NATASHA'S POV TAHIMIK lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Giovanni. Pabalik na kami ng Manila ngayon. Pagkatapos na pagkatapos kumain, pinag-asikaso na niya agad ako. Mabilisan kong inayos ang mga gamit namin at pinaglalagay sa maleta. Hindi ko na nga nagawang tiklupin ‘yon dahil sa pagmamadali. Simula ng makausap ng asawa ko si Kiel naging seryoso na ito at hindi umiimik. Tila rin malalim ang iniisip. Kaya mas minabuti ko na lang na manahimik at hayaan siya. Baka sa akin pa ibuntong ang galit, mahirap na. Mukhang may problema ata kaya napatawag si Kiel. Sa totoo lang medyo nalungkot ako dahil hindi pa nga namin na eenjoy ang bakasyon na antala na agad. Pero ayos lang mas importante na makabalik na kami sa manila para maayos na ni Giovanni kung ano man iyong problema. Hanggang sa makarating kami sa mansyon. Finally! Kulang na lang matuyuan ako ng laway dahil apa't na oras din ang naging biyahe namin. Hindi niya talaga ako kinausap. Pagkaparada
GIOVANNI'S POV Napabuntong hininga ako ng makapasok sa opisina ni grandpa. Hindi mawaglit sa aking isipan ang itsura ni Natasha ng sabihin kong uuwi na kami. I know she is dissapointed dahil sa biglaan naming pag uwi. Kitang kita ko ang pagbabago ng kanyang itsura kanina. Tsk! Nangako pa naman ako sa kanya na mag swi-swimming kami. Damn! lahat ng plano ko nasira dahil sa tanginang problema ng branch ng kompanya sa malaysia. Isabay pa ang sinabi ni Kiel sa akin kanina. Actually, tumawag si Vasquez dahil sa utos ni grandpa na pauwiin ako. Nag boluntaryo siya para masabi na rin sa akin ang isa pang problema. Iniisip ko pa lang na matagal akong mawawalay sa asawa ko ay gusto ko ng pumatay ng tao! Shit! I don't know what is happening to me. Basta ang gusto ko lang nasa tabi ko si Natasha, Ayoko siyang malayo sa akin. Isa pa gusto ko siyang pinagsisilbihan, lutuan at makatabi sa kama at mayakap. Pabaksak akong naupo sa single sofa at sumandal doon. Habang nasa biyah
NATASHA'S POV “What?!” Hindi makapaniwalang sambit ko. Ako ang maghahandle ng kompanya? Bakit ako? Bumuntong hininga naman siya. “I'm sorry Wife, I don't want to, but you are my wife and you will be the one in charge of everything. Don't worry Lolo J, Larry and Kiel will accompany you and guide you to the company." Kinabahan tuloy ako, anong alam ko sa pag papatakbo ng isang kompanya? Ays! Hindi lang basta basta isang kompanya ha! Pinaka malaki at sikat pa. Ano na lang iisipin ng mga tao o empleyado nila? Hindi ako tapos ng pag aaral. “Sigurado ba kayo na ako? Baka pwedeng si Kuya Larry na lang o kaya si Kiel?” Umiling naman siya kaya mas lalo akong nanghina. “Like I said, only you can handle the company because your my wife. Alam mo namang hindi pwede si Old man dahil sa kalagayan niya. Bawal siyang ma-stressed. Isa pa hindi ko pwede ipag katiwala kung kanino na lang ang kompanya. H'wag kang mag-alala hindi ka pababayaan ni old man. He will teach you wh
Magkahawak kamay kaming pumanhik sa taas, Sakto naman na nakasalubong namin si Lolo J at Larry sa hall way. “There you are couples! Kanina ko pa kayo hinahanap." Nakangiting sabi ni Lolo J. “Why old man?" Masungit na tanong ni Giovanni. Tinapik ko naman siya sa braso kaya napatingin siya sa akin. Umiling ako at pinanlakihan siya ng mata. Nagsisimula na naman siya mag sungit. Alam niya naman na bawal ma-stress si Lolo J. “Tsk!" Iyon lang ang reaksyon niya. “Well hinahanap ko kayo dahil ibibigay ko sa ‘yo ang folder na ito Natasha.” Sabay lahad ni kuya Larry ng folder sa aking harap. Kinuha ko naman iyon agad gamit ang isa kong kamay dahil ayaw pa rin binatawan ng asawa ko ang isa kong kamay. “Basahin mo iyan, Iha para magkaroon ka ng idea sa kompanya. Malaki ang maitutulong niyan sa ’yo. Bukas na bukas pala ay pupunta na tayo sa Kompanya para ipakilala ka sa lahat. So, be ready and read that. ok?" Napamaang ako. Bukas na agad? “Bukas na po agad Lolo J
