The Abandoned Heiress got Swag

The Abandoned Heiress got Swag

last updateLast Updated : 2026-11-02
By:  MysterRyghtUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala niya, asawa lang ang kulang sa buhay niya. Hindi pala—isang walking disaster na CEO pa! Goals: Get pregnant and a husband at the age of 20. Problem: The husband might kill someone before breakfast. Good luck, Aldrich. You just married a lollipop-loving menace! *** At twenty, genius na si Nadine Pontenilla. Pharmacist, hacker, secret force reserve, business tycoon, at certified lollipop addict. Ang kulang na lang sa checklist niya? Asawa at anak. Simple, right? Pero dahil sa isang lumang pangako, napunta siya sa kamay ni Aldrich Saavedra—ang masked CEO na kinatatakutan ng buong mundo, may anger issues, at may reputasyong sapat para magretiro ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Unfortunately for him, hindi takot si Nadine sa halimaw na CEO. In fact, baka mas matakot pa ito sa lollipop niyang may lasang strawberry! Habang pilit na pinananatili ni Aldrich ang kanyang intimidating image, si Nadine naman ay abala sa pag-iisip kung paano makakakuha ng asawa at baby sa lalong madaling panahon. Pero paano kung ang lalaking ipinagkasundo sa kanya ang siya ring magpapagulo sa buhay niya? At paano kung ang pamilyang gusto niyang makilala ay puno pala ng mga sinungaling, inggiterang ampon, at mga lihim na kayang magpasabog ng buong angkan?

View More

Chapter 1

Chapter 1- The Madrigal Family

Nadine

“Nandito na tayo.”

Tumaas ang kilay ko ng marinig ang tinig ni Alfon, ang nagpakilalang mayordomo ng pamilya Madrigal na siyang sumundo sa akin. Halata sa tono niyang hindi niya ako gusto.

Sa totoo lang kanina pa ako nanggigigil sa kanya. Mukha na nga siyang sinuksok sa bayong dahil bukod sa maliit lang siya, wala pa siyang leeg, eh ang asim pa ng mukha niya. 

“Hindi mo bubuksan ang pintuan?”

Natigilan siya sa tanong ko at nakita ko kung paanong halos umusok ang ilong niya sa pagtitimpi ng galit.

Bumaba siya ng sasakyan at saglit lang, bumukas na ang pintuan sa tabi ko.

Paglabas ko ay tinignan ko siya bilang warning. Napayuko lang siya pero alam ko na sa loob niya nanunuot ang disgusto para sa akin.

Naglakad ako papunta sa malaking pintuan ng mansyon habang nakasunod siya sa akin.

Papalapit ako at dinig ko ang malakas na tawanan na nagmumula sa loob. 

Naningkit ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang mapangisi. I have a feeling na mag-iiba ang atmosphere sa loob kapag nakita nila ako. 

“Sir, Ma'am, nandito na po si Miss Nadine.”

Hindi nga ako nagkamali, matapos magsalita ni Alfon ay bumaling ang lahat sa akin matapos nilang tumahimik. 

Apat na pares ng mga mata ang ngayon ay nakatunghay sa akin.

Naghintay ako na may magsalita sa kanila. Sanggol pa lang ako ng mawalay sa kanila kaya wala akong masyadong expectation. 

Ngunit ang sabi nila ay ang isang ina ang siyang higit na makakadama ng bond sa kanilang anak. Kaya naman, kahit papaano ay umasa akong unang magre-react ang ginang na nakatunghay sa akin ngayon.

Ngunit biglang nawala ang napakaliit na pag-asang iyon ng makita ko ang mapanuring tingin na pinukol niya sa akin.

I was wearing a faded jeans and hanging blouse paired with a rubber shoes na maduming tignan dahil galing ako sa taniman ko ng mga halamang gamot bago nagbiyahe papunta dito.

“You didn't even bother wearing something nice,” sabi ni Minerva Madrigal.

“Mom, what do you expect? Alam nyo naman na sa bundok siya nanggaling,” sabi ng isang lalaki na matanda sa akin ng ilang taon at nagngangalang Ryan. Ang adoptive son ng aking mga magulang.

“Mom, Kuya Ryan, kakarating lang ni Nadine. Siguradong pagod pa siya sa matagal din na biyahe. Bakit hindi muna natin siya hayaang magpahinga?” singit ng babaeng kasing edad ko na walang iba kundi si Lois Lane, ang adoptive daughter ng aking mga magulang.

Ang isa pang lalaki na tahimik lang na nakatingin sa akin pero puno ng panlilibak ay ang aking ama na si Christopher Miranda.

Yes, I know them.

Bago ito ay may nagpunta na sa akin at sinabing ako raw ang nawawalang anak ng mga Miranda.

Habang hinihintay ang resulta ng DNA test nila ay inimbestigahan ko rin ang kanilang pamilya. Kaya more or less ay may idea na ako sa kung anong klase silang tao.

Aaminin ko, I don't like them at all.

Pero the fact na tunay kong magulang ang dalawang matanda ay willing ako na mag-compromise kahit papaano.

Isa pa, kumpara sa dalawang ampon na ito ay di hamak na mas may karapatan ako sa lahat ng meron ang pamilya Miranda.

“You're so sweet, Lois Lane.” Ngiting ngiti ang aking ina na akala mo naman talaga ay napakalaking bagay ang sinabi ng ampon.

“Mom, that's what I should do. Bisita natin siya at–”

Hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin. 

“Sino ang bisita?” tanong ko. 

Natigilan si Lois Lane. Marahil ay hindi niya inaasahan na magtatanong ako ng ganon matapos kong putulin ang pagsasalita niya.

“As far as I know, I am the biological daughter of this family.” Nanlalaki ang mga mata ng dalawang ampon.

“Nadine! Kakadating mo pa lang ay gumagawa ka na ng gulo!” galit na sabi ng aking ama.

“May mali ba sa sinabi ko?” balik kong tanong. “Are you really my parents?”

“Mom, Dad, please calm down. Think about your health. Siguro ay hindi gusto ni Nadine na makita ako dito,” sabi ni Lois Lane habang nagsimula ng mamula ang kanyang mga mata. 

Wow, she's really an actress. Ang bilis niyang umiyak.

Pero duda ako. Bago siya nagsalita ay napansin ko na nasa kanyang hita ang kanyang kamay.

“Masakit ba?” tanong ko.

Napamaang siya, hindi na-gets ang ibig kong sabihin. 

“Pagkatapos mong kurutin ang hita mo para lang maiyak ka agad, masakit ba?”

Nanlaki ang kanyang mga mata.

“Taong bundok ka talaga!” galit na sabi ni Ryan na napatayo pa habang nakaturo sa akin.

“Please…” Tumaas ang kilay ko na may kasamang chin up. “Kaya kong unawain na kasinlaki lang ng munggo ang utak mo. Pero wag mong iharap sa akin ang pangit mong mukha. You're adopted, too, right? So give me some peace at itiklop mo ang sarili mo, mga four times. Ang sakit mo sa mata eh.”

Halos umusok na ang ilong niya sa galit.

“That's enough!” Halos dumagundong sa loob ng bahay ang boses ng aking ama.

Masamang tingin ang binigay niya sa akin, ganon din ang aking ina. 

Si Lois Lane naman ay bahagyang nag-smirk. 

Pero ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay bigla siyang nag-iwas ng tingin.

“Dad, she's outrageous. She doesn't even respect you and Mom,” sabi ni Ryan na halatang gusto niyang mapagalitan ako.

“Whatever.” Tumingin ako sa aking ama, bago sa aking ina tsaka nagpatuloy. “Where's my room, gusto ko ng magpahinga.”

Lahat ay napamaang sa sinabi ko. 

Marahil ay iniisip nila na galing ako sa bundok at inaasahan nila na madali lang akong mauto. 

But sorry na lang sa kanila.

Bumalik ako hindi dahil sa kanila kundi sa karapatan ko.

“Hindi ka magpapahinga hanggat hindi mo naiintindihan ang lugar mo sa bahay at pamilyang ito,” sabi ni Dad. 

Kumibot ang gilid ng aking mga mata dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita. 

Para bang isang estranghero at hindi anak ang kausap niya.

“Hinanap at pinabalik ka namin dito para sa isang pangako na dapat mong tuparin sa mga Saavedra. You're not here to parade yourself at ipagsigawan sa mundo na isa kang Madrigal. Know your place.”

“Wow! Are you really my father? Dumating ako dito ni hindi mo tinanong kung kamusta ako. Kahit ang basic courtesy na pagtanong ng naging biyahe ko ay wala. Tapos ay ganyan ka magsalita sa akin?”

Napahawak sa kanyang dibdib ang aking ina.

Gulat siya eh. 

Malay ba nila na ganito pa lang klase ng anak ang meron sila.

“I'm not a pushover or an idiot. Alam ko ang karapatan ko. And I'm telling you this as well.” Saglit akong tumigil at tinignan sila isa-isa hanggang sa tumigil ang mga mata ko kay Lois Lane. “I came here to get what was rightfully mine. And I don't intend to share what is mine.”

Natahimik ang buong kabahayan. Wala kahit isa sa kanila ang nakaimik.

“Wahahaha!” malakas kong tawa pagkalipas ng ilang saglit. “Joke! Joke! Joke! Kayo naman hindi na mabiro.”

Naikuyom ni Lois Lane at Ryan ang kanilang mga kamay habang ang mga magulang ko ay hindi ko alam kung paano i-describe ang reaksyon.

Humarap ako kay Alfon. 

“Saan ang kwarto ko?” nakangiti kong tanong sa kanya. 

Napapitlag ito na tila nagulat sa bigla kong pagbaling sa kanya.

Tumingin siya sa aking ama, halatang naghihintay ng utos nito.

“This way, Miss Nadine.” Halos mautal pa siya sa pagsasalita habang iniumang ang kamay papunta sa hagdanan. 

“Thank you,” tugon ko.

Bumaling ako sa aking mga magulang at kina Ryan at Lois Lane tsaka nagpaalam. 

“Maiwan ko muna kayo.”

Sumunod ako kay Alfon.

Ngunit ang inakala kong paakyat ay isang malaking pagkakamali.

“Dadalhin mo ako sa basement?” Matalim ang tingin ang binigay ko sa kanya.

Halatang natakot siya pero mukhang malakas ang loob niya dahil alam niyang ayaw sa akin ng aking mga magulang.

“Pasensya na, Miss Nadine. Pero wala ng bakanteng silid sa second at third floor.”

Mukhang sinusukat ng pamilyang ito ang pasensya ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status