Share

A little bit about you and me

Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.

Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.

Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.

Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.

Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.

Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.

Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status