Share

Chapter 1

   SIMULA 

  NATASHA point of view

    Nang-hihina akong naupo sa gilid ng may makita akong ma-uupuan para magpahinga saglit. Tagaktak ang pawis ko sa paglalakad. Sabayan pa ng gutom na nararamdaman. Kanina pa ako palakad-lakad sa kung saan-saan para maghanap ng trabahong pwedeng applyan.

    At mukhang minamalas talaga ako ngayon dahil lahat ng puntahan ko laging sagot sa akin may nakakuha na daw sila, ang iba naman kailangan tapos sa pag-aaral o kaya walang hiring.

   Ang hirap talaga maghanap ng trabaho kapag hindi ka nakatapos. 

   Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa mga sasakyan na dumadaan. Nagiisip kung saan ba ako pwedeng makahanap ng trabaho. Kahit ano ok lang papatusin ko, basta magkaroon lang ako ng pera. Hindi ako pwedeng nakatengga lang sa bahay dahil puro sermon na naman ni Tiya Marites ang maririnig ko. Paniguradong susumbatan na naman niya kaming nakikitira lang at palamunin. 

    Kung may iba lang sana kaming kamag-anak hindi kami magtitiis sa poder ng impakta kong tiya. Grabe ang pinag-dadaanan namin sa kanya, Isama pa ‘yong anak niya na maarte, feeling mayaman. Nasa squater na nga nakatira, mahirap na nga ang buhay, aba! napaka-arte pa! Feeling princesa. Mukha namang palaka. 

   Manang-mana sa nanay niya na walang ibang ginawa kung hind makipag-tsismisan sa kapit bahay o di kaya magsugal. Mga pasarap buhay, sa amin nila mama inaasa ang lahat.

    Napailing na lang ako. Kailangan makahanap na ako ng trabaho ngayon o bukas dahil kung hindi kami ng pamilya ko na naman ang pag-bubuntungan ng galit ng tiya ko. Baka palayasin na kami ng tuluyan sa bahay niya at sa kalsada na kami pulutin. 

  Akma na akong tatayo ng may humawak sa aking balikat. Isang matandang babae na may dala-dalang bag at mahabang kahoy ang bumungad sa akin. Malawak ang pagkakangiti nito. 

    “Alam mo bang darating na ang swerte sa ‘yo, Iha? Nakikita-kita ko na ang kapalaran mo." 

   Nakangiting sabi ng matanda. Napalabi naman ako dahil sa tinuran nito. 

   “Talaga nay? Sana mag dilang anghel ang inyong sinabi.” 

   Pagpatol ko naman sa sinabi nito.

   “Maniwala ka, Iha. Hindi matatapos ang araw na ito na darating na ang iyong swerte.”

    “Sana nga nay, ‘yang swerteng sinasabi niyo makahanap na ako ng trabaho. Iyon ang kailangan ko ngayon.” 

    “Wag kang panghinaan ng loob, Iha. Magandang kapalaran mo ay papalapit na. Sobra sobra pa sa hinahangad mong trabaho ang iyong makakamit. Maniwala ka sa akin.”

  Napangiti naman ako sa matanda. Nakakatuwa lang na masyadong positive thinking ito. 

    “Ngunit, Iha...Nakikita ko rin na may ka-akibat ang ma-swerteng kapalaran mo. Isang matinding pighati at kabiguan. Alam kong magiging napakahirap nito sa ‘yo, pero tatagan mo ang iyong loob at maniwala ka sa kanya...Siya ang magiging sandalan mo sa lahat at tutulong sa iyo.” 

  Huh? kanino? Mukhang gumagawa na ng kwento si nanay. 

  Napailing na lang ako sa matanda bago tuluyang tumayo. 

   “O, siya nay, mauuna na po ako. Susubukan ko po ulit maghanap ng trabaho. Baka nga po swertehin na ako ngayon. Maiwan ko na kayo.”

   Ngumiti at tumango muna ako sa matanda bago lumakad palayo para sumubok ulit maghanap ng trabaho. 

   Tumigil ako sa isang mamahaling restaurant, napatingin ako sa loob no‘n. Ang swe-swerte ng mga mayayaman. Hindi problemado sa pang-araw-araw nila at pagkain. Napahawak ako sa aking tiyan ng kumulo iyon. Gutom na gutom na ako pero wala akong extra pera para makabili man lang kahit biscuit. 

   Bumuntong hininga ako, kaya mo ito Natasha, Ikaw pa ba? Para sa kapatid at nanay mo. Aja! 

   Huminga ako ng malalim sabay ngiti. Muli kong binalingan ang restaurant sa aking harap.

    “Balang araw makakain din kami nila mama sa ganitong klaseng kainan hindi m—” Napatigil ako sa pagdadrama ng mapansin ang lalaking nanguha ng bag sa loob ng restaurant sabay takbo palabas.

