Share

Chapter 4

     

     Matapos maka-paglinis, mag-hugas at maayos ang dapat ayusin ay umakyat na sa taas sila mama, habang ako naman pasimpleng kumuha ng dalawang kutsara at tinidor. Kumuha na rin ako ng malamig na tubig tapos ay dali-daling umakyat sa taas para makakain na sila mama. 

  Nakangiti ako habang nakatingin kela mama. Masaya ako na nakakain na sila ng marami at masarap pa. 

  “Itago niyo iyang tinapay at pizza, Nicole. Para bukas may makain kayo ni mama.” 

   “Opo, ate." 

  “Ikaw ba ay hindi kakain anak?” Mabilis akong umiling. 

  “Busog pa po ako, Ma. Marami po akong nakain kanina. Kumain po kayo ng kumain para makabawi po kayo ng lakas.” 

  “Sige, mag-titira na lang kami para kapag nagutom ka, may makain ka mamaya.” Tumango na lang ako tapos ay tumungo sa aking aparador na sira-sira para ayusin ang isusuot kong damit sa lunes. 

  Kailangan presentable ang aking ayos lalo na at haharap ako sa apo ni Don Juanito. 

  Sandali, hindi ko natanong kung ang Apo ba nito na pauwi galing korea ay bata o binata? Baka bata iyong aasikasuhin ko. Kase ang gagawin ko lang naman daw ay asikasuhin ang pagkain nito, ang mga damit at linis ng kwarto. 

  Oo, baka bata nga. Naku! Nakalimutan ko rin kong stay in ba ako doon o uwian. Sana malapit lang ang bahay ni Don para kung sakaling uwian ay hindi ako lugi sa aking pamasahe. 

  Kung sakaling stay in naman, nababahala ako para kela mama kapag iniwan ko sila dito. 

  Di bale, kapag tumagal tagal baka pwede akong bumale kay Don Juanito para mailipat ko sila mama sa isang apartment na malapit sa mansion.

  *****

NATASHA 

   LUNES 

    ALAS tres pa lang ng madaling araw ay gumising na ako. Kailangan kong maaga bumangon para makapag-asikaso muna dito sa bahay. Para bago ako umalis mamaya wala ng masyadong gawin sila mama at Nicole. 

   Para hindi na rin mag-bunganga ang tiya kong feeling mayaman. Naglinis ako ng buong bahay, nagwalis sa labas, nag-hugas ng plato, nilabhan ang ibang damit na marumi, nag-igib ng tubig, tapos ay nag-luto na rin ng pagkain para kapag gumising ang feeling mayaman kong tiya at pinsan ay may kakainin na sila. 

    Saktong ala-sais ako natapos sa lahat ng gawain. Bago maligo ay lumabas muna ako para bumili ng pandesal at tatlong pancit. 

   Nag-timpla ako ng kape bago umakyat sa taas bitbit ang mga binili ko. Kakain lang ako tapos ay mag-aasikaso na. 

  Binili ko lang ng almusal sila mama, dahil panigurado ang niluto kong almusal ay uubusin lang ng mag-ina at hindi na naman titirhan ang kapatid ko at si mama. 

   Dito na ako kumain sa kwarto dahil baka magising sila at makitang may sarili akong kinakain. Mag-bubunganga na naman iyon at susumbatan kami. Ayaw ko man na ganito na nag-tatago kami kapag may pag-kain kaso sila rin kasi ang may kasalanan, Hindi sila patas sa pagkain. Wala silang tinitira sa pamilya ko. Kung meron man kokonti lang. Sila nakakain ng tatlong beses sa isang araw, habang kami ay dalawa o isang beses lang. Tapos halos lahat kami pa ang gumagawa ng gawain bahay at sila buhay reyna. 

    Matapos makapag-almusal ay kinuha ko na ang aking tuwalya at isusuot na damit. Isa ‘yung jeans at tshirt na puti. Iyon lang kasi ang medyo matino kong damit at mukhang bago bago pa. Bumaba na ako at dumeretso sa banyo para maligo. 

   Makalipas ng bente minutos ay natapos na ako, sa banyo na rin ako nag-bihis, Pag-labas ko ay pinupunasan ko ang aking buhok, saktong naabutan ko doon sila mama at Nicole. 

