Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-23
Oleh:  SugarInkBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
14Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Simula

Marlita’s Point of View

OFFER

“Malubha na ang sakit ng pasyente, Mister. Nasa End-Stage Renal Disease na ito o sa madaling salita ay hindi na gumagana ang dalawang kidney ng iyong Misis,” ani ng lalaking doctor.

Halos hindi ko alam ang gagawin nang marinig ang mga katagang iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa takot na baka mawala sa amin si Lola.

Si Lolo Arvonaldo ang kumakausap sa doctor dahil alam kong iiyak lamang ako kapag ako ang humarap dito.

“M-Mabubuhay pa ba ang asawa ko, Doc?”

Masakit marinig ang tanong na iyon. Ngunit alam kong mabubuhay ang Lola ko, mabubuhay siya. Kahit gaano kalaki ang perang kailangan para sa pampagamot niya ay pagtatrabahuan ko, mabuhay lamang siya.

“Malaki ang posibilidad na mabuhay ang pasyente kung may willing mag-donate ng kidney mula sa inyong kamag-anak o kakilala na compatible o match sa pasyente,” paliwanag ng doctor.

Para naman akong nabuhayan sa aking narinig. Malaki ang tyansa na mailigtas sa kamatayan ang aking Lola at willing akong i-donate ang isang kidney ko para sa kaniya.

“Ako, Doc!” Lumapit ako sa kinaroroonan nila.

Nagulat si Lolo sa aking pagsasalita. “Marlita, apo, ano ang ginagawa mo?”

“Willing po akong i-donate ang isang kidney ko para kay Lola. Gawin niyo po ang lahat mailigtas niyo lamang siya.” Maiyak-iyak na nagmamakaawa ako sa doctor.

“Subalit isang kidney na lamang ang nasa iyo, apo. Walang ni isa sa atin ang kayang mag-donate ng kidney…”

Nanlumo ako sa aking narinig.

Iyong pag-asa na nabuhay sa akin ay nawala na lamang na parang bula.

Tama ang sinabi ng aking Lolo Arvonaldo. Isa na lamang ang kidney ko dahil sa nangyaring aksidente no’ng ako ay bata pa. Walang magawa ang doctor sa sitwasyon ko at tanging naaawang pagtingin lamang. Iniwan nito kami at ipapaalam na lamang sa amin kapag may kidney donor na o kami na nakita.

“Ano’ng gagawin natin, Lo? Saan tayo hahanap ng pera para sa kidney donor ni Lola?” Naglandasan muli ang mga luha sa aking pisngi.

Napakalaking halaga ng pera ang kinakailangan para sa operasyon at paghahanap ng donor. Saan ako kukuha ng milyones?

Paano na ang taong pinakamamahal ko? Ano na ang mangyayari sa akin kapag nawala siya sa buhay ko?

Sinapo ng dalawa kong kamay ang aking mukha na punong-puno ng luha at sipon. Mahinang humahagulgol ako. Subalit nahinto iyon nang may humintong pares ng pulang heels sa aking harapan.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Nagulat ako nang mapansin na wala na pala sa aking tabi si Lolo Arvonaldo.

Nasaan na iyon?

May biglang nag-abot ng panyo sa aking harapan at nang tingnan ko iyon ay galing sa isang babaeng napakaganda.

“Sinasayang mo lamang ang oras mo sa kakaiyak dito.” Walang emosyon ang pagkakasabi niya at saka mas inilapit pa sa akin ang panyong hawak.

Tinanggap ko iyon. “Salamat—” Naputol ang dapat kong sasabihin nang magsalita siyang muli.

“I want to help you with your problem right now. Lahat ng gastos sa Lola mo ay babayaran ko at pati na rin ang pang-araw-araw niyong gastusin ngunit sa isang kondisyon,” seryosong sambit nito.

Kumunot ang aking noo sa mga narinig.

Sino ba ang taong ito? Hindi naman siya mukhang baliw pero kung makapagsalita ito ay parang may sayad yata. Sayang ang ganda.

“Kung scammer ka, ‘Te please, lang lumayo-layo ka sa ‘kin bago pa kita masuntok,” ani ko naman.

“I am not a scammer. I am here to help you.” Tumaas ang aking kilay sa kaniyang sinabi. “Ang kondisyon lamang ay paibigin mo si Grayson Ryker,” dagdag pa niya.

Tumayo ako at saka handa na sana siyang iwan.

Sinasayang lang kasi ng babaeng ito ang oras ko. Hindi na nga maganda ang araw ko ay dadagdagan pa niya.

“Marlita…” Natigil ako sa isinambit niya.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Nakatalikod pa rin ako mula sa kaniya.

“Pag-isipan mo ang alok ko, para na rin ito sa Lola mo. Bukas ng umaga sa tapat ng Hospital na ‘to, may coffee shop kang makikita, hihintayin ko ang sagot mo roon.”

Iyon lamang ang sinabi niya bago niya ako iniwan. Sino ang lalaking tinutukoy niya? Grayson Ryker?

Nakaka-ingganyo pakinggan ngunit alam kong kabaliwan lamang kaya hindi ako magpapa-scam sa babaeng iyon. Baka hingan pa ako ng ten thousand kapalit ng hinihingi niya. Never ako magpapa-scam ‘no!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status