-suot lang ito ng boxer short, Jusko! Kitang kita tuloy kung gaano kaganda ang katawan ng lalaking ito. May walo itong abs, tapos kitang kita ang V line nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Nakasimangot ito, habang walang buhay na nakatingin ang mga mata sa akin. “Giovanni! Ano iyang suot mo? Ikaw talagang bata ka! Nakakahiya sa bisita natin!” Galit na sigaw ni Lolo, kaya medyo napangiwi ako. “I didn't know you had a visitor.” Bored na sagot nito sa kanyang lolo bago sumandal sa mismong pinto habang nakatingin pa rin sa akin ang mga mata niya. Halatang walang pakialam sa kanyang suot, kahit babae pa ang kaharap. Dahil sa kanyang ayos ngayon para tuloy siyang naging modelo sa isang magazine.
Habang nasa biyahe pinaliwanag ko kay mama at Nicole ang lahat. Kung bakit ko sila biglang sinundo at kung ano ang sinabi sa akin ni Don Juanito. Mangiyak ngiyak nga si mama dahil napakabuti daw ng naging amo ko. Masaya din ito dahil naka-alis na kami sa bahay ng kanyang kapatid. Matagal na talagang gusto ni mama na makaalis doon kaso ay wala kaming pera para mangupahan. Malaki ang pasasalamat ko kay Lolo J, dahil sa kanya ay makakasama ko pa rin ang mama at kapatid ko. Atleast mapapayapa ang aking isip na maayos sila at hindi kakawawain ng aking Tiya. Bilang pasasalamat sa kabutihan ni Lolo J, mag-sisipag ako sa trabaho at gagawin ang lahat ng pwede kong gawin masuklian lang lahat ng mabuting ginawa niya para sa amin ng pamilya ko. Nag-papasalamat din ako na nakilala ko siya. Dahil kay Lolo J, nagkaroon ako ng trabaho, nakaalis kami sa bahay ng Tiya ko at may matutuluyan pa sila mama. Hinding hindi ko sisirain ang binigay sa aking tiwala ni Lolo J, Mag-tatrabaho akong m
DON JUANITO's pov Hindi ako nagkamali sa pag-pili kay Natasha. Pati ang ina at kapatid nito ay may mabuting puso. Hindi gahaman sa pera at kapangyarihan. May matirhan lang sila kahit maliit, may makakain sa araw-araw at magkakasama ay kuntento na ang mga ito. Nakangiti akong bumalik sa aking swivel chair at kinuha ang baso na may lamang alak at sinimsim iyon. Isang buwan o dalawang buwan hahayaan ko muna na isipin ni Natasha na katulong talaga siya dito sa mansion, Ayokong biglain ang dalaga. Importante ay pumirma siya sa kontrata na pinapirmahan ko sa kanya kanina. Wala na siyang magagawa pa at hindi na makakaatras sa gusto kong mangyari. Nasa ganoon akong ayos ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at niluwa ang aking apo na nanlilisik ang mga mata ng tumingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay isang matamis na ngiti pa ang aking binungad sa kanya. “Apo! What brings you here at this hour? Do you need something?” “Stop the act old man. Your gues
“What are you doing here?” Malamig at galit na tanong niya. Napalunok naman ako. Jusko! Bakit galit siya? Inaayos ko lang naman ang kama niya at tatawagin ko lang naman siya para kumain! Saka ang aga-aga galit agad siya? Mukhang tama nga ang hula ko na pinag-lihi siya sa sama ng loob! Narinig ko ang pag-lalakad nito at ngayon ay ramdam ko na ang kanyang presensya sa aking likod. Pinakikiramdaman ko lang naman siya, Saka ayoko humarap sa kanya! Nagkakasala ang mga mata ko! “I'm asking you, woman!! Answer me!!” “Ay tangina mo!” Gulat na sambit ko ng bigla na lang siyang sumigaw. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay napahawak ako sa aking bibig. Patay.. “What did you say?! You're cursing me?!” Napapikit na lang ako dahil halatang halata sa boses nito na galit na galit siya. Dahan dahan naman na akong humarap dito. Sumalubong sa akin ang nakakatakot na awra ng boss ko. Salubong na salubong ang makapal nitong kilay. “Get out!!” Muli na naman niyang sigaw. S
Third person point of view Nang mawala sa paningin ni Don Juanito ang dalagang si Natasha ay doon lang ito pumasok sa silid ng kanyang apo. Galit na nilapitan niya ito at walang sabi sabi na hinampas ng tungkod na hawak. “Ouch! What was that for? Old man!?” Angil ni Giovanni dahil masakit ang ginawang iyon ng kanyang lolo. “Wala ka na talagang respeto na bata ka! Bakit mo pinagsalitaan ng ganoon si Natasha ha!” Galit na sigaw ni Don Juanito. Gigil na gigil ito sa kanyang apo, pinipigilan lang nito ang sarili. Kanina pa ito sa labas ng kwarto ng apo, noong una ay masaya pa ito at nangingiti dahil nagkakausap ang dalawa at naririnig niya ang malakas na sigaw ni Natasha sa apo, pero biglang naglaho ang ngiti niya ng marinig rin ang sigaw ng apo at ang masasakit nitong salita. Hindi akalain ni Don Juanito na ganito na pala talaga ang ugali ng kanyang apo. Hinayaan muna nito ang sarili at hindi pumasok sa kwarto. Ayaw ng matanda na marinig ng dalaga ang mga sasa