    Saktong sa dereksyon ko ito tumakbo, Hinanda ko naman ang sarili para umaksyon.

    Bago makalampas sa pwesto ko ang lalaki ay naging mabilis ang kilos ko, agad kong hinarang ang aking isang paa para patidin ito tapos pinag-sisipa para hindi makatayo agad.

    Gigil na gigil ako sa aking ginagawa, kung hindi pa ako pinigilan ng guard ay baka ano na ang nagawa ko. 

    Nakakainis ang mga ganitong klaseng tao ‘e! Ang lalakas pa pero hindi magbanat ng buto at gusto pa ang maling gawain!

   Matatalim ang tingin na ginawad ko sa lalaking nasa sahig bago dinampot ang itim na bag. Saktong nakalapit na rin sa amin ang matandang may ari ng bag.

  Hindi ako nagdalawang isip na i-abot agad bag dito.

   “Heto po ang bag niyo, Lolo.” Nakangiti kong sabi. 

 

    “Thank you for helping, Iha. Napakahalaga ng bag na ito. You are a very brave and good person, You were not afraid of what that man could do to you.” 

  Mahabang pahayag ng matanda, ngumiti lang naman ako. 

     “Nako, wala po iyon lolo. Maliit na bagay lang naman po iyong nagawa ko. Nagkataon lang po na sa dereksyon ko pumunta ang lalaki kaya nakagawa agad ako ng aksyon.”

    Napatango-tango naman ito tapos ay binuksan ang bag at may kinuhang lilibuhin doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil pera pala ang laman ng bag! Hindi basta basta dahil nasa isang milyon ata ang laman no‘n! 

     “Here, tanggapin mo ito, Iha. Pasasalamat ko sa ginawa mo. Kung wala ka ay siguradong natangay na ang pasahod ng mga empleyado sa mga restaurants ko.. Here, take it.”

     Nilahad ng matanda ang pera sa aking harap, Tinitigan ko iyon maigi. Kailangan ko ng pera ngayon, pero hindi naman ako humihingi ng kapalit sa aking ginawa. Thank you lang ay sapat na sa akin. Masaya rin ako na nakatulong. Malaman na makakasahod ang mga empleyado ng mga restaurant ay sapat na sa akin. 

   Ngumiti ako kay Lolo at umiling-iling. 

    “Okay lang  po, Lo! sapat na po sa akin ang thank you niyo.” 

  “Bakit hindi mo tanggapin? This is your reward for helping me. Iha.” 

    Muli akong umiling. 

   “Bukal po sa aking puso ang ginawa kong pagtulong Lo, Hindi po ako humihingi ng kapalit. Itago niyo na po iyan. Sa susunod po ay mag-iingat na kayo, lalo na po kung ganyang kalaking halaga ang dinadala niyong pera. Marami na po ang masasamang loob ang nagkalat.” 

   Nakangiti kong sabi. Tinitigan ako ng matanda, tila hindi makapaniwala na tinanggihan ko ang gano‘ng kalaking halaga. Maya-maya ay ngumiti ito tapos binalik ang pera sa kanyang bag. 

    “I didn't think there was anyone like you, Iha. You didn't accept the money and thank you is enough for you. You are obviously a good person and not blind by money."

  Nahihiyang napakamot ako sa aking kilay. 

   “Kahit nangangailangan po ako ng pera hindi ko pa rin po matatanggap ang bigay niyo dahil para po sa akin hindi sapat ang aking ginawa para bigyan niyo ako ng ganoong kalaking halaga. Saka pinalaki po ako ng mama ko na ‘wag na ‘wag mag-papasilaw sa pera lalo na kung hindi mo naman pinag-hirapan.” 

  

   “Your parents raised you well to be a good person. Anyway if you don't accept the money I give. Maybe you can join me inside the restaurant?” Nakangiting sambit ni Lolo. “Hindi pa ako kumakain, sabayan mo ako, Iha. Sana mapagbigyan mo ako kahit man lang sa pag-kain ay ma-ilibre kita sa kabutihan na ginawa mo. Okay lang ba?” 

  Napalingon ako sa loob ng restaurant na tinitignan ko kanina. Halos, lahat ng kumakain ay magaganda ang suot na damit at malalaman mo talagang mayayaman. Pasimple naman akong tumingin sa aking suot. Parang nakakahiyang pumasok sa loob na ganito ang suot. 

 ********

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Narissa Malaluan
maging praktikal din natasha pag may time..sumama ka na kumain baka mabigyan ka pa ni lolo ng trabaho...
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
natasha baby yan na siguro yung swerte na sinasabi nung lola sayo
goodnovel comment avatar
Mary Jane Gabutero Honcada
wag kana mahiya natasha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status