Buti na lang at malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, kahit papaano ay mababa ang tsansa na magkikita sila ni senyorito Vincent, lalo pa at mag-kaiba sila ng kurso. Kung nagkakataon man na nakakasalubong ito ni Celina ay madali naman siyang nakakapagtago.
Subalit ang araw-araw na pag-iwas dito ay nagdulot naman ng kakaibang pagod sa kanya, kahit kasi sa mansyon ay tinataguan niya din ito, kung nagkakataon man na magkatagpo sila ay yumuyuko na lang siya at bumabati pagkatapos ay dali-dali na din siyang lumalayo.
"Hoy Cel!" kaway ni Lucy sa mukha ni Celina.
Doon lang nabasag ang pagkatulala niya upang mag-angat ng tingin sa kaibigan. "Huh, ano iyon?" Wala sa sariling saad niya.
Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa susunod nilang klase.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, kanina pa ako nagkwekwento dito pero parang wala akong kausap," busangot na sagot ni Lucy.
"Ay! Sorry Cy, medyo pagod lang ako," nanghihinang sagot na lang ni Celina.
"Haiz, alam mo, maganda din na mag-relax paminsan, hindi iyong patayan sa pag aaral," birong sermon ni Lucy.
Napangiti naman ng tipid si Celina sa kaibigan. "Alam mo naman iyong scholarship ko lang iyong inaasahan ko, kaya hindi ako pwede magpabaya."
Napailing na lang si Lucy, lalo pang kumusot ang mukha nito nang ibalik ang tingin sa kanilang harapan.
"Hay naku! Oh iyan.” Ngusong senyas na lang nito. “Sigurado kong isa iyan sa mga iniisip mo."
Biglang napatingin si Celina sa tinutukoy ng kaibigan, sa hindi kalayuan ay naaninag niya si senyorito Vincent, kasama ang mga kaibigan nito.
Dali-dali na lang siyang napaliko papunta sa kabilang direksyon upang hindi nito makita, sumunod naman kaagad si Lucy sa kanya.
"Ano bang problema mo doon kay Vincent, stalker mo ba siya at grabe ka umiwas?" pikon na tanong ni Lucy.
Ilang beses na kasi siyang nahuhuli ng kaibigan na nagtatago kapag nakikita ang lalake, kaya ito na din mismo ang nagbibigay babala sa kanya.
"Wala iyon Cy," tipid na sagot ni Celina na nagmamadali pa rin sa paglalakad.
"Hindi nga?" may bahid ng panunuyang saad ni Lucy bago siya harangan. "Dali na, ano ba kasi problema?" padyak nito.
Napahinto na lang si Celina sa paglalakad dahil sa paulit-ulit na pagharang ng kaibigan sa daraanan niya. Ilangg saglit pa at tuluyang ng siya nitong napasuko.
Sa iksi ng panahon na magkasama sila at naging mag kaibigan, nakabisado niya na ang ugali nito at alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong sa kanya.
"Alam mo naman na nakatira kami ni ninang sa amo niya diba?" tipid na ngiting saad ni Celina.
"Oo," tango kaagad ni Lucy sa kanya na napahawak na sa baba.
"Apo si Vincent ng amo ni ninang, hindi ko alam kung bakit, pero ang init ng dugo niya sa akin." buntong hininga na lang ni Celina.
"Huh, eh bakit naman? May nagawa ka bang something, may nasira ka ba na importante, may ninakaw ka ba na pag aari niya!" sunod-sunod na banat ni Lucy na halatang namimilosopo.Batid na batid ang init ng dugo nito sa naturang lalake.
Napalunok na lamang ng malalim si Celina nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang unang beses na pagkikita nila ng binata. Pinilit niyang iwinaksi ang malokong ngisi sa mukha ni senyorito Vincent nang may madamang kakaiba sa kanyang katawan.
"Wala!" tarantang sagot niya na lang na halos namumula na.
Agad tumaas ang isang kilay ni Lucy sabay namaywang habang pinagmamasdan siya. "Eh ganoon naman pala, anong problema niya?"
"Hindi ko din alam." Nag-iwas na lamang ng tingin si Celina sa kaibigan.
Paulit-ulit pa rin sa kanyang isipan kung ang nasaksihan niya ba ang ikinagagalit nito o may iba pang mas malalim na dahilan.
Kumpara kasi sa mga kasambahay na nakatira sa mansyon at ilang mga tao sa paligid nito ay hindi naman ganoon umasta ang naturang binata.