NATASHA'S POV Binaba ko ang binabasang folder bago nag unat ng katawan. Bumaling rin ako sa bed side table para tignan ang oras. Ala's kwatro na ng madaling araw. Siguro malapit na si Giovanni sa Malaysia, kanina pa siya umalis dito mga 1:30. sabi niya ang private plane ng Silvestre ang kanilang gagamitin ni Sean para mabilis. Bago nga siya umalis kanina niyakap niya ako ng mahigpit at binilinan pa ng kung ano ano. Napansin ko ang paper bag na binigay niya sa akin, Kinuha ko iyon para buksan na. Sinilip ko lang naman kasi ito kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng matitigan maigi ang karton ng cellphone! Kanina ay hindi ko agad napansin kung anong klaseng phone ngayon ay para akong mahihimatay! Latest phone ng Apple! Omg! Dali-dali kong binuksan ang box omg! ang ganda! Nanginginig kong kinuha ang cellphone at inopen ito. Gosh! Sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako makakahawak ng ganito kamahal na cellphone! Nang bumukas ay napamaang ako. Natulala na lang sa scree
Kalahating minuto ang lumipas ng pumasok naman si Eve at binigay ang isang folder kay Lolo J. Iyon na ang hinihintay nito na sched. Binalik ko na ang atensyon sa binabasa, seryoso ako at tinatandaan lahat ng background nila para kapag nakaharap ko ang mga ito, Hindi ako mangangapa. Naging abala kaming tatlo sa loob ng opisina ni Lolo J, Si Kiel meron ding binabasa pero hindi ko alam kung tungkol saan. Matapos ko mabasa ang profiles ng boardmembers. Kinuha ko sa table ang folder na binigay sa akin ni Lolo J kagabi, dala dala ko ito kanina. Ipagpapatuloy ko ang pagbabasa tungkol sa kompanya. “Kiel sabihin mo kay Eve i-order tayo ng lunch." Rinig kong utos ni Lolo J. “Ok Sir.” Pasimple kong kinuha ang cellphone ko sa Bag para i-check ang oras. Mag aalas-dose na pala. Ang bilis ng oras, hindi ko man lang namalayan. Sandali, kanina pa nasa Malaysia si Giovanni pero wala pa rin akong natatanggap na tawag o text. Sabi pa niya sa akin kanina kapag nakar
NATASHA'S POV MATAPOS namin mag usap ng asawa ko kanina, Sakto naman na kumatok si Kiel at sinabing pinapatawag na ako ni Lolo J. Kabado ako kanina sa totoo lang dahil ipapakilala na ako sa buong empleyado ng Silvestre Empire. Bawat department talaga pinuntahan namin, Sinamahan talaga ako ni Lolo J. Sa totoo lang nag aalala na ako sa kalagayan niya dahil hindi naman basta basta ‘yung pagod dahil kada floor talaga dinadaanan namin. Walang pina-lagpas. kaso makulit ang matanda kaya wala na rin akong nagawa pa. Wala naman akong narinig na hindi Ka- aaya aya kanina habang pinapakilala ako, Lahat may magandang ngiti sa labi. ‘yun nga lang baka nung tumalikod ako, doon sila may naging komento. Matapos akong mapakilala sa lahat bumalik kami sa office ni Giovanni. Hindi ko na-meet ang board members dahil kulang daw kaya bukas na lang. Ang ginawa ko na lang binasa ko ang ibang proposal na nakatambak sa lamesa hanggang sa mag-uwian na. KINABUKASAN 7AM pa lang na
NATASHA'S POV PATAY na ang tawag pero nakatulala pa rin ako at nasa aking tenga pa rin ang cellphone ko. Ang mabilis na kabog ng aking puso ay hindi nawala. Oh my gosh! Tama naman ang narinig ko diba? Hindi naman ako nabingi o nagkamali? Sinabi talaga ni Giovanni na sa tingin niya ay mahal na niya ako? Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kakaibang tibok nito, May kakaibang saya rin akong nararamdaman. Pabaksak akong nahiga, binitawan kona ang cellphone ko at kinuha ang isang unan saka tinakpan ang mukha ko at doon nag sisigaw! Gosh! kinikilig ako! Inalis ko sa aking mukha ang unan tapos tumulala sa kisame. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mukhang naiintindihan kona ngayon ang kakaibang tibok ng puso ko kapag malapit si Giovanni sa akin. Sa tingin ko may gusto rin ako sa kanya.. Napabalikwas ako ng bangon. “So, all this time may gusto ako sa kanya?! Hindi ko lang agad napansin dahil para kaming aso't pusa? Argh! Bakit ang slow at manhid mo naman,