Share

I'm inlove with a PRIEST

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 17 - Part 1 of 2]

“Sino ‘yong dinalaw mo, Myks?” Kunot-noong tanong sa akin ni Athena pagkabalik ko sa kotse niya.

“Hindi ko kilala.” Tugon ko habang nagsusuot ako ng seat belt.

“Ha? Ang tagal-tagal mong nakatayo roon na tila ba dinadasalan mo ‘yong puntod tapos sasabihin mong hindi mo kilala.”

“Na-curious lang ako kung sino siya at bakit siya dinalaw no’ng sinundan nating lalaki kanina.”

“’Yong lalaking sakay no’ng BMW, sino ‘yon? Ex-boyfriend mo?”

“Hindi, ah. Hindi ko rin kilala.” Pagsisinungaling ko.

“’Yong totoo, Myks, naga-adik ka ba?” Seryosong tanong ni Athena habang nagmamaneho siya kaya bigla akong natawa. “Nasayang ‘yong halos isang oras nating pagsunod sa kanya tapos sasabihin mo sa aking hindi mo siya kilala.” Iiling-iling siya. “Ano bang tinitira mo, Myks at parang nilayasan ka na nang katinuan mo.”

“Nakatira yata ako ng katol.” Patuloy sa pagtawang sagot ko kay Athena. Alam kong wala siya sa mood ng mga oras na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status