LOGINSa edad na bente-otso, isang bagay lang ang gusto ni Alina—ang magkaroon ng sariling pamilya nang walang kasamang toxic na lalaki. Kaya pinili niyang magkaanak sa tulong ng IVF at isang anonymous donor. Ngunit nagbago ang lahat nang malaman niyang nagkaroon ng malubhang pagkakamali ang clinic. Ang specimen na na-implant sa kanya ay pag-aari pala ng isang ruthless at makapangyarihang bilyonaryo—si Ezekiel Valencia. Para protektahan ang batang dinadala niya mula sa clinic at sa maimpluwensyang pamilyang Valencia, pinili ni Alina na mawala at magtago sa probinsya. Apat na taon ang lumipas, napilitan siyang bumalik sa Maynila para ipagamot ang pambihirang allergy ng kanyang anak na si Kian. Dahil desperado sa pera, tinanggap niya ang trabaho bilang Executive Secretary sa isang malaking kumpanya—hindi alam na ang magiging boss niya ay mismong si Ezekiel Valencia. Pero gaano katagal maitatago ang isang batang kamukhang-kamukha ng bilyonaryo? At kapag nalaman ni Ezekiel ang katotohanan, papayag ba si Alina na maagaw ng isang lalaking hindi niya pinagkakatiwalaan ang nag-iisang mundong meron siya? O ang anak na hindi kailanman pinlano ni Ezekiel… ang siya palang babago sa buhay niyang matagal nang walang puwang para sa pagmamahal?
View MoreALINA MONTEJO POV
"Congratulations, Miss Alina Montejo. You're officially eight weeks pregnant. Kapit na kapit ang embryo, at normal ang lahat ng vital signs mo." Nakahinga ako nang maluwag habang pinapanood ang maliit na tuldok sa monitor ng ultrasound. Doon pa lang, naramdaman ko na ang kakaibang tibok sa puso ko. Sa wakas. Sa edad na bente-otso, pagkatapos ng ilang taon na puro trabaho, puyat, at pag-akyat sa corporate ladder, nakamit ko rin ang matagal ko nang pangarap—ang magkaroon ng sariling pamilya. Walang toxic na lalaki, walang sakit sa ulo na ex. Ako lang at ang magiging anak ko. Independent woman yata 'to. Kaya ko 'to mag-isa. Eksaktong dalawang linggo pagkatapos ng check-up na 'yun, nakatanggap ako ng sunod-sunod na tawag mula sa clinic. Noong una, hindi ko pinapansin dahil busy ako sa mga hinahabol na reports sa opisina. Pero nang mag-text na ang mismong Head Doctor na si Dr. Ramirez at sabihing highly confidential at urgent ang kailangan naming pag-usapan, kinabahan na ako. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa tapat ng desk niya, habang pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng opisina niya. Pinagpapawisan siya kahit malakas ang aircon, at kanina pa pinagpapawisan ang mga kamay niya habang hawak ang isang makapal na folder. "Alina..." pambungad ni Dr. Ramirez, ang boses niya ay nanginginig na parang ewan. "I... I don't even know how to say this. Identity checks were done, laboratory protocols were followed, but... we encountered a catastrophic technical mix-up in the cryopreservation lab." Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako para sa kalusugan ng baby ko. "Doc, ano'ng ibig ninyong sabihin? May problema ba sa bata? May genetic disease ba ang donor? Sabi niyo sa akin, galing sa isang healthy, anonymous master's graduate ang specimen—" "Hindi 'yun ang nagamit," pagputol ni Dr. Ramirez. Halos mawalan siya ng kulay sa mukha. "Nailagay sa iyo ang specimen mula sa isang private, high-security storage tank. Isang specialized VIP deposit." Bumagsak ang panga ko. "Ha? Paanong..." Inilapag niya ang folder sa tapat ko at dahan-dahang binuksan ito. Lumitaw doon ang profile ng isang lalaki. Kahit sa litrato lang, kitang-kita ang seryoso, matatalas, at napakagwapong mukha nito. Pero hindi ang mukha niya ang nagpapatak sa luha ko, kundi ang pangalang nakasulat sa ilalim ng larawan. Ezekiel Valencia. Ang nag-iisang tagapagmana ng Valencia Medical at Tech Conglomerate. Ang pamilyang nagmamay-ari ng kalahati ng mga mamahaling ospital, laboratoryo, at pharmaceutical companies sa bansa. Isang bilyonaryong balita ko ay dumaan sa isang delikadong operasyon taon na ang nakararaan kaya nagtabi ng specimen, at kilala sa pagiging ruthless pagdating sa negosyo. "Si... si Ezekiel Valencia ang tatay ng dinadala ko?" bulong ko, parang hihimatayin sa narinig. "Yes, Alina. At malaking gulo ito," dire-tsong sabi ni Dr. Ramirez, habang