“Hayaan mo na nga, baka ma-late pa tayo sa class.” hatak na lang ni Lucy sa kanya.
Doon na nagawang isawalang bahala ni Celina ang mga kaguluhan sa kanyang isipan, alam niya sa sarili na hindi niya pwedeng isipin iyon lalo pa at finals nila sa P.E. ng araw na iyon.
Nasa second semester na siya as first year, nakikilala na rin siya ng mga professors sa naturang unibersidad, bilang isa sa pinaka matatalino doon.
Bilang huling pagsusulit nila ng araw na iyon ay kailangan nilang magperform ng isang dance number, dahil sa group activity ay kinailangan pagbotohan ang gagawin nila at isusuot, kaya kahit naiilang ay wala siyang reklamo, nakasalalay kasi dito ang grado nila at tulad pa rin ng dati ay naging magkagrupo sila ni Lucy.
At dahil si Lucy ang tumayong pinuno kakaiba nanaman ang nakatuwaan nitong gawin, wala kasi silang nakuhang kagrupong lalake, kaya napagdesisyunan nilang lahat na pambabae na ang isayaw at ang napili ni Lucy ay belly dancing.
Noon una ay ayos kay Celina dahil ang buong akala niya ay magsasayaw lang sila, pero halos himatayin siya nang makita ang kanilang susuotin.
See through na costume na tanging isang pirasong tapis na makinang ang pang itaas at halos kita na ang underwear nila sa pang ibaba. Tumutol ang ilan sa kanila noong una pero dahil sa iyon ang usual costume ng belly dancer ay wala na din silang naging palag sa huli.
Ngayon ay halos kumawala na sa katawa ni Celina ang kanyang kaluluwa sa hiya, hindi kasi siya sanay sa atensyon na ipinupukol ng mga kasama habang nag-aayos sila sa locker room.
Kahit kasi hindi laking yaman ay maganda at maputi ang kutis ni Celina, maganda din ang hubog ng katawan na ala modelo idagdag pa ang napakalambing na hitsura ng dalaga na talagang nakakaagaw pansin.
"Hoy Cel! Wag ka kabahan, ano ka ba!" natatawang tapik ni Lucy sa kanya.
Hindi kasi mahinto sa panginginig si Celina habang inaayusan, naroon pa ang pasimple niyang pagtatakip sa kanyang dibdib ng mahaba niyang buhok.
"Cy, alam mo naman na hindi ako sanay magsuot ng ganito! halos labas na ang kaluluwa natin!" aligagang saad na lang ni Celina sa kaba.
"Sus, anong ikahihiya mo. Tingnan mo nga ang katawan mo! Sexy, wala ka pang effort niyan, hindi tulad ng iba na halos lumuwa na ang dila sa gym," sagot ni Lucy.
"Baliw ka talaga!" nangingiwing palo na lang ni Celina sa kaibigan.
"Sabi nga nila, if you got it, flaunt it! At obvious na we have it! So we should definetely flaunt it!" taas noong sambit ni Lucy habang pumupostura na tila isang beauty queen.
Natawa na lang si Celina dito, ilang saglit lang ay may pumasok ng kaklase nila na katatapos lang magperform.
"Guys kayo na!" humahangos pang saad ng kaklase sa kanila.
Napatili na lang tuloy ang mga kasama nila nang senyasan na ang mga ito ni Lucy na lumabas, huminga naman ng malalim si Celina bago sumunod sa mga kagrupo, pilit pa rin nagsusumiksik sa mga kasama para magtago at hindi mapansin.
Pero impossible pala iyon dahil naalala niyang sa court sila ng eskwelahan mag-perperform, kaya naman siguradong maraming manonood. At tulad ng napagtanto niya madami ngang studyante ang nakatambay doon.
Ganoon na lang ang lakas ng sigawan paglabas ng grupo nila, dahil na din sa mga kaakit-akit nilang kasuotan, may panaka-naka pa ngang sumisipol at hiyaw ng kung ano.
Pilit ipinag sa walang bahala na lang iyon ni Celina upang makapagconcentrate sa kanilang sayaw.
Dahil si Lucy ang leader ito na ang nag set up ng tugtog, halatang puno ng confidence ang kanyang kaibigan, hindi kasi ito naiilang sa dami ng tingin at atensyon na nakukuha. Nagagawa pa nga nitong kumaway sa mga sumisipol na tagahanga.
Nang magsimula ang kanilang tugtugin ay biglang nabura lahat ng alinlangan ni Celina at tanging sa pagsasayaw lang natuon ang kanyang isipan.
(Music:Whenever wherever by shakira)
Unang kembot pa lang ay nakatanggap na sila ng mas malakas na sigawan mula sa ilang kalalakihang kanina lang ay abalang nagprapractice ng basketball.
Sunod sunod na sipol at sigaw ang inabot ng kanilang grupo mula sa mga ito, pero wala itong naging epekto sa sayaw nila.
Naroon pa ang parte na nagtatatalon sa tuwa ang ibang mga nanonood na tila ba kilig na kilig.
"Shit! Ang sesexy!" sigaw ng isang basketbolista.
"Miss na nasa gitna, pwede bang manligaw! I love you na!" sigaw naman ng isa pa na ang tinutukoy ay si Celina.
Ngunit parang hangin lang ito na dumaan sa pandinig niya, wala siyang ibang naiisip ngayon kung hindi ang kanilang performance.
Dumoble ang sigawan ng mga tao ng nag-chorus na ang tugtog at sabay sabay nilang niyugyog ang mga baywang nila na kala mo ay talagang mga professional belly dancer.
"Yan ang gusto ko," sigaw ng isang varsity ng basketball na tila nanginginig pa.
"Wow! Panalong-panalo!" Sunod naman ng isa pa nitong team mate.
Sa sobrang focus ni Celina hindi niya napansin ang mga matang kanina pa pala nagmamasid sa kanya, pinapanood ang bawat galaw at maliksing indayog niya sa harapan.
Nang matapos ang sayaw ay sandamakmak na palakpakan ang inabot nila mula sa mga nanonood. Wala kasing nagkamali at sabay-sabay talaga sila sa pag-kilos, batid din nila na natuwa ang mga guro kahit na medyo parang mga conserbatibo na babae ang mga ito.
Nagtalunan na lang sila Celina sa tuwa, dahil mukhang maganda ang gradong nakuha. Masayang nagtakbuhan ang kanilang groupmates pabalik sa locker room, kaya naiwan silang dalawa ni Lucy para kunin ang ilang mga gamit at tingnan ang kanilang grado.
Nandoon ang ningning ng mukha nilang magkaibigan sa galak pakakuha ng kanilang grado. Kaya naman hindi sila matigil sa pagbibiruan ni Lucy habang naglalakad pabalik sa locker room.
Napatigil lang sila nang bigla na lang harangin ng tatlong matatangkad na varsity ng basketball.
"Hi miss, pwede ba makuha ang pangalan mo?" lapit na lang ng isa kay Celina na nakaangat na ang palad para makipagkamay.
Nagulat na lang siya nang bigla na lang hampasin ni Lucy ang kamay ng binata. "Bawal!" mataray na singhal ni Lucy sabay tulak sa naturang lalaki.
Pero humalakhak lamang ito ng malakas na napapahawak pa sa tiyan. "Weeee, hindi ikaw kinakausap ko!" bara ng binata kay Lucy na halatang nang-aasar.
"Che! Layuan mo ang kaibigan ko!" subok na sipa na lang ni Lucy dito.
Natatawang napaiwas ang binata dito, kahit nandoon ang hindi pagpatol ng naturang lalake sa kanyang kaibigan ay hindi matanggal ni Celina ang kaba sa inaasal ni Lucy kaya minarapat niya ng pumagitna.
"Celina! Wag mong pansinin ang abnormal na yan" hatak kaagad niLucy sa kanya.
Pero agad din silang hinarang ng naturang binata. "Wow, Celina pala name mo! Ang ganda parang ikaw! Pwede ba tayong mag date minsan!"
"Huh!? ah eh!" sa gulat ni Celina sa nadinig ay napatawa na lang siya ng pilit sabay tingin sa kaibigan para humingi ng tulong.
Nanlaki na lamang ang mata niya nang makitang ang malakas na pagbatok ni Lucy sa naturang lalake.
"Uhm! Baliw! Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend kasi ang presko mo masyado!" asar na sabi ni Lucy.
Pero tulad kanina ay tinawanan lang ng makulit na binata ang kaibigan niya kahit napapasapo na ito sa ulo. Nakadama na lang tuloy siya ng awa at konsensya.
"Oy! Lucy, kawawa naman iyong tao!" suway ni Celina sa kaibigan.
"Sus, sanay na iyan!" ngising sagot ni Lucy.
Ilang sandali pa ng pagpapabalik-balik ng tingin ay may nabatid na si Celina sa dalawa. "Uhm, magkakilala kayo?" paninigurado niyang tanong sa kaibigan.
Napatawa bigla si Lucy sa kanya bago inakbayan ang nangungulit na lalake.
"Wala ka bang napapansin sa amin?" tanong ni Lucy sabay pinagdikit ang mukha nila ng binata.
Pinagmasdan ni Celina ng mas mabuti ang dalawa at tsaka napansin na halos magkahawig ang kaibigan niya at ang naturang lalake.
"Ay, Kapatid mo!" napapalakpak na sambit ni Celina.
"Ay hindi, joke! Yup, Celina meet my twin brother Luke." masayang pakilala ni Lucy.
Doon na nagawang makipag kamay ni Luke sa kanya.
"Nice meeting you Celina!" bati ng binata sa kanya na mayroon malapad na ngiti.
"Same to you!" masayang sagot ni Celina.
Naroon ang tuwa at pagkamangha niya na may kakambal pala ang kaibigan. Hindi niya tuloy mapigilan pagmasdan ang dalawa. Napaiwas nga lang siya ng tingin nang mapansin ang kakaibang tingin ng naturang binata sa kanya.
"Ehem," biglang papansin ng isa pang lalake sa likod nito.
"Ay! Oo nga pala!" natatawang bitaw na lang ni Luke sabay baling sa likod. "Guys, this is Lucy, my sister and her friend Celina." pakilala nito sa kanila.
"Hi," bati ni Lucy sa mga ito.
Tango at isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Celina.
"Sis, Celina. These are my team mates, Andrew and Vincent," pakilala ni Luke sa mga kaibigan.
Natahimik bigla silang dalawa, hindi kasi nila napansin ang ikalawang lalaki na nasa likod ni Luke dahil na din sa nakatago ito.
Nagsimula na lang tuloy kumabog ang dibdib ni Celina kahit pilit niyang isinasaksak sa isipan na maaaring kapangalan lang ito.
Napaakap na lang tuloy si Celina sabay tago sa likod ni Lucy nang makitang si senyorito Vincent nga ang nasa likod ni Luke at tulad ng dati ay irritable nanaman ang mukha nito.
Naroon nag pagtataas baba ng tingin nito sa kanyang kasuotan, mula ulo hanggang paa na para bang sinisiyasat siya.
Laking pasalamat niya na lang ng humarang na si Lucy sa kanya. "Well, it was nice meeting you guys, but we gotta go, may klase pa kasi kami. Bye!" kaway na lang ng kaibigan sa tatlo bago siya hatakin dahil sa tila pagkatuod sa kinalalagyan.
"Samahan na namin kayo!" Habol naman ni Luke.
"No!" biglang sigaw ni Lucy.
Natigilan silang lahat dahil dito, halos umalingawngaw kasi ang boses ng kaibigan sa lugar.
"No!" malumanay na ulit ni Lucy. "I think may practice pa kayo and besides girls locker room iyon," tuwid na paliwanag ng kaibigan sa tatlo.
"Uhm! I mean, sasamahan lang naman namin kayo hanggang sa entrance," biglang sabat ng lalakeng nagngangalang Andrew.
"No, thank you. We like to be alone for a while, you know, it's a girl thing," banggit ni Lucy na iwinawagaywag pa ang daliri kay Andrew sabay titig ng masama kay Luke na halatang may sinesenyas dito.
Nakuha naman iyon ng kakambal kaya ito na mismo ang humarang sa mga kasama. "May pinapagawa pa nga pala si Coach tara na" pag-aaya na lang ni Luke sa mga kaibigan.
"Pare sabi mo!" maktol na lang ni Andrew.
"Next time na lang tol, tara na!" Akbay na lang ni Luke dito para mahatak ito palayo.
Mabilis din namang naglakad palayo si Celina at Lucy, pero napansin ng kaibigan ang kakaibang pag ngisi ni Vincent, hindi din nakaligtas sa pandinig nito ang mga binitiwan salita ng binata.
"Fame whore!"
Hindi ito narinig nina Luke dahil sa layo ng mga ito, ngunit halatang patama iyon kay Celina dahil dito ito nakatingin.
Doon napahinto si Lucy at akmang babalikan sana ito para sagutin subalit nagawa na ni Celina na mahatak ang kaibigan, naniningkit matang inirapan na lang nito si Vincent bago sumunod sa kanya.
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao