แชร์

CHAPTER 199

ผู้เขียน: dyowanabi
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-11 23:40:51

Habang nagkakape sila ay madami silang napag-usapan ni Duncan. Madami itong kinukwento sa kanya. Tungkol sa pag-stay nito sa UK, ang mga kaso nitong nahawakan. Hindi sila nauubusan ng topic. Hindi boring kasama si Duncan.

"By the way, mamaya na din pala ang charity event na pupuntahan natin, ha."

"Huh? Oo nga! Wala pa pala akong maisusuot!"

"If you want, samahan kita ng shopping. Ako na bibili ng damit mo, total ako naman ang nang-abala sa'yo."

"Uh, no need. I mean, madami akong damit pero hindi ko pa alam kung ano ang isusuot. Mamimili pa ako sa closet ko."

"Hahaha, girls, girls, girls! Palagi n'yong sinasabi na wala kayong masuot pero ang totoo ay wala nang space ang closet n'yo sa dami ng damit n'yo."

"Hmp! Siyempre ganyan talaga. At bakit mo alam yan? Wala ka namang kapatid na babae."

"Ahm, gano'n din kasi ang girlfriend ko sa UK. Palagi kaming nagsho-shopping ng damit dahil wala na daw siyang damit... well in fact, punong-puno na ang closet niya."

Sandali siyang natahimik... may
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 200

    Pagpasok nya ay sakto namang naglalampungan ang mag-asawa sa kama. Hindi naman nakahubad ang mga ito, nag-tutukaan lang. Nagulat ang mga ito sa pagpasok niya."Crystal! Bakit hindi ka kumakatok?" galit na sigaw ng ate niya."Sorry, Ate... you can continue what you are doing with Kuya Theo... maghahanap lang ako ng damit dito sa closet mo, baka sakaling may magustuhan ako.""Saan ka ba pupunta at hindi ka mapakali ha?""May charity event kaming pupuntahan ni Duncan mamayang gabi. Wala pa akong maisusuot na damit at na-stress na ako!""Hmm... mukhang in love ang bunso n'yo, babe..." kantyaw ni Kuya Theo sa kanya."Hindi ah! Hindi ako in love. Siyempre I want to be presentable mamaya... alangan namang pucho-pucho lang ang damit ko.""Ano ba 'yan, Ate, wala akong nagustuhan sa mga damit mo!" inis na sabi niya habang inisa-isa ang naka hanger doon. "Sorry ha... closet ko kasi 'yan at hindi sa'yo..." inis ding sagot nito."Pumunta ka kaya sa kwarto ni Mom, baka may magustuhan ka doon. And

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 199

    Habang nagkakape sila ay madami silang napag-usapan ni Duncan. Madami itong kinukwento sa kanya. Tungkol sa pag-stay nito sa UK, ang mga kaso nitong nahawakan. Hindi sila nauubusan ng topic. Hindi boring kasama si Duncan."By the way, mamaya na din pala ang charity event na pupuntahan natin, ha.""Huh? Oo nga! Wala pa pala akong maisusuot!""If you want, samahan kita ng shopping. Ako na bibili ng damit mo, total ako naman ang nang-abala sa'yo.""Uh, no need. I mean, madami akong damit pero hindi ko pa alam kung ano ang isusuot. Mamimili pa ako sa closet ko.""Hahaha, girls, girls, girls! Palagi n'yong sinasabi na wala kayong masuot pero ang totoo ay wala nang space ang closet n'yo sa dami ng damit n'yo.""Hmp! Siyempre ganyan talaga. At bakit mo alam yan? Wala ka namang kapatid na babae.""Ahm, gano'n din kasi ang girlfriend ko sa UK. Palagi kaming nagsho-shopping ng damit dahil wala na daw siyang damit... well in fact, punong-puno na ang closet niya."Sandali siyang natahimik... may

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 198

    CRYSTAL'S POV:Kinabukasan, maaga siyang nagising kahit puyat siya kagabi. Hindi siya nakatulog, nakatingin lang siya sa message ni Duncan kahit maiksi lang ang pag-uusap nila. Hindi kasi siya makapaniwala na nag-message ang lalaki sa kanya at niyaya siya nitong mag-coffee.Naiinis siya sa sarili kasi hindi niya maipaliwanag kung bakit siya na-excite. Hindi naman niya ito type... di ba? Pero bakit parang may kakaibang kilig siyang naramdaman?Napatingin siya sa salamin habang nagsusuklay, nakaligo na siya, nagre-ready na siya sa cofee date nila ni Duncan.Bakit kaya siya in-invite ni Duncan? Baka naman kasi gusto lang siyang makausap at magkalap ng ibedensya tungkol sa nagkalat na picture nila?... That’s it. Nothing more.Pumunta siya sa closet para mamili ng maisusuot. Hindi niya alam kung bakit na-co-conscious siya. She wants to look good sa paningin ni Duncan. Kagabi ay pinuri nito ang suot niya. Gusto niyang purihin ulit siya nito kapag magkita sila.Namula siya sa mga naiisip...

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 197

    DUNCAN'S POV:Napakasaya niya sa gabing iyon, magkasama sila ng Daddy niya sa kotse pauwi sa kanilang bahay. Galing sila sa bahay nina Crystal at doon nag-dinner. Aaminin niya, nung una ay nagalit siya sa babae nang makita ang litrato nila na nakakalat sa social media. Napagbintangan niya si Crystal ang nagpakalat nun. Pero nang malaman niya kanina na hindi naman pala si Crystal ang may gawa ay sobrang saya niya. Sa katunayan ay pabor siya sa suwestyon ng Dad niya na umakto silang mag-jowa ni Crystal habang iniimbestigahan kung sino ang naninira sa kanya.Sa birthday party pa lang ni Asia ay nakuha na ni Crystal ang pansin niya. Gandang-ganda siya sa dalaga. At hindi siya makapaniwala na nobya na niya ito ngayon... just like that... ganoon lang kabilis. No sweat! Hahahaha!"Anong tinatawa-tawa mo diyan, anak?" tawag-pansin ng Daddy niya nang makitang nakangiti siya."Ahm, wala Dad...""Iniiisip mo ba si Crystal? Ang ganda niya di ba?"Muli siyang napangiti. "Yes Dad, ang ganda niya."

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 196

    "Bueno, dahil nagkasundo na tayo ay hayaan muna nating mag-usap ang mga bata. Tara sa dining, Mayor, at nagpahanda ako ng makakain natin. Dito na kayo mag-dinner." paanyaya ng daddy nya"Salamat, kumpadre... may mga gusto din akong sabihin sayo tungkol sa mga negosyo. Balak ko kasing mag-retire na sa pagpo-politika at magnenegosyo na lang. I am looking forward to have a business partnership with you.""Hahaha... that's a good decision, Mayor. You came to the right man!" Pagbibida ni Daddy niya sa sarili nito. Parang nagkakaintindihan ang dalawa.Nang umalis na ang lahat ay naiwan sila ni Duncan doon sa sala."You're so beautiful in that dress... I like it." Tiningnan niya ito ng masama pero sa kaibuturan niya ay kinikilig siya. Ngumiti kasi ito at lumabas ang malalim nitong dimple."Akala ko mabait ka. Katulad ka din pala ng ibang mga lalaki." Asik niya dito."I will prove to you na mabait ako. Wag mo akong ikumpara sa mga lalaking sinasabi mo.""Gagamitin mo lang ako sa political car

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 195

    Pababa pa lang siya ng hagdan ay nakita niyang madaming tao roon at nakaabang ang lahat sa pagbaba niya. Ang ikinagulat niya ay naroon si Mayor Ricardo Garcia... at isa pa niyang ikinagugulat ay ang walang hiyang si Andrei ay naroon din!Agad niyang binilisan ang pagbaba at sinugod si Andrei. "Walang hiya ka! Ano ang ginawa mo sa akin! Ano yung mga pinagkakalat mo na pictures!""What are you talking about! Wala akong kasalanan. Nandito kami para kasuhan ka sa paninirang puri mo sa akin!" galit na sabi ni Andrei."Ahahaha... ikaw pa ngayon ang nasira ang puri? Ikaw ba babae dito?""Crystal!" pasigaw na tawag-pansin ng daddy niya. "Where are your manners?.... At saka bakit ganyan ang suot mo? Magpalit ka doon. ‘Di mo ba nakikita may bisita tayo?" Bigla siyang nahiya sa suot niya. Pero bago umalis ay tiningnan niya muna nang masama si Andrei saka dali-daling bumalik sa kwarto niya para magbihis ng maayos na damit."Humanda sa akin ang lalaking ‘yon, nagdala ka pa ng mayor ha, ganyan ka b

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status