nakatitig sa akin na parang ako ang pinakamalaking problema sa mundo. "Walang pwedeng makaalam nito. Kapag nalaman ng pamilya Valencia na nagkaroon ng malpractice ang clinic namin gamit ang specimen ng nag-iisang tagapagmana nila, hindi lang lisensya ko ang mawawala. Isasara ang clinic na ito, at gigisayin tayo ng mga abogado nila sa korte. You know how powerful they are. Baka pati buhay mo, maging miserable." Naramdaman ko ang lamig na gumapang sa buong katawan ko. Awtomatikong humawak ang kamay ko sa tiyan ko. "Anong... anong gusto mong gawin ko?" Dinala ni Dr. Ramirez ang isang piraso ng papel sa harap ko, kasabay ng isang ballpen. Isang Non-Disclosure Agreement (NDA) at Termination Form. "We need to correct the mistake, Alina. We will schedule an immediate termination of the pregnancy. Siyempre, hindi ka namin pababayaan. The clinic is willing to compensate you. Sampung milyong piso. Isang pirma mo lang dito, mapupunta ang pera sa account mo, at pwede nating ulitin ang IVF process gamit ang tamang donor pagkalipas ng ilang buwan." Sampung milyon kapalit ng buhay ng anak ko? Tumingin ako sa dokumento, tapos sa mukha ng doktor na halatang sariling interes lang ang iniisip. Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng galit sa dibdib ko. Hindi ko pinlano ang maging ganito kagulo ang lahat, pero ang saktan ang sarili kong anak para lang pagtakpan ang kasalanan nila? Hinding-hindi ko gagawin 'yyun Biktima rin ako rito, pero mas biktima ang batang walang kinalaman na nasa sinapupunan ko. "Are you insane, Doc?" mariin kong sabi, sabay tulak pabalik sa folder. Tumayo ako, diretso ang tindig kahit nanginginig ang mga tuhod ko. "Hindi ko ipapalaglag ang anak ko. Hindi negosyo ang buhay ng bata." "Alina, mag-isip ka nang mabuti!" humabol si Dr. Ramirez, tumayo na rin siya at pilit akong hinawakan sa braso pero pinalo ko ang kamay niya. "Hindi mo kilala ang mga Valencia! Kung malalaman ni Ezekiel Valencia na buntis ka sa anak niya nang walang pahintulot niya, kukunin nila ang bata sa iyo o kaya naman ay sisirain nila ang buhay mo! Wala kang laban sa kanila!" "At wala rin kayong laban sa akin kung ipapubliko ko ang kapabayaan ng clinic niyo," banta ko, kahit ang totoo ay natatakot din ako sa pwedeng mangyari. "Huwag niyo akong susubukan, Dr. Ramirez. Ang perang 'yan? I*****k niyo sa baga ninyo." Mabilis kong binuhat ang bag ko at naglakad palabas ng opisina niya nang hindi lumingon. Naririnig ko pa ang sigaw niya na tinatawag ang pangalan ko, pero diretso lang ako hanggang sa makalabas ng building. Sumalubong sa akin ang mainit na hangin ng siyudad. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, napahawak ako nang mahigpit sa tiyan ko. Ramdam na ramdam ko ang takot, ang kaba, at ang bigat ng sitwasyon. Isang makapangyarihang pamilya ang nakabangga ko nang hindi ko sinasadya, at alam kong hindi nila ako tatantanan kapag nalaman nila ang katotohanan. "Huwag kang mag-alala, baby," bulong ko sa sarili ko habang sumasakay ng taxi. "Gagawin ng Mommy ang lahat. Protektahan kita, kahit kanino pa... kahit kay Ezekiel Valencia pa."ALINA MONTEJO POVPagkapasok ko sa kusina, sinalubong agad ako ng amoy ng sinigang na baboy na niluluto ni Nanay. Parang biglang nawala ang lahat ng lamig at pormalidad ng BGC nung marinig ko ang mahinang pagkulo ng sabaw sa kalan. Kumuha ako ng mga plato at baso mula sa itaas ng cabinet habang si Nanay naman ay abala sa pag-aayos ng mga mangkok sa lamesa."Alina, tawagin mo na si Ezekiel doon sa sala para makakain na habang mainit pa itong sabaw," utag sa akin ni Nanay habang isinasalin ang ulam gamit ang malaking sandok."Opo, Nay. Susunod na po 'yun, tinatapos lang ata 'yung text sa driver natin," sagot ko habang maingat na inilalapag ang mga kubyertos sa tabi ng bawat plato. Habang inaayos ko ang mga kutsara at tinidor, napatingin ako sa glass dining table na ito na napakakinis at napapaligiran ng mga mamahaling silya. Napaisip ako bigla sa naging takbo ng buong umaga namin. Kanina habang nasa biyahe kami pabalik mula sa school tour, napansin kong napakatahimik ni Ezekiel habang
