Could there be anything more painful than witnessing how your best friend and your boyfriend pleasure in each other's company? That's exactly what Summer Hilton experienced when, from a mission, she accidentally found herself against the glass wall of the unit occupied by her unfaithful boyfriend and her bestfriend Wilma. Summer was born with a golden spoon in her mouth and she is princess of the Hilton’s family. Admired and envied by everyone for possessing all the good qualities, including excessive self-confidence, but in a moment, all of that vanished due to the betrayal of two precious people in her life. Hans Zimmer, a successful Hollywood actor, became entangled in a complex situation. Admired by Summer, she took a bold step to get to know him and surprised everyone with a marriage contract. Three months later, as Hans prepared to marry Scarlett, he discovered he was already married into another woman, leading to Scarlett's decision to separate. Hanz searched for his wife named Summer but was dismayed to find in front of him the plus size fan he encountered before. “Love me in three months, and I will give you back your freedom." This was the condition set by his wife, who treated him colder than ice. What if Summer completely falls for her idol, who is now her husband? Will she still be able to give up the freedom he's asking for? Or will she let her heart suffer once again for the second time?"
Lihat lebih banyak“Mula sa ilalim ng mataas na sikat ng araw ay naglalakad ako pababa ng bundok. Pasân ko sa aking likod ang mabigat at may kalakihan na brown bag. Hindi alintana ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa aking balat kaya namumula na ito ng husto. Kabababâ ko palang galing bundok kasama ang mga kasamahan ko mula sa isang matagumpay na misyon. Halos ang lahat ng atensyon ay nasa akin dahil kahit haggard ang aking mukha ay nangingibabaw pa rin ang natural kong ganda na hindi mo makikita kahit na kanino babae.
Ang pagiging mestisa ko ay bumagay sa magandang hubog ng aking katawan. Sa taas kong five feet and nine inches ay nagmukha akong modelo. Yes, pang modelo ang datingan ng aking awra and take note walang nakakaalam na isa akong Prinsesa sa aming pamilya. Why? Because I’m the one and only daughter of the wealthiest person in the whole world, Mr. Cedric Hilton. And aside from that I have nine brothers and all of them are billionaires. Bukod tanging ako lang ang naiba ng landas sa aming pamilya.By the way, I’m Lieutenant. Summer Hilton, a soldier from Armed forces of Montenegro. Mas pinili ko ang maglingkod sa sarili kong bansa kaysa ang humawak sa mga kumpanya na pag-aari ng aming pamilya. Actually I don’t need a job because my money was working for me. Simula ng pumasok ako sa military field ay naging secreto na rin ang buhay ko sa publiko. Ito ang buhay ko at dito ako masaya. May isa pang bahagi ng pagkatao ko ang hindi alam ng lahat maging ng aking pamilya at iyon ay ang pagtatrabaho ko sa isang private agency bilang isang secret agent.“I am not working a risky job because of money, it’s because I’m happy with what I am now. Hindi ko naman kailangan na mabahala para sa sarili kong kumpanya dahil ipinagkatiwala ko na ito sa matalino kong kapatid, kay kuya Zac.“Congratulations, Hilton, iba ka talaga.” Nakangiting bati sa akin ni Captain. Vorjoc bago inilahad ang palad nito sa aking harapan. Nakangiti ko naman itong tinanggap, “Of course kailan pa ba pumalpak ang grupo ko?” Mayabang kong sagot bago ko siya kinindatan. Nangibabaw ang halakhak nito sa buong paligid halatang tuwang-tuwa sa kayabangan ko. Alam naman ng lahat ang totoong pagkatao ko pero ako na mismo ang humiling sa kanila na itrato ako na tulad ng isang ordinaryong tao. Makailang beses ko na bang tinanggihan ang mataas na ranggo? Hindi na nga mabilang sa kamay, dahil ayoko ng special treatmentPagkatapos mag report ay tinungo ko na ang kinapa-paradahan ng aking jeep wrangler, basta ko na lang hinagis ang aking bag sa kabilang side ng front seat bago umupo sa driver seat ng hindi tinatanggal ang malaking shade’s sa aking mata. Walang sinumang civilian ang nakakakilala sa akin kaya malaya akong nakakakilos ng walang media na nagbabantay sa bawat kilos ko.“Pagdating sa aking condo ay kaagad akong nagbabad sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig habang humahalimuyak ang mabangong aroma ng rosas sa kabuuan ng banyo. Inabot ko ang wine glass na may laman na mamahaling red wine, sinimsim ko muna ito bago ko ininom. Ito ang kadalasan kong ginagawa pagkatapos ng aking misyon, ang mag-relax.Maya-maya ay narinig ko na tumunog ang telepono mula sa salas kaya pinindot ko ang maliit na remote sa bandang ulunan ko para sagutin ito.“When do you plan to show me? According to the brigadier general, you are on leave for three months. Come on, Princess, hindi pwedeng habambuhay na lang ako ang maghahandle ng company mo. Look, I have family na kailangan din ng oras ko.” Mahabang sabi ni kuya Zac mula sa kabilang linya, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumagot.“Don’t worry, maybe next week I will handle the company personally.” Nakangiti kong sagot, masaya ako para kay kuya Zac dahil natagpuan na niya ang tamang babae para sa kanya. Mabait si Ate Vernice at nakikita ko na talagang masaya si kuya Zac sa bago niyang buhay ngayon.“Why don’t you stop at your job, Princess? Hindi mo kailangan na ilagay sa panganib ang sarili mo ng dahil lang d’yan sa trabaho na ‘yan.” Panenermon sa akin ni kuya Zac kaya lalong lumapad ang ngiti ko dahil batid ko na siya ang natatakot para sa akin. Sa aming magkakapatid ay si kuya Zac ang may pinaka malambot na puso lalo na pagdating sa amin na mga kapatid n’ya.“Kuya, You know naman why I choose this profession, my life is boring without my job, army is my happiness.” Malambing kong sagot kaya narinig ko ang mabigat na buntong hininga na pinakawalan nito.“You are really stubborn, by the way, when you’re going back here in the Philippines?” Pag-iiba niya sa usapan.“Soon kuya, when I have done all my obligations here in Montenegro.” Malumanay kong sagot.“Dad, why so tagal naman, I’m running late na kaya.” Napangiti ako ng marinig ko ang maarteng boses ng pamangkin kong si Zevi.“You see, I'm still talking to aunt Summer.” Seryosong sagot ni kuya Zac ngunit hindi man lang na takot sa kanyang ama si Zevi.“Ten minutes, Daddy, ten minutes…” matigas na sagot ng munting si Zevi kaya tuluyan na akong humalakhak dahil para itong matanda kung magsalita kahit na four years old pa lang ito.“Narinig mo ‘yun? Manang-mana talaga sa ina.” Sumusukong sabi ni kuya Zac kaya walang tigil ako sa katatawa. “I’m gonna go now, Princess, ihahatid ko pa sa school ang mga pamangkin mo, hindi papasok sa school ang mga batang iyon kapag hindi ako ang naghatid sa kanila.” Dugtong pa ni kuya Zac.“Okay, kuya, thank you so much, bye, take care.” Ani ko hanggang sa naputol na ang tawag. Pagkababâ ko ng telepono ay nagdesisyon na akong magshower upang umidlip muna dahil kailangan ko pang-pumunta sa kumpanya ng boyfriend ko. Siguradong matutuwa siya sa oras na makita ako dahil hindi niya alam na off duty ako ngayon. Pagkatapos tuyuin ang aking katawan maging ang buhok ko ay kaagad akong nahiga sa malambot na kama. Mabilis akong iginupo ng antok dahil sa matinding pagod mula sa pakikipag-bakbakan sa mga rebelde sa bundok.Five thirty ng hapon ng magising ako. Tinatamad na bumangon ako mula sa higaan upang ayusin ang aking sarili. In fifteen minutes ay natapos ko kaagad ang pag-aayos sa aking sarili. Sa suot kong mini dress na umabot hanggang kalahati ng hita ko ay walang mag-aakala na isa akong sundalo. Isang ikot lang ang ginawa ko sa salamin bago dinampot ang aking shoulder bag na nagkakahalaga ng kalahating million.Malaki ang tiwala ko sa aking sarili dahil ipinanganak akong maganda kaya kahit hindi na ako mag-ayos ay batid ko na maganda pa rin ako sa paningin ng lahat. Banayad ang bawat kilos ko habang naglalakad patungo sa naka saradong pintuan. Tulad ng inaasahan ko pagdating sa lobby ang lahat ng atensyon ay nasa akin ngunit diretso lang akong naglalakad na parang akala moy sundalo. Hindi naman nila nakikita ang buong mukha ko dahil sa malaking shades na nasa aking mga mata.Mahinhin na binuksan ko ang pintuan ng aking kotse bago sumakay, kung gaano kahinhin ang kilos ko ay siya namang kagaslaw ng takbo nang aking sasakyan. Dahil wari mo ay nasa isang karera ako kung mag drive.Halos minuto lang ang tinakbo ng aking sasakyan at mabilis na nakarating sa kumpanya na pag-aari ng aking boyfriend.Pagdating ko sa lobby ay pawang mga nakangiti sa akin ang lahat ng empleyado habang binabati ako ng mga ito. Kilalang-kilala na nila akong nobya ng kanilang boss ngunit hanggang dun lang ang alam nila. Walang nakakaalam na anak ako ni Cedric Hilton.“Hello, Ms. Summer.” Malambing na bati sa akin ni Janela ang secretary ng boyfriend ko, isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago tinanggal ang suot kong salamin sa mata.“Si Johnny?” Nakangiti kong tanong.“Nasa loob po, pumasok na lang po kayo sa loob.” Magalang niyang sagot. Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang seradura. Nakita ko na nag-angat ng kanyang tingin si Johnny at napako ang mga mata nito sa aking mukha. Biglang nagliwanag ang kaninang seryoso nitong mukha ng makita ako at kaagad siyang tumayo upang lumapit sa akin.Siya si Johnny Zimmer ang may-ari ng Auto parts corporation. Matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Mabait ang boyfriend kong ito at malambing, very professional din, kahit pa sabihin na walang sinabi ang kumpanya nito sa mga kumpanya na pag-aari ng pamilya ko ay nasaksihan ko kung paano siyang nagsikap upang maiahon ito sa kamuntikan ng pagkalugi.“Babe!” Masigla niyang bigkas bago ako nito sinugod ng yakap na halos hindi na ako makahinga. Isang mapusok na halik ang kaagad na iginawad niya sa aking mga labi. “I miss you so much…” madamdamin niyang wika ng saglit na putulin nito ang halik. “ I miss you too, Babe.” Malambing kong sagot habang nakayakap sa kanyang bawang.“Bakit hindi mo ako inabisuhan na ngayon ka pala darating? Napaghanda ko sana ang pagdating mo.” Malambing niyang sabi habang gumagapang na ang mga labi nito pababa sa aking leeg kaya naipikit ko ang aking mga mata dahil sa ibayong kiliti na naramdaman ko. Naramdaman ko na mabilis na gumapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan hanggang sa huminto na ito sa tapat ng dibdib ko.“P-Paano pang matatawag na surpresa ‘yun kung ipapaalam ko sayo.” Halos padaíng kong bigkas habang nakapikit at bahagyang nakatingala. Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa aking katawan marahil ay upang maramdaman ko kung gaano siyang nasabik sa akin. Ilang sandali pa ay binuhat niya ako at iniupo sa ibabaw ng kanyang lamesa. Mabilis din niyang na-i-lilis ang laylayan ng aking damit kaya tumambad sa kanyang paningin ang maputi kong singit.“You’re so lovely, Sweetheart, I love you…” malambing niyang bulong sa tapat ng aking tainga habang ang mga kamay nito ay patuloy na gumagapang sa aking katawan.“"Princess, can you promise to Daddy that you won't give everything to your boyfriend until you're married yet?" Umalingawngaw mula sa aking isipan ang tinig ni daddy maging ang mahigpit niyang bilin sa akin. Dahil dun ay bigla akong natauhan at kaagad na pinigilan si Johnny.“B-babe…” ani ko bago pinigilan ang kamay nito na nasa loob na ng aking damit. Isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya, batid ko na labag ito sa kanyang kalooban ngunit aware naman siya sa kung ano ang nais kong mangyari. Sa loob ng tatlong taon na pagiging mag boyfriend namin ni Johnny ay wala pang nangyayari sa aming dalawa. Aaminin ko na sa edad twenty five ay daddy’s girl pa rin ako. My father’s words are the most important for me because he is the first and the most precious man in my heart. And Johnny was aware about that.But sometimes this is the reason why we always quarrel, he always insists that he is my fiancee at sinasabi niya na he has a right to claim what is his. There is two months left before we get married and I know that he can wait for it."Until now you still don't trust me?” Malungkot na tanong sa akin ni Johnny, bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin at bumalik ito sa kanyang lamesa.“Do I really need to answer that, Johnny? You know what my reason is, right? Don’t tell me mag-aaway na naman tayo ng dahil d’yan?” Naiinis kong sabi habang inaayos ang nagusot kong damit. Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan bago inilahad ang kanyang mga braso sa ere.“Come my heart,” malumanay niyang sabi ngunit may halong lambing. Nangha-haba ang aking nguso na lumapit sa kanya."I'm sorry if I offended you; you can't blame me because my heart is so beautiful that it's challenging to resist." Nakangiti na niyang sabi kaya isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko at naglalambing na niyakap ko siya.”“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili ni
Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Pero, hindi ko na ito pinansin pa basta nag-concentrate lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang puting roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nito na maisuot ang roba sa katawan ko. “Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong assistant ko. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihint
“I-I can’t believe this, I’m a father now?” Nanlalaki ang mga mata habang nakapako ang mga mata nito sa aking tiyan. Nagulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa labi at mas mahigpit pa sa nauna ang yakap na ginagawa niya sa akin ngayon. Umiiyak na gumanti ako ng yakap habang paulit-ulit na sinasabi ang katagang, “I’m sorry…” “Sssshh… it’s okay, I understand, kasalanan ko naman talaga ang lahat.” Ani nito habang patuloy na pinapatakān ng pinong halik ang buong mukha ko. Maya-maya ay lumuhod siya sa harapan ko at masuyong h******n ang aking tiyan. “Dad! Look, I’m a father now! May anak na ako.” Buong pagmamayabang na pahayag ni Xavien na parang akala moy bata na binigyan ng isang malaking regalo. Natawa ang mga tao sa aming paligid habang ang ina ni Xavien ay umiiyak dahil sa labis na kasiyahan para sa kanyang anak. “It’s triplets.” Pag-aanunsyo ko na siyang ikinasinghap ng lahat at tulad ni Xavien ay umawang din ang bibig ng mga tao sa aming paligid. “Oh my God! Thank you so mu
Mula sa isang malawak na hardin ng hotel ay tahimik na nagaganap ang isang kasalan. Tanging mahahalagang mga panauhin at miyembro ng pamilya nang mga ikakasal ang umattend para sa engrandeng kasalan na ‘to. “Habang isinasagawa ang seremonya ng kasal ay tahimik sa kabilang bahagi ang magkakapatid na Hilton. Ang atensyon ng lahat ay nasa unahan kaya walang nakapansin sa pagdating ko. “Ikaw Cristina, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa”- “Itigil ang kasal!” Matigas kong sigaw habang matalim na nakatitig sa mga taong ikinakasal. Parang iisang tao na lumingon ang lahat sa direksyon ko. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita ako, bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang mga mukha. Kahit hirap na hirap ako dahil sa laki ng aking tiyan ay pinilit ko pa ring makalakad ng maayos upang makalapit sa unahan. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa groom na ngayon ay nakaawang ang bibig nito habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha ko at sa malaki kong tiyan.
Miles Point of view “Lumitaw ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng masilayan ko ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Ang paglubog ng araw, nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa isang malaking tipak ng bato habang nag-aabang sa paglubog ng haring araw. Ramdam ko ang bawat halik ng alon sa aking mga paa at ibayong ginhawa ang hatid nito sa aking pakiramdam. Kasamang inililipad palayo ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay kaya kay gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa tabing dagat. Sinundan ng aking tingin ang mataas na paglipad ng mga ibon. Minsan, iniisip ko na sana ay ibon na lang ako, malayang nakakalipad kahit saan nila naisin ng walang iniisip na anumang problema. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay ito na ang nakagawian ko, ang tumambay sa dalampasigan at mag-abang kung kailan lulubog ang haring araw. Sa tuwing ginagawa ko kasi ito ay na-nanariwa ang mga alaala nung mga panahon na kasama
“Oh, my god, Xavien!” “Shit! Stop it, Xavien!” Halos sabay na sigaw ni Mrs. Lexie Hilton at ng asawa nitong si Cedric Hilton. Maging ang kapatid niya na si Andrade ay labis na nagulat sa eksena na kanilang nadatnan sa loob ng opisina ni Xavien. Mabilis na lumapit ang tatlo. Mula sa likuran ay mahigpit na niyakap ni Andrade si Xavien saka pwersahan na hinila ito palayo. Habang ang ama nilang Cedric ay mahigpit na kinapitan ang braso ng anak at pilit na tinanggal ang kamay nito sa leeg ng babae. Nahirapan pa sila bago tuluyang nailayo si Xavien mula sa babae, nanghihina na bumagsak ang babae sa sahig habang naghahabol-hininga. Masuyo namang hinagod ng kanilang ina ang likod ng babae at matinding takot ang makikita sa mukha ni Mrs. Hilton dahil sa labis na pag-aalala. “What’s wrong with you!?” Nakapamewang na bulyaw ni Cedric sa kanyang anak na tila wala sa katinuan. Nasasaktan siya sa itsura ng kanyang anak dahil napakalayo na nito sa dating makulit at masayahing si Xavien. “Let
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen