Share

CHAPTER 4: AGREEMENT

IANNE’S POINT OF VIEW, 

“Hindi lang negosyo ang binenta ng ama mo sa akin,” seryoso niyang saad.

“P-Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“I was about to contact you but you came here already.” Muli itong napabuntong-hininga.

“Hindi ko po kayo maintindihan,” naguguluhan kong saad.

“Ayon sa kasunduan namin ng iyong ama ay hindi lang La Ianelle Fashion ang binebenta niya sa akin, kung hindi pati ang nag-iisa niyang anak na nagngangalang Ianne Raine Demillo. At ikaw iyon, Ijo.”

Tila gumuho ang mundo ko nang marinig ang pahayag ni Mr. Aristotle. Nanlambot ang mga paa ko at nanghina ang katawan ko, mabuti na lang at nakaupo ako ngayon. Kasi kung nakatayo ako ay baka kanina pa ako tumumba.

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig.

“B-Baka ho nagkakamali lang kayo.” Pumiyok pa ang boses ko habang sinasabi iyon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status