EZEKIEL VALENCIA POVTahimik ang buong sasakyan habang binabaybay namin ang daan pabalik sa penthouse mula sa eskwelahan. Sa backseat, mahimbing na ang tulog ni Kian habang nakasandal ang ulo sa kandungan ni Alina. Tiningnan ko sila mula sa rearview mirror bago ako lumingon sa labas ng bintana ng SUV.Nitong mga nakaraang araw, lalo na nung matapos ang magkakasunod na hearing para sa custody at child support, ramdam ko ang biglang pagbabago ng takbo ng buhay ko. Kung iisipin, ilang taon kong binuo ang Valencia Holdings na ang tanging focus ko lang ay ang mga numero, stocks, at kung paano mapapalawak ang impluwensya ng pamilya namin laban sa mga lumang patakaran ng lolo kong si Eduardo. Pero ang lahat ng 'to ay biglang naging pangalawa na lang simula nung gabing makuha ko sila Alina at Kian sa madilim na kalsada ng Batangas, matapos silang tumakas mula sa mga tauhan ng sarili kong pamilya.Nung lumabas ang opisyal na resulta ng DNA test na nagpatunay na si Kian ay sarili kong dugo, doo
ALINA MONTEJO POVPagkaalis namin sa kwarto ni Teacher Nina, dinala kami ni Miss Carreon sa ikalawang palapag kung nasaan ang indoor gymnasium at ang library ng mga bata. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kian nung makita niya ang malalambot na giant mats, ang mga mabababang climbing walls na may foam pit sa ilalim, at ang maliliit na basketball hoops na sadyang ginawa para sa mga katulad niyang magsisimula pa lang mag-aral."Dito po ginagawa ang physical development activities ng mga bata tuwing umaga, lalo na kapag medyo mainit na ang sikat ng araw sa labas," paliwanag ni Miss Carreon habang iginagaya kami patungo sa isang glass room sa dulo ng hallway. "At ito naman ang ating assessment room. Dito muna natin iiwan si Kian nang sandali kasama ang ating child psychologist, si Teacher Karen, para sa maikling observation."Sumungaw mula sa pinto ang isang babaeng naka-salamin na may hawak na makulay na puzzle board. "Hi, Kian! I'm Teacher Karen. Pasok ka rito, may ipapakita akong magan
ALINA MONTEJO POV Sumunod kaming tatlo kay Miss Carreon habang naglalakad siya patungo sa dulo ng mahabang hallway na gawa sa makinis na kahoy at glass ang mga dingding. Hawak pa rin ni Kian ang kamay ko habang ang kabilang kamay naman niya ay nakakapit nang mahigpit sa mga daliri ni Ezekiel. Lumingon-lingon ang anak ko sa bawat madaanan naming pintuan, halatang manghang-mangha sa mga makukulay na drowing ng mga hayop at planeta na nakadikit sa labas. "Dito po ang Nursery at Pre-Kindergarten wing natin, Ms. Montejo," paliwanag ni Miss Carreon habang dahan-dahang binubuksan ang isang malaking sliding door na may glass panel sa gitna. "Kasalukuyang breaktime ng mga bata ngayon kaya walang klase sa loob, pero nandito ang isa sa mga head teachers natin para mag-ayos ng mga gagamitin para sa afternoon session." Pagpasok namin, bumungad ang isang napakalawak at maliwanag na silid. Ang sahig ay balot ng malalambot na carpet na may iba't ibang hugis at kulay, at sa gilid ay may mga malilii
EZEKIEL VALENCIA POV Ipinatong ko ang magkabilang siko sa mesa at hinilot ang sumasakit kong peluka. Pagkaalis ni Robert para bumaba sa lobby, muling naging tahimik ang study room. Tiningnan ko ang blangkong screen ng laptop ko bago ibinaling ang paningin sa bintana na nagpapakita ng naglalakihang
ALINA MONTEJO POV "Dahan-dahan lang sa pagtakbo, Kian," saway ko sa anak ko habang bitbit ko ang baso ng gatas niya patungo sa sala. "Opo, Mommy!" sagot niya, pero tuloy-tuloy pa rin ang mabilis niyang hakbang papunta sa pwesto kung nasaan si Rina na nakahiga sa sofa. "Tita Rina! Look, I'm awake
ALINA MONTEJO POV Gusto kong maiyak sa kamalasan. Pangalawang linggo ko pa lang sa trabaho bilang sekretarya ni Ezekiel Valencia, pero heto agad ako sa sitwasyong pilit kong iniwasan sa loob ng apat na taon. Biglang nagka-emergency sa maliit na daycare malapit sa tinutuluyan namin—nagkaroon ng sh
ALINA MONTEJO POV "Heto ang mga schedule para sa linggong ito, Miss Montejo. Medyo mabigat ang mood ni Sir ngayon kaya mas mabuting ihanda mo na ang double espresso niya bago siya dumating. At pakiusap, huwag mo siyang kukuwestiyunin sa mga utos niya kung ayaw mong matulad sa huling secretary na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews