“Panty nga naay bulsa, panty nga naay magic holes ug naay garter na pang walastic, tag dyes, tag dyes! Palit namo, palit namo mga inday!”
Natawa si Destiny sa sigaw ng isang mama na nagbebenta ng ukay-ukay sa bahaging iyon ng main public market ng General santos city. Galing siya sa pwesto ng tiyahin sa looban ng palengke kung saan ito nagtitinda ng isda.Mahirap ang buhay. Ngunit sa bawat araw na nakikita ni Destiny ang mga tao sa public market na iyon na hindi alintana ang hirap at nagsusumikap upang makaraos sa araw-araw at upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya ng mga ito. Naging dahilan ang senaryo na iyun para sa kanya upang mas lalong magsumikap at magpakatatag alang-alang sa tinatawag na pamilya.Katulad ng mga tao na kumakayod sa public market na iyon. Isa siya sa mga ito na gagawin ang lahat alang-alang sa pamilya. Bigla ay sumagi sa isip niya ang kanyang nag-iisang kapatid.Ibinaba niya sa sa sementong lupa ang kanyang bitbit na plastic bag na puno ng pinambiling gulay.Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng suot na jogger pants at binuksan iyon. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng bumungad sa kanya ang isang mukha na sobra niyang pinanabikan na muling makita.Tila siya nanalamin habang nakatitig sa wallpaper ng kanyang cellphone. “Serenity, sobrang miss na kita. Gusto na ulit kitang makita at mayakap.”Napahugot siya ng malalim na buntong hininga habang nanatiling nakapagkit sa labi ang matamis na ngiti. Tumingala siya sa langit. The day was gloomy. Makulimlim ang langit at tila anumang oras mula ngayon ay babagsak na ang ulan.Katulad ng mga mata na ngayon ay umiinit na ang magkabilang sulok. Ilang sandali lang ay babagsak na mula roon ang mga luha. Muli siyang tumingala pilit ibinabalik sa loob ng mga mata ang mga luha na gustong kumawala kasabay ng isang malalim na buntong hininga.‘Destiny may awa ang nasa itaas. Pasasaan ba at makaksama mong muli ang kapatid. Magtiwala ka lang.’Bulong niya sa sarili.Muli niyang isinuksok sa bulsa ng suot na jogger ang kanyang cellphone. Cellphone iyon na ni-regalo sa kanya ng kapatid noong nakaraang taon sa araw mismo ng kanilang kaarawan. Pinadala iyon ni Serenity sa kanya sa pamamagitan ng isang sikat na courier. Sobrang mahalaga sa kanya ang cellphone, dahil iyun lang ang tanging paraan upang makausap at makita ang kambal niya.Ngunit ngayong nakalipas na dalawang buwan, ay madalang nang tumatawag sa kanya ang kambal niya. Kadalasan ay puro text lang ang ginagawa nito. Ganun paman ay naiibsan kahit papaano ang kanyang pangungulila rito sa tuwing mababasa ang mensahe na pinapadala nito sa kanya.Ano kaya ang ginagawa ngayon ng kambal niya? Siguro may fashion show nanaman ito o di naman kaya ay may mga shooting ito sa mga sikat na magazine ‘di naman kaya ay advertisement ng ilang sikat na beauty products.Kaya siguro hindi na siya nagawang tawagan nito o ‘e-video call manlang. Marahil ay lagi itong pagod. ‘Hay!’ Kung pwede lang sana lakarin mula rito sa gensan ang manila ay ginawa na niya. Pupuntahan niya ang kambal ng sa gayon ay maalagaan nya ito.Sakitin ang kambal na si Serenity, dahilan kung kaya ibinigay ito ng ina sa kanilang ama. Nagmula sa isang mayamang pamilya ang kanilang ama at katulong ng mga ito ang kanyang ina.Nabuo sila ng kambal na si Serenity dahil sa isang gabing pagkakamali. Ng mabuntis ang kanyang ina ay umalis ito at nagpakalayo. Ngunit bago ito lumayo ay ipinaalam nito sa kanilang ama na ito ay nagdadalang tao.Limang taon sila ni Serenity noon ng matuklasan na may bukol sa puso si Serenity at kailangan itong operahan. Labag man sa loob ay muling bumalik ang kanyang ina sa tahanan ng mga Altamerano kung saan ito nanilbihan noon bilang katulong. Isang Altamerano ang kanyang ama at nag-iisang anak ito at tagapagmana ng isang malaking kompanya.Nagmakaawa ang kanyang ina na kupkupin ng mga ito si Serenity at ipagamot. Pumayag ang tunay na asawa ng kanyang ama. Ngunit kapalit noon ay ang tuluyan nilang paglayo ng ina.Kukupkupin ng mga Altamerano si Serenity, kapalit ay ang hindi nila pagpapakita ng kanyang ina sa kambal. Masakit man, ngunit walang nagawa ang ina kundi ang sundin ang gusto ng mga ito.Kasama ang kanyang dalawang tiyahin ay tumungo sila ng general santos kung saan ay hindi manlang maabot ng kanilang tanaw ang kanyang nag-iisang kapatid at kambal.Pagkalipas ng sampung taon ay namatay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon sa sakit na diabetes. Sobrang sakit para sa kanya ang pagkawala ng ina. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagsulpot ng kambal sa araw mismo ng libing ng kanyang ina.Dinamayan nila pareho ang isa't-isa. Ang akala ng ina ay masama ang loob ng kambal sa kanila. Ngunit kabaliktaran iyon. Wala ni konting sama ng loob ang kambal. Bagkus ay nagpapasalamat ito sa kanila ng ina.Simula noon ay muli sila naging malapit sa isa't-isa ni Serenity. Pinaaral siya ng kambal sa kolehiyo at tinustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan. Tinanggihan niya noong una ang alok ng kambal ngunit sadyang mapilit ito.Isang sikat na modelo si Serenity. Nagkalat ang lahat ng imahe nito sa malalaking billboards sa bansa. Madalas ay itinatago niya ang mukha lalo na kapag sa mataong lugar. Madalas kasi ay napagkakamalan siyang siya ay ang kanyang kambal.“Baby you're my destiny!”Natawa siya. Hindi na niya kailangan lingunin pa ang mapanuksong tinig na iyon. Kumakanta nanaman ang kaibigan na si Andoy. Ganito talaga ito sa tuwing nakikita siya.Sa halip ay itinuwid niya ang titig sa unahan at nagpatuloy sa paglalakad tungo sa paradahan ng mga tricycle. Ngunit natigil siya sa paglalakad.Isang lalaki ang nakatayo sa kanyang unahan at titig na titig ito sa kanya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at matipuno ang lalaki, tila ito isang artista na madalas na makikita sa mga television dahil sa napakagwapo nitong mukhaMatangos ang ilong at may kakapalan ang mga kilay. Ang mga mga labi nito ay manipis at mapupula. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. Sa tantiya niya ay dalawang metro lang ang layo nito mula sa kanya dahil malinaw niyang nakikita ang mukha ito.“Serenity?” Bulalas ng lalaki.“No, no, no. Hindi siya si Serenity, siya ang aking Destiny!” Sansala ni Andoy, inakbayan siya nito sabay inagaw nito mula sa kanya ang bitbit na plastic na may laman na pinamiling mga gulay. “Akin na ‘to. Ihahatid na kita. Mahirap na baka bigla kang makidnap ng kung sino dyan dahil sa pag-aakala na ikaw si Serenity.”Makidnap? Yun din ang madalas na sinasabi sa kanya ng mga tiyahin. Ngunit hindi naman mukhang kidnaper ang mama na nasa kanyang harapan. Sobrang desente at gwapo nito para sa isang kidnaper. Hindi rin naman siguro siya nito kikidnapin sa mismong publikong lugar.Nakasakay na siya sa tricycle ni Andoy ngunit nakatitig parin siya sa lalaki. Inalis lang niya ang tingin sa lalaki ng tulutan itong nawala sa kanyang paningin. Bakit pakiramdam niya ay tila hindi siya nito napagkamalan bilang si Serenity? Bakit tila iba ang dating ng tono nang boses nito?“My, Destiny, wala kabang balak bumaba? Gusto mo bang sa bahay nalang kita dalhin? Siguradong matutuwa ang nanay ko sakali.”Napatingin siya sa paligid. Nasa tapat na nga pala siya ng kanilang bungalow na bahay. Hindi manlang niya namalayan na huminto na pala ang tricycle. Nakapagkit kasi sa isip niya ang mukha ng lalaki.Dumukot siya ng coins sa bulsa upang magbayad ng pamasahe. Ngunit mabilis na pinigilan ni Andoy ang kanyang kamay ng iabot niya rito ang apat na tig-singkong coins.“My Destiny, ilang beses ko ba sinabi sayo na ayaw kung tumatanggap ng kahit na sentimo mula sayo. Itabi mo nalang iyan para sa tiyahin mo. Makakatulong yan para sa pambili ni Aling Rosa ng gamot.”“Sige na Andoy, tanggapin mo na. Mahal ang gasolina ngayon.”“Ano ka ba? May kita na ako. Pauwi na nga ako ‘e. Sige na itabi mo na ‘yang bente pesos mo. Kung gusto mo talagang magbayad ng pamasahe e-kiss mo nalang ako.”“Asa ka!” Hinampas niya sa balikat si Andoy. Bitbit ang dalawang plastic na naglalaman ng pinamiling gulay ay bumaba siya ng tricycle.“Akin na yan. Ihahatid na kita sa loob ng bahay. Ayaw kung nagbubuhat ng mabibigat ang iyang makinis mong mga kamay.” Tatawa-tawang ani ni Andoy.Wala na siyang nagawa ng kunin sa kanya ni Andoy ang mga bitbit na plastic bag. Sanay na siya sa pagiging clingy ng kaibigan, lalo na sa mabulaklaking pananalita nito. Sino ba naman ang hindi masasanay kung simulat-sapul na dumating sila dito sa probinsya ay ito na ang naging kaibigan niya.“Ate, Tin-tin, may bisita ka.”Sinalubong siya ng batang pinsan na si Rizza. Anak ito ng bunsong kapatid ng kanyang ina.“Ate, Tin, binilhan mo ba ako ng amik?”“Oo. Nasa loob ng plastic bag. Sino ang sinasabi mong bisita?”“Hindi ko kilala. Mukhang masungit. Naroon sa loob ng bahay kausap ni Nanay,” nakanguso na tugon ni Rizza.“Andoy, salamat sa paghatid ha!”“Basta ikaw, my Destiny. Umulan man o umaraw, lagi akong nakahandang sunduin at ihatid ka saan man yan lupalop ng gensan.”Nailing siya at natawa. Kahit kailan talaga itong kaibigan niya. Minsan naiisip niyang may gusto talaga ito sa kanya ‘e. Kaya lang talagang simula pagkabata ay alam na niya ang ugali nito. Palabiro at hindi seryoso.“Akin na nga yang mga plastic bag kuya Andoy. Tigilan mo na ang pagtawag kay ate Tin ng my Destiny. Dahil sa iba naka destined si ate at hindi sayo.” sanasala ni Rizza.“Aray naman, Rizza. Sakit non ha! Ikaw talaga hindi ka marunong makisama. Bibilhin ko pa naman sana ang lahat ng tindang amik doon sa palengke para sayo. Kaya lang dahil sinaktan mo ang damdamin ko, kaya wag nalang.” Tugon ni Andoy. Napahawak pa ito sa dibdib na animoy nasasaktan talaga.“Totoo ang sinasabi ko kuya Andoy. Pinapasundo na ni ate Serenity si ate, Tin, dadalhin na siya sa Maynila. Kaya wala kanang pag-asa.”Ang ngiti sa kanyang labi ay biglang napawi. Maging si Andoy ay biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha at napatitig sa kanya. Titig na tila nagtatanong.“Rizza, anong pinagsasabi mo.” takang tanong niya.“Narinig ko ang pag-uusap ni nanay at nong masungit mong bisita.”Mabilis niyang tinalikuran si Rizza at Andoy. Halos takbuhin niya ang daan papasok sa loob ng bahay. Agad ang pagragasa ng kaba ng mapagsino ang tinutukoy ni Rizza na kanyang bisita.It was six, ngunit maliwanag pa rin ang buong paligid. Destiny was standing at the bedside while staring into the beautiful view in front of her. Tanaw mula sa bed ang buong gold coast, bughaw na bughaw ang karagatan at kulay kahel ang kapaligiran. Nakakamangha sa paningin ang tila octopus na hugis ng mga nakahilerang mini villa na tila nakalutang sa bughaw na dagat. The view was breathtakingly beautiful. “Beautiful!” Hindi mapigilang niyang sambit. “Indeed!” Mahinang sambit nang asawa niya. Marahan na humaplos ang palad nito sa kanyang magkabilang braso at pinatakan ng magaan na halik ang kanyang expose na balikat. Bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang buong katawan. Naipikit niya ang kanyang mga mata sabay itinagilid niya ang ulo upang bigyang laya ang labi nito sa paghalik sa kanya na ngayon ay gumagapang paakyat sa kanyang leeg tungo sa kanyang punong tenga. Isang marahas na pagsinghap ang kanyang ginawa ng maramdaman ang m
What if I never knew?What if I never found you?I never had this feelin' in my heart. How did this come to beI don’t know how you found meBut from the moment I saw you Deep inside my heart, I knewBaby, you're my Destiny.Mark 10 verses 8 and 9.And the two shall become one in flesh. So they are no longer two but one in flesh. Therefore, what God has joined together there is no one can separate.“The first time I laid my eyes on you twenty-two years ago, my young heart knew that it was you. It was you whom I wanted to spend my life with. That's why I fought for you, and did everything to have you!” Isang marahas na paghinga ang ginawa niya. Rinig na rinig ang marahas na paghinga niyang iyon sa loob ng simbahan dahil nakatuon ang mikropono malapit sa kanyang bibig. Everyone laughs. Destiny smiled and wiped her tears. “But fate played tricks on me, I fought for the wrong person, kneeled in the wrong person, and even wasted my tears on the wrong person. But gladly that that wrong
Mula sa di kalayuan ay nakangiti na nakatanaw si Red kay Andres at Destiny. Isang marahas na paghinga ang kanyang ginawa sabay tingala sa kalangitan.“Are you happy now, Buttercup? Natupad na ang gusto mo. I hope you are watching right now!” Isang marahas na muling paghinga ang kanyang ginawa, kapagkuwan ay sinenyasan niya ang waiter na may dalang alak. Lumapit ito sa kanya. Agad na kinuha niya mula sa bitbit nitong tray ang alak at marahas na tinungga.“Thank you!” Nakangiti niyang wika sa waiter sabay patong ng wala ng laman na kopita sa bitbit nitong tray pagkatapos ay tumungo sa kinaroroonan ng mga magulang.Humalik siya sa pisngi ng ina at tinapik sa balikat ang ama. “Mauna na ako, Ma, Pa. See you the day after tomorrow!”“Saan ka na naman pupunta ha?”“Somewhere, Ma. Don't worry about me, huh!” “Red—”“I'll go ahead ma!” Agad na pinutol niya ang pag-uusap sa ina. Alam niya naman kasi kung ano ang sasabihin nito sa kanya. “Take care, son!” Ang ama.“I will, Pa!”Nagpaalam muna
“Mama, Papa!” Mga munting tinig na iyon ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Bigla ay naitulak niya si Andres. Ngunit hindi ito natinag. Natawa lang ito ng mahina nang bitawan ng labi nito ang kanyang mga labi.Kung kanina ay uminit ang kanyang katawan dahil sa matinding pagnanasa ngayon ay iba na ang dahilan ng pag-iinit na iyon. Init ng pagkapahiya sa mga anak.Nakita kaya ng mga anak nila ang pagpisil nito sa kanyang pang-upo? God, uminit ang mukha niya. Wag naman sana makita ng mga anak ang ginawa nitong pagpisil sa pang-upo niya lalo na si Amaya, siguradong hindi siya tantanan nito ng tanong.“Naghahalikan na naman ba kayo?” si Amihan.“Lagi na lang kayo naghahalikan. Sabi ni lola bumaba na raw tayo. Mamaya na kasi kayo maghalikan mama. Gutom na po ako!” si Amaya na kung makapagsalita ay parang matanda.Pinandilatan niya si Andres na ngayon ay malapad ang pagkapuknit ng labi habang nakatitig sa kanya. Nag-eenjoy ang manyakis sa pamumula ng mukha niya at pagkapahiya.Lumuhod si An
Makalipas ang ilang linggo ay tuluyan ng nakauwi ng mansyon si Senyor Adriano maging ang anak na si Amihan kasama ang tatlong private nurse na mismong si Tita Luisa ang nag-hire at isang physical therapist. Sa halip na sa sariling bahay umuwi ay sa mansyon tumuloy sina Destiny dala ng pakiusap ni Senyora Edith at Senyor Adriano. Gusto ng Senyora at senyor na makasama ang mga bata sa iisang bahay nang matagal. Naging maingay nga sa loob ng mansyon dahil kay Amaya. “Nanay, maraming salamat po!” Niyakap ni Destiny ang tiyahin. Isa si Tiya Rina sa humubog ng pagkatao niya. Ang kanyang yumaong ina, si Tiya Rosa at Tiya Rina ang mga taong nag sakripisyo upang maitaguyod siya. They raised her with so much love. Pinalaki siyang may takot sa Diyos, may pag-unawa at respeto sa kapwa at higit sa lahat mapagkumbaba at mapagmahal. Mga pag-uugali na kanya ring ituturo sa kanyang mga anak. Niyakap niya ang tiyahin ng sobrang higpit at ang mga luha ay kusang kumawala. This past few days, naging
“Bakit wala?” takang sambit na tanong ni Destiny.Sa halip na sagutin ito ay hinila niya ito at mabilis ang mga paa na humakbang sa silid ng ama. Dumagundong ang puso niya at halos hindi siya makahinga. Nakailang hakbang lang sila ay nakita na niya ang nakabukas na silid ng ama. Tumigil siya. Hinarap niya si Destiny. He cupped her face with his trembling hand. “Babe, Tin. Whatever happens, isipin mo na lahat ay malalagpasan natin. Malalagpasan natin ng magkasama. Naintindihan mo ba ako?”“Andres!” mahina nitong usal. Nakaukit ang matinding pag-alala sa mukha nito. “M-May problema ba?”Sa halip na sagutin ito. Muli niyang hinawakan ito ng mariin sa palad at hinila tungo sa silid ng ama. Isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila na kapwa nagpapako sa kanila sa kanilang kinatatayuan.Amaya was feeding his father a grapefruit. Nakaupo sa bed ang kanyang ama at nakasandal sa headboard ng kama. Habang si Amihan naman ay nakaupo sa wheelchair at nakangiting nanood sa pagsubo ni