Share

Envious

"Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito.

"Problema mo Cy?" tanong niya dito.

"Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito.

"Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.

Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito.

"Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.

Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.

Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.

Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.

Tiningnan niya kung ano iyong bagay na itinapon sa kanya, medyo nakaramdam siya ng inis nang makita ang mantsa sa kanyang uniporme at maamoy na bugok na itlog pala iyon.

Agad siyang nagtungo sa rest room para alisin ito, sakto naman nag-ring ang phone niya bago pa man siya makapasok sa loob. Tumatawag nanaman si Lucy.

"Hello!"

"Cel, nasaan ka na! I so need you right now!" sabi nito sa kabilang linya.

"Nandito na ako sa school, dadaan lang ako sa restroom, may bumato kasi sa akin ng bugok na itlog kainis," sumbong niya dito.

"What! Nakita mo kung sino gumawa, nasaan ka?" mula malungkot ay napalitan ng galit na tono ang boses ni Lucy.

"Hindi ko nakita, pero papunta ako sa C.R. malapit sa canteen," sagot niya dito.

"Iyong malapit sa Lab?" tanong nito.

"Oo."

"Sige, hintayin mo na lang ako diyan," saad ni Lucy bago putulin ang tawag.

Tumungo si Celina sa dulo ng C.R. sabay kumuha ng tissue sa isang malapit na cubicle.

Binasa niya ito ng kaunti, at gamit iyon ay pilit niyang alisin ang malagkit na likido sa kanyang uniporme. Dahil sa pagkaabala ay hindi niya napansin na may ilang babae na ang nakapalibot sa kanya.

"Look who's here!" sabi nang isa sa mga estudyante.

Doon lang natigil si Celina para tingnan ang mga ito mula sa salamin. Lima ang nakapalibot sa kanya, nakaramdam siya ng kaba dahil sa nanlilisik ang titig ng mga ito.

Sa pag-aakalang nakakaharang lang siya ay lumipat na siya ng ibang pwesto, pero bigla na lang hinatak ang kanyang braso ng isa sa mga babae at itinulak, kaya naman tumama siya sa dingding.

"Huwag mo akong tatalikudan!" sigaw ng tumulak sa kanya.

Tuluyan na siyang nabalot ng takot ng mga oras na iyon, batid niya ang galit ng mga ito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.

"Ano bang nakita niya sa iyo! Halata naman mas maganda ako sa iyo at mas mabango," pang aasar nito.

Nagtawanan bigla ang mga iba pang babaeng nakapalibot sa kanya. Imbes na sumagot ay mabilis na lang inayos ni Celina ang mga gamit upang makaalis na, pero mukhang hindi siya basta-basta hahayaan ng mga babae na lumabas dahil hinarangan siya ng mga ito bago makalabas ng pinto.

"Pakiusap, ayaw ko ng gulo," mahinahon niyang sagot sa lima.

"Kung ayaw mo ng gulo hindi ka sana lumalandi!" singhal naman ng isa pakaduro sa kanya.

Walang sabi-sabi ay bigla na lang siyang sinabunutan nito, ngunit hindi nagpadaig si Celina pinilit niyang lumaban at dahil sa medyo mas malakas siya ay nagawa niya itong maitulak.

"Ano bang problema niyo!?" sigaw na niya sa mga ito dahil sa magkahalong inis at takot.

"Ikaw na malandi ka, ikaw ang problema ko!" sigaw nito sa kanya sabay sugod ulit.

Hindi na hinayaan ni Celina na masabunutan siya nitong muli, pinilit niyang pigilan ang mga kamay ng babae, ngunit wala na din siya nagawa dahil pinag-tulungan na siya ng mga kasama nito.

Dalawang babae ang sumasabunot sa kanya habang hinahampas siya ng isa pa, iyong dalawa naman pilit siyang hinuhubaran.

"Malandi ka, mang aagaw," sigaw ng isa sa mga babae.

Pero pilit pa rin na lumaban si Celina sa abot ng makakaya, alam niya kasi na kung wala siyang gagawin ay lalo lang siyang makakawawa.

Sinubukan niya ring mahatak ang damit ng isang sumasabunot sa kanya habang iwinawasiwas niya naman ang isang kamay dahilan kaya nakalmot niya ang isa pa.

Lalo lang nilakasan ng mga ito ang paghatak sa kanyang buhok, sinubukan niya muling magpumiglas kaya nagawa niyang masipa ang isa sa mga ito na pilit hinahatak ang palda niya, pero dali-dali din itong tumayo at galit na galit na muling hinatak ang palda niya, kaya naman tuluyan na itong napunit.

Pinipigilan na ni Celina ang maluha, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan ngayon, kaya naman sumigaw na lang siya para makahingi ng tulong.

"Heeeyaaa!" isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong lugar.

Matapos noon ay bigla na lang tumalsik iyong babaeng humahatak sa palda ni Celina, lagapak ito sa sahig at napahawak sa likod dahil mukhang napuruhan iyon.

"Anong ginagawa niyo sa bestfriend ko!" galit na galit na sigaw ni Lucy mula sa likod.

Sumugod kaagad ang dalawang pang babae na bumubugbog kay Celina papunta dito. Mas nabalot siya ng takot na baka mabugbog din ang matalik na kaibigan,kaya napuno siya bigla ng lakas para magpumiglas sa pag kakahawak sa kanya ng natitira pang mga babae.

Nagawa niyang mapasubsob iyong isang nakahawak sa kanya, kaya naituon niya ang lakas para makipag buno sa taong kasalukuyang pa rin humahatak sa buhok niya.

Naroon ang tindi ng kabog ng kanyang dibdib nang makitang nakabangon ang babaeng napataob niya at papasugod nanaman muli, laking tuwa niya nang mabatid ang paa ni Lucy na tumama sa mukha nito.

Tulog ito sa sahig sa lakas ng sipa ni Lucy, kaya naman wala na siyang pag-aalinlangang gamitin ang lahat ng lakas niya sa katunggali.

Dahil sanay sa mabibigat na trabaho si Celina hindi maipagkakailang mas malakas siya, kaya naman nagawa niya matanggal ang kamay ng babaeng sumasabunot sa kanya.

Hindi siya nagatubiling suntukin ito kung kaya naman duguan lumagapak ang naturang babae sa sahig.

Puno ng pasa at galos ang katawan ni Celina matapos iyon, sira-sira na din ang damit niya at halos kitang-kita na ang kanyang panloob. Dali-daling tumakbo papunta sa kanya si Lucy nang makasigurado itong wala ng malay ang mga kalaban nila.

"Cel, okay ka lang?" sigaw nito na puno ng pag-alala.

Dito na naramdaman ni Celina ang pagod at sakit ng katawan, napaluhod na lang siya at napahagulgol, niyakap naman siya kaagad ni Lucy na tila isang inang pinapatahan ang anak.

*****

Nadatnan ni Vincent na may kaguluhan sa restroom malapit sa canteen, madami-dami na din kasi ang estudyante ang nakikiusyoso sa nasabing lugar, pero nasorpresa siya nang makitang tumatakbo si Luke papasok sa restroom ng mga babae.

"Babes!" sigaw ni Nina habang papatakbo palapit, agad nitong ipinulupot ang kamay sa braso niya nang makalapit."Anong mayroon?" tanong nito kay Vincent.

"I don't know.”

Lumapit na lang din sila para makiusyoso, kinalabit ni Nina ang isang lalaki na mukhang kanina pa nandoon.

"Kuya, anong nangyayari?" tanong ni Nina.

"Mukhang may nag-away sa C.R. ng mga babae," sagot nito.

Lahat ng nandoon ay sabay-sabay na napatingin sa pinto ng restroom nang bumukas iyon, iniluwa noon si Luke, karga-karga ng bridal style ang isang babaeng nakabalot ng tuwalya kasunod nito ay si Lucy na pilit tinatakpan ang karga ni Luke.

"Magsi-alis nga kayo sa daan!" sigaw ni Lucy sa mga taong nandoon.

Napansin ni Vincent ang mga galos ng babaeng karga ni Luke, hindi niya kailangan magtanong kung sino ang taong iyon, dahil sa mga kasama nito ay nakasisiguro siyang si Celina iyon.

Nakaramdam siya bigla ng kaba sa nakita, gusto niya malaman kung ano nangyari dito, pero hindi niya din naman magawang magtanong. Bigla na lang niyang narinig na humagikgik si Nina.

"I can't believe tototohanin nila iyon!"

"What do you mean?" Baling ni Vincent sa dalaga.

"Huh, nothing!" pilit ngiti at painosenteng sagot ni Nina.

But he knew that the girl knows something, at iyon ang nagpakulo sa kanyang dugo.

"Nina, what did you do?" matalim niyang tanong dito.

Napalunok si Nina nang mabatid ang galit sa tono ng binata. "Wala naman akong ginagawa, narinig ko lang na nagkuwe-kuwentuhan sina Sheila last week, tungkol sa plano nilang pananakot sa nililigawan ni Jordan, malay ko ba na tototohanin pala nila iyon!" sagot nito.

"Anong klaseng pananakot naman iyon?" tanong niya muli.

"Duh! Kita mo naman diba," sarkastiko nitong sagot sa kanya habang itinuturo ang papalayo na si Luke at Lucy.

Inis niya itong tinalukuran, nagmamadali siyang sumunod sa tumatakbong si Luke.

"Vince, saan ka pupunta?" takang tanong ni Nina, agad din naman itong humabol.

Naabutan ni Vincent ang mga ito sa clinic, nakita niyang yakap-yakap ni Luke si Celina, pilit itong pinapatahan sa pag-iyak.

Si Lucy naman ay kausap ang isa sa mga Professors, mukhang nagsusumbong ito dahil kunot na kunot ang mukha habang nagkuwekuwento.

Pinagmasdang mabuti ni Vincent si Celina, mula sa kinaroroonan nila ay kita niyang punong-puno ng galos at pasa ang katawan ng dalaga. Madali niya itong nakita dahil na din sa punit-punit na kasuotan nito, gulo-gulo rin ang buhok na halatang may humila doon.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding galit at inis habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na hitsura ng dalaga.

"Oh, they look so sweet," biglang banggit ni Nina na nasa likod na pala niya.

Tsaka lang napansin ni Vincent ang pagkakayakap ni Luke sa dalaga, dikit na dikit ang mga ito sa isa't isa, nakasubsob ang mukha ni Celina sa dibdib ng kanyang kaibigan. Marahan namang hinahaplos ni Luke ang likod ni Celina habang panaka-nakang hinahalikan ang ulo nito

Lalo siyang nabalot ng galit habang pinagmamasdan ang dalawa, inis na inis niyang naikuyom ang kanyang mga palad dahil sa nararamdaman.

"Tang ina P.D.A. masyado!" napapakiskis ngipin na singhal ni Vincent sabay lakad paalis.

Tulad kanina ay agad naman bumuntot sa kanya si Nina. "Babes wait!" sigaw nito.

Pero hindi niya na ito hinintay, nagtuloy-tuloy lang siya sa paglakad ng mabilis palayo sa nakakaasiwang eksena.

*****

Umuwi ng wala sa oras si Celina dahil sa insidenteng nangyari, kahit papaano ay nasuspend at nabigyan ng warning ang mga estudyanteng nanakit sa kanya.

Nakiusap na lang siya sa kanyang ninang na sunduin siya sa kadahilanang kailangan niya din ng pamalit ng damit.

Naroon ang gulat nito at pag-aalala nang madatanan siya sa clinic. Si Lucy na ang nagpaliwanag dito ng mga nangyari, kung kaya wala na itong naging pagsalungat sa kanilang maagang pag-uwi.

Pagdating sa bahay naabutan nilang naghihintay si Melinda sa kusina.

"Lina, ano nangyari sa iyo!" Alalang sabi ni Melinda habang pinagmamasdan ang bugbog na katawan niya..

"Ayos lang ako ate Mel, huwag ka mag-alala," sagot niya dito

Pero ang totoo ay halos hindi niya na maigalaw ang isang braso dahil sa matinding sakit at kirot doon.

"Naku, ano bang klaseng mga estudyante mayroon ang eskwelahan na yan, naturingan pa naman pang mayaman," napapamaywang na pagsesermon ni Melinda.

"Shhhh, baka may makarinig sa iyo!" suway ng ninang niya dito.

Napatakip bigla si Melinda ng bibig nang mapagtanto ang dahilan noon, halatang nag-sisisi sa mga nasabi. Buti na lang at wala pa ang senyorito nila kung hindi ay sigurado nilang malalagot sila dahil sa sinabi nito.

"Hala siya, mamaya na tayo magkuwentuhan, mabuti pa kung gamutin na muna natin ang mga sugat mo!" biglang suway ng Ninang Isme niya.

"Ay, oo nga! halika na nga Lina, dahan-dahan lang!" sagot ni Melinda sabay alalay kay Celina na halatang nanghihinga pa.

Hinayaan na muna nilang maligo si Celina upang malinis ang sarili, nabigyan na din naman ito ng paunang lunas sa clinic ng eskwelahan. Matapos noon ay muli nilang nilagyan ng gamot ang mga sugat nito at hinayaan ng magpahinga ang dalaga.

Nang mapag-isa ay doon na hinayaan ni Celina na tumulo ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung bakit nangyari ang bagay na iyon, napapa-isip na lang siya kung talaga bang may mali siyang ginagawa at ganoon na lang kadaling magalit ang mga tao sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status