Share

CHAPTER 3: MEETING

IANNE’S POINT OF VIEW, 

‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’

‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’

‘Edi magtrabaho ka sa mga Aristotle, hiring ng bagong secretary ang anak ng may ari ng Aristotle Corporation.’

Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Rica sa akin kanina. Nandirito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga, wala si Mama dahil sinama siya ni Tita Eve sa farm nila upang makapag-relax at makalanghap ng sariwang hangin.

Doon daw muna matutulog si Mama ng isang linggo kaya naiwan akong mag-isa rito sa bahay.

Nagdadalawang isip pa ako sa sinabi ni Rica sa akin. Gusto kong makausap si Mr. Aristotle tungkol sa negosyo namin, kapag hindi siya pumayag sa iaalok ko ay wala na akong ibang option kung hindi magtrabaho bilang secretary ng kaniyang anak.

Bumangon ako at napahilamos ng kamay sa mukha, ang laki ng problemang iniwan ni Papa. Kailangan kong maging matatag para kay Mama, ako na lang ang makakapitan niya sa panahon ngayon. Muli akong humiga at pinikit ang mga ko.

Tutal ay Sabado buhay, buo na ang pasya ko, pupunta ako sa Aristotle Building bukas upang magmakaawa na ibalik ang negosyo namin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Hinanda ko na rin ang resume ko kung sakaling mahirap pakiusapan si Mr. Aristotle.

Pagkababa ko ng taxi ay sumalubong agad sa akin ang napakatayog na building na may pangalan na ‘Aristotle Corp’. Sadyang napakayaman ng mga Aristotle, kalat din ang mga negosyo nila sa iba’t ibang bansa.

Naglakad na ako patungo sa entrance ng building pero bigla akong hinarang ng guard.

“I.D sir?” tanong nito agad sa akin.

“Wala po akong I.D ng company pero nandirito po ako para mag-apply,” saad ko sabay pakita ng aking resume.

“Sige sir, maari ka ng pumasok. Dumiretso lang po kayo sa front desk at sila na po ang bahalang mag-assist sa inyo,” saad ni Manong Guard sa akin.

“Maraming salamat po,” sagot ko at tinanguan niya lang ako. Pumasok na ako sa loob at agad dumiretso sa front desk.

“How may I help you, sir?" nakangiting bungad sa akin ng babaeng nagngangalang Elise, base sa name tag niya.

“Mag-a-apply ako as secretary, pero bago iyon ay gusto kong makausap si Mr. Ymir Aristotle,” formal kong sagot sa kaniya.

“Do you have an appointment to Mr. Aristotle?”tanong niya sa akin.

“Wala pero maaari mo ba siyang tawagan? Pakisabi ay gusto siyang makausap ng anak ni Ryan Demillo. I’m Ianne Rain Demillo,” nakangiti kong saad sa kaniya. Alanganin pa siyang tumingin sa akin bago humawak sa telephone na nasa gilid ng computer niya.

“Mr. Aristotle, how are you? I'm Elise from the front desk. Someone wants to speak with you, sir; he doesn't have an appointment, but he claims to be Mr. Ryan Demillo's son. Ianne Rain Demillo is his name,” saad niya sa kabilang linya. Nakikinig lang ako sa kaniya kahit naiirita na ako sa paraan nang pagtingin niya sa akin, parang nanghuhusga.

“Okay, yes Mr. Aristotle. Thank you,” huling salita niya bago binaba ang telepono at bumaling sa akin.

“Dumiretso ka raw sa office niya sa 32th floor, sa pinakadulo roon mo matatagpuan ang office ni Mr. Aristotle.” Ngumiti siya sa akin na para bang napahiya.

“Okay, thank you!” sagot ko at dumiretso na sa elevator. Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi ng kasama niya.

“Ang gwapo naman niya.” Napailing na lang ako, hindi tayo talo girl. Lalaki rin ang hanap ko, hmp!

Pumasok na ako sa elevator, good thing at mag-isa lang ako rito sa loob.

Kinabahan ako dahil makakaharap ko ang may ari ng Aristotle Corporation. Naririnig ko lang nood ang mga balita tungkol sa kanila sa TV at kay Papa dahil minsan ay nababanggit niya sa amin na nagkakaroon sila ng magandang relasyon ni Mr. Aristotle sa trabaho. Magkakilala sila ni Papa dahil na rin sa kilala rin naman ang negosyo namin kahit papaano. 

Kaso nitong mga nakaraang buwan ay bumabagsak na ang kita ng buong negosyo namin hanggang sa nalugi ang negosyo namin. Mabuti na lang ay mas pinili kong mag-aral bilang scholar, kung hindi ay dagdag isipin pa kung saan kami kukuha ng pang-tuition ko kung sakali.

Naalala ko na nabanggit ni Rica na anak ni Mr. Aristotle ang naghahanap ng bagong secretary. Ayon din kay Rica na lalaki ito at kaisa-isang anak ni Mr. and Mrs. Aristotle. Hindi ko pa nakikita ang hitsura niya pero sa pagkakaalam ko ay gwapo raw ito at matalino. Masungit daw pero malambot ang puso niya sa mga bata, halos mga charity raw ang inaatupag niya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang elevator, nasa 32th floor na pala ako. Lumabas ako ng elevator at nagtungo sa pinakadulong bahagi— sa office ni Mr. Aristotle.

Agad tumayo ang babaeng nasa gilid ng pinto na sa tingin ko ay ang office ni Mr. Aristotle.

“Goodmorning sir, you are Ianne Rain Demillo, right?” formal niyang bungad sa akin habang nakangiti. Ngumiti ako at tumango sa kaniya.

“Please wait for a while sir,” saad niya sa akin at may pinindot sa intercom niya. 

“Sir, nandirito na po si Mr. Demillo,” saad niya sa intercom.

“Papasukin mo,” sagot sa kabilang linya. Bigla akong kinilabutan nang marinig ang boses ni Mr. Aristotle. Malalim at maawtoridad ang boses nito, halata mong nakakatakot itong kausapin. 

“Pwede na po kayong pumasok sir,” saad niya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

“Salamat.” Kahit kabado ay nagawa ko pa siyang pasalamatan. 

Hinga Ianne, kaya mo yan! Pagpapalakas ko sa loob ko.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akinang napakaaliwalas na office ni Mr. Aristotle. Purong itim lang ang makikita sa buong paligid at sobrang linis nito. 

Napaigtad ako nang biglang may tumikhim, pagtingin ko ay nakatingin na pala sa akin si Mr. Aristotle na nakaupo sa swivel chair niya. Medyo napahiya ako roon dahil masyado akong naaliw sa hitsura ng office niya.

“G-Good morning, Mr. Aristotle,” bati ko sa kaniya.

“Mr. Demillo, please have a seat. What is your purpose in coming? Have you been told by your father to come here and speak with me?” magiliw niyang tanong sa akin.

Sumunod ako sa sinabi niya at umupo sa upuan sa harapan ng mesa niya.

“No, sir. No one told me to come here,” kalmado kong sagot sa kaniya.

“Then why are you here?” muli niyang tanong.

“I’m here for La Ianelle Fashion,” diretso kong sagot sa kaniya. Nakita ko ang amusement sa mga mata niya.

“ Mr. Demillo, you surprise me. You're not the same as your father,” amuse niyang saad sa akin. 

Talagang magkaiba kami ng ama ko at hinding hindi ako gagaya sa kaniya.

“ I'd like to return our business to my mother; it's really essential to her.” Nakatingin ako sa mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Nakatitig lang din ito sa akin na tila sinusuri ang hitsura ko.

“Kamukhang kamukha mo ang iyong ina,” biglang usal niya.

“Pardon sir?” naguguluhan kong tanong. Tumikhim siya at napailing.

“ Mr. Demillo, I'm sorry, but your father has already sold your firm to me for one million pesos,” diretso niyang sagot sa akin na kinagulat ko.

One million? Ang laki naman yatang halaga noon at saka five hundred thousand lang ang sinabi sa amin ni Papa kaya saan niya dinala ang ganoon kalaking pera?

“You looked surprised, hindi ba iyon nabanggit sa inyo ni Ryan?” tanong niya sa akin.

“No, sir. Ang sabi niya sa amin ay five hundred thousand ang napagbentahan sa La Ianelle Fashion,” nakayuko kong sagot.

“That is weird, saan niya dinala ang kalahating milyon?” nagtataka niyang tanong.

“And one thing, iniwan niya kami pagkatapos niyang gastahin ang kalahating milyon na sinasabi niyang napagbentahan ng La Ianelle Fashion.” Nakayukom na ngayon ang mga kamao ko.

“That makes me sad. What a scumbag,” gulat niyang saad at saka may binulong na hindi ko naintindihan.

“Wala na po bang ibang paraan para maibalik ang negosyo namin sa Mama ko, Mr. Aristotle?” nagmamakaawa kong saad sa kaniya.

“Gusto kong maging totoo sa iyo, Ijo.” Nagbuntong-hininga pa siya bago ako titigan sa mga mata ko.

“Hindi lang negosyo ang binenta ng ama mo sa akin,” seryoso niyang saad.

“P-Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“I was about to call you, but you'd already shown up.” Muli itong napabuntong-hininga.

“Hindi ko po kayo maintindihan,” naguguluhan kong saad.

“Ayon sa kasunduan namin ng iyong ama ay hindi lang La Ianelle Fashion ang binebenta niya sa akin, kung hindi pati ang nag-iisa niyang anak na nagngangalang Ianne Raine Demillo. At ikaw iyon, Ijo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status