Share

Chapter 5

   LUMAPIT ako sa gilid ng gate para mag-doorbell. Maya-maya bumukas ang maliit na pinto sa gilid ko. 

  “Kayo po ba si Natasha Marie Garcia?” Magalang na tanong ng guard. Mabilis naman akong tumango. 

  “Pasok po kayo. Hinihintay na kayo ni Don Juanito sa loob.” 

  “Salamat po.” 

  Pumasok na ako sa loob, namamanghang nilibot ko ang tingin sa paligid. Ang daming puno at bulaklak na halatang alagang-alaga. Tapos sa kaliwa ay may nakita pa akong maliit na bahay kubo kung saan may duyan, lamesa at upuan. Parang tambayan ang dating sa akin no‘n. Napapalibutan pa ng ibang-ibang klaseng halaman at bulaklak. 

  Habang naglalakad nakita ko naman sa kanan ang mga nakaparadang kotse, mahigit sampo ata iyon! Grabe, ang gaganda at halatang mamahalin ang mga iyon! Nakakalula ang aking mga nakikita. Hindi pala talaga basta basta ang yaman ng mabuting Don.

   Sa gitna naman ay may fountain na nag-lalabas ng tubig sa pinaka-tuktok nito. Ang laki ng Mansion nila Don Juanito! 

  Nang makarating ako sa tapat mismo ng double door ng mansion ay napatigil ako. Nag-aalangan kung hahakbang ba ako sa marmol na sahig. Parang gusto kong hubarin ang suot kong sandals dahil marumi iyon at nakakahiyang i-apak sa sahig. 

  “Magandang umaga, binibining Natasha.” 

   Napaigtad ako dahil sa gulat, nag-angat ako ng tingin sa aking harap at isang lalaking naka-suot ng suit ang bumungad sa akin. 

  “M-magandang umaga din po.” Nauutal kong sagot bago bahagyang yumuko. 

  “Hinihintay ka na ni Don Juanito sa kanyang opisina. This way, binibining Natasha, Sundan niyo po ako.” 

  Tumalikod na siya at naunang naglakad. Kung kanina nag-aalangan pa akong humakbang sa marmol na sahig ngayon ay nawala na iyon sa aking isip at mabilis na sinundan papasok sa loob ng bahay ang lalaking sumalubong sa akin.

  Mas lalo akong namangha ng makita ko ang loob ng bahay, Ang mga kagamitan nila na ang gaganda, ang chandelier na kumikinang at kulay ginto! Ang mga painting sa paligid. Ang sala na sobrang laki at TV na 70 inches ata!

   Napahinto lamang ako ng makita ang isang malaking picture kung saan may gwapong lalaki, naka suit ito at napaka-seryoso ng mukha. Kung makatitig ay akala mo binabasa ang iyong isipan. 

   Sino kaya siya? Kahit ang seryoso niya angat na angat ang ka-gwapuhan nito.

   Muli na akong nag-lakad tapos nakita ko naman ang isang picture ng batang babae na napakaganda at parang manika. Grabe, ang cute-cute niya! ang sarap pisilin ng pisngi nito na parang siopao. Sunod naman na nakita ko ay mga litrato na ni Don Juanito. Tatlo lang ba sila sa Mansion na ito? Wala na akong ibang nakita na litrato kung hindi sa kanilang tatlo lang. Ang iba naman ay nga paintings na.

  Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking pinto. 

  “Pumasok ka na sa loob Binibining Natasha, hinihintay ka na ng Don.” 

  Tumango naman ako bago pinihit ang door knob at pumasok na sa loob. Sumalubong sa aking ang isang malaking sala at napakaraming libro. Sa gilid nito ay ang table kung saan nandoon si Don Juanito. Nakangiting nag-hihintay sa akin. 

    “You‘re finally, Here! Sorry, kung nag-hintay ka sa labas ng Subdivision. It‘s my fault dahil nawala sa isip kong sabihan ang head ng mga katulong.” 

  Ngumiti naman ako. 

  “Okay lang po, Lo. Hindi naman po ako nag-tagal sa labas." 

  “Kahit na, Iha. Nakakahiya na pinag-hintay kita. Have a seat.” 

   Lumapit naman ako sa upuan na nasa harap ng table ni Lolo Juanito at na-upo. 

   “Kumain ka na ba? would you like something to drink or to eat? Magpapadala ako dito." 

  Mabilis naman akong umiling.

  “Wag na po, Lo. Kumain na po ako sa bahay bago umalis." 

   “Are you sure, Iha?" 

   “Opo, Lo. Salamat po. Uhmm, may gusto po sana akong itanong Lo, Hindi ko po kasi natanong ito noong nasa restaurant niyo tayo. Okay lang po ba?” 

   “Sure, sure, what is it. Iha?” 

   “Magiging stay in po ba ako dito sa mansion? O, uwian po?” 

  “Oh, about that. Stay in ka dito, Iha. Ok lang ba? Tapos dalawang beses ang restday mo pwede mong gawing sabado at linggo. Mahirap kasi kapag uwian ka. Mapapagod ka sa biyahe papasok at pauwi.” 

  Bigla naman akong nalungkot. Malalayo pala talaga ako kay mama at Nicole. Inaasahan ko na rin naman ito pero iba pala talaga kapag nandito na. Saka may point din naman si Lolo. Mahirap din talaga at nakakapagod kapag uwian. Saka magastos. 

   “Why Iha? Is there a problem? Are you worried about your family? If you want, they can live here, so you do not have to worry. There is a small house behind the mansion, next to the servants' quarters. If you want, your mama and sister can stay there. So, you don't have to worry, and you can work properly. What do you think?” 

   Nagulat naman ako, nahiya ako bigla dahil sobra naman kung pati pamilya ko dito na tumira. 

   “Naku, Lo. Ayos lang po. Nakakahiya naman po. Nalungkot lang po ako dahil malalayo ako sa kanila pero wag po kayong mag-alala. Masasanay din po ako." 

   Ngumiti ako para ipakita na ok lang talaga, kaso umiling ito.

  “No, I think my idea is good. Dito hindi mo iisipin ang pagkain at titirhan ng mama at kapatid mo. Libre lahat, Iha. Kung iyan ang iniisip mo. Mag-tatrabaho ka naman dito kaya ayos lang. Ganoon pa rin ang bayad ko sa ‘yo. Walang mag-babago. Gusto ko lang ay maayos ang maging trabaho mo dito. Iyon lang ang hiling ko.” 

    Seryosong wika ni Lolo. Naku, sobrang nakakahiya at abala naman na iyon. Argh, bakit kasi naging emosyonal ako. Saka ayoko naman isipin ng ibang maid dito na ina-abuso ko ang kabaitan ni Don Juanito..

  “Pero Lo, sobra na po iyon. Nakaka—” 

  “Natasha, kapag nandito ang mama at kapatid mo hindi ka masyado mag-iisip sa kanilang kalagayan. Makakapag trabaho ka ng maayos. Nakapag desisyon na ako and my decision is final. Dito na titira ang mama at kapatid mo. Ipapahatid kita mamaya kay Larry para sunduin sila. Okay? Please. Hayaan mo ako. Desisyon ko ito.” 

     Napakagat ako sa ibabang labi, seryoso ngayon si Don Juanito, mukhang buo na talaga ang kanyang desisyon at sino ba naman ako para kontrahin ito. Sa huli sumusukong tumango na lang ako, wala na akong magagawa dahil iyon na ang desisyon ni Lolo. Kahit anong sabihin ko hindi naman niya ako pakikinggan ‘e.

    Nakakahiya talaga, sobra-sobra na nga ang tulong niya sa akin. Kaso ano pa bang magagawa ko? Kahit umalma at tumanggi ako wala na akong magagawa e. 

  

   “Sobrang salamat po, Lo. Wag po kayong mag-alala gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko."

   Iyon ang aking sinagot, babawi na lang talaga ako sa trabaho ko para masuklian ang kabutihan nito. Isang malapad na ngiti ang gumihit sa labi nito. 

  “Great! aasahan ko iyan, Iha.” 

  “Ay, oo nga po pala, Lo. Nakalimutan ko rin itanong sa inyo, Bata po ba ang aalagaan ko? o dalagita? Iyong batang babae na parang manika po ba?”

    Nakangiti kong tanong. Excited ako kung siya nga ang aking aalagaan. Makikita ko ito ng personal! Sana mag-kasundo kaming dalawa.

   Kaso biglang nangunot ang noo ni Lolo. 

  “What? hindi bata ang aalagaan mo. Hindi ka mag-aalaga ng bata, Natasha.” 

    Nawala ang ngiti sa aking labi, pati ang excited na nararamdaman ay biglang nag-laho na lang. Hindi ang batang babae na mukhang manika ang aalagaan ko? Ano ba ang trabaho ko talaga?

   “Kung ganoon po, para saan po iyong sinabi niyong aasikasuhin ang pagkain, linis ng kwarto at aayusin ang damit?” Natataka kong tanong. 

   “Oh, I‘m sorry. Mukhang hindi mo naintindihan ang aking sinabi. Wait, ipapatawag ko ang aking apo para makilala mo rin siya.” 

  Tumango naman ako. May pinindot sa gilid ng lamesa si lolo bago nag-salita. 

  “Larry, tawagin mo si Giovanni. Sabihin mo pumunta dito sa office ko ngayon din. Thank you.”

  Wait, Giovanni? Lalaki?

  Nakangiting bumaling sa akin si Lolo. 

  “Wait lang natin ang aking apo.” 

  Ilang minuto ang lumipas biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon doon ni Lolo. 

    *****

Comments (29)
goodnovel comment avatar
Mica Elorza
Ang Ganda Ng story
goodnovel comment avatar
Nan
WOW! nice story
goodnovel comment avatar
Charlie may Teretit
unlocked plssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status