Home / Romance / I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle / Chapter 213- Magulang ay magulang, anak ay anak

Share

Chapter 213- Magulang ay magulang, anak ay anak

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2025-04-17 11:38:13
Nagising si Beth na hawak hawak ni Lucio ang kamay niya.

Nang tignan niya ang paligid, natanto niyang nasa loob na siya ng kwarto nila mag-asawa.

Sinubukan niyang maupo dahilan para magising si Lucio sa tabi.

“Wife,” nanlalaki ang mata nito at agad na tumayo para mayakap siya.

“Nag-alala ako sayo.”

Naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Bernardo kanina. Sumisikip na naman ang puso niya at gusto na naman niyang maiyak.

“G-Galing ako kay Bernardo, hubby..”

Natigilan si Lucio.

“Sabi niya, anak daw niya ako.”

Kumalas si Lucio ng yakap sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. “A-Anong sabi niya?”

“Sabi niya ay anak daw niya ako. Na pinaniwala lang daw siya sa isang kasinungalingan na anak ako ni Manzo kaya siya naging malupit sa akin. N-Naguguluhan ako.”

Agad naisip ni Lucio si Rejane at Manzo.

‘Kung totoo ang sinasabi ni Bernardo, maaaring ito ang dahilan kung bakit niya nagawang patayin si Rejane.’ Ani Lucio sa isipan niya.

Kumuyom ang kamao niya. Hindi niya mapigilan ang umuusbong n
MeteorComets

Siguro kailangan na magtago ni Loreen.

| 19
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
humanda kna loreen at nice
goodnovel comment avatar
Kilutz Yohgatz
ang ganda talaga ng pagka gawa ng story, kompleto at detalyado, di ka na mag isip na bakit at paano... tnx author, ito ang inabangan ko araw araw
goodnovel comment avatar
Thet Salazar
miss. a pa nxt ud please wait q pa kc ung galit ni roween
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 214- Proud ang daddy sayo

    Isang linggo na ang lumipas. Hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test.Maliban doon, hindi na rin nila nakita si Leah. Hindi rin daw ito pumasok sa trabaho.Hindi alam ni Beth kung nasaan ito dahil hindi rin nito sinasagot ang tawag niya.Kaya nag-aalala na siya.Dahil sa nangyari sa kaniyang pagkidnap, hindi na rin siya pumasok sa hotel.Iniisip niyang baka magresign nalang siya dahil hindi naman pwedeng palagi siyang absent.“Wife,”Napalingon siya sa likuran at nakita niya si Lucio. “Pasok ka na.”Nasa garden kasi siya at nagpapahangin.Tumayo siya at lumapit dito. “Hubby, nag-aalala ako kay Leah. Nasaan na kaya siya.”Nitong mga nakaraang araw, hindi mapakali ang kalooban niya at puro si Leah ang iniisip niya.“Huwag kang mag-alala, sigurado akong ayos lang siya.” Sabi ni Lucio ng sa ganoon, gumaan ang pakiramdam niya.Hindi alam ni Beth, ang Leah na hinahanap niya ay kaharap ngayon ni Bernardo.Nasa loob sila ng bahay ni Bernardo, specifically, nasa hapagkainan. May mga pagkain

    Last Updated : 2025-04-17
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 215- Ang pamamaalam ng isang makasalanang ama

    Alam ni Bernardo na hangga’t nabubuhay siya, habambuhay dadalhin ng anak niyang si Leah ang sakit dahil sa ginawa niya kay Rejane.Hindi na niya kayang makasakit pa sa mga anak niya.Isa pa, handa na siya. Tinanggap na niya ang kapalaran niya. Gusto nalang niya ay hindi na umiyak si Beth at Leah dahil sa kaniya. Tumitindi na rin ang sakit sa loob niya. In any minute, alam niyang lilisanin na niya ang mundo. Malungkot lang siya dahil hindi niya nakuha ang kapatawaran ni Beth.At naiintindihan naman niya kung bakit hirap ito patawarin siya.He caused so much of pain to her. He crushed her soul, he abandoned her. At tama ito, hindi mabubura ng sorry niya ang lahat ng ginawa niya. Namamanhid na ang tuhod niya dahilan kung bakit natumba siya sa sahig."Tara sa hospital," Sabi ni Leah. "Maliligtas ka pa."Natigilan si Bernardo ng ilang sandali. Hindi niya aakalain na gusto pa siyang iligtas ng anak niya sa kabila ng lahat ng ginawa niyang kasalanan. Narealize niyang mababait si Beth at

    Last Updated : 2025-04-17
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 216- Kapatid kita

    News spread, agad dumating sa tenga ni Beth ang nangyari kay Bernardo, at ang balitang pinatay ito ni Leah.Agad niya itong pinuntahan sa presinto, habang umiiyak at nag-aalala.“Leah!”Nakita niya si Leah, nakaposas at nakaupo sa isang upuan na gawa sa plastik.Nang makita siya ni Leah, agad tumulo ang luha nito na agad niyang pinunasan.“A-Anong nangyari?” tanong niya matapos niya itong yakapin.Tumingin si Leah sa likuran niya, particularly kay Lucio, bago siya nito tignan sa mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka na dapat nagpunta dito.”“Anong hindi na dapat? Ipapakulong ka nila.”“Dapat naman talaga nila akong ipakulong.” Sagot ni Leah sa kaniya na agad ikinalukot ng mukha niya.“Leah,”“Pinatay ko siya. Kaya dapat lang naman talaga ako ikulong.”Hinawakan niya ang kamay ni Leah. “Hindi ako naniniwala. Ilalabas kita dito.”Tumingin si Leah sa kaniya. “Bakit pa?” yung boses niya, galit pero yung mata ay umiiyak.Isa na siyang criminal, at hindi niya kayang makita siya ni Beth

    Last Updated : 2025-04-18
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 217- Ginamit niyo lang ba ako?

    Si Lucio sa tabi e nakahanda kung sakali mang gumanti si Nice.He won’t let anyone hurt his wife lalo na’t nasa tabi siya nito. Baka ay makagawa pa siyang bagay na ikakatira niya sa kulungan.“Kapatid? Yang kapatid mo ang pumatay sa dad ko!”Ngumisi si Beth.“Bakit papatayin ng kapatid ko ang ama namin?”Nanlaki ang mata ni Merna at Nice. Nagulat sa salitang ‘ama namin’.“Anong sinasabi mo?” kunot noong tanong ni Merna. “Anong ama? Kailan mo pa naging ama si Bernardo? Isa ka lang ampon niya. Anak ka sa pagkakasala ng mal@ndi mong ina!”“One hurtful word to my wife and I’ll slit your throat this instant.” Malamig na sabi ni Lucio na masamang nakatingin kay Merna.Beth hold his hand, calming him down.Habang si Merna e napaatras sa kaba.Pinapakita ni Beth kay Lucio sa pamamagitan ng mata niya na kaya na niyang e handle si Merna at Nice.Huminga ng malalim si Lucio at hinawakan ang kamay niya.Then saka siya humarap sa dating stepmother niya at stepsister niya.“Hindi mal@ndi ang mama ko

    Last Updated : 2025-04-19
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 218- Roween as predator

    Sa bahay, nakatingin si Manzo kay Ten na tahimik lang. Alam niya na marami itong gustong sabihin sa kaniya.“Bakit hindi mo sabihin sa akin lahat ng gusto mong sabihin?”Tumigil si Ten at humarap sa kaniya.“Tama ba ang narinig ko kanina? Hindi mo anak si Beth?”Tumitig si Manzo sa kaniya at sumagot. “Yes.”“Kung ganoon, hindi mo rin anak ang asawa ko?” hindi makapaniwalang tanong niya.“I raised her as my own-"“Kidnapping yun! Kinidnap niyo siya. Nilayo mo siya sa tunay na ama niya at kay Beth.”“Atilla is my daughter, Ten. Kung hindi ba siya sa akin lumaki, sa tingin mo hindi niya mararanasan ang sinapit ni Beth?”Kumuyom ang kamao ni Ten. Siya ang mas nasasaktan na namatay ang asawa niya na hindi man lang nalalaman ang totoo.Namatay ang asawa niya hindi man lang maipagtatanggol ang sarili.“Beth was right. Ang selfish niyo lahat. Kinuhanan niyo sila ng karapatan. Maaaring pangit ang naging buhay ng asawa ko kung lumaki siya sa kamay ni Bernardo pero at least, alam niya ang totoo.

    Last Updated : 2025-04-19
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 219- Things are getting out of control

    Things are getting out of control sa bahay ng Floreza. Ilang kapalpakan na ang nagawa ni Joliever, at hindi pa rin nawawala ang pagiging bias ng senior pagdating sa bastardong anak na si Lucio.News about Beth being Bernardo’s real daughter ay hindi pa nila nalalaman.That’s why, Sr. Floreza is still courting Lucio to be his successor na ilang ulit ng tinanggihan ni Lucio.This day, rinig na rinig ni Joliever kung paano nagwala ang daddy niya sa sala.Roviech failed to acquire the brand collaboration that his dad was dying to get. Another failure, another proof na hindi siya dapat pagkatiwalaan sa business nila.His dreams of being the new president postponed, at mukhang malabong ibigay sa kaniya.“Ano pa bang dapat kong gawin para maging perpektong anak sa paningin niya?” Roviech asked.Ang asawa niyang si Ashanelle ay pilit siyang pinapakalma but too late, isang baso na ang nabasag matapos itapon sa pader.“Hon, please calm down.”“Calm down? That old man! Ano pa bang dapat kong gawi

    Last Updated : 2025-04-19
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 220- Make sure na gawin mo siyang tagapagmana

    Takot na takot si Beth sa sinabi ni Joliever. Parang hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ngayon ang mga bagay na yun.“L-Let’s talk about it paglabas natin ng elevator.” Aniya at pinilit pa niyang ngumiti.“Kung ganoon, p-payag ka ng patayin natin yan?”Humarap si Beth sa front door para maiwasan niya ang mga mata ni Joliever. Hindi niya alam paano itago ang tunay na nararamdaman niya.“Y-Yeah…” Aniya sabay hawak sa tiyan niya.Niyapos siya ni Joliever ng yakap mula sa likuran at napatalon siya sa gulat.Hindi sinasadyang napalayo siya dito.Sumama ang mukha ni Joliever sa kaniya.“Why?”“N-Nagulat lang ako.”Tinitigan ni Joliever ng mabuti ang mukha niya. Pagkatapos ay umabante ito palapit sa kaniya. “You’re lying.”“H-Huh? W-What do you mean?” Beth tried to act like everything is fine.“Hindi mo ipapalaglag ang baby…”Hindi na alam ni Beth kung anong gagawin niya. Hindi niya kayang itago ang kaba niya.“Beth, sabi ko diba kailangan kita?”“O-Oo J-Joliever. B-Babalik naman ako sa

    Last Updated : 2025-04-19
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 221- No one can save him

    Hindi alam ni Loreen bakit iba ang mood pag-uwi niya galing ng coffee shop.Aligaga ang lahat ng katulong at pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari.“What happened?” tanong niya sa isang katulong na nakasalubong niya.“Ms. Loreen, may n-nangyari po kasi kay sir Joliever.”Nang marinig niya yun, nagmamadali siyang pumunta ng sala. Naabutan niya si Joliever na maraming pasa sa mukha.Agad nanlaki ang mata niya at nilapitan ito agad.“Hijo, what happened to your face?”Agad yumakap si Joliever sa kaniya, parang isang spoiled na batang napagalitan ng nakakatanda.“Get away from that bastard Loreen. Wala na yang ginawang tama kun’di ang suwayin akoat bigyan ng problema.” Sabi ni Roviech.“Kuya! Ano bang nangyayari sayo? He is your son. Kahit pa anong nagawa niyang mali, hindi mo dapat siya sinasaktan ng ganto.”Inakala niyang kapatid niya ang naglagay ng pasa sa mukha ni Joliever.“He got that from Floyen!”“What? Magsasampa tayo ng kaso! Sino siya para saktan ang pamangkin ko ng

    Last Updated : 2025-04-20

Latest chapter

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 243- Hubby is adorable

    Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 242- Gifts of Roween

    “Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 241- Namalikmata

    A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 240- I understand dad

    Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 239- Palayain mo na siya

    Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 238- Magkaiba kami ng ugali

    Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 237- Isang magandang pangyayari

    "Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status