Hindi na magpapaka-hipokrito si uncle natin guys. I mean siya naman talaga nagbenefit sa lahat ng nangyari. haha
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
“Wife,” pagtawag ni Lucio kay Beth pagdating niya sa bahay ng dad niya.Nagmamadaling tumayo si Beth at lumapit sa kaniya. HumaIik siya sa labi nito at niyakap. “How’s dad?”“He’s fine pero hinahanap niya si Loreen.”Natahimik siya doon. Kahit pa kapatid niya ito, the fact remains na gusto niya itong pagbayarin sa ginawa nito sa asawa niya.“Galit ka pa rin ba sa kaniya?” tanong ni Beth nang mapansin na natahimik siya.“Hangga’t hindi ko sila nakikita ni Nice, hindi mawawala ang galit ko sa kanila.”Sumandal si Beth sa dibdib niya, tila pinapakalma siya.“Kung makita man natin sila, ipakulong mo nalang sila. Huwag mo ng ilagay sa kamay mo ang batas.”Huminga siya ng malalim dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang makontrol ang sarili niya oras makita niya ang kapatid niya at si Nice.“Bakit ang tahimik mo? Magpromise ka sa akin hubby.”“Wife.” Nahihirapan na aniya. Paano siya mangangako?Isipin pa lang niya ang mukha ng dalawa ay kumukulo na ang dugo niya.Humarap si Beth sa kaniya a
Loreen’s body buried in her coffee shop’s small yard. Sa mala berdeng damo na naroon, walang mag-aakala na bagong bungkal ang lupang naroon kung nasaan nakalibing ang bangkay niya.Dinadaanan ng mga customers at ng mga empleyado ang parteng iyon, na parang wala lang.That kind of death na walang sinumang magnanais.Si Roween, nasa malayo, nakatingin.This is his revenge for his daughter.Binalik lang niya kay Loreen lahat ng binigay nito kay Rainah.And now, habambuhay hahapin ng mga Floreza kung nasaan ito, without knowing na nasa malapit lang ito, patay na.“Let’s go to the hospital. I need to visit her before I leave.” Sabi niya kay Neo at agad na nagmaneho patungo sa hospital kung nasaan si Beth.Pero hindi sila makalapit dahil nagdagdag si Lucio ng security. Halos lahat napapaligiran na ang buong building.Kaya nanatili na lamang siya sa kaniyang sasakyan.Mahihirapan na siyang lapitan si Beth at ayaw niyang masira ang plano na nilatag niya.As much as possible, gusto niyang manat
NAKARATING NA SI BETH AT REGAR sa isang sementeryo, iyon ang sinabi ni Ten na lugar kung saan ay magkikita sila. Pagkababa niya, agad siyang sinalubong ni Ten. “Hi.” “Ten, ano yung sinend mo kanina?” Tumingin si Ten sa lalaking nasa likuran. Si Regar ang nakita niya, akala niya ay si Lucio ang kasama ni Beth. “I told you, she’s my wife and she’s here.” Nauna siyang maglakad, si Beth naman ay nagmamadaling sumunod sa kaniya. Pagdating nila sa puntod ni Atilla, gulat na gulat siya nang makita ang litrato nito. Kamukhang kamukha niya, pero batid niyang hindi siya yun. “Atilla Shaneya Schrutz Jung,” mahinang pagbasa ni Beth sa pangalan. “She’s your twin sister. She grew up with dad.” Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Ten. ‘What? Twin sister? I have a twin sister?’ Bigla siyang napailing. Parang ang hirap para sa kaniya paniwalaan iyon. “I am c-confused.” Mahina siyang natawa. “Paano ito nangyari? Paanong wala akong alam ito. Kahit si Bernardo, h-hindi rin niya alam ang
ATILLA SHANEYA ‘ATISHA’ SCHRUTZ‘Pakshet talaga ng mundong ito!’ Galit na sinipa niya ang batong nasa harapan niya kaya todo aray siya dahil hindi man lang gumulong ang bato, in fact, parang daliri pa niya sa paa ang nabalian.“Arrrrrggggghhh! Sakit!”Habang tumalon talon pa siya sa sakit, nasa likuran na niya ang mga bantay niya.“Ma’am Atisha!!”Napalingon siya sa likuran at nang makita ang limang bodyguards na nilayasan niya, bigla siyang nataranta.“Shit!” Agad siyang kumaripas ng takbo.At the young age, masiyado ng ganap na dalaga si Atilla, thanks to her foreign blood na galing kay Atisha at Bernardo kaya kahit pa isa pang teenager e napagkakamalang adult na.Dahil lumaki rin siya sa isang pamumuhay kung saan hindi siya salat sa pagkain at bitamina, lumaki siyang parang isang mamahaling bulaklak na inalagaan ng mabuti.She bloomed perfectly.. Ibang iba siya kay Beth na payat, sakitin at nasa attic.Kung ipagkukumpara ang dalawa, para tuloy nakakabatang kapatid ni Atilla ang ka
After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha
Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be
Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
“Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da
A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T
Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a
Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na
Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He
"Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?