Share

Chapter 3

Penulis: Seera Mei
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-05 04:44:16

   

 THIRD PERSON POINT OF VIEW 

   Nang makalabas ang dalagang si Natasha ay agad sinenyasan ni Don Juanito ang kanyang bodyguard para pasundan ang dalaga. Gusto nitong makauwi ang dalaga ng maayos at ligtas.

   “Mukhang nag-enjoy po kayong kasama ang dalagang iyon, Don Juanito.” Nakangiting sabi ng kanang kamay ng matanda ng makalapit ito.

   “Yeah, I like that, girl. I can see the goodness of her heart. She is perfect for my grandson. I know she can tolerate that man's behavior. Larry, finds out more about that girl's personality. Her background. Then send to me. Okay? My search for a woman for my grandson is over. Now, I am sure about Natasha. I will prepare everything..” 

  Nakangiti sabi ng matanda habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang dalaga kanina. Ngayon lang ito naging masaya at magaan ang loob sa isang tao. 

   Ang mga nang-yari kanina ay isang palabas lamang. Ang lalaking tumakbo at kumuha ng bag ay isa sa guards ng Don. Isang test lang nang-yari kaninang eksena. Kung sinong babae ang tumulong at hindi tatanggapin ang pera na inalok ng matanda na reward ay siyang papasa sa test. 

   Babae talaga ang target ng mga ito. Napansin agad ng butihing Don si Natasha kanina kaya agad silang umaksyon. Nag-hahanap ang Don ng pwedeng maging asawa ng kanyang masungit na apo. 

  Nag-hahanap ito ng ordinaryong babae na matapang, mabait, may butihing puso at hindi nasisilaw sa pera. Pagod na pagod na ang matanda maghanap sa mga babaeng mayayaman o anak ng kanyang ka-business partner dahil ang gusto lang naman ng mga ito ang yaman nila. Puro pera at hindi mai-intindi ang kanyang Apo. 

  Ang gusto ng Don iyong maalagaan, maiintindihan ang kanyang apo, at mamahalin ito. Hindi iyong dahil sa yaman at pera lang kaya gusto pakasalan ang kanyang taga pag-mana.

   Ngayon sigurado na ito na si Nastasha Marie ang hinahanap niya para sa kanyang apo.

 ******

  

  NATASHA 

   Hindi mawala-wala ang saya sa aking puso, Habang tinatahak ko ang iskinita pauwi sa bahay ay tumigil ako saglit at binaba ang hawak na paper bag. 

   Kailangan makapag lagay ako ng pag-kain sa aking bag. Hindi pwedeng lahat ito ay nakalabas. Kapag nakita ni Tiya Marites at Leila ang mga ito siguradong mag-uunahan ang mag-nanay na iyon at matitira lang kela mama ay kokonti o baka nga wala pa. 

   Kailangan mas marami ang makain ng kapatid ko at ni mama kesa sa kanila. Pinili ko ang masasarap na pagkain iyon ang nilagay ko sa aking suot na shoulder bag na malaki. Buti na lang itong bag na malaki ang dinala ko ngayon. 

   Muli kong pinag-patuloy ang aking pag-lalakad pauwi.

   Pag-karating ko sa bahay ay maduming sala ang bumungad sa akin. Mga damit na nag-kalat kung saan, saan. Mga upos ng sigarilyo. Napabuntong hininga ako. Napaka-burara talaga ng mag-ina. Nakakainis!

   Sakto naman na lumabas si mama galing kusina, may dala itong lagayan ng marumihan. Tapos kasunod ni mama ang aking bunsong kapatid na si Nicole na may dalang dustpan at walis tambo. 

  Sabay silang napatingin sa akin. 

  “Anak! Nariyan ka na pala.” 

   “Ate!" 

  

  Nakangiting lumapit naman ako sa kanila, nag-mano ako kay mama at niyakap ang aking kapatid. 

  “Kumain na po ba kayo?” Magalang kong tanong..Mabilis naman na umiling si Nicole. 

   “Hindi pa nga po, ate. Wala po kasing tinira na kanin at ulam si Tiya kaya hindi kami nakakain ni mama.” Malungkot na wika nito. 

  Napabuntong hininga ako, Sabi na. Kahit kailan talaga. 

    “Heto, may dala akong pag-kain. Kumain na muna kayo ni mama. Ako ng bahala sa kalat. Ako ng mag-lilinis.” 

  Lumiwanag ang mukha ng aking kapatid ng marinig ang sinabi ko. 

   “Talaga ate?! May dala kang pag-kain?" Tumango ako. 

   “Sige na, kumain na kayo ni mama." Sabay abot ng paper bag sa kanya. Nag-angat naman ako ng tingin sa aking ina na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. 

  “Ayos ka lang ba anak? Ikaw? Kumain kana ba? Halika at samahan mo kami.” 

   “Kumain na po ako, Ma. Para sa inyo po talaga ang pag-kain na ito. Akin na ho iyan, ako ng maglilinis ng sala.” 

 Akma kung kukunin ang basket ng ilayo iyon ni mama at umiling. 

   “Ako na ang mag-lilinis dito. Umakyat kana sa ating kwarto tapos ay mag-pahinga.” 

   “Okay lang ako ma, Sige na ho. Kumain na po kayo. Masasarap ang dala kong pagkain, A—” Natigil ako sa aking sinasabi ng may mag-salita sa aking likuran. 

   “May dala kang pagkain? Aba‘y, sakto nagugutom na ako.” Agad akong napalingon sa aking likod, Saktong kapapasok lang ni Tiya Marites. 

  Dere-deretso itong lumapit kay Nicole at pahablot na kinuha ang paper bag at tinignan iyon. 

  “Wow, saan mo nakuha ang ganitong kasarap na pag-kain? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Sabay lingon nito sa akin. 

   Napabuntong hininga ako, buti na lang talaga may tinabi ako sa aking bag.

  “Meron na ho,Tiya. Sa lunes ang umpisa ko.” 

  “Aba‘y magaling, anong klaseng trabaho naman?” 

  “Katulong po.” 

  Tumango naman ito. 

  “Hindi na masama, atleast may trabaho ka na. Makakapag bayad na rin tayo ng upa ng bahay. Naniningil na si pasing. Kulit ng kulit sa akin doon sa sugalan. Nakaka-bwiset, minamalas tuloy ako. Tapos dumating na ang bill ng kuryente bayaran mo din iyon! O, siya kukunin ko na itong dala mong pagkain. Titirhan ko rin ang anak ko, para makatikim din naman ng masarap. May sardinas sa cabinet iyon na lang ang kainin niyo.” 

  “Pero T-tiya sa amin po, uwi ‘yan ni Ate. Baka po pwede makatikim kahit konti. Hindi pa po kami kumakain.” Biglang singit ni Nicole. Masamang tingin ang binaling sa kanya ni Tiya. 

  “Nicole, anak.” Tawag ni mama sa bunso kong kapatid. Agad ko naman hinila ito dahil baka saktan pa ni Tiya. 

  “Aba! kasalanan ko kung hindi pa kayo kumakain? Saka uwi sa inyo? So, mag-dadamot kayo? Hindi niyo kami bibigyan, Ganon ba? Paano kung hindi ako umuwi? ‘e di kayo lang ang kumain nitong masarap na pagkain? Saka, Hoy! Nakikitira lang kayo dito, Dapat ay makisama kayo sa akin! Baka ako mainis palayasin ko kayo dito! Mga palamunin na nga!  Madadamot pa! O, ano lalaban ka Nicole?! Sama mo makatingin!” 

  Tinapik ko naman sa balikat ang aking kapatid. Tapos ay nag-angat ng tingin kay Tiya. 

  “Sige na ho, Tiya. Kumain na kayo.” 

  “Tsk! Tandaan niyo, kung anong inyo ay akin rin dahil nakikitira kayo dito sa pamamahay ko! Pagsabihan mo ‘yang bunso, Nancy! Baka hindi ako makapag timpi ay sampalin ko ‘yan! Mga bwiset!” 

  Tumalikod na ito at dumeretso sa kusina. Mangiyak ngiyak naman na tumingala sa akin si Nicole. 

  “Ate, paano na ‘yan? Akala ko pa naman makakatikim na tayo ng masarap na pag-kain. Nagugutom na ako." 

  “Nicole, anak. H‘wag mona uulitin ang ginawa mo sa Tiya mo. Baka saktan kana naman niya ulit.” Mahinang sabi ni mama habang hinihila ang kapatid ko sa may sala para hindi marinig ng bruhang ‘yon. 

  “Nakakainis naman kasi ma, pagkain natin ‘yun. Uwi sa atin ni Ate, tapos sila lang ang kakain? Paano naman po tayo? Grabe na talaga sila sa atin.” Pag-hihimutok nito.

  Nilapitan ko naman siya at mahinang nag-salita. 

  “Wag kana mainis, alam kong mang-yayari ang ganito kaya nag-tabi na ako ng para sa inyo.” Pabulong kong sabi sabay pakita sa kanila ni mama ang bag kong may lamang pagkain nila. 

  Nag-ningning naman ang mga mata ni Nicole.

  “Ang galing mo talaga, Ate.”  

   “Ang dami mo naman atang uwing pagkain anak? Saan ba galing ang mga iyan?” Biglang singit ni mama. Nginitian ko naman siya. 

  “Wag po kayong mag-alala ma, hindi po galing sa masama ang mga pagkain na ‘yan. May tinulungan po ako kaninang lolo, pera po sana ang gusto ibigay sa akin kaso hindi ko po tinanggap. Tapos inalok na lang po niya ako na kumain kami bilang kabayaran sa akin pag-tulong, iyon po ang hindi ko tinanggihan dahil gutom na po talaga ako tapos hinayaan po niyang ibalot ko ang natira at hindi nagalaw na pagkain para ma-iuwi ko sa inyo.” 

  Mahaba kong paliwanag. 

   “Buti naman kung ganoon, Akala ko kung saan na galing ang masasarap na pagkain na iyan.” 

   “Hinding hindi po ako gagawa ng masama kahit gipit na gipit na po tayo. Hinding hindi ko po kakalimutan ang mga bilin niyo sa akin. Hayaan niyo po kapag nakapag umpisa na ako sa trabaho, maghahanap ako ng maliit na apartment para sa ating tatlo, Ma. Para hindi na tayo nakikisama kela Tiya at hindi kayo nagugutuman.” 

   “Sana nga po, Ate. Gusto ko ng umalis sa bahay na ito. Ginagawa nila tayong katulong.” 

  “Salamat anak, ha? pasensya kana kung ikaw ang nag-hihirap sa lahat at umaako ng dapat ay ako ang gumagawa.” Malungkot na wika ni mama. Ngumiti naman ako tapos ay niyakap siya. 

  “Ma, ok lang po ‘yon. Mas gusto kong ako ang mag-tatrabaho para sa atin. Basta konting hintay lang po. Makakaraos din po tayo.” 

  “Salamat, napaka-swerte ko sa inyo ng kapatid mo.” 

  “Ma-swerte din po kami dahil kayo po ang nanay namin. Naku, tama na nga po ang dramahan natin. Mag-linis na tayo Nicole ng sala tapos ay sabay sabay na tayo umakyat sa taas para makakain na kayo ni mama.”

 Hininaan ko ang huli kong sinabi baka marinig ni Tiya. 

  “Sige po, ate!” Masigla nitong wika bago nag-umpisa na sa pag wawalis. Habang ako ay pinag-dadampot ko na ang mga damit na kung saan saan na lang nakalagay. 

  *****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Judney Alemodin
nagsisikap so nathasa fahil sa kanyan mga magulang mahusay ka nathasa.
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang bait ni Nathasa
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
tama yan natasha maghanap na lang kayo ng bagong matitirahan impakta yang tiyahin mo eh
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Epilogue

    GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 139

    “I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 138

    PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 137

    “Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 136

    Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 135

    “Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status