  “Goodmorning, Gising na po pala kayo, ma.”

   “Goodmorning, anak. Ang aga mo gumayak.”   

   Ngumiti naman ako bago lumapit sa kanila para halikan sila sa pisnge. Tapos bumulong ako na umakyat sila sa taas para kainin ang binili kong pancit at Pandesal. 

  Nakikipag-kwentuhan lang ako sa kanila habang nag-aayos. Nang bandang 7:30 ay tumayo na ako para makaalis na.

   “Goodluck sa first day mo, ate!” 

  “Salamat bunso, ikaw ng bahala kay mama ha? Wala na kayong masyado gagawin dahil ginawa ko na. Iwasan mo rin makipag-sagutan kay Leila para iwas gulo. okay?” 

  Bilin ko sa bunso kong kapatid, ngumuso naman ito. 

  “Opo, ate.” Ginulo ko ang buhok nito bago ngumiti. Tapos bumaling na ako kay mama para mag-paalam. 

  “Ma, alis na po ako. H‘wag po kayong mag-papagod ha?” 

  “Oo anak, mag-iingat ka.” 

  Humalik lang ako sa kanilang pisnge bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko naabutan kong kumakain iyong dalawang bruha. 

  “Oh, alis ka na?” Tanong ni Tiya. 

  “Opo.” 

  “O, siya, sige umalis ka na para hindi ka mahuli.” 

  “Ingat, couz!” 

  Lihim naman akong napa-irap. Tsk, bait nila ngayon kasi alam na may trabaho na ako. 

  ******* 

  PAGDATING ko sa labas ng subdivision ay lumapit agad ako sa guard house para mag-tanong. 

    “Hello po! Goodmorning. Itatanong ko lang po kung dito po sa subdivision na ito naka-tira si Don Juanito Silvestre?” Magalang kong tanong sa guard. 

   “Goodmorning din po ma‘am, Opo, dito nga po nakatira sa subdivision na ito si Don Juanito,  Bakit  may appointment ba kayo sa kanya?” 

   “Ah, ako po kasi iyong bagong katulong nila. Ngayong araw ang simula ko.” 

  “Ganoon ba, sandali ma‘am ha? Tatawag ako sa mansion nila. Hindi po kasi ako pwede mag-papasok ng basta-basta lalo na kung walang tawag ng mga house owner or bilin.” 

  Nakakaunawang tumango naman ako. 

  “Sige po.” 

   Naku, ganito pala talaga kapag nakatira ka sa isang exclusive subdivision. 

  Tinignan ko lang si Kuya guard habang hinahanap sa kanyang log book ang numero ng mansion nila Don Juanito. Nang makita ay mabilis niya iyong tinawagan. 

  Inayos ko ang dala kong bag tapos pinili na pag-masdan na lang ang paligid habang nag-hihintay. 

  “Goodmorning ma‘am Joy. Nandito po sa labas ng subdivision ang bago niyong katulong. Ha? Hindi kayo naghahanap ng katulong? e, iyon ang sabi ng babae dito. Siya raw ang bagong katulong sa mansion. Okay, sige sige ako ng bahala.” 

  

  Kabado naman ako ng lumingon sa akin ‘yung guard. Jusko, anong ibig sabihin ng narinig ko?  

  “Sorry ma‘am, hindi daw naghahanap ng katulong sa mansion ng mga Silvestre. Wala silang inaasahan na katulong ngayong araw. Mukhang nag-kakamali lang kayo." 

  Seryosong sabi ng guard. 

  “Pero iyon po ang sinabi sa akin ni Don Juanito, ngayon po niya ako pinapapunta dito. Ay, sandali po. Ito ang card na binigay niya sa akin.”  Sabay pakita ko ng card na hawak hawak ko. 

  Umiling naman ang guard. 

  “Pasensya na, pero hindi kita pwede papasukin. Kahit sabihin na hawak mo ang card na iyan. Dapat may abiso sa mismong mansion. Makakaalis kana.” 

  Tinalikuran na ako ng guard. 

  Baksak naman ang aking balikat. Papaanong walang ina-asahan na katulong ngayon ang mansion nila Don Juanito? Iyon ang sabi sa akin ng mabuting Don. Kulang sila ng katulong kaya nag-hahanap ito. Lumayo ako ng konti doon tapos gumilid saglit para makapag-isip.

