"Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon.
"Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina.
"Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma.
Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw.
"Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta hati tayo sa bills." masayang yakap na lang ni Lucy sa kanya.
"Hindi ko yan tatanggihan Cy!" buong tuwang yakap na lang din ni Celina sa kaibigan. Iyon rin naman kasi ang isa sa mga plano niya kapag nakapagtapos.
Natigilan lang sila nang biglang nag-ring ang phone ni Lucy, mabilis ang naging pagkunot nito ng noo nang makita kung sino ang tumatawag.
"Oh, anong kailangan mo gunggong?" nanggagalaiting sagot nito. Naroon ang biglang pagtaas ng isang kilay ng kanyang kaibigan habang nakikinig.
"Bakit ako pa pupunta diyan! Kayo ang may kailangan, kayo ang pumunta dito!" pagtataray ni Lucy sa kausap.
Bigla itong tumigil at napabuntong hininga, matapos ng ilang saglit. Napahilot na lang ito sa ulo dahil sa matinding pagkakusot ng mukha.
"Heh! Sige na papunta na ako dyan!" sagot na lang ni Lucy sa kausap bago ibaba ang cellphone.
"Sino iyon?" tanong ni Celina.
"Si Luke, pinapapunta ako sa isang restaurant, emergency daw. Hay kaasar talaga!" gulo na lang ni Lucy sa buhok dahil sa inis.
Napapigil na lang ng tawa si Celina. "Puntahan mo na iyong kapatid mo, mauna na akong uuwi!" paalam niya sa kaibigan.
"Gusto ko sanang mag meryenda tayo doon sa bagong bukas na milk tea house, kainis talaga itong mokong na to," maktol na padyak ni Lucy habang nag aayos ng gamit.
"Dalian mo na, baka naghihintay na iyon sa iyo. Bukas na lang tayo kumain doon," natatawang sabi ni Celina.
"Sige na nga, pero bukas kakain tayo doon ah! Ingat sa pag uwi, umiwas sa mga maeereng tao at baka liparin ka, okay!" biro pa ni Lucy sabay taas ng kamay na tila nag-checheer sa kanya.
Napahagikgik na si Celina dito. "Wag ka mag alala, mabilis ako magtago." sagot niya pakapigil sa tawa.
Nagyakapan muna silang dalawa tulad ng palagi nilang ginagawa kapag naghihiwalay. Napagdesisyunan ni Celina ang umuwi na nang makalayo ang kaibigan.
Napahinto lang siya nang makita ang buy one take one na hamburger, medyo kumakalam na din kasi ang kanyang sikmura ng sandaling iyon kaya naman tinungo niya muna ang naturang estante.
Palapit na sana siya sa hamburger stand nang may bigla na lang humarang sa kanya. Nandoon ang sikip sa kanyang dibdib at pagkatuod nang makilala ito.
"Senyorito!" bulalas niya na lang.
Pinaningkitan lang siya ng binata, naroon nanaman ang pagbaling nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Diba dapat pauwi ka na, ano pang ginagawa mo dito?" maangas nitong tanong.
"Uhm, bibili lang po sana ako ng meryenda," pilit hinahon na sagot ni Celina.
Napalunok na lamang siya muli sabay yuko nang mas ipukol ng inata ang tingin sa kanyang mga mata, wala siyang nagawa kung hindi ang mapayuko para umiwas ng tingin.
"Uhm, sige po mauna na ako!" paalam ni Celina muli sa binata.
Akmang aalis na sana siya nang bigla nanaman itong humarang sa kanyang daraanan.
Napilitan na lang si Celina na tumingin muli dito na puno ng pagtataka. Pasimpleng niyang pinalibot ang mata sa paligid at nabatid na wala palang masyadong tao doon, kaya ganoon na lang ang kanyang kaba.
"Pauwi ka nanaman diba, dalhin mo na ito, may lakad pa kasi ako. Ingatan mo mga yan!" sapilitang pagbibigay sa kanya ng lalake ng ilang mga librong.
Napatulala na lamang si Celina habang pilit na iniaayos ang mga hawak dahil sa ubod ng kapal at bigat ng mga ito.
"Iwan mo na lang yan sa may sala," ngising saad pa ng binata na naglalakad na palayo.
Wala na siyang nagawa kung hindi bitbitin lahat ng iyon kahit hirap. Inilagay niya na lang ang iba sa bag niya para makarga ang lahat ng iyon ng maayos.
Matapos bumili ng burger ay matiyagang naghintay si Celina ng masasakyang jeep pauwi. Ilang minuto na din siyang nakatayo pero halos wala siyang masakyan dahil sa sikip ng mga sasakyan, nakadagdag pa sa hirap niya ang bitbit niyang mga libro.
Bahagyang napaatras na lang siya nang bigla na lang may kotseng tumigil sa harapan niya. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita ang mukha ng nagmamaneho pakababa ng bintana nito.
"Celina! kanina ka pa diyan ah! Hatid na kita!" Ngiting tango ni Luke.
"Naku Luke, hindi na, nakakahiya naman. Ayos lang ako!" ngiting tanggi niya na lang sa lalake.
Kahit naman kasi kapatid ito ng kaibigan niya ay halos kakikilala niya pa lang dito para abalahin pa ito.
"Bakit kay Lucy sumasabay ka? Parehas din naman tayo ng daan kaya ok lang." saad ni Luke muli na ngumunguso pa.
Napangiti na lang si Celina sa ginawa nito, tila nakadama siya ng konsensya sa pagtanggi. "Sige, pero sa kanto mo na lang ako ibaba, doon kasi ako binababa ni Lucy," saad niya na lang matapos ang ilang saglit ng pag iisip.
"No problemo!" masayang sagot na lang ni Luke bago bumaba sa kotse nito para alalayan siya papasok.
Habang nagbiyabiyahe ay todo ang kuwentuhan nilang dalawa, kahit papaano ay mas nakilala niya pa ng mabuti ang binata. Kay naman nakagaanan na rin niya ito ng loob, dala na din siguro sa kadahilanang kambal ito ng best friend niya.
Doon napagtanto ni Celina na likas na talaga itong mapagbiro. Dito niya rin napag-alaman na kasabayan lang nito si senyorito Vincent sa pagpasok sa varsity team nila kaya naman madalas magkasama ang dalawa.
"Kaninong mga libro iyan, bakit ang dami?" pansin ni Luke sa mga dala niya.
Inisa-isa pa nitong silipin ang mga iyon nang mahinto sila sa stop light.
"Sa kaibigan ko, mag rereviewe daw kasi siya," pag-sisinungaling na lang ni Celina. Natatakot kasi siya na baka kung ano ang isipin ni Luke kapag nalaman kung kanino iyon galing.
"Ahhh, bakit ang dami? Babasahin niya ba yan lahat?" natatawang tanong ulit ni Luke.
"Siguro," tipid na sagot na lang ni Celina.
"Patingin nga ng isa!" walang pasabing kinuha na lang ni Luke ang isa sa mga libro.
Takang takang tinitigan ng binata ang mga mga nilalaman noon, nang tila hindi makuntento ay sinilip pa nito ang isa.
"Sure kang pangreview ito, bakit sa iba-ibang course? Tsaka sa library ito galing ah!" puna ni Luke sa mga aklat.
"Hindi ko din alam, pinapaki lang kasi sa akin!" pilit ngiti na lang ni Celina, hindi niya na matanggal ang pagkailang dahil sa pagsisinungaling.
"Ang tindi naman ng kaibigan mong iyon, ang bigat kaya ng mga iyan." ngiwi na lang ni Luke habang pinapakiramdaman ang timbang ng mga ito.
"Ayos lang kaya ko naman!" sagot na lang ni Celina bago kunin ang mga gamit.
Upang hindi na makapagtanong si Luke ay iniba niya na agad ang usapan at pilit na iniwas ang tungkol sa mga libro. Kaya naman masaya ito hanggang sa makarating sila sa harap ng village kung saan siya bababa. Kahit na gusto nitong ihatid siya hanggang bahay ay minarapat niya na lang na tanggihan. Sigurado niya kasing nakakaabala na siya sa binata.
Nagdahilan na lang muli si Celina dito, laking pasalamat niya naman at tila naintindihan naman siya ni Luke at hindi na nangulit pa.
Pagdating sa bahay ay tumuloy na si Celina sa may sala para iwan ang mga libro, tulad ng utos ni senyorito Vincent, pero laking gulat niya nang makita itong nakaupo sa sofa at kunot na kunot nanaman ang noo.
"Akala ko po may lakad kayo?" takang tanong ni Celina.
Mabilis nagsalubong ang kilay nito sa kanya habang papatayo. "It got cancelled. Ikaw, bakit ngayon ka lang? Ive been here for an hour." tiim bagang nitong saad.
Napayuko na lamang si Celina habang ibinababa ang mga dalang libro sa harap nito. "Nahirapan po kasi akong makasakay," pilit hinahon niyang sagot, kahit tila nagririgudon na ang kanyang pakiramdam.
"Ikuha mo na nga lang ako ng meryenda sa kusina!" inis na utos nito sa kanya bag maupo muli.
"Sige po" tumango na lamang si Celina dito bago dali-daling umalis doon.
Iniwan niya muna ang bag niya sa kwarto nila at nagpalit ng pambahay bago pumunta ng kusina para ipaghanda ng meryenda ang binata. Hindi niya na ginulo pa ang ibang kasambahay dahil halatang abala ang mga ito sa kanya-kanyang gawain.
"Senyorito, heto na po meryenda niyo." lapag na lang ni Celina ng ginawang mga sandwiches sa may coffee table sa tabi nito.
"Why the fuck are you so slow! Ibalik mo na lang iyan sa kusina, nawalan na ako ng gana!" maktol nito sabay alis.
"Pasensya na po," buntong hiningang sagot na lang ni Celina kahit nakalayo na ito.
Iniligpit niya na lang ang inihanda at nagtuloy na sa kwarto nila, napaisip nanaman tuloy siya sa inaasal ng binata.
"Ano nanaman bang nagawa ko?" bulong niya na lang sarili bago isubsob ang mukha sa unan.
Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyan
"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!""Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata."Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?""Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga."Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang nagi
Napansin ni Vincent na medyo nagiging masiyahin si Celina nitong mga nakaraang linggo. Kaya ganoon na lang ang lalong pagkulo ng kanyang dugo dito.Ayaw niya talaga sa mga katulad ni Celina, sigurado niyang may itinatago ang nangungusap nitong mga mata at kaakit-akit na ngiti, hindi niya nga lang masigurado ngayon kung ano iyon.Ang hindi katiyakang iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting konsensya sa mga pinapagawa kahit nananaig ang galit at inis niya sa dalaga.Napatingin si Vincent sa kanyang relo, halos kalahating oras na din mula nang tumawag siya dito upang ipahatid ang mga iniwan niyang gamit sa bahay.Sakto naman ang paglitaw nito sa kanyang paningin nang mag-angat na siyang muli ng mukha. hindi niya mapigilang mapangisi nang mapansin ang tila pagkakapos nito ng hininga sa bigat ng mga dala. Nang makalapit na ito ay tsaka naman palit ng seryoso niyang mukha."Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako nandito!" sabi niya na medyo pikon ang tono."Pasensya na senyor
"Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito."Problema mo Cy?" tanong niya dito."Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito."Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito."Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.Tiningnan niya kung ano i
Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma
Inabot ng dalawang araw ang pagpapagaling ni Celina dahil sa mga bugbog na inabot niya,kaya naman excited siya sa pagpasok ngayon.Na mimiss niya na din kasi ang mga kaibigan dahil sa tagal ng panahon na hindi sila nagkikita, gusto nga sana siyang bisitahin ng mga ito, pero nakiusap siyang huwag na lang dahil nahihiya siya at baka masita pa sila dahil na din sa nakikitira lang siya doon.Tiningnan niya muna ang kanyang bag para makasiguradong wala siyang nakalimutan, nang makasigurado ay madalian siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili bago dali-daling lumabas ng kwarto"Ninang aalis na po ako.""Sige Lina, ingat sa pag pasok!" paalala ng ninang niya."Opo."Masaya siyang lumabas ng bahay, mabilis pa ang kanyang mga hakbang, halatang excited na pumasok."Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo?" sita ng isang malalim at irritableng boses.Napatigil siya bigla ng marining ang boses na iyon, dahan dahan siyang tumingin sa pinanggalingan nito at laking gulat niya nang makit
Huminto sila sa isang napakalaking parke, puno ng iba’t-ibang disenyo ang harapan nito at napakaraming tao sa paligid. Mula sa kinalalagyan nila ay naaninag na ni Celina ang isang malaking roller coaster at Ferris wheel.Manghang-mangha niyang pinalilibot ang tingin sa paligid, pinagmamasdan ang ganda at laki ng lugar habang nakasunod kay Vincent. Mas lalo pa siyang napuno ng tuwa nang makita niyang bumibili ang binata ng ticket para dito."Tara na, baka gabihin pa tayo." Tuwid ang mukha ng binata habang iniaabo sa kanya ang binili nito.Walang pag-aalinlangan niya na iyong inabot at dali-daling sumunod muli sa lalake. Halos napayakap na siya sa sarili nang makapasok sila, bakas na bakas ang tamis ng kanyang ngiti at ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang malaking nakasulat sa daanan nila na "Star City."Ito ang unang beses niyang nakapunta sa ganitong lugar, madalas ay naririnig niya lamang o napapanood ito mula sa mga patalastas noon sa telebisyon. Pero
Litong-lito na naman si Celina sa inaasal ni Vincent, akala niya sanay na siya dito pero nitong nakaraan ay parang nag-iba nanaman ito.Napapaisip na lang tuloy siya kung nagalit ba ito dahil sa ginawa niyang pagpipigil sa gusto ng binata nang pababa na sila sa sasakyan nito, pero masyado talaga siyang nagulat doon. Batid niyang normal na kay Vincent ang ganoon kaya nagawa iyon. Ngunit tila nagdulot ng kung anong bagay iyon sa kanyang pakiramdam, lalo pa at tila naukit na sa kanyang isipan ang kakaibang init at tamis ng ginawa nito na siyang nagdudulot ng kakatwang tuwa at kiliti sa kanyang pakiramdam.Lahat ng iyon ay nangyari isang buwan na ang nakakaraan, noon sinama siya nito sa amusement park, nang mga panahong iyon akala niya magiging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa ngunit kinabukasan din ay balik nanaman ito sa dati.Pero kahit papaano ay sinasabay pa din naman siya nito sa pag-pasok kapag may pagkakataon at madalang na din itong mag-utos ng kung ano-ano.Hindi siya