Share

Chapter 3

Penulis: Dragon88@
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-17 17:34:49

“Gamit ang fast roping rope ay mala spiderman na tumalon kami ng aking mga kasamahan mula sa helicopter papunta sa tuktok ng isang gusali na may eighty-five floor ang taas. Umangat sa ere ang dalawang daliri ni Scorpion isang senyales na simulan na ang aming misyon. Mahigpit akong humawak sa lubid na nakatali sa aking katawan at nagsimula na akong sumipa palayo sa pader kaya lumutang ako sa ere pababa. Makailang ulit ko itong ginawa hanggang sa narating ko ang ika pitumpu’t limang palapag ng building.

Walang kamalay-malay ang mga tao na may nagaganap na isang laban ngayong gabi. Payapa man ang paligid ngunit ang bawat segundo na lumilipas ay lubhang mapanganib. Nakasalalay ang buhay ng bawat isa sa amin sa misyong ito. Nakatakda ang paghuli sa matinik na drug lord na ngayon ay kasalukuyang naka check-in sa mamahaling hotel na ito. Ang ilan sa mga kasamahan ko ay naka-assign sa ground floor. Ang target ay nasa ika pitumpu’t limang palapag.

Ganito ang buhay ko, pagkatapos ng misyon ko bilang sundalo ay on duty naman ako bilang isang agent. More misyon, more excitement.

“Six men at the entrance.” Si Taurus na naka assigned sa ground floor.

“Be alert, ten men have arrived and they are currently heading to the floor where the target is.” Si Pisces na kasalukuyang miyembro mula sa grupo ng kalaban. Walang nakakaalam na ito ang espiya sa kanilang grupo.

Maingat na umatras ang aking mga paa pakaliwa bago mabilis na tumakbo saka lumundag ng mahaba patungo sa kabilang side ng glass wall upang hindi ako mapansin ng mga kalaban. Madilim ang buong paligid ngayon dahil kasalukuyang natatakpan ng makapal na ulap ang buwan. Sa tingin ko ay parang nagbabadya na bumuhos ang malakas na ulan.

Halos walang ingay na nakarating ako sa kabilang side, mabilis na kinuha ang aking baril na may silencer at itinutok ko ito sa pader ngunit biglang naagaw ang atensyon ko ng isang babae at lalaki na kapwa mga n*******d.

“Kapag sinuswerte ka nga naman oh, first time kong makapanood ng bold, live pa!” Nakangiti kong sabi, sa katangahan ko ay naisatinig ko na pala. “Uunahin mo pa ba ang porn na ‘yan Aries kaysa sa buhay ko?” Hindi makapaniwala na sabi ni Pisces sa mahinang tinig. Nagtawanan ang mga kasamahan ko dahil sa sinabi ni Pisces.

“Anong magagawa ko kung natapat sa akin ang live show na ‘to?” Inosente kong sagot habang kinakamot ang aking ulo gamit ang dulo ng baril ko. “Focus.” Matigas na paalala sa amin ni Clinton, siya ang namumuno at namamahala sa aming grupo ikanga siya ang Ama ng lahat. Pilit kong magkoncentrate sa misyon ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi lumingon sa magka-pareha na nasa loob ng kwarto. Dahil walang habas na inaangkin ng lalaki ang kawawang nobya nito o marahil ay asawa na nasa ilalim ng kanyang katawan. Ilang sandali ay kita ko na parang mga sawa kung maglingkisan ang mga ito na tila narating ang kaluwalhatian.

Dahil sa nasaksihan ay hindi na ako mapakali sa aking posisyon. Maya-maya ay nakita ko na umalis ang lalaki sa ibabaw ng babae at hubo’t-hubad itong naglakad patungo sa isang lamesa. Habang ang babae ay nanatiling nakahiga sa kama. Para akong tinuklaw ng ahas ng makita ko ang kanilang mga mukha.

Pakiramdam ko ng mga oras na ito ay biglang lumaki ang ulo ko at kumalat ang matinding kilabot sa buong katawan ko. Dahil ang kaninang naglilingkisan ay ang dalawang tao na mahalaga sa buhay ko. “Mga ahas…” nanggigigil kong sabi kaya nagtaka ang mga kasamahan ko mula sa kabilang linya. Bumalong ang mga luha ko at pakiramdam ko ay nahihirapan na akong huminga dahil tila tumigil yata sa pagtibôk ang puso ko.

Hindi ako makapaniwala kung paanong nagawa akong lokohin ng boyfriend ko at ipagpalit sa best friend kong si Wilma. Parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko at kulang na lang ay patayin ako ng matinding sakit na nararamdaman ko. Nasaksihan ko kung paanong niyakap mula sa likuran ni Wilma ang boyfriend ko bago masuyong hinalikan ni Johnny sa bibig ang babaeng ahas. Humigpit ang kapit ko sa baril at halos nanginginig na ang katawan ko. “Aries! S**t!” Bigla akong natauhan ng marinig ko ang galit na sigaw ni Pisces saka ko lang naalala na nasa misyon nga pala ako.

Nakaramdam ako ng hapdi sa aking balikat at ng hawakan ko ang bahaging iyon ay saka ko lang napagtanto na may tama pala ako ng baril sa balikat. Hindi ko na maramdaman ang hapdi ng sugat ko dahil higit na mas masakit ang wasak kong puso. Ibinunton ko ang lahat ng galit ko sa mga kalaban kaya walang pakundangan na binaril ko ang mga ito. Ilang sandali pa ay natigilan ako ng magtama ang mga mata namin ni Johnny na ngayon ay nakatitig na sa akin mula sa labas ng glass wall.

Isang nakamamatay na tingin ang binigay ko sa kanya, tanging mga mata lang ang nakikita niya sa akin dahil ang mukha ko ay natatakpan ng itim na facemask. Ngunit base na rin sa expression ng mukha nito ay mukhang nakilala niya ako dahil halata ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hanggang sa nabitawan niya ang hawak na baso at bumagsak ito sa sahig saka nabasag. Inangat ko ang aking kamay at tinutok ang baril sa noo nito, nang mga sandaling iyon ay nanginginig ang aking kamay.

Gusto kong patayin ang mga ito ngayon mismo ngunit hindi ko maigalaw ang aking daliri na nasa gatilyo ng baril. “Aries! Aries! Come on Sweetheart wake up.” Nag-aalala na tawag sa akin ni Clinton kaya bigla akong natauhan. Bumwelo ako ng tatlong hakbang bago mabilis na lumipat sa kabilang side habang isa-isang binabaril ang mga kalaban na nasa loob ng silid. Walang habas na binaril ko ang mga kalaban habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Ang sakit, hindi ko kaya ang sakit…

Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin at hindi na ako umaalis sa aking pwesto kaya nakatutok sa direksyon ko ang baril ng mga kalaban. Walang takot ko silang hinarap ngunit bigla na lang may kumabig sa aking katawan. Mahigpit akong yakap ni Scorpion habang kasama ako nitong umaangat paitaas.

“Shit! What happened?” Nag-aalala na tanong ni Clinton bago ako nito niyakap ng mahigpit. “S**t! May tama ka!” Galit niyang sabi bago nito hinagilap ang medical kit. Natigil ito sa pagkilos ng mahigpit akong yumakap sa kanya bago ibinaon ang aking mukha sa malapad niyang dibdib. Tila naunawaan naman niya kung ano ang nangyayari sa akin kaya niyakap niya ako bago hinagod ang aking likod.

Nang magsimula akong humagulgol ay sumabay ang pagpatak ng ulan hanggang sa tuluyan itong lumakas. Wari moy nakikiramay ang ulan sa pagdadalamhati ng puso ko.

“Sshhh… it’s okay, everything will be fine.” Masuyong bulong ni Clinton sa tapat ng aking tainga. Wala itong pakialam kahit nabasa na siya ng ulan. Habang ako ay tumatangis sa dibdib ni Clinton ay patuloy sa pakikipaglaban ang aking mga kasamahan. Hindi na ako pinahintulutan pa nila na lumaban, marahil ay nakikita nila na parang gusto ko ng mamatay.

Makalipas ang ilang minuto ay medyo kumalma na ako ngunit nanatili lang akong tahimik. Nakarating na kami ‘t lahat sa headquarters ay wala pa rin akong imik habang nakatulala sa kawalan. Ni hindi ko na naramdaman pa ang sakit ng aking sugat habang nililinis ito. Pakiramdam ko ay nag manhid na yata ang buong pagkatao ko.

“Bakit?” Ito ang katanungan na umuukilkil sa isip ko, maraming bakit na hindi ko alam ang sagot. Isa akong babae na hinahangaan ng lahat. Marami ang nagnanais na maging ako, maraming nangangarap na makuha ang atensyon ko. Ngunit, bakit? Bakit nagawa akong lokohin ng dalawang tao na labis kong pinagkatiwalaan? Bakit ako pinagpalit ni Johnny sa isang ordinaryong babae? Kapalit-palit ba talaga ako? Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula dahil pakiramdam ko ay hindi lang ang puso ko ang nawasâk kundi maging ang pagkatao ko.

Tumayo na ako bago tinungo ang pintuan, “I need vacation leave.” Ani ko sa seryosong tinig kay Clinton habang diretsong naglalakad ng hindi lumilingon sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at tuluyan ko ng nilisan ang aming headquarters.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Blurb- The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

    “My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili ni

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Special chapter [The CEO’s Sudden Child: Book 6 of Hiltons family]

    Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Pero, hindi ko na ito pinansin pa basta nag-concentrate lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang puting roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nito na maisuot ang roba sa katawan ko. “Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong assistant ko. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihint

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Final chapter

    “I-I can’t believe this, I’m a father now?” Nanlalaki ang mga mata habang nakapako ang mga mata nito sa aking tiyan. Nagulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa labi at mas mahigpit pa sa nauna ang yakap na ginagawa niya sa akin ngayon. Umiiyak na gumanti ako ng yakap habang paulit-ulit na sinasabi ang katagang, “I’m sorry…” “Sssshh… it’s okay, I understand, kasalanan ko naman talaga ang lahat.” Ani nito habang patuloy na pinapatakān ng pinong halik ang buong mukha ko. Maya-maya ay lumuhod siya sa harapan ko at masuyong h******n ang aking tiyan. “Dad! Look, I’m a father now! May anak na ako.” Buong pagmamayabang na pahayag ni Xavien na parang akala moy bata na binigyan ng isang malaking regalo. Natawa ang mga tao sa aming paligid habang ang ina ni Xavien ay umiiyak dahil sa labis na kasiyahan para sa kanyang anak. “It’s triplets.” Pag-aanunsyo ko na siyang ikinasinghap ng lahat at tulad ni Xavien ay umawang din ang bibig ng mga tao sa aming paligid. “Oh my God! Thank you so mu

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 172

    Mula sa isang malawak na hardin ng hotel ay tahimik na nagaganap ang isang kasalan. Tanging mahahalagang mga panauhin at miyembro ng pamilya nang mga ikakasal ang umattend para sa engrandeng kasalan na ‘to. “Habang isinasagawa ang seremonya ng kasal ay tahimik sa kabilang bahagi ang magkakapatid na Hilton. Ang atensyon ng lahat ay nasa unahan kaya walang nakapansin sa pagdating ko. “Ikaw Cristina, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa”- “Itigil ang kasal!” Matigas kong sigaw habang matalim na nakatitig sa mga taong ikinakasal. Parang iisang tao na lumingon ang lahat sa direksyon ko. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita ako, bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang mga mukha. Kahit hirap na hirap ako dahil sa laki ng aking tiyan ay pinilit ko pa ring makalakad ng maayos upang makalapit sa unahan. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa groom na ngayon ay nakaawang ang bibig nito habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha ko at sa malaki kong tiyan.

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 171

    Miles Point of view “Lumitaw ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng masilayan ko ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Ang paglubog ng araw, nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa isang malaking tipak ng bato habang nag-aabang sa paglubog ng haring araw. Ramdam ko ang bawat halik ng alon sa aking mga paa at ibayong ginhawa ang hatid nito sa aking pakiramdam. Kasamang inililipad palayo ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay kaya kay gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa tabing dagat. Sinundan ng aking tingin ang mataas na paglipad ng mga ibon. Minsan, iniisip ko na sana ay ibon na lang ako, malayang nakakalipad kahit saan nila naisin ng walang iniisip na anumang problema. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay ito na ang nakagawian ko, ang tumambay sa dalampasigan at mag-abang kung kailan lulubog ang haring araw. Sa tuwing ginagawa ko kasi ito ay na-nanariwa ang mga alaala nung mga panahon na kasama

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 170

    “Oh, my god, Xavien!” “Shit! Stop it, Xavien!” Halos sabay na sigaw ni Mrs. Lexie Hilton at ng asawa nitong si Cedric Hilton. Maging ang kapatid niya na si Andrade ay labis na nagulat sa eksena na kanilang nadatnan sa loob ng opisina ni Xavien. Mabilis na lumapit ang tatlo. Mula sa likuran ay mahigpit na niyakap ni Andrade si Xavien saka pwersahan na hinila ito palayo. Habang ang ama nilang Cedric ay mahigpit na kinapitan ang braso ng anak at pilit na tinanggal ang kamay nito sa leeg ng babae. Nahirapan pa sila bago tuluyang nailayo si Xavien mula sa babae, nanghihina na bumagsak ang babae sa sahig habang naghahabol-hininga. Masuyo namang hinagod ng kanilang ina ang likod ng babae at matinding takot ang makikita sa mukha ni Mrs. Hilton dahil sa labis na pag-aalala. “What’s wrong with you!?” Nakapamewang na bulyaw ni Cedric sa kanyang anak na tila wala sa katinuan. Nasasaktan siya sa itsura ng kanyang anak dahil napakalayo na nito sa dating makulit at masayahing si Xavien. “Let

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 169

    “Ahhhh! “Crash!” Halos maglupasay ako sa sahig habang humahagulgol ng iyak. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nagwawala dito sa loob ng condo ko. Wala ng natira ni isang matinong gamit, lahat wasak! Kung gaano kagulo at kadilim ang aking condo ay ganun din ang buhay ko! For me, my life is useless! Everything that I have is nothing, because Miles is my everything to me. “Ahhhh! Ahhhh…” halos mamaos na ako dahil sa walang humpay na kakasigaw, na kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko. Gusto kong isigaw ang sakit. I don’t care kahit nag mukha na akong bakla sa harap ng pamilya ko! I don’t even care kahit mawalan na ako ng dignidad dahil sa pagkaka-lugmok mula sa matinding sakit. B-because I love her! I love her so much… Six months have passed since Miles suddenly disappeared. Walang sinuman ang nakakaalam sa kinaroroonan nito even her family. Nagising na lang sila kinaumagahan na wala na si Miles sa sarili nitong silid, maging ang mga importanteng gamit ng dalaga.

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 168

    “Paglabas ko sa elevator ay tumambad sa akin ang isang magulong eksena. Ang secretary ni Xavien habang nakikiusap sa dalawang babae na tumigil na sa pag-aaway. Sinisikap na paalisin ng secretary ang dalawang babae ngunit nahirapan siyang gawin ito dahil nag-aaway na ang mga ito. “What happened here?” Seryoso kong tanong kaya napunta sa akin ang atensyon ng nilang lahat. Napansin ko na natigilan ang secretary ni Xavien, ang ekspresyon ng mukha nito ay wari moy nakakita ng multo. “M-Ma’am?” Ani nito na hindi ko pinapansin dahil ang mga mata ko ay nakapako sa dalawang babae na natigil sa pagpapalitan ng maaanghang na salita. Maganda naman ang mga ito kaso sa kapal ng make up nila, para sa akin nagmukha tuloy silang payaso. Halos makita na rin ang kanilang mga singit dahil sa masyadong liberated nilang pananamit. Sabay pa na lumingon sa akin ang dalawang babae, ngunit sa talim ng tingin ng mga ito ay kulang na lang bumulagta ako sa sahig. “Huh? Don’t tell me, isa ka rin sa mga na

  • I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]   Chapter 167

    Xavien Point of view “Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na sumiksik sa akin ang mainit na katawan ni Miles. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang maganda at maamong mukha ng aking nobya. Isa ito sa mga gusto kong maranasan tuwing gigising sa umaga. Buong pagsuyo na niyakap ko siya ng mahigpit habang mariin na nakalapat ang aking mga labi sa ulo nito. “I love you...” ito ang paulit-ulit na sinisigaw ng puso ko. Habang nilalasap ang sarap sa pakiramdam ng pagkakalapat ng aming mga hubad na katawan. “Xav, I think tanghali na, marami ka pang appointment ngayong araw na ito at hindi mo pwedeng ikansela ang mga ‘yun.” Ani nito sa inaantok na boses. She’s right at kahit labag sa kalooban ko napilitan na rin akong bumangon. Nagtaka ako ng hindi siya kumilos at nanatili lang ito sa kanyang posisyon. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala kong tanong, bago sinalat ang noo nito. Nakahinga ako ng maluwag ng

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status