  

   Napatingin ako sa hawak na card, Tapos biglang nanlaki ang mga mata ko! Oo nga pala, sinabi ko kay Don Juanito na tatawagan ko siya!

   Dali-dali kong kinuha ang smartphone kong puro basag na ang screen tapos dinial ang number na nakalagay sa card. 

  Nakakatlong ring palang ng may sumagot dito.

  “Yes, hello? Who‘s this?” 

  Napangiti naman ako ng marinig ang boses ng matanda sa kabilang linya. 

  “Magandang umaga po, Lo! Si Natasha po ito.” 

  “Oh, Iha! Magandang umaga rin. Nasaan ka na? Papunta ka na ba dito?” 

  Kahit hindi ko nakikita si Don Juanito ay ramdam ko ang excitement sa boses nito. 

  Bahagya naman akong sumilip sa guard house nakatingin sa akin si kuya. Tila binabantayan ang galaw ko. Naku! Mukhang iniisip niya na nag-sisinungaling ako.

  “Uhm, sa totoo lang po Lo, nandito na po ako sa labas ng subdivision niyo. ang kaso po ay hindi ako pinapasok ng guard dahil wala daw pong bilin at tumawag na po siya sa mansion niyo at sinabing wala naman daw pong ina-asahan na katulong ngayong araw dahil hindi naman daw po nag-hahanap." 

  “What?! kanina kapa ba d‘yan sa labas, Iha?!” Nailayo ko ng kaunti ang cellphone ko sa aking tenga dahil sa sigaw ni lolo, tapos binalik ko ulit.

   “Hindi naman po, kakarating-rating ko lang din naman po." Sagot ko naman.

   “O, god! I‘m sorry, Iha! Nakalimutan kong sabihin sa kanila. Wait a minute. May kakausapin lang ako. Wag mong ibababa ang tawag.”  Tumango naman ako kahit hindi nakikita ni Don Juanito. 

    “Larry! Tawagan mo ang guard house at papasukin kamo si Natasha Marie Garcia! tapos ay tawagin mo ang Mayordoma ngayon din at kakausapin ko.”  

   Rinig kong utos ni Don Juanito sa kabilang linya. 

  “Iha, pasensya ka na ha? Hindi ko sila na-inform. Hintayin mo lang tatawagan na ng assistant ko ang guard. Tapos kapag nakapasok ka pang-anim na bahay sa kaliwa ang address namin. Kung hindi ay ipapasundo na lang kita kay Larry.” 

  “Nako, ‘wag na po. kaya ko naman na po at isa pa may address naman po ang card na binigay niyo sa akin. Salamat po!” 

  “Sige, pasensya ka na ha? Ibababa ko na ang tawag. Dito na lang tayo mag-usap.” 

  “Sige po, Salamat po, Lo!” 

  Ilang saglit pa ay nag-mamadaling lumapit sa aking si Kuya guard. 

  “Ma‘am pasensya na kayo, pasok na kayo tumawag na po si Sir Larry. Hindi po pala na-inform ang tao sa Mansion.” 

  Ngumiti naman ako kay Kuya guard. 

  “Okay lang po, Kuya. Naiintindihan ko." 

  “Tara po, Ihahatid ko na kayo sa Mansion ni Don Juanito." 

  Mabilis naman akong umiling. 

  “Ok lang po, ako na lang po kuya. Wala pong bantay ang guard house niyo." 

  Tumango naman ito. 

  “Pasensya na po talaga." 

  Nginitian ko lang naman siya bago nag-lakad papasok sa loob ng subdivision. 

  Sinunod ko ang binilin ni Don Juanito, Pang-anim na bahay tapos sa kaliwa. 

  Tumigil ako sa harap ng isang napakalaking gate. Tapos may naka-ukit sa taas nito na..

   “SILVESTRE MANSION.” 

  Pagbabasa ko habang namamangha. Grabe! Gate palang malulula kana sa laki!

*******

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Smile Forever
omg dto na Tayo sa excitement moment na mkikiya na nya Ang future husband niya
goodnovel comment avatar
Judney Alemodin
Ang Ganda Ng story malaking aral to...
goodnovel comment avatar
Rosemarie Cuartelon Castillano
natapos q na po tong kwento na to,ang ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status